“I’m sorry.” Parang hangin lang na lumampas sa pandinig ni Chad ang sinabi niya. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad papasok ng café kinaumagahan. Senyales na ayaw siya nitong makausap o makita man lang. Matapos nang nangyari at mahimasmasan ay matiyaga niyang hinintay si Chad upang humingi ng sorry. Kinapalan na niya ang mukha kahit alam niyang galit ito sa kanya. “Sorry. Sorry, Chad.” Marahas nitong ipiniksi ang kamay niya nang tangkaing pigilan ito. Determinado siyang makausap ito. "Kausapin mo naman ako, Chad. Sorry.” Huminto ito at humarap sa kanya. Sumambulat ang malamig na galit sa mga mata ni Chad. Nagkasala siya kaya gaano man kalaki ang hinanakit nito ay sasalubungin niya makuha lang niya ang kapatawaran nito. “Alam kong galit ka, naiintindihan ko 'yon. Pero magalit na ang buong mundo sa akin huwag lang ikaw.” Her voice broke. Nasa bingit na siya ng pag-iyak. “I don’t think it’s a good idea for you to come here.”
Kuntento at nakangiting tinunghayan ni Nessa ang ginawang obra. Masaya siya sa kinalabasan ng pinagpaguran niyang pagla-landscape. Itinaas niya ang dalawang maruruming palad na nababalot ng working gloves at nakangiting tinitigan. Who would have thought she had such a green thumb? Magaling raw siya ayon sa mga kakilala. Gusto niyang maniwala pero hanggang maaari ay ayaw niyang paakyatin sa ulo ang mga papuring natanggap. Kanina lang ay napakatingkad ng araw ngunit bigla na lang umitim ang mga ulap. “Now, it’s time to go home.” Sa nagmamadaling mga kilos ay sininop niya ang mga gardening tools at inilagak sa likurang bahagi ng lumang maroon NIssan pick-up na gamit niya. Sa utak ay nagsagawa siya ng mental inventory. Mahirap nang may maiwan at medyo malayo ang kinaroroonan. Labas na iyon ng Cagayan de Oro. “Uuwi ka na?” Nakangiti niyang nilingon ang kliyenteng si Mrs. Robbins, ang may-ari ng magarang bahay na kinaroroonan niya. “Yes, Ma’am.” Nilibot ni Mrs. Robbins ng tingin ang kab
Sunud-sunod na tunog ng alarm clock ang gumising sa natutulog niyang diwa. Sinubukan niyang idilat ang mga mata ngunit kaagad ding napapikit muli nang sumigid ang kirot sa kanyang ulo. Shit! This hangover is killing him but he needs to get up. Napabalikwas siya ng bangon. Only to find out na hindi siya nag-iisa sa silid. May ibang tao sa loob at mismong katabi niyang nahiga sa kama. On his frigging king-sized bed. “Who the hell is this woman?” Sinuri niyang mabuti ang mukha ng katabing babae sa kama na parang tukong nakapulupot sa kanya. Lorelie ang pangalan ng babaeng ito. Game na game na nakiumpok sa kanila ng mga high school friends sa bar na kinaroroonan kagabi. “Shit!” Niyugyog niya sa balikat ang babae. “Hey, wake up!” Kasunod ng paglundo ng kama ay nagmulat ng mga mata ang naturang babae. Kumurap-kurap ito ng ilang beses, kinakabisado ang kinaroroonang lugar. “Hi sweetheart!” Matamis ang naging ngiti nito kapagkuwan. Wal
Araw ng linggo. Nagpapahinga dapat sa bahay si Nessa pero naririto sila ni Mikaela sa opisina, nagbabad sa pagrirepaso ng 3D presentation nito. Pareho silang nakaharap sa Macbook nito. Ito ang ipapakita ni Mikaela sa client nila. Their biggest client, so far. “Everything should be perfect, Ness.” Lahat ng detalye ay binubusisi ng amo. Business management graduate ito pero maalam sa AUTOCAD at mabusisi sa bawat detalye ng gagawing interior design. Ang ginagawa niya lang naman ay magbigay ng input sa babae. Nagagamit niya rin ang natutunan niya sa design subjects sa fine arts. “Do you think, this is fine?” anito na minuwestra ang design na naka-flash sa screen. Natatawang tinitigan ang mukha ng babae. All these years, hindi pa niya ito nakikitang kinakabahan. Ngayon lang. “Perfecto!” Nag-two thumbs up sign pa siya. "Lagi namang winner ang outputs mo." Isang oras pa ang tumagal bago sila umuwi. Alas siete na, nag-aaya si Mikaela na
“My goodness, Nessa! Bakit ngayon ka lang dumating? Sa lahat ng araw ngayon ka pa talaga pumalya at nagkaaberya?” Ang tindi rin ng kaibigan niya, ha. Kasalanan nito kung bakit naiwan ang pinakaimportanteng gamit tapos heto at sinasabon pa siya. Kung alam lang nito ang pinagdaanan niya makaabot lang sa takdang oras. “Follow me.” Nagpatiuna na itong pumanhik sa loob ng hotel. Tumatagaktak pa ang takong nito sa bawat pag-apak sa tiles. Mabuti na lang at wedge ang suot niya at hindi maingay sa paa. “Kailangan pa ba talaga ako do'n?” Nasa kamay na ni Mikaela ang kailangan nito. Maaari na siyang umalis. Tumirik ang mga mata ni Mikaela na napahinto at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Of course, ikaw ang may mas alam sa landscaping na gagawin mo. Isa pa, nandito ka na rin lang. why don’t you try to meet with the client? 'Di 'yong ako na lang lagi ang sumasagot on your behalf.” Bakit ba may pakiramdam siya na may kakaibang mangyayar
Tila may kumalat na yelo sa kanyang mga ugat. Nanlamig siya sa narinig na pangalang binanggit ni Mikaela. Iisa lang ang Chad na kilala niya na may ganoon ding apelyido. Lihim niyang nahiling na sana ibang tao ang ka-meeting nila ni Mikaela. Hindi pa siya handang harapin ang taong ito kung saka-sakali man. No, she will never be ready, not in a lifetime. Pero mukhang iba kung maglaro ang tadhana. Dahan-dahan ay lumingon ito. Kulang ang sabihing nais niyang mawala sa mundong ibabaw ng mga oras na iyon nang mapagsino ang kaharap ni Mikaela. Her Chad. In flesh and blood. Only this time, ay malayo na ito sa band member image nito noon. Pormal at very businessman-like. The Chad she was staring exuded an aura of authority that seemed to command attention and respect. Malayo sa pa-easy-easy lang na kaibigan noon na madalas ay napipintahan ng ngiti ang mukha. Ang pananamit nito ay nagbago rin. He was sporting a casual look pero hindi matawarang executive itong tingnan. ‘
Kung pwede nga lang niyang ayawan ang magtrabaho para kay Chad ay ginagawa na niya. Pero ano naman ang idadahilan niya? ‘Di niya maaaring aminin kay Mikaela ang tunay na estado sa pagitan nila ni Chad. kapag hindi siya nagtrabaho, ano na lang ang ipantutustos niya sa mga pangangailangan niya? Hayst! Nabuburyong siya.Tinatamad tuloy siyang bumangon at maghanda. Paano ba niya iiwasan si Chad? It would be a hard mission. Inilibing niya ang mukha sa malambot niyang unan na para bang sa ginagawa ay makakahanap siya ng kasagutan.Ang gagawin niya na lang ay umaktong walang anuman ang lahat. Naipresenta na naman ni Mikaela ang lahat ng detalyeng gagawin nila. Marahil ay hindi ito tatambay sa site. Hindi na talaga niya malaman kung papaanong aakto. Mistulang sumisikip ang mundo niya kapag nasa paligid lang si Chad. Kahapon nga ay halos lumigwak ang lahat ng bituka niya sa sikmura. Bantulot siyang bumangon at sinimulan ang mga nakasanayang morning routines.
'Mahuhulog ako.' Hindi mawaring kaba ang pumuno sa d****b ni Nessa. Nawawalan siya ng panimbang at tuluyan na siyang babagsak sa lupa kung ‘di lang dahil sa mapagpalang mga bisig na sumalo sa kanya. Imbes na direktang lalagapak sa lupa, matitipunong masels ang kinahihimlayan niya. “Clumsy!” in greeted teeth ay umabot sa pandinig niya ang tila yamot na tinig. It was Chad’s hoarse voice. Ang knight-in-shining armour niya, ang tagapagligtas mula sa muntikan nang aksidente. Labis na takot ang naramdaman niya kanina pero habang nasa mga bisig siya ni Chad ay napalitan ng hindi mawaring kaba ang kanyang d****b. Ang puso niya ay pinaghaharian ng mga emosyong ninanais niyang ibaon. Breathing had suddenly become so difficult. Gaya pa rin ng dati, kapag nasa malapit si Chad. Dahan-dahan siyang napatingala sa mukha ni Chad. Concern ba ang mababakas sa mga mata nitong nakatunghay pabalik sa kanya? Sa kabila ng lahat ay may natitira pa rin bang malasakit para sa kanya ang
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a
Mahigpit ang hawak ni Chad sa palad niya habang naglalakad papasok sa bakuran ng mansion ng mga Gregorio. Abot langit ang kaba ni Van. Ito ang pinakaunang beses na tumapak siyang muli sa pamamahay na ito. Everything seemed both familiar and unfamiliar. Habang nililibot ng tingin ang buong bakuran ay tila nanunumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga alaalang mayroon siya sa pamamahay na ito. Partikular na napatitig siya sa garden, doon sila madalas tumambay at walang habas na magkikuwentuhan ng kanyang lolo noon. Noong nagkasakit ito, madalas niya itong ipasyal sa garden at babasahan ng paborito nitong poetry. “Hey, everything’s gonna be fine, Love.” Assurance ang hatid ng init ng palad ni Chad na mahigpit na pinagsalikop ang mga daliri nila. "Do I look okay?" Inipit ni Chad ang takas na buhok sa gilid ng tenga niya at ikinulong ang mukha ng dalawa nitong palad. He lightly kissed her on her lips. “Hindi lang okay. You look pretty. The
44 Napakislot si Van nang maramdaman ang kirot sa gitna ng kanyang mga hita nang magising siya. Parang umiikot ang kanyang isipan nang magmulat ng mga mata. May pagbabago sa katawan niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mahinuhang h***d siya at nanakit ang kaselanan. Napangiwi siya nang tumindi ang kirot. Paano ba naman, niragasa siya ng hiya nang bumalik sa kanya ang lahat ng naganap kagabi lang. Kusa niyang ibinigay kay Chad ang lahat–lahat sa kanya, patunay ang pulang mantsa sa bedsheet, at hindi lang iyon iisang beses. Naulit iyon nang naulit. Iba-ibang posisyon. She cringed at the thought. Nakakahiya. Kailangan niyang makaalis dito kaagad habang nasa loob ng banyo ang sigurado niya ay si Chad. Sa kabila ng sakit ay mabilis ang mga kilos na nagbihis siya. Wala na siyang panahon para ayusin ang gusot na buhok. Ngunit akmang hahakbang na siya nang siyang pagbukas ng pintuan ng banyo. Ikinahon si Chad ng pintuan. Almost naked. Chad is still d
43 “Van.” She froze in time. Kilala niya ang tila nahihirapang boses na iyon. Mas lalong kilala niya ang pagyabong kaagad ng kakaibang pintig ng kanyang puso. No! It couldn’t be. Pero maaari ba niyang itatwa ang pamilyar na paninindig ng kanyang mga balahibo sa bawat beses na nasa malapit ang taong iyon? Kinurot niya ang sarili. Sinisigiradong gising at hindi siya nananaginip. Saka niya ipinikit ang mga mata pero nang dumilat siyang muli ay ganoong senaryo pa rin ang nakikita. “Van.” Masyado naman yatang mapagbiro ang tadhana. Mariin siyang pumikit ulit. Sa pagmulat niya ay sumambulat ang katotohanan. Her eyes welcomed that set of deep dark eyes painted with so much longing. Ang balbas sa mukha ay nagiging mas prominente pero hindi sa puntong nagmumukhang barumbado o kidnapper. Ang buhok ay medyo humaba rin. Si Chad nga ang ngayo’y nakatayo na sa kanyang harapan. May paghihirap na nakapinta sa mga mata nito. “Ikaw ang kumidnap sa