Share

Epilogue

Author: Grace Ayana
last update Huling Na-update: 2021-11-23 04:12:09
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?”

Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya.

“Shhh…almost there, Love.”

Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver.

Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Grace Ayana

Maraming salamat at nakaabot kayo sa bahaging ito ng nobela. Lovelots!

| 8
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (61)
goodnovel comment avatar
Grace Ayana
Maraming salamat din, Ma'am.
goodnovel comment avatar
Alma Constantino
Thank you sa magagandang stories n'yo Ms.Grace, worth sila lahat basahin......
goodnovel comment avatar
Goyie Estanislao
Ganda ng mga story mo miss G.A yung unwanted mo na c Noah at Alina 3 beses ko na inuulit. c Alex kaya at kaibigan ni Noah may story din ba.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • In Love With My Ex-Bestfriend   Excerpt

    “Hindi ka dapat minamahal. Nakakasuka ka. Nakakasakal. I regret the day na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. I hate you, Van. I hate you so much that I could strangle you right now."Sunud-sunod na suntok sa dingding ang pinakawalan ni Chad na para bang mukha ni Vanessa ang nais nitong patamaan. Hindi niya napigil ang pagtulo ng mga luha. Chad had always been gentle with her, ngayon ay para itong liyon na nakahandang manlapa. Hindi niya ito masisisi. May nagawa siyang mabigat na kasalanan.“Go home hanggang kaya ko pang kantiin ang galit ko, habang naalala ko pa na minsan ay naging magkaibigan tayo.”Naging. Past tense.Bakit pa kasi siya nagpadala sa bugso ng damdamin? Sana itinago na lang niya hanggang hukay ang lahat. Things would have been better. Tama si Chad. Napaka-selfish niya at nararapat siyang maparusahan. If only she had the power to undo what happened.Naramdaman na lang niya ang pagluwag ng espasyo sa pagitan nila ni Chad. Hanggang sa laylay ang mga balikat na naglakad

    Huling Na-update : 2021-05-03
  • In Love With My Ex-Bestfriend   Prologue

    Konti na lang at malapit nang mabuo ang imahe ng babaeng kinopya ni Van mula sa isa sa mga larawang nasa photo gallery ng cellhpone na nakapatong sa maliit na mesita sa gilid niya. Tingin. Marka. Tingin. Marka. Bawat detalye, metikulosa niyang kinokopya. Ang pagtata-tattoo ang isang bagay na masasabing magaling siya kaya pinagbubutihan niya. Isa, dalawa, tatlo pang tarak ng mga karayom. Viola! Another masterpiece had been created. Buhay na buhay niyang na-capture ang magandang mukha ni ‘Dear Michelle’ sa outer layer ng balat ng kustomer na si Brando. “Tapos na ba?” Simula kanina nang magsimula ang tattoo painting ay mahigpit nitong hawak ang armrest ng recliner na kinahihigaan nito. Kay laki-laki ng katawan, takot pala sa karayom. Halos maluha-luha pa ito kanina nang magsimula ang session nila. Kung bakit ba naman kasi nagpadala sa pressure at buong mukha pa ng kasintahan nito ang pinagaya sa kanya. Mabuti sana ku

    Huling Na-update : 2021-05-03
  • In Love With My Ex-Bestfriend   1

    Hardcore music. Loud noises. Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo, perfume at human scent. Nakakaliyo din ang ilaw na nagmumula sa LED board sa pinaka-stage ng venue. Chaotic. ‘Yon ang tamang deskripsyon sa paligid. Sa gitna ng mga nagsasayawang kabataan na sumasabay sa pinatutugtog na hardcore OPM rock ay hinanahap ni Van ang pamilyar na gwapong mukhang iyon. Napangiti siya nang matagpuan ang pigurang hinahanap. Her Chad. All smiles itong nakatingin sa gawi niya at kumakaway pa. Kapag nakikita niya ang matamis na ngiti ng kababata ay hindi mapigilang lumukso ang kanyang puso. Mas lumalabas kasi ang angking kagwapuhan ni Chad. Kaya naman maraming kababaihan ang nahuhumaling dito. Gaya na lang ngayon, ang daming nagpapa-charming sa binata. Lalo pa at ang galing nito sa pagtugtog ng bass guitar. Ang may kahabaan nitong buhok na tumatabing sa mukha nito ay mas nakakadagdag ng appeal nito habang sumasabay sa bawat nitong galaw. Standing at 6’1” with a body that can keep women drooling

    Huling Na-update : 2021-05-03
  • In Love With My Ex-Bestfriend   2

    2 Hatinggabi na nang makalabas sila ni Chad sa venue. Imbes na sumama pa ito sa mga ka-banda ay humindi ito. Marahil, mag-iinuman na naman sa kung saan man. Minsan, naiisip niya kung gaano ka-unhealthy ang lifestyle ng mga ito. Sumusugod sa puyatan at hindi naiiwasan ang alak. Pasalamat na nga lang siya at may disiplina sa sarili ang kaibigan niya. Kahit papaano ay nahahawa ang mga kasamahan. “Van and I have other plans.” “Other plans? Ano ‘yan, parang magtsi-check in lang sa motel?” Alam man niyang biro lang ang sinabing iyon ng kabanda nito na si Derek ay naasiwa siya. Kung ‘di lang sana madilim, nakita na ng mga ito na pinamulahan siya ng mukha base sa pag-iinit ng sulok ng kanyang pisngi. Mabuti na lang at medyo madilim sa parteng kinaroroonan nila. “Huwag ninyo namang ganyanin si Van at baka mainlab ‘yan nang tukuyan kay Chad. Mamaya niyan iiyak ang tsikababe nito.” Pinag-tripan na naman siya ng mga walanghiya. Ang ganitong mga jokes ay madalas na lang niyang sinasakyan kahi

    Huling Na-update : 2021-05-03
  • In Love With My Ex-Bestfriend   3

    What the hell was that? Napapailing na lumulan si Chad sa motorsiklo at pinaandar ang makina. Alchohol got the better of him at sa isang iglap ay nag-iiba ang tingin niya kay Van. Napatingin siya sa daliring ipinampahid sa dumi ng bibig nito kanina. God knows how much he felt different habang dumadantay iyon sa malambot nitong labi. It was so soft na tila kay sarap kuyumusin ng h***k lalo pa nang nakaawang lang itong nakatingala sa kanya. Namumungay ang mga mata nito. Malayo sa lagi na ay astig na kaibigang laging kasa-kasama. Hinihintay ba nitong hah***kan niya ito? Ridiculous! What an insane thought. It was an incestuous ide. Si Van ay parang nakababatang kapatid na niya at kinukunsdirerang younger brother. Ano man ang kakatwang pumasok sa utak niya ay kailangan niyang alisin. Natatawang ipinilig niya ang kanyang ulo at tinawag na ito na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kinaroroonan nila kanina. “Hey, halika na.” Tumalima ito. Sumampa s

    Huling Na-update : 2021-05-03
  • In Love With My Ex-Bestfriend   4

    Araw ng Sabado. Magkasama sila ni Chad sa Dutdutan Tattoo Festival sa World Trade Center sa Pasay. Best of the bests sa tattoo art ang nagtipon-tipon para sa dalawang araw na kaganapan. May exhibition at contest na nagaganap kaakibat sa pagta-tattoo. "Bakit hindi ka sumali diyan?" Inginuso ni Chad ang isang sulok kung saan nagaganap ang paligsahan ng mga professional inkers. Mula pa sa iba-ibang sulok ng bansa at Asia ang mga naturang tattoo enthusiasts. "Eh, ‘di, hindi ko na-enjoy ang panonood," sagot niyang nagkibit-balikat. Nasa venue rin si Chad, kasama ang banda nito sa tumugtog kanina para sa maikling opening program. Bands and tattooing, they just clicked. "It's nice to be a spectator kaya. Less stress, walang hassle, walang kaba." Kumukuhasiya ng mga bagong ideas at techniques na pwede niyang magamit sa shop. Nakasali na siya dati at ayaw niyang nakikipag-compete.Imbes kasi n Ca maging maganda ang obra niya, nanginig siya ng

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • In Love With My Ex-Bestfriend   5

    Van, punta ka ng maaga sa bar, ha. We’ll spend the whole day at the bar today. Ang ganda ng gising ni Van na unang-unang tumambad sa kanya ang text message ni Chad. Napapangiti siya nang wala sa oras.Kaagad siyang bumangon at ilang sandali munang nakatitig sa screen ng cellphone bago binaklas ang nakatabing na gray blanket sa katawan. Inilapag niya sa bedside table ang phone at mabilis ang mga kilos na inayos ang higaan. Aligaga ang mga kilos niya. “Ano ba 'yan!” May pakagat-kagat sa labi pa siyang nalalaman. Mukha siyang tanga sa inasal. “Hayst, Vanessa!” Matapos ayusin ang kama ay agaran siyang pumanhik ng banyo at mabilisang naligo. Wala naman siyang maraming ritwal sa katawan. Sabon sa buong katawan at shampoo sa buhok, okay na siya. Ang pinaghubaran niya ay mamaya na lang niya aayusin. Siya lang naman ang gumagamit sa kwarto niya kaya walang makakakita sa nakabuyangyang nyang mga damit na basta na lang nakabuyangyang sa sin

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • In Love With My Ex-Bestfriend   6

    Naging karaniwan na ang presence ni Natasha sa bar simula noong unang araw na dalhin ito ni Chad. All of a sudden, sa loob ng maikling panahon ay napalitan siya ni Natasha sa pwesto sa buhay ni Chad. Laging magkasama ang mga ito, hindi napaghihiwalay. Parang Louis and Clark lang. Natasha’s charm and wit had smitten Chad. Suddenly, she became an outcast. Literal na naging third wheel siya. Ang mga lakad na dating magkasama sila ay nakaligtaan na rin nito. kagaya na lang ngayon. Roaming around the CCP Complex for an art exhibit had never been the same without the company of Chad. Ang gaganda ng mga obra ng mga batikan at amateur artists na nakikita niya pero ang interes niya ay tila tumapon sa kung saan. Dati, para siyang batang hindi magkamayaw sa pagtitig sa mga iyon. Parang paru-parong palipat-lipat sa bawat likhang makikita. Hindi niya mahanap ang kaparehong sigla ngayon. Para lang pagkain na walang lasa, hindi niya mahanap ang tamang timpla. It was because o

    Huling Na-update : 2021-07-24

Pinakabagong kabanata

  • In Love With My Ex-Bestfriend   Epilogue

    “Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa

  • In Love With My Ex-Bestfriend   50

    Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo

  • In Love With My Ex-Bestfriend   49

    Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s

  • In Love With My Ex-Bestfriend   48

    Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi

  • In Love With My Ex-Bestfriend   47

    47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.

  • In Love With My Ex-Bestfriend   46

    Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a

  • In Love With My Ex-Bestfriend   45

    Mahigpit ang hawak ni Chad sa palad niya habang naglalakad papasok sa bakuran ng mansion ng mga Gregorio. Abot langit ang kaba ni Van. Ito ang pinakaunang beses na tumapak siyang muli sa pamamahay na ito. Everything seemed both familiar and unfamiliar. Habang nililibot ng tingin ang buong bakuran ay tila nanunumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga alaalang mayroon siya sa pamamahay na ito. Partikular na napatitig siya sa garden, doon sila madalas tumambay at walang habas na magkikuwentuhan ng kanyang lolo noon. Noong nagkasakit ito, madalas niya itong ipasyal sa garden at babasahan ng paborito nitong poetry. “Hey, everything’s gonna be fine, Love.” Assurance ang hatid ng init ng palad ni Chad na mahigpit na pinagsalikop ang mga daliri nila. "Do I look okay?" Inipit ni Chad ang takas na buhok sa gilid ng tenga niya at ikinulong ang mukha ng dalawa nitong palad. He lightly kissed her on her lips. “Hindi lang okay. You look pretty. The

  • In Love With My Ex-Bestfriend   44

    44 Napakislot si Van nang maramdaman ang kirot sa gitna ng kanyang mga hita nang magising siya. Parang umiikot ang kanyang isipan nang magmulat ng mga mata. May pagbabago sa katawan niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mahinuhang h***d siya at nanakit ang kaselanan. Napangiwi siya nang tumindi ang kirot. Paano ba naman, niragasa siya ng hiya nang bumalik sa kanya ang lahat ng naganap kagabi lang. Kusa niyang ibinigay kay Chad ang lahat–lahat sa kanya, patunay ang pulang mantsa sa bedsheet, at hindi lang iyon iisang beses. Naulit iyon nang naulit. Iba-ibang posisyon. She cringed at the thought. Nakakahiya. Kailangan niyang makaalis dito kaagad habang nasa loob ng banyo ang sigurado niya ay si Chad. Sa kabila ng sakit ay mabilis ang mga kilos na nagbihis siya. Wala na siyang panahon para ayusin ang gusot na buhok. Ngunit akmang hahakbang na siya nang siyang pagbukas ng pintuan ng banyo. Ikinahon si Chad ng pintuan. Almost naked. Chad is still d

  • In Love With My Ex-Bestfriend   43

    43 “Van.” She froze in time. Kilala niya ang tila nahihirapang boses na iyon. Mas lalong kilala niya ang pagyabong kaagad ng kakaibang pintig ng kanyang puso. No! It couldn’t be. Pero maaari ba niyang itatwa ang pamilyar na paninindig ng kanyang mga balahibo sa bawat beses na nasa malapit ang taong iyon? Kinurot niya ang sarili. Sinisigiradong gising at hindi siya nananaginip. Saka niya ipinikit ang mga mata pero nang dumilat siyang muli ay ganoong senaryo pa rin ang nakikita. “Van.” Masyado naman yatang mapagbiro ang tadhana. Mariin siyang pumikit ulit. Sa pagmulat niya ay sumambulat ang katotohanan. Her eyes welcomed that set of deep dark eyes painted with so much longing. Ang balbas sa mukha ay nagiging mas prominente pero hindi sa puntong nagmumukhang barumbado o kidnapper. Ang buhok ay medyo humaba rin. Si Chad nga ang ngayo’y nakatayo na sa kanyang harapan. May paghihirap na nakapinta sa mga mata nito. “Ikaw ang kumidnap sa

DMCA.com Protection Status