Sa di malirip na kadiliman, hindi ko rin masilip ang kaliwanagan, hindi ko makita ang aking kahahantungan, sa aking mga walang saysay na pagpapagal, hindi ko makita ang daan ng aking mga landasing tinatahak!KABANATA 17Six months later:Nasa harap ako ng building ng kumpanya ni Delfin, naisipan kong magtungo roon upang mabisita ito, at makita ko na rin ang loob ng gusaling dati ko na ring pinapasukan noon. Isang gusaling wala manlang akong naging kaibigan. Simula kasi ng malaman ng mga empleyado na ako ang napang-asawa ng kanilang amo, wala nang kumibo sa akin, at lahat ay pinag-uusapan na ako. Well, wala naman akong pakialam. Alam kong hindi ko mahahawakan ang isipan ng lahat ng mga tao, at bawat isa ay maysarili namang bahong itinatago. Bawat tao ay maysariling kasamaan sa kanilang mga puso. Nagtatago at pinipigilan nilang ilabas. Kaya okay lang sa akin.Ang mahalaga sa akin ay matalo ko ang isang kalabang ninanais kong matalo. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay may nakabangga nam
Alaala ng kahapong kasalanan, nagbabalik sa kasalukuyan, ano kaya ang pupuntahan sa kinabukasan?KABANATA 18Matapos ang aming pananghalian ay sabay nang nagbalik si Delfin at Carla sa opisina. Samantalang pinakiusapan naman ni Delfin si Lhyeon na ipagmaneho muna ako gamit ang sasakyan niya. Kay Carla na lamang raw siya sasabay pabalik sa building. At ibabalik naman nito ang sasakyan sa opisina para may magamit siya pag-uwi mamaya. “Okay lang ako Honey, no need na ipahatid mo pa ako,” kimi kong sambit. Upang hindi naman nila isiping nag-iinarte lang ako. Umarte kasi ako kanina na sumakit ang paa ko dahil sa nadulas ako.“No, pwede kang ihatid ni Lhyeon, okay lang naman ba Carla?” baling nito sa kanyan anak.“O, yeah! Why not, sige na Babe, hintayin na lang kita mamaya sa opisina,” tugon ni Carla. Sumakay na ito sa sariling sasakyan, at sinundan naman ng kanyang ama.Nagkatinginan lamang kami ni Lhyeon, nang sabay na nawala sa paningin namin ang mag-ama. Si Lhyeon ay ipinagbukas pa ako
Hanggang saan kaya ako dadalhin ng mga lihim kong pagnanasa? Hanggang saan ako lulunurin ng mga hangarin kong malalim? Hanggang saan?KABANATA 19 Lumipas pa ang tatlong buwan, ang mga tagpong iyon sa amin ni Lhyeon ay nasundan pa ng nasundan. Ang bagay na pilit kong iniiwasan ay parating nagaganap sa aming dalawa. Ano nga ba ang gagawin ko? Ako ‘y isang babaeng babad, at sadlak na sa putik. Nasa putik na ako, pero hindi na ako makakaahon pang muli rito.“Lhyeon, bukas na ang kasal niyo ni Carla, bakit nandito pa tayo?” tanong ko sa kanya habang magkatabi kaming nakahiga sa kanyang kama. Doon sa dati niyang apartment na kami lang ang nakakaalam. Sa lugar na una naming ginawa ang mga pagkakasalang iyon. Ewan ko pero tila parte na yata ng mga kasinungalingan ko ang relasyong iyon. Hindi ko na naiwasan pang hindi mahulog kay Lhyeon. Mahal, hindi ko alam kung mahal ko ba siya? Basta ang alam ko, masaya talaga ako kapag kasama ko siya, pakiramdam ko, buo ang paggiging babae ko, isang bagay
Gaano nga kaya, kayang pantayan ng tunay na pag-ibig ang isipang mapaghangad, at hayok na pagkaingit? KABANATA 20 Nang matapos ang kasalan, hindi na nahintay ng bagong kasal ang matapos ang kainan sa reception, agad na umalis patungong Hongkong ang dalawa upang doon ganapin ang kanilang honeymoon. Ako naman ay mabigat ang dibdib at hindi mapakali. Iniisip ko si Lhyeon, inisip ko kung anong klaseng pagsisiping ang gagawin niya sa bago niyang asawa? Gaya rin ba ng mga ginagawa niya sa ‘kin? Gaya rin kaya ng mga pagromansang naranasan ko sa kanya. Kaligayahan na nadama ko habang kasiping ko siya? Parang puputok ang utak ko. Kaya nahawakan ko ang ulo ko, napasabunot ako ng mariin sa buhok ko na halos mabunot na lahat ito sa anit. Ramdam ko ang sakit sa puso ko, at ang bigat dito sa dibdib ko, ang isiping nagpapaligaya siya ng iba, maliban sa akin, o kay sakit pala. Pero kasalanan ko naman ang lahat ng ito, kung bakit ito nararanasan, iyon ay dahil sa walang k’wenta kong
Isang utos na mahirap sundin, ngunit para sa’yo ay aking gagawin, kahit masadlak pa sa apoy ng kasalanan.KABANATA 21Sa nalaman ko kay Carla, nakadama ako ng kaunting awa, awa na nauwi sa salitang “mabuti nga”, isang salitang nakapagbibigay sa akin ng satisfaction. Iyon siguro ang isa sa mga nakikita kong katagumpanyan ko. Isang malungkot na bahagi na naman ng buhay niya ngayon ang nagawa kong gawin. Siyempre ako naman talaga ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Lhyeon. Pero hindi ko sinabi sa kanyang huwag niyang gawin ang bagay na iyon kay Carla. Gusto ko ngang ankinin niya ito. Kunin niya ng buong-buo. Para kapag dumating na iyong time na magkaalaman na kami, wala nang matitira pa sa kanya.Gusto kong lumuha siya ng matindi, gusto ko mabuhay siya sa lungkot ng mga alaala nilang dalawa, lalo na kapag tuluyan na siyang iniwan ni Lhyeon.“Lhyeon! Ano itong nabalitaan ko?” galit kong tanong sa kanya. Nasa may pasilyo kami, nakasalubong ko siya nang papasok na ako sa aming silid.“Ano
Isang kasalanang dulot ng kabiguan, daragdagan ng isa pang kasalanan, masunod ka lamang.KABANATA 22Mag-aalas-dos ng madaling araw nang magising akong may humahaplos sa ‘kin. Napamulat ako, hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa loob ng banyo. At ngayon ay hawak niya ako sa kanyang kandungan habang nakaupo sa nakatakip na bowl, kap’wa kami walang saplot.Ang isang kamay niya ay masuyong humahaplos sa isang dibdib ko, habang masuyo niyang hinahalikan ang leeg ko. Halik na tila gutom na gutom at sabik na sabik sa isang pagkain ang kanyang paghalik. Puno ng pagsuyo, at iyo ay nagbibigay sa akin ng ibayong sarap sa pakiramdam.Hindi ko akalaing narito kami ngayon sa tagpong ito ni Lhyeon. Hindi ko akalaing na matapos niyang saktan ang damdamin ko ay narito siya upang paghilumin ang sugatan kong puso. “Hindi kita matiis!” sambit nito habang marahang minasahe ang dalawang dibdib ko. Iniayos niya ang ng posisyon. Ngayon ay nakaupo na rin ako sa kanyang kanduangan. Nakabuka ang mga hita
Kasalanan ang isang hadlang upang ang tao ay mabuhay na masaya. At ang galit na sanhi ng inggit ay hindi na kailanman magwawakas!KABANATA 23Jessica’s POV: Hindi ko alam ngunit mainit ang ulo ni Delfin ng makauwi na ito sa mansiyon. Medyo matagal itong nawala, noong nakaraang buwan kasi ay nagtungo na naman ito sa probinsiya ng Samar, natagalan ito roon at kababalik lamang kaninang umaga, “Honey, kumusta naman ang lakad mo? Ang tagal mo ro’n ha?” wala sa loob na nakumusta ko siya. Nakaupo ako sa harap ng isang neo classical dressing table kung saan mayroong malaking salamin, nakikita ko roon ang mahaba kong buhok habang sinusuklay ko ito. Walang kibong umupo si Delfin sa gilid ng kama namin. Marahan niyang hinubad ang sapatos niya at tinanggal ang mga medyas na suot niya. “Ikaw kumusta ka rito sa mansiyon?” malamig na tinig nitong tanong sa akin. Tumayo siya at saka naghubad naman ng suot na suit. Ibinagsak nito ang suit sa ibabaw ng kama. Na
Walang lihim na hindi nabubunyag, walang kasalanang walang kaparusahan, kamatayan ang kabayaran ng mga kasalanan!KABANATA 243rd person POV:Nang umalis si Delfin sa mansiyon ay naglagi ito sa Villa niya sa laguna. Naroon lamang ito at nag-iisip-isip ng mga bagay na gagawin nito sa mga natuklasan. Nagkukuyos ang damdamin nito dahil sa sobrang pagkapahiya na nagawa siyang lokohin ni Jessica. Isang hampas lupang babae, na dinamitan lang niya at pinulot buhat sa basura.Oo, inaamin niyang siya ang nakauna sa dalaga noong unang makuha niya ito. Na siyang nagpahanga sa kanya pero hindi sapat, para lokohin siya, at gawing tanga sa napakatagal na panahon, ng kanyang buhay na kasama ito. Marami siyang isinakripisyo masunod lamang ang mga luho at mga layaw nito.Halos paikutin na nito ang buhay nilang mag-ama sa mga palad nito. Ngunit hindi manlang niya natunugan o nahulaan ang mga kalokohang kayang gawin nito sa kanya. Kaya ngayon ay umupa siya ng magaling na private investigator, para lang