Share

CHAPTER 03

Belyn

Napabalikwas ako ng bangon sa kama dahil sa sobrang lakas ng pagkalampag sa labas ng pinto sa 'king k'warto. Ngunit tumigil din iyon kaya bumalik ulit ako sa paghiga. Nagbabawi ako ng tulog ngayon dahil puyat ako kagabi kay Benesha at Rhonda. Hindi ako pinatulog ni Benesha ng maaga maraming kwento sa akin.

Alas-dose na yata iyon bago ito matulog. Kung hindi ko pa sinabihan na aantukin ako sa work bukas hindi ako tatantanan ng matabil kong anak.

Alam kasi ni Benesha. Kapag overtime ako sa office hindi ako makauuwi. Sabi ko, malayo ang office ko kaya roon ako natutulog kapag hindi umuuwi sa condo unit namin. Thankful naman ako sa anak ko nauunawaan niyang para sa future niya ang pagsisikap ko bumabawi na lang ako kapag magkasama kaming mag-ina.

Pagtulog ni Benesha. Kay Rhonda naman ako nakipag kwentuhan hanggang inabot kami ng madaling araw. Ending maghapon akong antok na antok sa office. Mabuti na lang hindi gaanong busy kanina tila nakisama ang trabaho ko kakaunti ang client na tumatawag. Naka anim pa akong kape hindi naman ako tinablan talagang hinihila ang mata ko sa antok pilit ko lang nilalabanan hanggang sa pag-out ko ng hapon.

Nag-aaral na si Benesha sa nursery. Learning center malapit lang din sa mansion condo. Private school ngunit hanggang elementary level lang.

Convenient din para kay Rhonda maghatid sundo kay Benesha, ‘di na kasi need mag commute walking distance lang in just ten minutes. School na ni Benesha.

Ito kasi ang katiwala ko rin sa laundry shop. Ginawa ko siyang business partner since ayaw ng kaibigan ko tumanggap ng sweldo iyon ang reward ko. Sa kita namin sa laundry shop hati kami. Natuto si Rhonda mag open ng savings doon nilalagay ang share niya sa kinikita namin sa laundry shop. Hindi man iyon kalakihan katulad sa mga malaking business kahit paano meron naman.

Sunod-sunod ulit na katok ang naganap sa labas ng pinto ko. Sino naman kaya iyon? Saturday naman ngayon bakit ang aga ng taong gusto akong gisingin.

Mamaya pa dapat ako gigising at sa hapon tutungo ulit sa condo ko, upang makasama ang anak ko. Doon ako matutulog hanggang linggo. Nagpaalam ako kanina kay Daddy sa office na meron akong overnight kasama ng mga bago kong kaibigan. Iba't-ibang alibi ang naiisip ko sa tuwing pupuntahan ko ang anak ko.

Kahit may duda sa mabilis na pagpayag ni Daddy. Hinayaan ko na. Bahala na kung ano man ang iniisip nito kasya hindi ko makasama ang Benesha ko.

Kahit inaantok pa ako sa mga oras na 'yon. Pinilit kong idinilat ang mata ko. Subalit hinihila pa rin ako sa sobrang antok, kaya naman muli akong pumikit. Ngunit muling kumatok sa labas at hindi na lang basta katok dahil kulang na lang gibain kung sino mang poncio pilato ang nasa labas ng pinto sa silid ko.

Napilitan akong bumangon. Napahawak ako sa ulo ko kasi masakit pa yon dahil sa pagkabitin ng tulog.

Nakapikit pa akong bumaba ng aking kama. Hindi ko na rin pinagkaabalahang isuot ang pambahay kong tsinelas. Tinatamad ang bawat paghakbang ko, patungo sa pinto upang silipin kung sino man ang hangal na kung maka katok daig pa ang may sunog sa pagmamadali.

Ilang oras pa lang ba ako natutulog pakiwari ko wala pang apat na oras. Dahil katawagan ko rin si Benesha kanina pagkatapos kinausap rin ako ni Rhonda. Meron kasing aalis na tauhan. Nagtanong si Rhonda kung papalitan. Mahihirapan naman kung hindi kasi tatlo lang ang tao sa laundry shop at hindi naman iyon kalakihan.

Buset! Sino kaya iyon ang aga pa gusto ko pang matulog. Pisti ala-sais pa naman walang hiya.

Padabog ko pang binuksan ang pinto ng hindi alintana kong sino ang nasa labas basta naiinis ako dahil nagambala ang tulog ko.

“M-mommy?” nauutal kong sambit.

Humalukipkip ito’t nakataas pa ang kilay. Hilaw akong ngumiti ngunit si Mommy hindi.

“Saan ka galing noong isang gabi?” malamig ang boses na sagot niya sa akin.

“D-dito lang po, Mommy,” matatag ko pang sagot sa kaniya.

“Sigurado ka?” aniya nanunuri ang titig sa akin.

“Opo,” nakangiti kong sagot sa kaniya.

“Nakita ka ni Anely sa labas ng subdivision. Sinong katagpo mo roon?” aniya duda. Si Ate ang tinutukoy niya.

So dumating na pala ito galing sa Palawan kasama ng mga barkada three days namasyal.

“Po? Sigurado po ba si Ate na ako iyon?” hindi nagpahalatang kabado ako.

Sandali niya pa akong pinagmasdan tila ba pinag-aaralan niya ang reaksyon ko kung may pagkakamali ang sagot huli nito ko.

“Nevermind,” aniya tila paalala hindi naman talaga iyon ang totoong sadya niya.

“Uhm, iyon lang po ba Mommy?” wika ko dahil gusto ko ng bumalik sa pagtulog.

“H’wag kang aalis ngayon, Belyn, dahil darating ang family ng mapapangasawa mo.”

“Ano po Mommy?”

“Pero nagpaalam ako kay Dad—”

“Hindi niya pa iyon alam noong na confirm ng mapapangasawa mo ang pag punta rito. Sobrang busy ang mapapangasawa mo daming hawak na negosyo kaya hindi agad naka oo,”

“Mommy, hindi na ba talaga magbabago ang isip n'yo?”

“Hoy, Belyn! Wake-up! Dahil wala ka ng magagawa. Pasalamat ka pa nga mayaman ang iyong mapapangasawa dapat nga magpasalamat ka pa sa amin,” aniya na naka ismid sa akin.

Alin ang dapat kong ipagpasalamat? Kahit saan tingnan wala akong dapat ipagpasalamat sa ginawa nilang pagmamanipula sa kasalang ito. Hindi ba nila naisip baka ang lalaking magiging asawa ko masama ang ugali. Paano ako.

“Narinig mo, Belyn?” paalala pa ni Mommy.

“Opo narinig ko.”

“Mabuti naman. H'wag kang lalayas pinaalala ko lang sa'yo ‘wag mo kaming ipapahiya,”

“Sige po Mommy,” pagsang-ayon ko upang matapos lang ang pag-uusap namin.

Dumating ang hapon. Nakabawi naman ako ng tulog. Mamaya raw alas-singko pupunta ang magiging balae nila at anak nito.

May dalawang oras pa akong mag-ayos. May naisip ako. Tama gagawin kong manang ang hitsura ko. Dadaigin ko sa kalumaan ang Nanang Luisita. Tingnan ko lang kung hindi umatras kapag nakita ako itsura ko. Sila na ang aayaw dahil wala akong ganda. I'm sure mayaman iyon gusto noon sexy at maganda.

Lumabas ako ng k'warto tinahak ang daan patungo sa silid ni Nanang. Hihiram ako ng palda at blouse.

“Anong gagawin mo sa damit ko ha, Belyn?” anang Nanang Luisita puno ng pagtataka.

“Nanang, please be quiet. Gagawin ko lang sinaluma ang itsura ko,”

“Ikaw talaga. Pero bakit?”

“Para po ma turnoff iyong darating na bisita. Sila na ang sisira sa kasunduan,” nakangisi ko pang sagot sa Nanang Luisita.

Kabado ako pagdating ng alas-singko. Patungo na raw ang bisita. Nakahanda na rin sila Mommy. Bumabaha rin ang pagkain sa dining namin. Ako lang yata ang malungkot. Kasi si Ate masaya rin naman kanina. Lalo ang Mommy todo effort sa pagpapaganda.

Hindi ako lumabas ayaw kong magalit si Mommy sa itsura ko ngayon. Mamaya wala na silang magagawa dahil nakabihis na ako, lalo’t kaharap nila ang bisita. Of course plastic si Mommy magpipigil iyon na magalit dahil kaharap ang aking mapapangasawa.

Sa kabilang banda gusto kong pagtawanan ang sariling kalokohan ng makita ang sarili kong reflection salamin. Malaki ang suot kong blouse na bulaklakin. Long sleeve pa. Ang palda ko halos umabot sa talampakan sa haba niyon.

Naglagay rin ako ng makapal na kilay at ganun din ang lipstick ko lampas din sa labi ko at sobrang mapula iyon. Hiniram ko pa ang malapad na reading glass ng Nanang Luisita. Kaya nga lang napangiwi ako. Makati rin pala lalo ang makapal na foundation sa mukha ko kaya nagpasya akong maghilamos.

Letse magkakaroon pa yata ako ng pimples sa makeup na ginamit ko. Hindi ko kinayang mag makeup pero ang reading glass ginamit ko na. Dahil malapad ang salamin halos sakop na ang mukha ko. Itinali ko rin ng mahigpit ng paikot ang buhok ko sa likuran. Ang lumang-luma kong damit hindi ko hinubad. Mukha na akong matandang principal na nakalimot mag-asawa sa ayos ko ngayon.

Saktong tapos na ako nang may kumatok sa pinto ng silid ko. Walang buhay na pinuntahan ko iyon upang silipin kung sino.

Humagikhik ako ng napaawang ang labi ng kasambahay namin. Pinasadahan niya ako ng tingin puno ng pagtataka sa kaniyang mata. Kalaunan sinabi nito ang sadya niya panay naman tingin sa damit ko kahit kinakausap ko siya.

“M-ma'am dumating na po ang bisita pinatatawag na po kayo ng Mommy at Daddy mo,”

“Sige ate, salamat,” saad ko.

Kalansing ng kutsara tinidor ang nauligan ko habang papalapit sa komedor. Pagdating ko roon lahat sila nabaling ang tingin sa akin. Nakaawang ang labi ni Mommy at Ate Anely.

Si Mommy kulang na lang tirisin ako sa pasimple niyang may babala na titig sa akin. Para bang sinasabi ng mata niya may paglalagyan ako mamaya sa aking kapangahasan.

Bagamat si Daddy wala akong nakitang ni galit or kahit tawang reaction nailing lang ito. Si Ate bumungisngis pinasadahan ako ng tingin.

Hindi ko sila pinagkakaabalahang pansinin, dahil sa bisita nila ako natulala. Tingin ko sa dalawa ay mag-asawa at halos kasing edad lang ni Daddy. Or kung matanda man si Dad, hindi marahil na lalayo. Humanga ako sa mag-asawa. Iyon ang hula ko kasi ang sweet ng katabi nitong lalaki sa maganda babae. Para bang ito lang ang nakikitang maganda sa paningin nito.

Maganda naman talaga hindi nakapagtataka kung kumikislap ang mata ng bisitang lalaki sa tuwing titingin sa katabi nitong magandang babae.

Ang amo ng mukha ng babae nakangiti sa akin but her husband is serious and full of authority on his face. Bumagay sa guwapo nitong mukha. Iyon bang isang salita lang nito matatakot ang mga tauhan dahil suplado.

“My God, you're so pathetic, Belyn,” nang uuyam na tawa ni ate. She laughs at my physical look.

Bakit dalawa lang sila nasaan ang mapapangasawa ko? Instead, that's what I whispered; I didn't pay attention to what Ate said.

“Vilma, ito na ba ang mamanugangin ko?” tanong ng magandang babae.

Humanga ulit ako sa malamyos nitong boses. Kung anong kinaganda nito siyang lambing din ng boses nito.

“Yes, Mrs. Ching,” sayang-saya na sagot ni Mommy.

Binalingan ako ng tingin ng bisitang babae. “Dito ka sa tabi ko, hija,” aniya at tumayo pa pinaghila ako ng upuan. Namangha ako kasi nakaka bigla ang kabaitan nito. Ang asawa nito nakasunod lang ng tingin sa bisitang babae. Walang pagtutol tahimik lang.

Nakangiti ito’t inaantay ako. Ako ngayon ang tinablan ng hiya. Nagsisi tuloy ako na ganito ang itsura ko parang papasa akong alalay ni Mrs. Ching.

Dahan-dahan akong lumakad. Alam kong sinusundan ako ng tingin ni Ate at Mommy.

“Saang baol mo naman nahugot ang kasuotan mo ha, Belyn? Ganiyan na pala ang bago mong trip,” parungit ng kapatid ko ngunit dedma ko lang.

“Ma'am, thank you po,” pasasalamat ko sa bisitang babae.

“Ma'am?” aniya ngunit hindi galit. “You should learn how to address me as your Mommy,” aniya pinisil pa ako sa kamay.

Nahihiya akong ngumiti. Pasimple pa akong tumingin sa paligid. Nakataas kilay ni Ate at Mommy.

Tumikhim ang asawa nito. Grabe seryoso nito sobrang nakaka intimidate. “Baby, masyado mong minamadali. Relax, pag-uusapan pa lang ang kasal,” aniya sa napakalambing nitong boses.

Doon ako namangha sa endearment nito. Ang sweet naman sa kabila ng kanilang edad iyon ang tawag sa magandang babae.

Nakikinig lang ako sa pinag-uusapang kasal. Itinakda ang pitsa. Hindi ako nakatiis nagtanong ako kung nasaan ang anak nila bakit wala rito. Aware ba iyon sa kasalang ito.

“Uhm, I have a question lang po,” ani ko kinatigil nila at sa akin tumingin.

“Go ahead, hija,” sabi ng soon biyenan kong babae.

“Don't get me wrong, Ma'am. Ahm…bakit po wala ang anak n'yo sa pag-uusap na ito? Alam ba niya itong pinag-uusapan n'yo po?”

Bumungisngis ito hinawakan ako sa kamay. “Yes, hija. Hindi lang siya nakapunta kasi may biglaang assignment,” wika nito.

“Estudyante pa po?”

Bumunghalit ito ng tawa animo tuwang-tuwa sa akin. Napanguso ako. Buti na lang walang reaction ang asawa nito maliban sa kapatid ko at Mommy na asar sa akin.

“I like you, Belyn. You're so witty,” sabi pa nito.

Alanganin akong ngumiti. “Hindi pa po ako mag-aasawa,” mahina kong sambit na kinasinghap nilang lahat.

Nagyuko ako ng tingin. Tumikhim si Mommy. “Palabiro talaga iyang anak namin kaya pagpasensyahan n'yo na Mrs. Ching,” anang ni Mommy.

Natatakot akong mag-angat ng tingin ngunit kailangan. Pagtingin ko sa katabi kong ginang parang gusto kong bawiin ang nasabi ko. Halata sa mata nito ang lungkot. Bakit kaya? Ganun ba nila ako kagusto para sa anak nila?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status