Share

Kabanata 198 Pera Ba Ang Mahal Mo O Ako

Naiilang na tiningnan ni Chloe si Lucas. “Ayos lang. Tatayo na lang ako.”

Nasa opisina sila ngayon at importante ang tamang decorum, lalo na pag may ibang tao.

Matalim ang tingin ni Joseph kay Lucas at agad naman naintindihan yun ni Lucas. “Aalis na ako,” Sabi niya.

Natahimik si Chloe. ‘Oh well, mukhang uupo na lang ako. Hindi naman ito ang unang pagkakataon. Iisipin ko na lang na libreng cushion ‘to.’

Nang maupo siya sa lap ni Joseph at ayusin ang kaniyang posisyon, may sumagi sa isipan niya. Lumingon siya kay Joseph at sinabing, “Siguraduhin mong hindi ako matutusok ng belt mo ngayon.”

Medyo namula ang gwapong mukha ni Joseph habang mahinang sumasagot, “Manahimik ka.”

Tinikom ni Chloe ang mga labi. Napansin niyang sa tuwing walang maisagot si Joseph, pinapatahimik na lang siya nito.

Pinindot ni Joseph ang mouse, at lumabas ang surveillance footage sa labas ng marketing department kagabi.

Mga bandang alad dies, dahan-dahang nagpunta si Ellie malapit sa department. Nagdala siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status