Konti na lang at malapit nang mabuo ang imahe ng babaeng kinopya ni Van mula sa isa sa mga larawang nasa photo gallery ng cellhpone na nakapatong sa maliit na mesita sa gilid niya.
Tingin. Marka. Tingin. Marka.
Bawat detalye, metikulosa niyang kinokopya. Ang pagtata-tattoo ang isang bagay na masasabing magaling siya kaya pinagbubutihan niya.
Isa, dalawa, tatlo pang tarak ng mga karayom.
Viola!
Another masterpiece had been created. Buhay na buhay niyang na-capture ang magandang mukha ni ‘Dear Michelle’ sa outer layer ng balat ng kustomer na si Brando.
“Tapos na ba?”
Simula kanina nang magsimula ang tattoo painting ay mahigpit nitong hawak ang armrest ng recliner na kinahihigaan nito. Kay laki-laki ng katawan, takot pala sa karayom. Halos maluha-luha pa ito kanina nang magsimula ang session nila.
Kung bakit ba naman kasi nagpadala sa pressure at buong mukha pa ng kasintahan nito ang pinagaya sa kanya. Mabuti sana kung ‘di maghihiwalay ang mga ito. Ang kaso, sa loob ng dalawang taong pagtatattoo niya ay maraming beses na ring may bumabalik sa shop nila upang ipabura ang marka ng ink na noong una ay testamento ng walang hanggang pagmamahalan ngunit kalaunan ay itinuturing na ngang sumpa pag nagkalabuan na.
“Siya na ba talaga?”
“Sigurado ka ba talaga?”
Madalas ay tanong niya sa mga kustomer. Kapag nagkabulelyasuhan. Minsan ay nadadamay pa siya sa pagpapa-laser para lang mabura ang tattoo.
“Tapos na.”
Sinimulan niyang ligpitin ang mga gamit. Tinanggal ang mga karayom mula sa tattoo machine at inilagay sa isang lalagyan at inilagak sa malapit na sink. Mamaya ay isa-sanitize niya ang mga iyon kasama ang ilan pang gamit.
“Apply-an mo na lang ng petroleum jelly para hindi mamaga. Kung sakaling makaramdam ka ng pangangati, tawagan mo kaagad ako.”
Tinanggal niya muna ang gloves at ang suot na goggles at kumuha mula sa drawer ng kaisa-isang natirang business card ng part bar at part tattoo shop na pinagtatrabahuhan niya. Kahit ganito lang ang trabaho niya, maingat siya sa mga kliyente. Kaya nga, customers keep coming back for more. Idagdag pa na magaling nga raw siya.
“Ang galing mo ha,” si Brando na sinipat-sipat sa salamin ang tattoo sa bisig nito.
Fine Arts student siya. Short nga lang ng isang taon para gumradweyt. Dito sa pagtata-tattoo niya ibinubuhos ang angking talento. Inaaba ng mga kamag-anak ang trabaho niya niya pero para sa kanya isa itong marangal na trabaho. Hiigit sa lahat, ang mahalaga ay masaya siya sa ginagawa. Para na rin siyang nagpipinta, human skin nga lang ang kanyang canvass.
“Dahil magaling ka, magti-tip ako ng malaki. Kopyang-kopya mo ang mukha ng mahal ko.”
Akmang iaabot nito sa kanya ang bills na hinugot sa pitaka ngunit tinanggihan niya. “Centralize ang tip namin dito, bosing.” Itinuro niya ang cashier na nasa main bar.
Ngumisi ang lalaki. “Loyal ka sa amo mo, ha.”
“Ang bait-bait kasi, nakakakunesensyang kupitan.”
When everyone seemed to fail and gice up on her, si Chad ang naniwala sa kanya, ang nagbigay sa kanya ng oportunidad. Kaya, lahat ay gagawin niya para matawag na worthy sa tiwalang ipinagkakaloob nito. Kailanman, she will never fail him.
Tumunog ang telepono.
Speak of the devil. Napangiti siya nang m****a ang naka-register na pangalan ng caller sa cellphone. Nag-swipe siya pakanan at itinuon sa tainga ang phone.
“Brod,” kaagad na bungad ni Chad sa kabilang linya sa usual na baritono at masayahing boses. Maingay ang background. Nasa gig si Chad kaya ganoon ang ingay na ummabot sa tainga niya. “Ikaw na munang bahalang magsara ng bar ha. Hindi ako makakaalis dito. Kausap pa ng road manager ang isa sa mga representatives ng toothpaste na possibly ay gagawan namin ng jingle.”
May banda si Chad. Sa katunayan, ito ang gitarista at katuwang na nagko-compose para sa banda. Kung tutuusin ito ang tumatayong lider ng grupo.
“Yes, brod, akong bahalang tumulong kay Pido.”
“Maaasahan talaga kita.” Para itong nakahinga nang maluwag sa d****b.
“Ikaw pa, malakas ka sa akin, eh.”
“Kaya nga labs na labs kita.”
Panandalian siyang napatda sa sinabi nito. Alam niyang walang kahulugan kay Chad ang binitiwang salita pero iba ang epekto niyon sa kanya. Iba ang binubuhay na kaba sa d****b. He never faltered to make her heart go frantic. Pero tanging siya lang ang nakakaalam. It was her deepest secret. Masagwang malaman ng iba na ang isang kagaya niya ay may nililihim pala.
Di sinasadyang napalingon siya sa full-body size na salamin sa kanyang gilid. Itim na t-shirt na may nakaimprinta pang bungo, tattered pants na tinernuhan ng sneakers ang kabuuang outfit ng babaeng nakatingin pabalik sa kanya. If babae nga siyang tingnan ng karamihan. Maiksi ang buhok, hindi lang basta maiksi, may pagka-mohawk din iyon pero mas maliit na portion nga lang ang naaahitan at ang pinakagitna at siya na ring pinakamahaba ay itinali sa pinakaituktok ng kanyang ulo. Noong minsang magpagupit siya, bigla na lang ganitong hairstyle ang ginawa ng hairstylist. Sanay siya sa maiksing buhok ngunit naninibago siya sa ganito. Pakiwari niya ng oras na iyon, may malaking binaklas sa ulo niya, tila kasi ang gaan ng ulo niya.
“Wow, mas nagmukha ka pang astig, ah!” nakangising kantiyaw ni Chad na ginulo pa ang buhok niya. “Bobby, you have done an awesome job!” thumbs up sign pa nito sa naggupit sa kanya. Kaya imbes na singhalan si Bobby ay nakisakay na rin siya, nakitawa kahit pa sa kaloob-looban ay ayaw niya.
But she is Van del Rosario, she could carry disappointments and pretend she is alright even if most of the time ay napipingasan din ang damdamin niya.
“Hey, buddy, are you still there?”
“O-oo.” She cleared her throat. Pinalis niya ang bara sa lalamunan. “Oo naman, ‘no.”
“Pagkatapos mo diyan, can you come over here? Alam mo naman kung saan ang gig namin.”
Marami-rami din ang nagpapatattoo sa kanya, napagod din siya dahil tinutulungan pa niya sina Peter pero basta’t para kay Chad, oo kaagad ang magiging sagot niya.
“Of course, I will.”
“See you later, buddy!”
Nawala na ito sa kabilang linya. Pero siya, nakatutok pa rin sa tenga ang cellphone at nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
Yes, she is his buddy. Kainuman. Kaibigan. Sumbungan ng mga frustrations. To Chad, she is one of the boys. She will never be considered a woman.
1
Hardcore music. Loud noises. Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo, perfume at human scent. Nakakaliyo din ang ilaw na nagmumula sa LED board sa pinaka-stage ng venue. Chaotic. ‘Yon ang tamang deskripsyon sa paligid. Sa gitna ng mga nagsasayawang kabataan na sumasabay sa pinatutugtog na hardcore OPM rock ay hinanahap ni Van ang pamilyar na gwapong mukhang iyon. Napangiti siya nang matagpuan ang pigurang hinahanap. Her Chad. All smiles itong nakatingin sa gawi niya at kumakaway pa. Kapag nakikita niya ang matamis na ngiti ng kababata ay hindi mapigilang lumukso ang kanyang puso. Mas lumalabas kasi ang angking kagwapuhan ni Chad. Kaya naman maraming kababaihan ang nahuhumaling dito. Gaya na lang ngayon, ang daming nagpapa-charming sa binata. Lalo pa at ang galing nito sa pagtugtog ng bass guitar. Ang may kahabaan nitong buhok na tumatabing sa mukha nito ay mas nakakadagdag ng appeal nito habang sumasabay sa bawat nitong galaw. Standing at 6’1” with a body that can keep women drooling
2 Hatinggabi na nang makalabas sila ni Chad sa venue. Imbes na sumama pa ito sa mga ka-banda ay humindi ito. Marahil, mag-iinuman na naman sa kung saan man. Minsan, naiisip niya kung gaano ka-unhealthy ang lifestyle ng mga ito. Sumusugod sa puyatan at hindi naiiwasan ang alak. Pasalamat na nga lang siya at may disiplina sa sarili ang kaibigan niya. Kahit papaano ay nahahawa ang mga kasamahan. “Van and I have other plans.” “Other plans? Ano ‘yan, parang magtsi-check in lang sa motel?” Alam man niyang biro lang ang sinabing iyon ng kabanda nito na si Derek ay naasiwa siya. Kung ‘di lang sana madilim, nakita na ng mga ito na pinamulahan siya ng mukha base sa pag-iinit ng sulok ng kanyang pisngi. Mabuti na lang at medyo madilim sa parteng kinaroroonan nila. “Huwag ninyo namang ganyanin si Van at baka mainlab ‘yan nang tukuyan kay Chad. Mamaya niyan iiyak ang tsikababe nito.” Pinag-tripan na naman siya ng mga walanghiya. Ang ganitong mga jokes ay madalas na lang niyang sinasakyan kahi
What the hell was that? Napapailing na lumulan si Chad sa motorsiklo at pinaandar ang makina. Alchohol got the better of him at sa isang iglap ay nag-iiba ang tingin niya kay Van. Napatingin siya sa daliring ipinampahid sa dumi ng bibig nito kanina. God knows how much he felt different habang dumadantay iyon sa malambot nitong labi. It was so soft na tila kay sarap kuyumusin ng h***k lalo pa nang nakaawang lang itong nakatingala sa kanya. Namumungay ang mga mata nito. Malayo sa lagi na ay astig na kaibigang laging kasa-kasama. Hinihintay ba nitong hah***kan niya ito? Ridiculous! What an insane thought. It was an incestuous ide. Si Van ay parang nakababatang kapatid na niya at kinukunsdirerang younger brother. Ano man ang kakatwang pumasok sa utak niya ay kailangan niyang alisin. Natatawang ipinilig niya ang kanyang ulo at tinawag na ito na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kinaroroonan nila kanina. “Hey, halika na.” Tumalima ito. Sumampa s
Araw ng Sabado. Magkasama sila ni Chad sa Dutdutan Tattoo Festival sa World Trade Center sa Pasay. Best of the bests sa tattoo art ang nagtipon-tipon para sa dalawang araw na kaganapan. May exhibition at contest na nagaganap kaakibat sa pagta-tattoo. "Bakit hindi ka sumali diyan?" Inginuso ni Chad ang isang sulok kung saan nagaganap ang paligsahan ng mga professional inkers. Mula pa sa iba-ibang sulok ng bansa at Asia ang mga naturang tattoo enthusiasts. "Eh, ‘di, hindi ko na-enjoy ang panonood," sagot niyang nagkibit-balikat. Nasa venue rin si Chad, kasama ang banda nito sa tumugtog kanina para sa maikling opening program. Bands and tattooing, they just clicked. "It's nice to be a spectator kaya. Less stress, walang hassle, walang kaba." Kumukuhasiya ng mga bagong ideas at techniques na pwede niyang magamit sa shop. Nakasali na siya dati at ayaw niyang nakikipag-compete.Imbes kasi n Ca maging maganda ang obra niya, nanginig siya ng
Van, punta ka ng maaga sa bar, ha. We’ll spend the whole day at the bar today. Ang ganda ng gising ni Van na unang-unang tumambad sa kanya ang text message ni Chad. Napapangiti siya nang wala sa oras.Kaagad siyang bumangon at ilang sandali munang nakatitig sa screen ng cellphone bago binaklas ang nakatabing na gray blanket sa katawan. Inilapag niya sa bedside table ang phone at mabilis ang mga kilos na inayos ang higaan. Aligaga ang mga kilos niya. “Ano ba 'yan!” May pakagat-kagat sa labi pa siyang nalalaman. Mukha siyang tanga sa inasal. “Hayst, Vanessa!” Matapos ayusin ang kama ay agaran siyang pumanhik ng banyo at mabilisang naligo. Wala naman siyang maraming ritwal sa katawan. Sabon sa buong katawan at shampoo sa buhok, okay na siya. Ang pinaghubaran niya ay mamaya na lang niya aayusin. Siya lang naman ang gumagamit sa kwarto niya kaya walang makakakita sa nakabuyangyang nyang mga damit na basta na lang nakabuyangyang sa sin
Naging karaniwan na ang presence ni Natasha sa bar simula noong unang araw na dalhin ito ni Chad. All of a sudden, sa loob ng maikling panahon ay napalitan siya ni Natasha sa pwesto sa buhay ni Chad. Laging magkasama ang mga ito, hindi napaghihiwalay. Parang Louis and Clark lang. Natasha’s charm and wit had smitten Chad. Suddenly, she became an outcast. Literal na naging third wheel siya. Ang mga lakad na dating magkasama sila ay nakaligtaan na rin nito. kagaya na lang ngayon. Roaming around the CCP Complex for an art exhibit had never been the same without the company of Chad. Ang gaganda ng mga obra ng mga batikan at amateur artists na nakikita niya pero ang interes niya ay tila tumapon sa kung saan. Dati, para siyang batang hindi magkamayaw sa pagtitig sa mga iyon. Parang paru-parong palipat-lipat sa bawat likhang makikita. Hindi niya mahanap ang kaparehong sigla ngayon. Para lang pagkain na walang lasa, hindi niya mahanap ang tamang timpla. It was because o
Awards night ng mga musikero sa local music scenes. Isa ang banda ni Chad sa nominado para sa isang category. Chad and Natasha looked so sweet habang magkatabi sa upuan sa unahang bahagi niya. Ang ikinaiinis pa niya ay may dalang isa pang babae si Chad. Maganda, sexy, malandi. Sa tingin niya ay bisexual. “She will be your date,” bulong ni Chad sa tenga niya kanina na ikinamulagat ng mga mata niya. Kung alam lang nitong nasusuklam siya. Nasusuka. Nagpupuyos ang damdamin niya. Talagang pinangunahan na nito ang buhay niya. Ang sarap lang talagang manapak lalo na ang babaeng ito na ipinakilala ni Chad bilang si Jessa. Por diod por santo, humakaway na ang boobs nito at ang bibig, namumutok sa pula ng kolorete at nasobrahan yata sa mascara. “Hey, you’re cute.” Pasimple niyang inalis ang braso nitong nakapulupot sa braso niya na parang linta itong nakakapit. Nandidiri siya sa kaloob-looban niya. Ilang baldeng pabango kaya ang ibinuhos ng babae sa katawan nit
“It’s a surprise seeing you around.” “I’m thrilled to be here, Tita Marga,” sarkastiko niyang sagot sa kaanak na bahagya niya lang tinapunan ng pansin. Nagpatuloy siya sa paglalagay ng Chef’s Salad sa plato niya at bumalik sa mahabang mesa kung saan masayang nagkikuwentuhan ang mga kamag-anak. Death anniversary ng lolo niya at dito sa La Union ang venue ng celebration.Kung anu-ano ang topiko ang pinag-uusapan ng mga ito, lahat pinalampas niya lang sa kanyang tainga at sumige sa paglamon. Food is a better companion than her family. ‘Di rin naman siya pinapansin ng mga ito. Sa sobrang bigat ng loob nang manggaling sa party ni Chad ay nagkulong siya sa silid niya at napagpasyahan niyang huwag pumasok ngayon. Sumama siya rito. Nag-abiso na lang siya kay Pido sa pamamagitan ng isang text. Iisnabin na niya ang lahat ng family gatherings h’wag lang ang araw na ito para sa Lolo Federico niya. Ang lolo miya ang naging direktang magulang niya simula noong b
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a
Mahigpit ang hawak ni Chad sa palad niya habang naglalakad papasok sa bakuran ng mansion ng mga Gregorio. Abot langit ang kaba ni Van. Ito ang pinakaunang beses na tumapak siyang muli sa pamamahay na ito. Everything seemed both familiar and unfamiliar. Habang nililibot ng tingin ang buong bakuran ay tila nanunumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga alaalang mayroon siya sa pamamahay na ito. Partikular na napatitig siya sa garden, doon sila madalas tumambay at walang habas na magkikuwentuhan ng kanyang lolo noon. Noong nagkasakit ito, madalas niya itong ipasyal sa garden at babasahan ng paborito nitong poetry. “Hey, everything’s gonna be fine, Love.” Assurance ang hatid ng init ng palad ni Chad na mahigpit na pinagsalikop ang mga daliri nila. "Do I look okay?" Inipit ni Chad ang takas na buhok sa gilid ng tenga niya at ikinulong ang mukha ng dalawa nitong palad. He lightly kissed her on her lips. “Hindi lang okay. You look pretty. The
44 Napakislot si Van nang maramdaman ang kirot sa gitna ng kanyang mga hita nang magising siya. Parang umiikot ang kanyang isipan nang magmulat ng mga mata. May pagbabago sa katawan niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mahinuhang h***d siya at nanakit ang kaselanan. Napangiwi siya nang tumindi ang kirot. Paano ba naman, niragasa siya ng hiya nang bumalik sa kanya ang lahat ng naganap kagabi lang. Kusa niyang ibinigay kay Chad ang lahat–lahat sa kanya, patunay ang pulang mantsa sa bedsheet, at hindi lang iyon iisang beses. Naulit iyon nang naulit. Iba-ibang posisyon. She cringed at the thought. Nakakahiya. Kailangan niyang makaalis dito kaagad habang nasa loob ng banyo ang sigurado niya ay si Chad. Sa kabila ng sakit ay mabilis ang mga kilos na nagbihis siya. Wala na siyang panahon para ayusin ang gusot na buhok. Ngunit akmang hahakbang na siya nang siyang pagbukas ng pintuan ng banyo. Ikinahon si Chad ng pintuan. Almost naked. Chad is still d
43 “Van.” She froze in time. Kilala niya ang tila nahihirapang boses na iyon. Mas lalong kilala niya ang pagyabong kaagad ng kakaibang pintig ng kanyang puso. No! It couldn’t be. Pero maaari ba niyang itatwa ang pamilyar na paninindig ng kanyang mga balahibo sa bawat beses na nasa malapit ang taong iyon? Kinurot niya ang sarili. Sinisigiradong gising at hindi siya nananaginip. Saka niya ipinikit ang mga mata pero nang dumilat siyang muli ay ganoong senaryo pa rin ang nakikita. “Van.” Masyado naman yatang mapagbiro ang tadhana. Mariin siyang pumikit ulit. Sa pagmulat niya ay sumambulat ang katotohanan. Her eyes welcomed that set of deep dark eyes painted with so much longing. Ang balbas sa mukha ay nagiging mas prominente pero hindi sa puntong nagmumukhang barumbado o kidnapper. Ang buhok ay medyo humaba rin. Si Chad nga ang ngayo’y nakatayo na sa kanyang harapan. May paghihirap na nakapinta sa mga mata nito. “Ikaw ang kumidnap sa