Nang gabing iyon ay halos hindi ako napakali sa kaiisip, natapos na kaming kumain ng dinner, together with the client. Alam kong nakita rin niya at napansin ang mga tingin sa akin ng isa sa mga kliyente niya. Sinadya kong magsuot ng sexing midnight dress kanina upang mapukaw ko naman ang natatagong emosyon niya bilang lalaki. Alam kong napakadali lang naman gisingin ang pakiramdam na iyon, alam kong magagawa ko siyang akitin. At ang lahat ay magaganap sa loob lamang ng ilang araw.
KINABUKASAN:
Maaga akong nagising upang ipaghanda sana siya ng mga bagay na gagamitin niya sa unang lunch namin mamaya kasama ng mga new client naman na imi-meet niya. Nagulat siya nang makita niya ako sa loob ng kwarto niya. “Anong ginagwa mo dito?” gulat itong napabangon. Kitang-kita ko tuloy ang half naked body niya. Noon ko tuloy nalamang mabalahibo pala ang dibdib nito na animoy isang Español. Nakita kong namula ang mukha nito at naitakip ang kumot sa katawan nito.
“Sorry Sir, naisip ko kasing baka hindi mo pa naire-ready ang mga susuutin mo mamaya. Alam kong may amats ka pa, kaya eto,” sambit ko sabay kibit ng balikat. Habang inilalapag ko sa table ang mga pagkaing inorder ko na bago pa siya magising.
“Look, Jessica, hindi kita pinasama rito para gawin mo ang mga bagay na ito.” Tumayo ito at isinuot ang bath robe na ako rin naman ang nag-abot sa kanya.
“Alam ko naman iyon, pero diba kaya nga ako sumama rito to help you, so paano pala kita matutulungan?” sambit ko na pinalambing ang tinig ko.
“Paano kang nakapasok rito?”
“O, talagang may amats kapa, binigay niyo po sa akin kagabi ang susi niyo,” sambit ko kahit ang totoo noon ay kusa ko iyong kinuha sa kanyang bulsa.
“Ha? Ibinigay ko sa iyo?”
“Yes! Lasing kana kagabi ako ang naghatid sa iyo rito, magpasalamat ka pa nga dahil hindi ako natulog dito at sinamantala ang kalasingan mo, opps…” bigla ko pang natakpan ang bibig ko dahil nakapag salita ako ng isang bagay na alam kong hindi niya magugustuhan, kahit pa nga alam kong maiisip niya na inaakit ko siya. Pero iyon naman talaga ang totoo, ang mahulog siya sa bitag ko ang siyang nais ko.
“Watch out your toung! Ang salita mong nanggaling sa kalye huwag mong dalin dito pwede?” sambit nito sa akin nakapamaywang pa. Umupo na ito at kumilos upang kumain. Ako naman ay nagkunwaring napahiya at nagtatampo. Lumakad akong papalapit sa pintuan. “Where are you going?” tanong nito sa akin.
“I’m going to my room, I think wala na akong kailangan pang gawin rito,” sambit ko na sadyang pinalungkot ko ang boses ko upang malaman niya na nagtampo ako at napahiya sa mga sinabi niya.
“Come, and sitdown, kumain ka na rito dahil ang dami nitong in-order mo, hindi naman bayawak ang tiyan ko para maubos ko ang lahat ng ito, at isa pa alam mo naman na ayokong nag-aaksaya ng biyaya.” Utos nito sa akin. Ako naman ay nakasimangot na lumapit at sumandok ng pagkain. Habang kumakain kami ay hindi ako kumikibo kaya siguro minabuti na rin niyang huwag magsalita during our meal time. Nang matapos akong kumain ay natapos rin siya.
“Mamaya may lunch tayo-“
“Together with the client,” sambit kong bigla dahilan upang hindi niya matapos ang mga sasabihin.
Tumango naman siya at nagsalitang muli, “Yes, but I hope ayos nang mukha mo, lets try to be sivil sa harap nila, okay ba?” tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko sa kanya.
“Bakit hindi ba tayo sibil?” Naiirita kong sambit sa kanya. Pero alam kong way niya lang iyon upang ipadama sa akin na hindi niya gusto ang ginagwa kong pangsi-siduce sa kanya. “Wala ka nang magagawa pa Mr. Delfin Guevara. You’re apple of my eye ….” pilya kong sambit sa aking isipan.
Saktong alas-diyes ng umaga nang bumaba kami sa lobby at sumakay sa isang luxury car ng hotel. Iyon na raw ang maghahatid sa amin sa restaourant na pagkikitaan namin ng mga clients. Napakagandang lugar naman talaga ng City of Victoria kaya naman naaliw akong inilibot ang paningin ko sa buong lugar. At naiisip ko na kapag mag-asawa na kami ni Delfin ay hindi lang itong lugar na ito ang mapupuntahan ko. Marami pang iba. At lahat ng mamahaling alak sa mundo ay malalasap ko na. Lihim akong napangiti at nahagip din ng sulok ng mga mata ko ang panaka-nakang pagsulyap sa akin ni Mr. Guevara.
“Mukhang naaaliw ka sa paligid,” hindi nito napigilang sambit sa akin.
Marahan naman akong napatango sa kanya at tipid na ngumiti. “Yes this is my first time….”
“Really? Hindi ba marami kang naging boyfriend na mayayaman? Hindi ka ba nila ipinasyal sa mga lugar na ganito?” pasimleng tanong nito sa akin na hindi ko alam kung sarcastic o nagtatanong lang talaga. Ngumiwi na lang ako sa kanya at hindi sinagot ang tanong nito. Medyo nainsulto kasi ako. Parang mayroon siyang ibig ipakahulugan. Mukhang naghahamon ang lokong ito sa akin.
Ilang minuto pa at nasa loob na kami ng restaurant, napakamahal sa restaurant na iyon, halatang hindi biro at pipitsugin ang mga client na imi-meet namin.
“Oh, Mr. Guevara, I’m so sad, because I did not give you my moral support about the most lonely time in your life, I apologize because we didn’t come.” Malungkot pang yumakap ang isa sa mga matandang client kay Mr. Guevara. Ako naman ay nasa likod niya at tipid na nakangiti.
“Who is she? Is your new partner?” Inusenteng tanong ng matandang investor kay Sir Delfin.
“Ah, no! No!” sambit nito kaagad. “She my temporary secretary,” dugtong pa nito sa mga kausap. Ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Ang kulang na lang ay mag-walk out ako sa harap ng mga ito. Kaya naman tahimik na lang ako habang nagmi-meeting sila. Masaya naman ang mga ito habang tinatingnan din ako.
“Look she’s so pretty, I wish I have a secretary like her,” papuri nito habang itinuturo pa ako. Kung ang mga ito ay puro papuri ang naririnig ko, kay Delfin naman ay wala akong nahitang compliment. Well it's okay alam ko naman kung saan at kailan ko siya aatakihin. Para siyang dagang na-corner ng isang malaking ahas. Natawa na lamang ako sa isiping iyon. At ng mapatingin ako sa gawi nila ay nakita kong kumindat sa akin ang isa sa mga investors.
“Are you hungry? Do you want anything?” tanong nito sa akin at hindi pa ito nakuntento ay lumipat ito ng upuan at tinabihan ako.
“No thanks, all of this is enough,” tipid kong sagot at sinamahan din ng tipid na ngiti. Tumango-tango ito sa akin. Ngunit maya maya ay muli itong bumaling sa akin habang ang iba ay abala sakanilang pinag-uusapan.
“Am, Jessica right?”
“Y-Yes Sir,” sagot kong muli sa lalaki.
“Do you have a boyfriend right now? Oh, I’m so sorry for if I’m asking you,” sambit pa nito. Natawa naman ako sa lalaki. Kung titingnan ko siya ay may itsura din naman ito. Nahahawig ito kay Jacky Chan. Kung mahilig lang ako sa mga Chinito ay okay na sana. Kaya lang wala sa kanila ang nais ko. Na kay Delfin. Dahil ang nais ko ay maagaw kay Carla ang lahat. Ang lahat-lahat. Isang fact na hindi ko magawang itanggi sa sarili ko.
Bago kami bumalik sa hotel at maghiwa-hiwalay ay kinuha ni Mr. Cheng ang cellphone number ko. At lahat ng social media accounts ko. Mukhang hindi ako tatantanan nito. Bukas ay ibang investors naman ang kakatagpuin namin. At bukas daw ay kailangan ko nang mag-fanction as a secretary.“Sandali nga Miss Assuncion, pwede ba bukas wear a formal attire, hindi naman tayo namamasyal dito,” seryosong sambit ni Mr. Delfin Guevara. Tapos noon ay pumasok na ito sa kwarto niya. Ako naman ay napsimangot. First time akong tinawag nito sa aking apelido. Kahit noon pa na palagi akong dinadala ni Carla sa opisina nito ay Jessica lang ang itinatawag nito sa akin.“Humm, mukhang may nagbabago na sa pagtingin niya sa akin,” napapangiti kong sambit sa aking isipan. At sinansabi ko sa sarili ko na bukas ay makakahuli na ako sa bitag ko. Para sa akin ang paibigin ang isang lalaki ay singdali lamang ng paghuhubad ng isang sapatos. Kaya alam na alam ko kung saan patutungo ang mga ginagawa ko.-----------------
Hulog sa bitag, pain ang sariling kaligayahan at katawan upang masilo ang tunay na hinahangad! CHAPTER 6 Three months later: Lumipas nga ang tatlong buwan at ang mga nangyari sa amin ni Delfin ay hindi na niya nalimutan. Mula noon ay naging malalim na ang aming relasyon. Nang makabalik kami mula sa Hongkong, bumili ito ng isang condo unit para sa ‘kin. Kung saan malapit lang din iyon sa building ng aming opisina. “Hi, how are you, here?” Nakangiti niyang tanong sa akin ng dumating siya rito sa bahay ko ng gabing iyon. “Honey, kumusta?” Sabay yakap ko kaagad kay Delfin at halik sa mga labi nito. Mabilis din niya akong niyakap at gumanti sa aking paghalik. Lumalim pa iyon hanggang sa makarating kami sa aking kwarto at napahiga na niya ako. Sumandali akong tumigil sa paghalik sa kanya. “Why, hindi mo ba gusto ang ginagwa ko sa’ yo Jessica?” Tanong nito sa akin ng mapansing ibinaling ko ang aking tingin sa ibang bahagi. “Hanggang kailan pa ba ako maghihintay? Ganito ba tayo lagi? M
Huling-huli sa akto, at ang kasalanan ay natatatak na sa isipan ng isang tao. KABANATA 7Nang magbalik ako sa opisina ay ikinagulat ko na naroon pala si Carla. “O Carla nandito ka pala?” tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa opisina.“Nasaan si Papa? Galit ba siya sa akin dahil iniwan ko kayo kanina?”seryosong tanong ni Carla.“Um… I think hindi naman, masaya pa nga naming tinapos ang lunch eh, sayang daw kasi yung mga food. Alam mo naman ang Papa mo ayaw no’n ng nagsasayang ng pagkain.”“Ah ganon ba? Okay lang pala si Papa kahit ikaw lang ang kasama niya. Alam mo parang nagbago na si Papa sa akin, simula ng mamatay si Mama, si Papa nawalan na ng time sa ‘kin, parang nakalimutan na niyang may anak pa siya!” Umiiyak na na nadakot nito ang suot na palda ng bistida. At mahigpit na nakuyumos iyon.“Don’t say that Carla, unawain mo na lang si Sir Delfin, alam mo lalaki kasi ang Papa mo, maybe may pangangailangan siya na hindi ikaw ang makapagbibigay,” sabi niya habang lihim na nangi
Ang relasyong nalamatan hindi na kailanman maibabalik sa dati, at ang tiwalang nawala ay hindi na kayang muling ibigay, ito ba ang nararapat para sa kanya? KABANATA 8 One month later:Isang family meeting ang aming dadaluhan ni Delfin. Sa bandang huli ay walang nagawa si Carla, sa kagustuhan ng kanyang ama. Pilit na sinusuyo ni Delfin si Carla, ngunit hindi naman niya ako magawang bitiwan lalo pa nga at alam na ni Carla na may nangyari na sa amin ng ama niya. At nahihiya man si Delfin sa mga nangyari ay kailangan na niyang panindigan anumang naganap sa amin. “Are you happy?” mapaklang tanong ni Carla sa akin habang nasa loob na kami pareho ng sasakyan. Hindi pa nakasakay si Delfin dahil may kinuha pa sa kanyang kwarto. “Are you happy for seducing my Papa and yet nakuha mo ang gusto mo!” Ngumiti na lamang ako kay Carla bago ko ito sagutin, “Diba sabi mo dati mahal mo ako?” Napa-cross arms pa ako at nakatitig sa kanya habang sinisipat kung hanggang saan ang kayang ititig nito sa aki
Simula ng mga nakataling kasalanan…. KABANATA 9 Three months later: Simula ng ikinasal kami ay sa mansiyon na 'ko ng mga Guevara tumira. At siyempre buhay reyna ang turing sa akin ng lahat ng mga naroon. Minsan lang ay naiinis ako, dahil dumadalaw roon ang inay ko, at humihingi ng tulong kay Delfin, na mabigyan ng maayos na abogado, ang asawa niyang hindi naman naging ama sa aming lahat. At kahit kailan ay hindi ko na gusto pang tulungan na makalaya ang lalaking iyon. "Honey, alam mo gusto kong tulungan ang Itay mo," sambit sa akin ni Delfin habang nasa harap kami ng hapagkainan. "Bakit pa? Isang malaking kalokohan iyang sinasabi mo Delfin, kung magpapalaya ka lang ng isang kriminal sana lahat ng masasama palayain mo na lang," sagot ko sa kanya na ipinakita sa aking expression ang galit. Nakatingin lang noon si Carla, at nakikinig sa usapan. "Pero Honey, alam mo awang-awa naman ako sa Inay mo." Hinagod pang lahat ni Delfin ang natitirang kanin sa pinggan nito sa pamamagitan ng h
Mas bumibigat na mga kasalanan, hindi na kayang pigilan, patuloy na mababaon sa mga lihim na pagnanasa ng isipan.KABANATA 10One year later: Mahigpit kong nahawakan ang pregnancy test kit. Ilang ulit akong paikot-ikot sa loob ng aming banyo. Ayoko muna sana itong mangyari sa akin, hindi pa ako handa, at hindi ko pa nagagawa ang mga dapat kong gawin. At ang isa sa mga tunay na dahilan, hindi ko naman talaga mahal si Delfin.Ano na ngayon ang mangyayari nito sa akin? Makakaya ko bang ituloy ang batang ito na nasa sinapupunan ko? O maari rin namang magamit ko ito para maging matibay ang kapit ko sa kayamanan ng mga Guevara.At ang kailangan ko lang naman ay dispatsahin si Carla. “Sweetie, ano na? Hindi ka pa ba lalabas diyan?” tanong ni Delfine habang excited na malaman ang resulta. Matagal na nitong nais na magbuntis ako, kaya lang ay iniinuman ko iyon ng pills ng lingid sa kaalaman niya. Ngunit nakalimot ako at nagmintis, kaya ito, natupad ang nais ng matandang iyon. Hindi ko nais na
“Kasinungalingan at pagpapanggap, kaya nitong sirain ang iyong buhay!” KABANATA 11 Mahigit isang linggo na rin na hindi nagkikibuan ang mag-ama, kahit na sumasabay naman si carla sa agahan sa amin sa araw-araw. Bago ito pumasok sa opisina, matapos ang ingkwentro nilang mag-ama ay lalo pang naging malamig ang kanilang relasyon bilang mag-ama. Ako naman ay kunwaring tahimik lamang, lalo na ngyong okay na sa akin ang kalagayan ko. Simula kasi ng malaman ni Delfin na buntis ako ay medyo nag-lilo na rin ito sa sex. Mabuti na lang, blessing in disguise rin pala ang batang ito sa akin. Pero, sorry na lang, hindi ko pa rin ito maaring ituloy. Mas malaking responsibilidad kasi ang ibibigay nito sa akin. At ayokong matulad siya sa akin, na balang araw ay sabihin din niya sa akin na sana ay hindi na lang siya ipinanganak sa mundo. Ang hirap, ang hirap ng ganito. Kaya patawarin mo na lang ako anak, pero hindi kita maaring buhayin. Magiging impyerno lang ang buhay mo rito sa mundong ito. Alas-
Buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran? Ganyan nga kaya ang panungkulan ng May Kapal? KABANATA 12 2 MONTHS LATER: Medyo malaki na ang tiyan ko, at ang paglaki ng balakang ko at unti-unti kong pagtaba ang siyang nagbibigay sa akin ng matinding prutration. Ewan ko ba kung bakit ko nararamdaman ang mga ganitong bagay, pero ayoko nito. Dalawang buwan na mahigit ang lumilipas at unti-unting lumalaki ang batang ito sa sinapupunan ko. Nakita ko si Carla, masayang nakikipag-usap sa mga katulong ng mansiyon, at alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila. Alam ko dahil ilang beses ko na silang narinig at nahuli. Mabilis akong lumapit sa mga ito, nasa kusina sila, si aling Mildred na taga-luto, at si Mila, na katulong lang din doon ang mga kausap niya. “Anong pinag-uusapan niyo? Ako na naman ba?” taas ang kilay kong tanong sa kanila. Nakita kong nangamutla ang kanilang mga mukha sa takot. “Jessica, ano bang pinagsasabi mo?” nakakunot ang noong tanong ni Carla. Napabuga naman ako ng