Share

KABANATA 3

Nang makauwi ako sa apartment na tinutuluyan ko ay pagbibihis kaagad at pag-eempake ng mga gamit na dadalhin ko ang inatupag ko. Hindi pa alam ni Sir Delfin na ako ang makakasama niya papuntang Hongkong.

             Hindi ako nagsuot ng daring na damit, tulad noong pinuntahgan ko siya sa kanyang opisina. Iba na ang magiging atake ko ngayon, naisip ko lang na napaka-simple ng yumao nitong asawa, at ni minsan ay hindi nagawang mambabae nito. Kaya naman naisip ko na baka hilig nito ay iyong simpleng babae na tulad ng namatay na asawa. Kaya naman mas pinili ko iyong mga simpleng damit, at hindi daring ang datingan. Simple pero mukang elegante naman ang susuutin ko doon. At siyempre para sa aking mga make up ay ganun din. Hindi ako nagdala ng super pulang lipstick kundi yung ligth lamang. Matapo nga ng aking pag-aayos ay nagmamadali akong umalis patungong airport.

Nang makarating ako doon nakita ko itong nakatayo roon at nakapamulsa. Matipuno at napakagwapo nito sa suot na amerkana. May dala itong isang maleta na nakalapag sa tabi nito. “Sir!” humahangos pa ako ng tawagin ko ito.

“J-Jessica?” Nakakunot ang noo nito na nasambit ang pangalan ko.

“Y-yes, Sir!” sagot ko naman na tinamisan pa ang pagkakangiti.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong na naman nito.

“Ako hong makakasama niyo sa Hongkong,” sambit ko uli. Napailing na lamang ito sa akin at napipilitang ngumiti. Ilang sandali pa at nasa loob na kami ng first class pa na upuan sa loob ng eroplano. “Hi, Sir okay lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya.

“Y-yeah, I’m alrigth, sanay naman ako sa ganitong biyahe, ikaw ba?”

“Naku! Sir ito po ang first time ko, alam niyo namang marami kaming magkakapatid at ang lahat kong s’weldo ay sa kanila napupunta.”

“Ah. Ganon ba? Mabuti at may passport ka na,” tanong nito na hindi naman nakakahalata sa mga plano ko sa kanya. One week ang aming biyahe kaya naman nakatatak na sa aking isipan na mayroon akong isang linggo upang makuha sa mga kamay ko ang lalaking ito. At pagnangyari iyon ay isusunod ko na si Carla na alisin sa buhay namin. Dahil hindi ko siya maaring maging kahati sa anumang kayaman na makukuha ko sa kanilang pamilya.

_______________________

Nasa Hongkong na kami sa loob lamang ng ilang oras, at siyempre umiral naman ang pagiging natural na gentleman nito sa akin. Sa isang mamahaling hotel ito nag-book ng two rooms at ipinagtapat na niya ang aming mga kwarto. Isang bagay na lubos kong ikinatutuwa. Ngayon ay hindi maaring walang maganap sa amin. Mabuti pang ihanda ko na ang sarili ko dahil kinakilangan kong ibigay ang lahat para sa planong ito. Kahit pa nga ang sarili kong katawan ay ibibigay ko na maging matagumpay lang aking mga plano. Patawarin nawa ako ng Diyos, kahit na alam kong malaking kaparusahan ang naghihintay para sa akin balang araw.

Ngunit hindi ko na muna iisipin iyon. Dahil ang mahalag sa akin ngayon ay makuha ang nais kong makuha. “Okay,  tayo na, ito ang susi ng kwarto mo.” Sabay abot nito ng susi ko.

Marahan kong kinuha ang susi at tipid lang akong ngumiti. Nagulat ako ng muli itong pumihit pabalik sa counter at may kinuha muli roon. At saka muling lumakad. “Jessica, see you later at 7pm sa lobby ng hotel, sabay na tayong mag-dinner together with our client,” sambit nito sa akin na seryoso lang. Alam kong may isang bagay siyang iniiwasang makita sa akin. At iyon ay mga tingin ko sa kanya na nang-aakit.

“Okay Sir, thanks.” Tipid kong ngiti sa kanya sabay talikod na rin. Sinadya kong hindi sumabay sa kanya sa elevator.

Ngunit nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko upang makasakay na rin sa elevator na sasakyan niya. Lihim akong napapangiti ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Alam kong tumatalab na sa kanya ang pananahimik ko. Noon pa may ay madalas ko na siyang makasalamuha. Mabuti na lang ay never ko siyang tinawag na Tito or Uncle bilang paggalang. I treat him like an ordinary man.

Marahil ay nasanay ako dahil halos kaidaran niya ang lahat ng nanligaw sa akin. Alam ko nang ang itsura kong ito ay pansinin ng mga old man na tulad niya. At ikinatutuwa ko naman iyon dahil alam ko na karamihan sa kanila ay mayayaman. Ano bang mapapala ko sa mga lalaking ka-edad ko lamang kung wala naman silang pera na ipangbubuhay sa akin. And, isa pa alam ko ring ang mga tulad nila ang makapagbibigay sa akin ng satisfaction in terms of love. Sa kung anong dahilan iyon ang hindi ko alam.

“Bakit balak mo bang sumakay sa ibang elevator eh magkasama tayo at magkaharap lang ang mga room natin?” tanong nito sa akin sa seryosong tinig. Malaki ang boses nito at napakalamig sa tainga.

“No, Sir…I-“

“Iniisip mo bang naiilang ako sa iyo?” tanong nito muli sa akin. Napatingala naman ako sa kanya at tinitigan ko muna siya sa kanyang mga mata.

“Hindi nga ba?”

“Hindi,” mabilis niyang sagot sa akin. At muli ay sumeryoso at tumingin na sa pintuan ng elevator. Bumukas ang pintuan at may ilang mga foreigner din ang pumasok doon. Napansin ko na ang pagtingin-tingin sa akin ng isang Chino na nakasabay namin. Pinilit kong magpanggap na walang nakikita. Nagulat na lang ako ng bigla akong makaramdam ng mga kamay na humahwak sa hita ko. Nagpanggap akong walang nararamdaman noong una ngunit hindi ko na talaga matatagalan pang tiisin kaya naman ng tangka ko nang hahawakan ang mga kamay ng lalaki ay laking gulat ko ng biglang suntukin ni Sir Delfin ang lalaking iyon. Sa isang iglap ay bumukas ang pintuan ng elevator at bumanda ang lalaki sa labas noon. Nagulantang ang lahat, “How dare you to that!” sambit ng lalaking Chinese.

“You bastard! What do you think to my Secretary?” galit na tanong ni Sir Delfin sa lalaking Chino. Duguan ang bibig nitong tumayo at masama ang tingin na umalis na lang. Ako naman ay biglang hinawakan nito sa aking palapulsuhan at medyo mabilis na hinila palabas na ng elevator. Habang naglalakad kami papunta sa mga rooms namin ay napapihit ito sa akin, “Pwede ba next time huwag mong patatagalin na may nangbabastos sa iyo, sana nagsalita ka kaagad sa’kin. Paano kung hindi ko napansin?”

“S-sorry Sir,” napayuko lang ako upang ipakita na hindi ko rin gusto iyon at nagpapasalamat ako. Napatingala na lang ako ng makita ko siyang nagbukas na ng silid niya at pumasok sa loob ng kanyang room. Ako naman ay naiwan lang na nakangiti. Pakiramdam ko ay hawak ko na ang tagumpay sa aking mga kamay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status