Van, punta ka ng maaga sa bar, ha. We’ll spend the whole day at the bar today.
Ang ganda ng gising ni Van na unang-unang tumambad sa kanya ang text message ni Chad. Napapangiti siya nang wala sa oras. Kaagad siyang bumangon at ilang sandali munang nakatitig sa screen ng cellphone bago binaklas ang nakatabing na gray blanket sa katawan. Inilapag niya sa bedside table ang phone at mabilis ang mga kilos na inayos ang higaan. Aligaga ang mga kilos niya.
“Ano ba 'yan!”
May pakagat-kagat sa labi pa siyang nalalaman. Mukha siyang tanga sa inasal.
“Hayst, Vanessa!”
Matapos ayusin ang kama ay agaran siyang pumanhik ng banyo at mabilisang naligo. Wala naman siyang maraming ritwal sa katawan. Sabon sa buong katawan at shampoo sa buhok, okay na siya. Ang pinaghubaran niya ay mamaya na lang niya aayusin. Siya lang naman ang gumagamit sa kwarto niya kaya walang makakakita sa nakabuyangyang nyang mga damit na basta na lang nakabuyangyang sa sink. Ang Tita Marion niya ay nanghihilakbot kapag napapadpad sa madilim daw niyang silid. Lalo na kapag nakikita nito ang malaking poster ng isang rockstar sa gilid ng kama. Advantage din iyon sa kanya.
Nakatapi ng tuwalya na siyang lumabas ng banyo at binuksan niya ang cabinet.
“S***a!”
Nagsilaglagan ang mga damit niyang basta na lang isinalansan noong nakaraan. Dala ng pagmamadali ay basta na lang niya ipinasok matapos kunin sa sampayan. May mga maids pero kusa niyang ginagawa, mabawasan man lang ang aburido ni Tita Marion sa kanya. Isa pa, ayaw niyang may nangingialam sa mga gamit niya. Minsang sinubukan ng isang maid na linisin ang desk niya, halos mabaliw siya sa kakahanap sa tattoo gun pagkauwi niya. Simula noon, off-limits na ang kwarto niya.
“Ang burara mo rin, Van.”
Pinulot niya ang mga iyon sa sahig at ibinalik na loob nang mahagip ng kanyang mga mata ang nag-iisang damit pambabae sa closet niya. Wala sa sariling napahawak siya sa laylayan niyon. Bulaklakin, girly. Malambot ang tela. Ganoon ang naturang damit. Binili pa ng Lolo niya noong kaarawan ni Chad.
“Magdamit pambabae ka naman kahit ngayon lang, apo.”
Iba talaga ang charm ng Lolo niya. Napapayag siya. It was the only time na nagtangka siyang magbihis babae. Nagpahid pa siya ng polbo sa mukha at liptint sa mga labi at nagwisik ng pabango. Ang buhok na laging nakakulong sa cap ay basta na lang niya inilugay sa balikat. Ginawa na niya iyon minsan, kinantiyawan at pinagtawanan lang siya nito.
“What ever happened to you, dude?!”
Pagkasorpresa ang lumarawan sa mukha ni Chad nang makita ang ayos niya. Sa araw na iyon na nga lang niya piniling mag-ayos babae. Afterall, kaarawan ngayon ni Chad. Gusto niyang maging presentable sa mga mata nito.
“Nauntog ba ang ulo mo sa headboard ng kama mo?” Kung pasadahan siya ng tingin ni Chad, nagmumukha siyang bacteria. Mula ulo hanggang paa siyang pinasadahan ng titig. Nasasagwaan ito sa ayos niya. “Nakakain ka ba ng panis na toyo?”
She felt embarrassed and insulted. Napalis ang kanyang ngiti ngunit mas pinili niyang itago ang nararamdaman. Masama ba talaga na kahit minsan ay mag-attempt siyang magmukhang maganda, taliwas sa inaakala nitong tibo siya?
“For a change naman.” Sinasabi niya iyon nang may alanganing ngiti sa mukha. Ngunit hindi maikakailang may bumara sa lalamunan niya. Naging malikot ang mga mata niya, saka napagbalingan ang juice na bitbit ng waiter na nagdaan sa gawi nila.
Tinalikuran niya si Chad at sa mga nakahanay na desserts sa dessert station ibinunton ang inis. Maano bang magkumplimento naman ito. Ang hudyo, sinundan pa siya para lang tudyuin siya lalo.
“Si Lolo kasi, eh, pinilit akong magpalit nang makita ang suot ko,” dagdag paliwanag niyang nakangiti ngunit kabaligtaran ang nasa loob niya. Ang hapdi kaya ng nararamdaman niya. Kahit ang matamis na truffles ay naglasang mapait. “Nakakahiya daw kasi sa mga Gonzales. Sinabi ko namang ayoko, mapilit talaga.” Buo niyang nilamon ang bilog na chocolate dessert na may kung anong kulay green na garnish. Matcha yata.
“Ah, I see. So, the rebel has finally succumbed to Lolo’s whims and wishes?”
“Parang ganon na nga, but only for now. Happy birthday nga pala.” Iniabot niya rito ang regalo rito, isang maliit nay ukulele key chain. Mahilig ito sa guitar kaya yon ang naisipan niyang iregalo.
“This would be the most special present I have today.”
Napuno naman ng tuwa ang puso niya sa sinabi nito. At least, nabawi ang pamimintas sa kanya. Bawing-bawi.
“Siyanga pala, go change later at magjo-joyride tayo. Motorsiklo ang niregalo ng lolo ko sa ‘kin. Test drive tayo mamaya kaya magpalit ka ng damit, mamaya isipin ng ibang babae na girlfriend kita.”
Nalaglag na naman ang panga niya pero ngunitit lang siya. Sa likod ng kanyang utak ay ang katanungan- kahiya-hiya ba talaga siyang maging ‘girl’ ng isang Chad?
Piniga ang puso niya sa sagot na siya rin mismo ang bumuo sa utak.
Simula noon ay hindi na niya tinangka pang magdamit pambabae. She was stuck to her chosen image, anyway, simula nang nagdesisyon siyang huwag tumulad sa ina. Feeling niya ay safe siya sa kaniyang anyo mula sa pangungutya at panghuhusga ng iba subalit hindi pa rin naman pala.
Humugot siya ng malalim na hininga at isinarado ang closet at nagpatuloy sa pagbihis. Chad is waiting. Sa dami ng pinagkakaabalahan nito, momentous nang maituturing na makasama niya ito sa bar. Alas diyes pa ang bukas nila pero maaga si Chad kaya maaga na rin siya sa shop nila. Nauna na nga itong naka-park sa labas. Kotse nito ang gamit at hindi ang nakasanayang motor.
“Good morning, Pido!” masayang bungad niya sa kasamahang si Pido na naratnang nagma-mop ng sahig.
“Ang ganda yata ng gising mo, Van,” nakatawang puna ni Pido na pansamantalang inihinto ang ginagawa.
“Nanaginip ako ng milyon.”
Paano ba naman siya hindi ngingiti kung makakasama niya si Chad. Whole day ang sinabi nitong magsasama sila. It cemented her thought na wala lang talaga iyong nakita niya sa Laguna.
“Pa-share naman ng kahit isang kusing.”
“Oo ba.”
Inilagak niya muna ang bag sa locker room at sa kusina kaagad ang pakay niya. ‘Pag nasa shop si Chad doon ito unang pumupunta. Saka na muna niya sisimulan ang paglilinis sa tattoo area. Nakangiti pa niyang binuksan ang pintuan. Her smiles never faded. Ewan niya ngunit ang sarap lang ngumiti.
Subalit ang malapad na ngiting nakapinta sa mukha niya ay kaagad na naglaho. Paano ay nakapako ang mga mata niya sa dalawang nilalang na nasa loob ng kitchen. Si Chad nakaupo sa harap ng working bench habang nakaharap sa isang matangkad at mestisahing babaeng abalang nagpi-plate ng kung anumang putahe sa plato. Kasalukuyan nitong nililinis sa pamamagitan ng paper towel ang kumalat na sa tingin niya ay strawberry sauce ang rim ng dessert plate. Nakasuot man ito ng apron ngunit mahihinuha ang kaseksihan nito. The apron belt strapped on her waist just defined the pleasant curves.
The woman was exactly the type Chad usually dated.
Ang kaibahan nga lang, this woman appeared to genuinely enjoy what she was doing. Sanay ito base sa nakikita niyang kilos. A beautiful woman who can cook, it was a sure recipe towards penetrating the heart of any man. Eh, wala siya niyon. Ang tanging alam lang niya ay ang magprito ng itlog at mag-init ng tubig.
Suddenly, minamaliit niya ang sariling kakayanan habang nakamasid sa magandang babae. Sino ang babaeng ito? Ang kauna-unahang dinala ni Chad rito. Ito marahil ang babaeng nakita niya noong isang gabi. It was obvious how this woman can capture Chad’s attention. Ni hindi na nga nito namalayang kanina pa siya nakatitig sa mga ito. All he did was look at this woman with dreamy eyes.
“Have a bite.”
Parang nalaglag ang kanyang panga nang makitang sinusubuan ng babae si Chad. Nginangatngat ang puso niya ng selos nang dahil sa dini-display na extra sweetness ng mga ito. Kaysarap hilahin ni Chad palayo roon. Dangan lang, wala siyang karapatan. Kipkip ang bigat sa d****b ay minabuti niyang pumihit pabalik sa pinanggalingan.
“Oh, hi there!”
Napansin na pala siya ng babae. Atubili siyang humarap muli sa mga ito. Sinalubong siya ng friendly smile ng babae daan upang lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito. It was absolutely the smile of a beauty queen. Napalingon din si Chad sa kanya. Ang tamis ng ngiti nito ay hindi matawaran. Umaabot yata hanggang tenga at kita na ang ngala-ngala.
“You’re finally here! Been here earlier.”
‘Ikaw kaya ang laging wala dito?’ Gusto niya itong bulyawan. Iyon naman pala, may babaeng pinagkaabalahan. Sinenyasan siya ni Chad na lumapit.
“Huwag na, baka nakakaistorbo, eh.” Ang totoo, ayaw lang naman niyang maging spectator ng sweetness ng dalawa. Nasasaktan siya. Tinataga ang puso niya ng mga aspile.
“Come on. Van, right? I wanted to hang out with you. Chad had so much to tell about you.”
Before she could react, nagawa nang umalis ng magandang kapre sa kinaroroonan at nahila na siyang palapit sa stainless working bench.
Unfair. Ni hindi man lang nabanggit ni Chad na may bagong babae na pala ito na nagpapangiti ng ganito rito. Para tuloy siyang pinasabugan ng bomba. Paano kaya nagkakilala ang dalawa? Ang dami niyang tanong sa utak.
“Kuya Pat, can you please hand me a dinner plate?” malambing nitong utos sa isa sa mga kitchen staffs na kasalukuyang nagsalansan ng mga gamit sa kitchen cabinet.
“Areglado, Miss Natasha!”
So, she is Natasha. Ang daya, kahit ang mga kitchen staff na madalas niyang kabiruan ay na kay Natasha na rin ang pansin at mukhang madaling nakagaanan ng loob. Ni hindi na nga siya biniro nina Kuya Pat gayong kung anu-anong bibong usapan ang ibinabato nila sa isa’t-isa.
“Natasaha,” baling ng babae sa kanya. Nakangiting inilahad ang kamay matapos pinahiran ng bimpo. Naka-flops lang ang babae ngunit matangkad pa rin. Unano ang pakiwari niya sa sarili.
Natasha was an epitome of perfection. Kahit ang kutis nito, ang bango, ang demeanor. Class at may finesse sa kilos at pananalita at sobrang maganda. Habang tinititigan ito ay si Margot Robbie ang naiisip niya. She was everything that a Van could never ever be.
Napilitan siyang abutin ang kamay ng friendly’ng babae. Kahit palad nito ay sobrang malambot. Marahil pati na ang pinkish nitong heels ay kay lambot din. Kailanman, hindi siya sinigiran ng ganito katinding insecurity nang dahil lang sa mga flings ni Chad. Ngayon ang pinakamalala and it scared the hell out of her.
“Halika, tikman mo’ng cheesecake na ginawa ko. Taste it and be my first critique.”
May senseridad sa mga kilos at mga mata nito. Pati yata mga mata ay nakangiti rin. Ito ang tipong mabait talaga at hindi lang nagpapakitang tao. Iniusog nito sa kanya ang puting plato na may hiwa ng pagkain. Isinunod din nito ang roll ng tissue.
“Tikman mo na,” susog ni Chad na bahagya pa siyang siniko sa braso.
Kinuha niya ang tinidor na nakapatong sa table napkin katabi ng dessert plate at humiwa ng bite-size piece. Tinikman niya nga at ninamnam. She expected it to be chewy or bland or too sweet nang sa gayon ay may maipintas siya. Ang pintasan ang output nito ang pinakagusto niyang gawin sa ngayon.
“What?”
Magkapanabay na tanong nina Chad at Natasha pagkatapos. Halatang hinihintay ang magiging komento niya.
Sobrang tamis, nasobrahan sa softness and texture. Natukso siyang sabihin. “Masarap,” instead ay matapat niyang komento. Kahit hindi mahilig sa desserts ay nasorpresa siya na nagustuhan niya ang lasa ng pagkain. Natasha’s dessert was delicate and perfect. Sing-perpekto marahil ng pagkatao nito. She wondered kung may kahit isang hibla man ng kapintasan ang babae.
Tila nakahinga nang maluwag ang dalawa sa narinig. Napabuga pa ng hangin si Natasha. Pagmamalaki naman ang nakikita niya kay Chad. Proud ito sa skills ni Natasha, halatang nais nitong ipangalandakan sa buong mundo.
“Van is my biggest critic kaya importante sa akin ang critique niya.”
‘Importante raw, nek-nek mo, Chad!’ Nais niyang ibulyaw rito. “Gawa mo?” sa halip ay tanong niya kay Natasha.
“Yes. Natasha here is a food enthusiast and vlogger slash interior designer,” si Chad pa talaga ang sumagot. ‘Ano, walang bibig ang babae?’ Mas nadagdagan ang yamot niya.
Sa tingin niya, matagal nang magkakilala ang dalawa. Nakakatampo lang at ni hindi nagawang banggitin ni Chad ang tungkol sa babae.
“Now that she likes it, I guess, you could already include this dish in your upgraded menu. ‘Yong hindi na lang puro alchohol at pulutan. Kahit naman bar ito, ay may mga customers pa rin na naghahanap ng mga ganitong pagkain, like women who accompany their partners or boyfriends, and even some men have sweet tooth, too.”
Maganda, sopistikada, matalino, class. Nakita niya kung paanong nangingislap sa paghanga ang mga mata ni Chad habang pinakikinggan ang babae. Buong-buo nitong nakuha ang atensyon ng huli. Tuloy ay mas nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Kapag kasi siya ang kausap ni Chad, nasesentro ang usapan nila sa mga bagong trends ng tattoo, bagong modelo ng sasakyan, and everything that men talk about. Natasha is such a breath of fresh air.
“And you, for one, is an example,” malambing na wika ni Natasha na sinubuan si Chad.
Ang hudyo, bumuka kaagad ang bibig at tuwang-tuwa pang pinahiran ng babae ang kumalat na sauce sa gilid ng bibig nito. Nakaka-frustrate. Nakakapanikip ng d****b ang kanyang namalas. Ang sarap iuntog ng ulo ni Chad sa mesa. Hindi man lang ba nito naisip na nasasaktan siya? Malalaman raw, eh, tomboy nga ang tingin sa kanya.
“If you’ll excuse me.”
I-exit. ‘Yon ang pinakamainam na depensa niya sa nagsisimula nang mayanig na kalooban. Nagmumukha na rin naman siyang timang at walang maiambag sa usapan. Naha-highlight din lang ang mga kakulangan niya bilang babae. Nama-magnify ang pagiging ‘lesbian’ niya.
“Okay.”
Ni hindi man lang siya pinigilan ni Chad. Bumalik siya sa pwesto niya nang may ngitngit sa kaibuturan. Habang nasa malayo siya ay ‘di niya maiwasang sulyapan ang gawing kitchen lalo na kapag nagbubukas iyon kapag may lumalabas o pumapasok, nadidinig niya ang mga halakhakan ng mga ito.
Tuloy ay labis-labis na inggit ang nararamdaman niya. Naiinggit at nati-threaten siya.
Hindi niya napaghandaan ang ganitong pangyayari. Masyado siyang nasanay na silang dalawa ni Chad ang laging magkasama. Nakalimutan niya na may possibility na darating ang araw na magkakaroon ito ng seryosong relasyon. Worst, magkakaasawa at magkakapamilya ito.
God. Si Chad na lang ang meron siya. Kakayanin ba ng puso niya na pati ito ay mawala sa kanya? Hindi pa man ay nasasaktan na siya. Ang d****b niya ay tila may karga-kargang matigas at mabigat na bagay at parang sponge na nilamukos ang puso niya sa sakit.
Naging karaniwan na ang presence ni Natasha sa bar simula noong unang araw na dalhin ito ni Chad. All of a sudden, sa loob ng maikling panahon ay napalitan siya ni Natasha sa pwesto sa buhay ni Chad. Laging magkasama ang mga ito, hindi napaghihiwalay. Parang Louis and Clark lang. Natasha’s charm and wit had smitten Chad. Suddenly, she became an outcast. Literal na naging third wheel siya. Ang mga lakad na dating magkasama sila ay nakaligtaan na rin nito. kagaya na lang ngayon. Roaming around the CCP Complex for an art exhibit had never been the same without the company of Chad. Ang gaganda ng mga obra ng mga batikan at amateur artists na nakikita niya pero ang interes niya ay tila tumapon sa kung saan. Dati, para siyang batang hindi magkamayaw sa pagtitig sa mga iyon. Parang paru-parong palipat-lipat sa bawat likhang makikita. Hindi niya mahanap ang kaparehong sigla ngayon. Para lang pagkain na walang lasa, hindi niya mahanap ang tamang timpla. It was because o
Awards night ng mga musikero sa local music scenes. Isa ang banda ni Chad sa nominado para sa isang category. Chad and Natasha looked so sweet habang magkatabi sa upuan sa unahang bahagi niya. Ang ikinaiinis pa niya ay may dalang isa pang babae si Chad. Maganda, sexy, malandi. Sa tingin niya ay bisexual. “She will be your date,” bulong ni Chad sa tenga niya kanina na ikinamulagat ng mga mata niya. Kung alam lang nitong nasusuklam siya. Nasusuka. Nagpupuyos ang damdamin niya. Talagang pinangunahan na nito ang buhay niya. Ang sarap lang talagang manapak lalo na ang babaeng ito na ipinakilala ni Chad bilang si Jessa. Por diod por santo, humakaway na ang boobs nito at ang bibig, namumutok sa pula ng kolorete at nasobrahan yata sa mascara. “Hey, you’re cute.” Pasimple niyang inalis ang braso nitong nakapulupot sa braso niya na parang linta itong nakakapit. Nandidiri siya sa kaloob-looban niya. Ilang baldeng pabango kaya ang ibinuhos ng babae sa katawan nit
“It’s a surprise seeing you around.” “I’m thrilled to be here, Tita Marga,” sarkastiko niyang sagot sa kaanak na bahagya niya lang tinapunan ng pansin. Nagpatuloy siya sa paglalagay ng Chef’s Salad sa plato niya at bumalik sa mahabang mesa kung saan masayang nagkikuwentuhan ang mga kamag-anak. Death anniversary ng lolo niya at dito sa La Union ang venue ng celebration.Kung anu-ano ang topiko ang pinag-uusapan ng mga ito, lahat pinalampas niya lang sa kanyang tainga at sumige sa paglamon. Food is a better companion than her family. ‘Di rin naman siya pinapansin ng mga ito. Sa sobrang bigat ng loob nang manggaling sa party ni Chad ay nagkulong siya sa silid niya at napagpasyahan niyang huwag pumasok ngayon. Sumama siya rito. Nag-abiso na lang siya kay Pido sa pamamagitan ng isang text. Iisnabin na niya ang lahat ng family gatherings h’wag lang ang araw na ito para sa Lolo Federico niya. Ang lolo miya ang naging direktang magulang niya simula noong b
9 Shit! Kanina pa balisa si Chad. Kahit anong gawin niya ay hindi siya mapakali. Kung bakit ba kasi lumabas sa kanyang bibig ang mga masasakit na pangungusap na iyon. Na-offend niya si Van. Barako iyon pero nakita niyang tila naiiyak ito. Ayaw niya ng ganito, ang nagkakatampuhan sila ng kaibigan. Ang lalim ng pinagsamahan nila ni Van. They had gone a long way. Simula noong umuwi siya mula sa US noong teenager siya ay ang thirteen-year old pa noong si Van ang lagi niyang kasama. “She bothers you.” Biglang nawala sa kanyang isipan na naririto si Natasha, kasama niya. Nasa Kusina man kasi sila ni Nat ay panay ang tingin niya sa labas.Sa mismong direksyon ng tattoo station ni Van. Mukhang wala lang naman kay Van ang lahat. She acted as normal as ever but he knew he hit something in her heart. Kaydali naman sanang suyuin ito pero may pwersang pumipigil sa kanya. Isa pa, naririto si Nat. “Who?” “’Yong kaibi
Days had passed so swiftly. Simula ng araw na nagkatampuhan sila ni Chad, hindi ito nag-attempt na suyuin siya. Para bang okay lang sa kaibigan na hindi sila nagkakausap gayong dati-rati naman ay kaagad itong bumabawi sa kanya. Tuloy ay mas nagatungan ang hinampo niya sa d****b. Kung nasa bar man ito, madalas na kay Natasha ang buo nitong atensyon at sa ‘project’ nito. Kadalasan din, ang babae ang kasa-kasama nito sa mga lakaran at gigs. “Iyong mga pam-barbecue, nasa ice chest na ba?” malakas na sigaw ni Pido sa kasamahang waiter habang kasalukuyan nitong inilalagay sa compartment ng van ang mga dadalhin. Aside sa mga empleyado ng bar ay kasama rin ang mga maiingay na kabanda ni Chad, and of course, Natasha. Lulan ito ng kotse ni Chad. Sa van naman na para sa mga workers siya sasakay habang iba ang kotseng gamit ng mga bandmates ni Chad. “Mauuna na kami,” paalaam ni Chad. Nagngingitngit ang kalooban niya. Nauuna na nga ang dalawa. Ni hindi man lang siya
11 Dalawang buwan pa ang lumipas. Tuluyan na ngang nagkalamat ang relasyon nila ni Chad. They had become so distant with each other. Tila ba may pader na nakaharang sa pagitan nila. Ang nangyari sa kanya sa resort, wala man lang pangungumustang natanggap mula rito. Tinanggap niya na lang nang lihim na nagbago na talaga ito. Gayunpaman, hindi niya maiwasang makaramadam ng pambabalewala. She missed the good times. She missed being with him. Nananabik siya sa pagpapahalagang mayroon ito sa kanya noon. Gaya na lang ngayon. Maano ba naman at kumplimento siyang yayain ng lalaki sa birthday party ng ina nito kung taon-taon naman siyang inaanyayahan nito kahit 'di siya dumadalo at tanging pagpapadala ng regalo lang ang ginagawa niya. Nakakahiyaan naman niyang tanungin ito gayong halos kibuin-dili siya 'pag nagkakasalubong sila sa trabaho. Tanging tipid na hi at tango na lang ang namamagitan sa kanilang komunikasyon. Naiisip niya tuloy na umalis na lang. Pero saan naman siya magtatrabaho? Wa
12 Entertainment portals and social media had a feast. Chad and Natasha were about to be wed. Lahat na lang yata ng balita ay tungkol sa mga ito. Sa bawat pagbubukas niya ng F******k o ng I*******m, masasaya at sweet na mga larawan ng dalawa ang bumabati sa kanya. Habang pinagpipyestahan ng mga ito ang relasyon ng dalawa ay lihim namang naghihimutok ang puso niya. She suffered alone in silence. Buong gabi niyang iniyakan ang engagement ni Chad. And when there was nothing she could turn to, alak ang naging sandalan niya. “Bigla kang nawala noong nakaraang gabi.” Bahagya niya lang nilingon si Chad at pinagpatuloy ang ginagawa. Isinalansan niya ang mga gamit sa tamang lalagyan. Katatapos niya lang sa isang tattoo session. Katunayan ay may suot pa siyang gloves. “May emergency lang. Congrats nga pala, ha.” Wala siyang ibang magagawa kundi ang umaktong normal kahit pinipiga ang puso sa sakit. Just by simply looking at him, nasasaktan siya. “I’m sorry I never told you.” Doon siya napa
“I’m sorry.” Parang hangin lang na lumampas sa pandinig ni Chad ang sinabi niya. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad papasok ng café kinaumagahan. Senyales na ayaw siya nitong makausap o makita man lang. Matapos nang nangyari at mahimasmasan ay matiyaga niyang hinintay si Chad upang humingi ng sorry. Kinapalan na niya ang mukha kahit alam niyang galit ito sa kanya. “Sorry. Sorry, Chad.” Marahas nitong ipiniksi ang kamay niya nang tangkaing pigilan ito. Determinado siyang makausap ito. "Kausapin mo naman ako, Chad. Sorry.” Huminto ito at humarap sa kanya. Sumambulat ang malamig na galit sa mga mata ni Chad. Nagkasala siya kaya gaano man kalaki ang hinanakit nito ay sasalubungin niya makuha lang niya ang kapatawaran nito. “Alam kong galit ka, naiintindihan ko 'yon. Pero magalit na ang buong mundo sa akin huwag lang ikaw.” Her voice broke. Nasa bingit na siya ng pag-iyak. “I don’t think it’s a good idea for you to come here.”
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a
Mahigpit ang hawak ni Chad sa palad niya habang naglalakad papasok sa bakuran ng mansion ng mga Gregorio. Abot langit ang kaba ni Van. Ito ang pinakaunang beses na tumapak siyang muli sa pamamahay na ito. Everything seemed both familiar and unfamiliar. Habang nililibot ng tingin ang buong bakuran ay tila nanunumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga alaalang mayroon siya sa pamamahay na ito. Partikular na napatitig siya sa garden, doon sila madalas tumambay at walang habas na magkikuwentuhan ng kanyang lolo noon. Noong nagkasakit ito, madalas niya itong ipasyal sa garden at babasahan ng paborito nitong poetry. “Hey, everything’s gonna be fine, Love.” Assurance ang hatid ng init ng palad ni Chad na mahigpit na pinagsalikop ang mga daliri nila. "Do I look okay?" Inipit ni Chad ang takas na buhok sa gilid ng tenga niya at ikinulong ang mukha ng dalawa nitong palad. He lightly kissed her on her lips. “Hindi lang okay. You look pretty. The
44 Napakislot si Van nang maramdaman ang kirot sa gitna ng kanyang mga hita nang magising siya. Parang umiikot ang kanyang isipan nang magmulat ng mga mata. May pagbabago sa katawan niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mahinuhang h***d siya at nanakit ang kaselanan. Napangiwi siya nang tumindi ang kirot. Paano ba naman, niragasa siya ng hiya nang bumalik sa kanya ang lahat ng naganap kagabi lang. Kusa niyang ibinigay kay Chad ang lahat–lahat sa kanya, patunay ang pulang mantsa sa bedsheet, at hindi lang iyon iisang beses. Naulit iyon nang naulit. Iba-ibang posisyon. She cringed at the thought. Nakakahiya. Kailangan niyang makaalis dito kaagad habang nasa loob ng banyo ang sigurado niya ay si Chad. Sa kabila ng sakit ay mabilis ang mga kilos na nagbihis siya. Wala na siyang panahon para ayusin ang gusot na buhok. Ngunit akmang hahakbang na siya nang siyang pagbukas ng pintuan ng banyo. Ikinahon si Chad ng pintuan. Almost naked. Chad is still d
43 “Van.” She froze in time. Kilala niya ang tila nahihirapang boses na iyon. Mas lalong kilala niya ang pagyabong kaagad ng kakaibang pintig ng kanyang puso. No! It couldn’t be. Pero maaari ba niyang itatwa ang pamilyar na paninindig ng kanyang mga balahibo sa bawat beses na nasa malapit ang taong iyon? Kinurot niya ang sarili. Sinisigiradong gising at hindi siya nananaginip. Saka niya ipinikit ang mga mata pero nang dumilat siyang muli ay ganoong senaryo pa rin ang nakikita. “Van.” Masyado naman yatang mapagbiro ang tadhana. Mariin siyang pumikit ulit. Sa pagmulat niya ay sumambulat ang katotohanan. Her eyes welcomed that set of deep dark eyes painted with so much longing. Ang balbas sa mukha ay nagiging mas prominente pero hindi sa puntong nagmumukhang barumbado o kidnapper. Ang buhok ay medyo humaba rin. Si Chad nga ang ngayo’y nakatayo na sa kanyang harapan. May paghihirap na nakapinta sa mga mata nito. “Ikaw ang kumidnap sa