Year 2000:
Mag-aalasingko ng hapon ng makarating ako sa mansiyon ng mga Guevara. Naroon na rin ang lahat ng mga taong nakikiramay sa kanila. At dahil mayaman sila dito sa aming baryo ay dinayo ng maraming tao ang naganap na hindi inaaasahan sa pamilya ng kaibigang kong si Carla.
Si Carla, is my Best friend, ngunit lihim ko ring kaaway. Siya lang naman ang taong palagi kong kinaiinisan dahil sa maraming bagay. Nasa kanya na kasi ang lahat ng wala sa akin. Mabait na ama, masaya at mayamang pamilya. Pero ngayon tinatanong ko ang aking sarili, kung dapat pa ba siyang kainggitan? May dapat pa ba akong ikainis sa kanya. Alam ko naman na mabuti siyang tao. Kaya lang isang hindi maipaliwanag na galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko mula sa aking kaibuturan. At iyon ay inililihim ko lamang.
“Jessica! Wala na si Mama!” umiiyak na lumapit sa akin si Carla. Yumakap bigla, bagay na hindi ko matanggihang tanggapin at ibalik sa kanya.
“It’s okay Carla, ayos lang ang lahat, ganyan talaga ang buhay,” sambit ko sa kanya. At kahit na labas lamang sa ilong ang aking mga salita at pang-aalo ito ay hindi niya ramdam. Ganito kasi siya sa sobrang laki ng tiwala niya hindi niya alam na inaagaw ko na sa kanya ang mga bagay na dapat ay kanya.
Alaala:
Taong 1995 ng maganap ang aming high school graduation. Si Carla ang siyang nakatakdang mag-alay ng speech namin dahil lumamang siya ng dalawang puntos sa akin. Isang bagay na alam kong napaka-unfair. Hindi ako kumbinsido sa ginawang pagko-cumpute ng aming adviser. Alam kong ako dapat ang gagawa noon. Ngunit si Carla pa rin ang napili, alam kong ang tunay na dahilan ay maganda siya kaysa sa akin at mayaman ang kanyang pamilya. Na siyang tumulong sa akin upang makapasok rin sa pribadong paaralang iyon sa aming lugar.
Kaya naman ako si Jessica, nakaisip ng napakasamang paraan upang ako ang makapag salita sa harap ng marami. Nais kong patunayan sa lahat na ang maitim at kulot na tulad ko ay mas maraming kakayahan kaysa kanino man. Napupuno ako ng galit at sama ng loob sa mga taong umaalispusta sa akin dahil lamang sa kulay ko at antas ng buhay.
“Carla ikaw na pala mag-speach bukas ha,” magiliw kong sambit.
Tipid siyang ngumiti sa akin, “Oo nga eh, pero sinabi ko kay Ma’am na ikaw na lang sana,” sabi pa nito na pinalungkot ang mukha. Nasa kantin kami at kasama ang iba pa naming kaklase.
“Naku, okay lang ‘yon, lumamang ka naman sa ‘kin ng tatlong puntos eh,” napakalaking ngiti ang pinawalan ko sa kanilang lahat. At patuloy na nagpanggap na okay lang ang lahat.
“Talaga Best, hindi ka galit sa akin?” Yumakap pa ito sa ‘kin. Ako naman ay hindi inaalis ang pagkakangiti sa aking mga labi.
“Oo wala iyon, basta galingang mo sa speech mo bukas ha,” sabi ko pa. Sabay tapik sa kanya.
Tumango naman ito ng dalawang beses.
“Oy kumain na kayo,” sambit naman ni Josh sa amin.
“Oo nga,” segunda ni Avrile na isa ring kaibigan namin. Habang kumakain kaming lahat ay naroon lamang ang pagkain nila sa harap ng lamesa. Kaya naman ang plano kong gawin ay nagawa ko. Nilagyan ko ng pamurga ang softdrinks na iniinom ni Carla, ng hindi niya nalalaman. At bukas ay tiyak na hindi nito magagawa ang speech na dapat ay gagawin niya. Kung paano ko nagawa ng hindi nila nakikita ay iyon isang malaking lihim. Na akala ko ay ako lang ang nakakaalam.
Kinabukasan nang aming graduation, lahat ay naroon na ngunit wala pa ang aming valedictorian, at ako bilang ikalawa sa aming pinaka mataas na grado ang karapat-dapat na sumalo sa kanyang gagawing speech. Mabilis na lumapit sa akin si Mrs. Legaspi ang aming adviser. “Jessica, make you’re speech now, hindi na makakarating si Carla, na food poison siya kahapon noong sumama sa isang katulong nila at kumain sa isang turo-turo,” malungkot nitong sabi sa kanya.
She’s in the hospital right now. At nakiusap siyang Ikaw na ang mag-speech,” Dugtong pa ng aming guro.
Lihim akong napangiti,“kamusta naman po si Carla, Ma’am?” Kunwari kong tanong upang hindi nila mahalata ang lihim kong kasayahan.
“She’s okay, pero naka-confine na siya sa hospital for 2 days.” Tumalikod na si Ma’am matapos ipaalam sa amin ang naganap sa aming classmates na si Carla.
Nang matapos ang aming graduation ay masayang naglapitan ang aming mga ka-klase sa akin at bumati sa natapos kong speech. Bigla na lamang akong nilapitan ni Avrile.
“Jessica,”
“Bakit Avrile, congratulations nga pala, graduate na tayo ngayon, at magsisimula ng bagong pakikipaglaban,”sambit kong nakangiti pa sa kanya. Ngunit bigla na lamang itong nagsalita.
“Alam ko ang mga ginawa mo,” malungkot itong tumingin sa akin. At tumalikod upang umalis na. Hinabol ko siya upang ipaliwanag ang aking mga dahilan.
“Ikaw ang bahala kung magsusumbong ka, pero alam mo ba ang pakiramdam ng isang tulad kong laging inaapi, at isinasaisantabi.” Ngunit hindi na ako nilingon pa ni Avrile, bagamat alam ko namang hindi siya nagsalita kay Carla ng anumang bagay tungkol sa itinatago kong kasalanan.
KASALUKUYAN: 2000
Sunod ko namang nilapitan si Señor Delfin, alam kong nalulungkot ito dahil sa pagkamatay ng asawa nito. Dahil sa pangyayaring iyon ay nakaisip ako ng isang malaking plano, at iyon ay kung paanong pasasayahin ang ama ng aking matalik na kaibigan.
At iyon ay malapit ko nang isagawa. “S-Señor, magkape muna po kayo,” sambit ko sabay abot ng isang tasang kape. Bata pa naman sa paningin ko si Delfin kahit na nga alam kong doble ng idad nito ang edad ko at para ko na rin siyang ama ay hindi ko na iniisip iyon. Dahil napakalayo naman nito sa itsura ng basura kong ama. Ang aking ama ang pinaka walang k’wenta at masamang ama na nakilala ko. Wala siyang ginawa kundi mag-uwi ng mga babaeng bayaran sa bahay namin at palagi niyang pinahihirapan ang aking ina. Kaya naman ginawan ko nang paraan para itigil niya iyon.
Tutal ay lulong siya sa droga kaya naman ako na mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis, upang ng saganon ay hindi na siya makagawa ng masama pa sa aming pamilya. Ngayon ay nakakulong siya sa piitan at nagdurusa sa kanyang mga kasalanan.
“Señor huwag ka nang malungkot, ngayon ay nagpapahinga na si Senora Alicia, pwede na rin po kayong magpahinga,” sambit ko kay Señor Delfin. Ngunmiti lamang ito sa akin ng tipid at tinanggap ang tasa ng kape na iniaabot ko.
“Jessica, salamat at narito ka para sa aming mag-ama,” sambit pa nito sa akin. Isang bagay na ikinangiti ko.
“Wala iyon Sir, alam niyo naman pong matagal na kaming magkaibigan ng anak niyo. At isa pa napakalaki ng utang na loob ka sa’yo, kung hindi sa tulong niyo hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral.” Ngumiti lamang ito sa akin. Nakakita ako ng pagkakataon upang matabig ang kape niya, natapon iyon sa kanyang hita.
“Ay! Pasensiya na po Sir!,” mabilis kong nahawakan ang hita nito at tiangkang punasan iyon.
“Okay lang ‘yan Jessica,” ngunit nagpatuloy akong gawin iyon. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Carla kaya naman bahagya akong tumayo.
“Bakit Papa, anong nangyari?” tanong ni Carla ng makalapit ito sa’ min.
“Wala, wala naman ito anak, hindi naman niya ito sinasadya,”sambit ni Delfin sa anak.
“Sorry Carla, nakakahiya ang ginawa ko,” malungkot kong sambit kay Carla.
“Hayaan mo na, Papa magpalit na lang po kayo,” sambit nito sa ama niya. Tumayo naman ang lalaki at umalis na muna sa kanilang harapan. At nang makaalis na ito ay palihim ko itong simundan ng tingin. Lihim akong napapangiti dahil sa nagawa ko.
Six months later:Anim na buwan na ang nakakaraan ng mamatay ang ina ni Carla, at iyon lagi ang namamalagi sa isipan ko. Kung paano kong maagaw kay Carla, ang kayamanang tinatamasa nito. Masaya pa rin ito kahit na nawalan ng isang ina, paano ay hindi naman nito danas ang lahat ng hirap. Paano kaya kung makaranas na ito ng hirap, yung tipong walang kahit na anong bagay sa kanya? Masaya pa rin dahil nasa kanya pa rin ang kanyang mayamang ama. Paano kaya kung mawala na ang atensiyon sa kanya ng kanyang ama? Dahil sa may kinagigiliwan na itong ibang babae? Kinagabihan ay nagtungo ako sa opisina ni Delfin, lahat ay hindi na ako sinisita dahil sa kilala na akong matalik na kaibigan ni Carla, madalas kasi niya akong isama dito. Bumili ako ng mamahaling wine upang ibigay sa lalaki. “Sir nandiyan po sa labas si Miss Jessica,” sambit ng secretary nitong si Poula. Ngintian muna ako nito bago ako tuluyang pinapasok. “Oh, Jessica, bakit naparito ka? Hindi mo b
Nang makauwi ako sa apartment na tinutuluyan ko ay pagbibihis kaagad at pag-eempake ng mga gamit na dadalhin ko ang inatupag ko. Hindi pa alam ni Sir Delfin na ako ang makakasama niya papuntang Hongkong. Hindi ako nagsuot ng daring na damit, tulad noong pinuntahgan ko siya sa kanyang opisina. Iba na ang magiging atake ko ngayon, naisip ko lang na napaka-simple ng yumao nitong asawa, at ni minsan ay hindi nagawang mambabae nito. Kaya naman naisip ko na baka hilig nito ay iyong simpleng babae na tulad ng namatay na asawa. Kaya naman mas pinili ko iyong mga simpleng damit, at hindi daring ang datingan. Simple pero mukang elegante naman ang susuutin ko doon. At siyempre para sa aking mga make up ay ganun din. Hindi ako nagdala ng super pulang lipstick kundi yung ligth lamang. Matapo nga ng aking pag-aayos ay nagmamadali akong umalis patungong airport.Nang makarating ako doon nakita ko itong nakatayo roon at nakapamulsa. Matipuno at napakagwapo nito sa suot na amerkana. May d
Nang gabing iyon ay halos hindi ako napakali sa kaiisip, natapos na kaming kumain ng dinner, together with the client. Alam kong nakita rin niya at napansin ang mga tingin sa akin ng isa sa mga kliyente niya. Sinadya kong magsuot ng sexing midnight dress kanina upang mapukaw ko naman ang natatagong emosyon niya bilang lalaki. Alam kong napakadali lang naman gisingin ang pakiramdam na iyon, alam kong magagawa ko siyang akitin. At ang lahat ay magaganap sa loob lamang ng ilang araw.KINABUKASAN:Maaga akong nagising upang ipaghanda sana siya ng mga bagay na gagamitin niya sa unang lunch namin mamaya kasama ng mga new client naman na imi-meet niya. Nagulat siya nang makita niya ako sa loob ng kwarto niya. “Anong ginagwa mo dito?” gulat itong napabangon. Kitang-kita ko tuloy ang half naked body niya. Noon ko tuloy nalamang mabalahibo pala ang dibdib nito na animoy isang Español. Nakita kong namula ang mukha nito at naitakip ang kumot sa katawan nito.“Sorry Sir, naisip ko kasing baka hin
Bago kami bumalik sa hotel at maghiwa-hiwalay ay kinuha ni Mr. Cheng ang cellphone number ko. At lahat ng social media accounts ko. Mukhang hindi ako tatantanan nito. Bukas ay ibang investors naman ang kakatagpuin namin. At bukas daw ay kailangan ko nang mag-fanction as a secretary.“Sandali nga Miss Assuncion, pwede ba bukas wear a formal attire, hindi naman tayo namamasyal dito,” seryosong sambit ni Mr. Delfin Guevara. Tapos noon ay pumasok na ito sa kwarto niya. Ako naman ay napsimangot. First time akong tinawag nito sa aking apelido. Kahit noon pa na palagi akong dinadala ni Carla sa opisina nito ay Jessica lang ang itinatawag nito sa akin.“Humm, mukhang may nagbabago na sa pagtingin niya sa akin,” napapangiti kong sambit sa aking isipan. At sinansabi ko sa sarili ko na bukas ay makakahuli na ako sa bitag ko. Para sa akin ang paibigin ang isang lalaki ay singdali lamang ng paghuhubad ng isang sapatos. Kaya alam na alam ko kung saan patutungo ang mga ginagawa ko.-----------------
Hulog sa bitag, pain ang sariling kaligayahan at katawan upang masilo ang tunay na hinahangad! CHAPTER 6 Three months later: Lumipas nga ang tatlong buwan at ang mga nangyari sa amin ni Delfin ay hindi na niya nalimutan. Mula noon ay naging malalim na ang aming relasyon. Nang makabalik kami mula sa Hongkong, bumili ito ng isang condo unit para sa ‘kin. Kung saan malapit lang din iyon sa building ng aming opisina. “Hi, how are you, here?” Nakangiti niyang tanong sa akin ng dumating siya rito sa bahay ko ng gabing iyon. “Honey, kumusta?” Sabay yakap ko kaagad kay Delfin at halik sa mga labi nito. Mabilis din niya akong niyakap at gumanti sa aking paghalik. Lumalim pa iyon hanggang sa makarating kami sa aking kwarto at napahiga na niya ako. Sumandali akong tumigil sa paghalik sa kanya. “Why, hindi mo ba gusto ang ginagwa ko sa’ yo Jessica?” Tanong nito sa akin ng mapansing ibinaling ko ang aking tingin sa ibang bahagi. “Hanggang kailan pa ba ako maghihintay? Ganito ba tayo lagi? M
Huling-huli sa akto, at ang kasalanan ay natatatak na sa isipan ng isang tao. KABANATA 7Nang magbalik ako sa opisina ay ikinagulat ko na naroon pala si Carla. “O Carla nandito ka pala?” tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa opisina.“Nasaan si Papa? Galit ba siya sa akin dahil iniwan ko kayo kanina?”seryosong tanong ni Carla.“Um… I think hindi naman, masaya pa nga naming tinapos ang lunch eh, sayang daw kasi yung mga food. Alam mo naman ang Papa mo ayaw no’n ng nagsasayang ng pagkain.”“Ah ganon ba? Okay lang pala si Papa kahit ikaw lang ang kasama niya. Alam mo parang nagbago na si Papa sa akin, simula ng mamatay si Mama, si Papa nawalan na ng time sa ‘kin, parang nakalimutan na niyang may anak pa siya!” Umiiyak na na nadakot nito ang suot na palda ng bistida. At mahigpit na nakuyumos iyon.“Don’t say that Carla, unawain mo na lang si Sir Delfin, alam mo lalaki kasi ang Papa mo, maybe may pangangailangan siya na hindi ikaw ang makapagbibigay,” sabi niya habang lihim na nangi
Ang relasyong nalamatan hindi na kailanman maibabalik sa dati, at ang tiwalang nawala ay hindi na kayang muling ibigay, ito ba ang nararapat para sa kanya? KABANATA 8 One month later:Isang family meeting ang aming dadaluhan ni Delfin. Sa bandang huli ay walang nagawa si Carla, sa kagustuhan ng kanyang ama. Pilit na sinusuyo ni Delfin si Carla, ngunit hindi naman niya ako magawang bitiwan lalo pa nga at alam na ni Carla na may nangyari na sa amin ng ama niya. At nahihiya man si Delfin sa mga nangyari ay kailangan na niyang panindigan anumang naganap sa amin. “Are you happy?” mapaklang tanong ni Carla sa akin habang nasa loob na kami pareho ng sasakyan. Hindi pa nakasakay si Delfin dahil may kinuha pa sa kanyang kwarto. “Are you happy for seducing my Papa and yet nakuha mo ang gusto mo!” Ngumiti na lamang ako kay Carla bago ko ito sagutin, “Diba sabi mo dati mahal mo ako?” Napa-cross arms pa ako at nakatitig sa kanya habang sinisipat kung hanggang saan ang kayang ititig nito sa aki
Simula ng mga nakataling kasalanan…. KABANATA 9 Three months later: Simula ng ikinasal kami ay sa mansiyon na 'ko ng mga Guevara tumira. At siyempre buhay reyna ang turing sa akin ng lahat ng mga naroon. Minsan lang ay naiinis ako, dahil dumadalaw roon ang inay ko, at humihingi ng tulong kay Delfin, na mabigyan ng maayos na abogado, ang asawa niyang hindi naman naging ama sa aming lahat. At kahit kailan ay hindi ko na gusto pang tulungan na makalaya ang lalaking iyon. "Honey, alam mo gusto kong tulungan ang Itay mo," sambit sa akin ni Delfin habang nasa harap kami ng hapagkainan. "Bakit pa? Isang malaking kalokohan iyang sinasabi mo Delfin, kung magpapalaya ka lang ng isang kriminal sana lahat ng masasama palayain mo na lang," sagot ko sa kanya na ipinakita sa aking expression ang galit. Nakatingin lang noon si Carla, at nakikinig sa usapan. "Pero Honey, alam mo awang-awa naman ako sa Inay mo." Hinagod pang lahat ni Delfin ang natitirang kanin sa pinggan nito sa pamamagitan ng h