Simula ng mga nakataling kasalanan…. KABANATA 9 Three months later: Simula ng ikinasal kami ay sa mansiyon na 'ko ng mga Guevara tumira. At siyempre buhay reyna ang turing sa akin ng lahat ng mga naroon. Minsan lang ay naiinis ako, dahil dumadalaw roon ang inay ko, at humihingi ng tulong kay Delfin, na mabigyan ng maayos na abogado, ang asawa niyang hindi naman naging ama sa aming lahat. At kahit kailan ay hindi ko na gusto pang tulungan na makalaya ang lalaking iyon. "Honey, alam mo gusto kong tulungan ang Itay mo," sambit sa akin ni Delfin habang nasa harap kami ng hapagkainan. "Bakit pa? Isang malaking kalokohan iyang sinasabi mo Delfin, kung magpapalaya ka lang ng isang kriminal sana lahat ng masasama palayain mo na lang," sagot ko sa kanya na ipinakita sa aking expression ang galit. Nakatingin lang noon si Carla, at nakikinig sa usapan. "Pero Honey, alam mo awang-awa naman ako sa Inay mo." Hinagod pang lahat ni Delfin ang natitirang kanin sa pinggan nito sa pamamagitan ng h
Mas bumibigat na mga kasalanan, hindi na kayang pigilan, patuloy na mababaon sa mga lihim na pagnanasa ng isipan.KABANATA 10One year later: Mahigpit kong nahawakan ang pregnancy test kit. Ilang ulit akong paikot-ikot sa loob ng aming banyo. Ayoko muna sana itong mangyari sa akin, hindi pa ako handa, at hindi ko pa nagagawa ang mga dapat kong gawin. At ang isa sa mga tunay na dahilan, hindi ko naman talaga mahal si Delfin.Ano na ngayon ang mangyayari nito sa akin? Makakaya ko bang ituloy ang batang ito na nasa sinapupunan ko? O maari rin namang magamit ko ito para maging matibay ang kapit ko sa kayamanan ng mga Guevara.At ang kailangan ko lang naman ay dispatsahin si Carla. “Sweetie, ano na? Hindi ka pa ba lalabas diyan?” tanong ni Delfine habang excited na malaman ang resulta. Matagal na nitong nais na magbuntis ako, kaya lang ay iniinuman ko iyon ng pills ng lingid sa kaalaman niya. Ngunit nakalimot ako at nagmintis, kaya ito, natupad ang nais ng matandang iyon. Hindi ko nais na
“Kasinungalingan at pagpapanggap, kaya nitong sirain ang iyong buhay!” KABANATA 11 Mahigit isang linggo na rin na hindi nagkikibuan ang mag-ama, kahit na sumasabay naman si carla sa agahan sa amin sa araw-araw. Bago ito pumasok sa opisina, matapos ang ingkwentro nilang mag-ama ay lalo pang naging malamig ang kanilang relasyon bilang mag-ama. Ako naman ay kunwaring tahimik lamang, lalo na ngyong okay na sa akin ang kalagayan ko. Simula kasi ng malaman ni Delfin na buntis ako ay medyo nag-lilo na rin ito sa sex. Mabuti na lang, blessing in disguise rin pala ang batang ito sa akin. Pero, sorry na lang, hindi ko pa rin ito maaring ituloy. Mas malaking responsibilidad kasi ang ibibigay nito sa akin. At ayokong matulad siya sa akin, na balang araw ay sabihin din niya sa akin na sana ay hindi na lang siya ipinanganak sa mundo. Ang hirap, ang hirap ng ganito. Kaya patawarin mo na lang ako anak, pero hindi kita maaring buhayin. Magiging impyerno lang ang buhay mo rito sa mundong ito. Alas-
Buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran? Ganyan nga kaya ang panungkulan ng May Kapal? KABANATA 12 2 MONTHS LATER: Medyo malaki na ang tiyan ko, at ang paglaki ng balakang ko at unti-unti kong pagtaba ang siyang nagbibigay sa akin ng matinding prutration. Ewan ko ba kung bakit ko nararamdaman ang mga ganitong bagay, pero ayoko nito. Dalawang buwan na mahigit ang lumilipas at unti-unting lumalaki ang batang ito sa sinapupunan ko. Nakita ko si Carla, masayang nakikipag-usap sa mga katulong ng mansiyon, at alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila. Alam ko dahil ilang beses ko na silang narinig at nahuli. Mabilis akong lumapit sa mga ito, nasa kusina sila, si aling Mildred na taga-luto, at si Mila, na katulong lang din doon ang mga kausap niya. “Anong pinag-uusapan niyo? Ako na naman ba?” taas ang kilay kong tanong sa kanila. Nakita kong nangamutla ang kanilang mga mukha sa takot. “Jessica, ano bang pinagsasabi mo?” nakakunot ang noong tanong ni Carla. Napabuga naman ako ng
Isang meserableng buhay sana ang kanya nang makikita, sa mundong ito na puno ng pagkakasala….KABANATA 13Jessica’s POV:A week later: Matapos ang ilang operasyon sa akin, ilang linggo rin ang lumipas, nagising akong wala na ang anak ko, wala na ang sanggol na kinaiinisan ko, sa aking sinapupunan. Alam kong dapat na maging masaya ako, pero ano itong nararamdaman ko, bakit ako nakakaramdam ng matinding kalungkutan?Malakas akong napasigaw. At sa sobrang galit, ay naihagis ko ang lahat ng mga nakalagay sa lamesitang nasa tabi lang ng kama ko, naka-comfine pa rin ako sa hospital.“Jessica! Plaese calm down!” narinig ko ang boses ni Carla. Naroon na naman ito, pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa amin ay naroon na naman ito. Nagpapanggap na mabait.“Jessica, huminahon ka muna,” sabi pa nitong muli.“Huminahon? Paano ako hihinahon? Pinatay mo ang anak ko! Masama ka! Pinatay mo siya!” malakas kong paratang sa kanya. Gusto kong isipin niya sa sarili niya na masama siya. Walang kapatawaran
Simula ng panibagong kasalanan, dagdag sa listahan! KABANATA 14 Unti-unti kong nalanghapa ang hininga nito. Lumalapit iyon sa mukha ko, hindi na ako nagulat ng dumampi sa labi ko ang labi niya. At noong una ay parang nag-aalangan pa itong halikan ako, pero dala marahil ng kalasingan ko kaya ang katawan ko ay tila nag-iingit na rin. Ako lang naman ang lasing, at alam kong alam niya ang ginagawa niya. Alam kong mali ang gagawin kong ito, dahil may asawa na ako, pero sino bang nagsabing kailangan kong maging tapat, sa asawa kong kahit kailan ay hindi ko naman minahal. Oo, hindi ko siya mahal, at hindi ko siya mamahalin kahit kailan. Ang totoo ay nandidiri ako sa bawat niyang halik, nasusuka ako sa lahat ng ginagawa niya sa akin. Pero para sa mga walang kwenta kong hangarin, wala na akong magagawa kundi sanayin ang sarili ko, at pag-aralang mawalan ng pakiramdam sa bawat oras na kasama ko siya. Marahil ay ang katawang lupa ko lang ang talaang tumutugon sa mga ginagawa namin bilang
Ang kasalanan ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang buhay, at mas nagbibigay ito ng ibayong kamandag, hanggang sa malubog ang kiyong sarili.KABANATA 15Makalipas ng tatlong buwan pa ay sinabi na nga sa akin ni Delfin ang pag-uwi ni Carla, pero hindi ko akalaing may mas malaking rebelasyon pa ang ikagugulat ko sa sasabihin ni Delfin. He was so happy and felling contented ng sabihin sa kin na: "Honey, Carla is near to be married," malaki ang pagkakangiti nito habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin."What? Anong sinasabi mo?" napapamaang kong tanong."Yes! She was engaged, finally may mag-aalaga na rin sa anak ko, and I think the man is very responsible," sabi pa nito. At nagulat pa ako nang bigla na lang umangkla sa 'kin ang dalawang kamay nito mula sa aking likuran."Honey, are you sure? Nakilala mo na ba 'yung lalaki?""No, why? Are you worried for her?" napapakunot ang noo ni Delfin."Ha? Aba, o-oo naman, b-bakit ang akala mo ba ay galit pa rin ak
Ang kasalanan ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang buhay, at mas nagbibigay ito ng ibayong kamandag, hanggang sa malubog ang kiyong sarili.KABANATA 15Makalipas ng tatlong buwan pa ay sinabi na nga sa akin ni Delfin ang pag-uwi ni Carla, pero hindi ko akalaing may mas malaking rebelasyon pa ang ikagugulat ko sa sasabihin ni Delfin. He was so happy and felling contented ng sabihin sa kin na: "Honey, Carla is near to be married," malaki ang pagkakangiti nito habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin."What? Anong sinasabi mo?" napapamaang kong tanong."Yes! She was engaged, finally may mag-aalaga na rin sa anak ko, and I think the man is very responsible," sabi pa nito. At nagulat pa ako nang bigla na lang umangkla sa 'kin ang dalawang kamay nito mula sa aking likuran."Honey, are you sure? Nakilala mo na ba 'yung lalaki?""No, why? Are you worried for her?" napapakunot ang noo ni Delfin."Ha? Aba, o-oo naman, b-bakit ang akala mo ba ay galit pa rin ak