Belyn “Hey, Miss sungit. Ang bilis mo naman maglakad,” pahabol niyang pang-aasar sa akin at nanatiling sinusundan niya ako. Malala na talaga ang sapak nito sa ulo kung ano-anong sinasabi ng kabastusan. “Ms, joke ko lang iyon please ‘wag ka naman magalit sa akin,” saad nito hinabol ako. Mabilis akong lumakad upang makalayo ng tuluyan sa stalker ko. Malala na siguro ang saltik nito napunta pa ng Pasay. Imagine galing pa ng shaw boulevard station. Hanggang dito nasundan pa ako. Tsaka paano kaya nito agad nalaman dito kami nakatira. Ang bilis naman nitong makapunta. Natulog pa ba ito? Aga-aga kasi narito na ito sa mansion condo. Or baka isa itong dakilang tambay maraming oras mag-stalk kung may natipuhan hindi na titigilan. Baka may masamang binabalak ang lalaking ito sa amin ng anak ko. kasi magtiyaga ba itong pumunta dito sa Pasay. Other than that, all I can think of is that he has terrible intentions for both Benesha and me. I have to be careful. Mabilis akong huminto. Pisti! Kamu
Belyn Pagkatapos namin mag-usap ni Benesha. Binilisan ko rin kumain. Naubos kasi ang oras ko sa pakikipagusap sa anak ko sa dami ng kwento nito, nahinto ang pagkain ko. Hindi ko lang maiwasang matakot sa sinabi ng anak ko na new friend niya babalik daw kapag hindi na busy. Hiniling ko na sana ‘wag na itong magpapakita. Naku naman matandain pa naman si Benesha, kapag pinangakuan. Wala akong kasama sa office kasi sa pantry kumain ang ka department kong si Melissa at Danica. Ganun din ang head namin. Pinapayagan naman kaming kumain sa working table basta sigurado lang walang maiiwan na kalat. Kasi mahigpit ang management dahil nga garment factory ang Ben & Kho Apparel. Dalawang building ang nakatayo. Itong kinatatayuan ko ngayon ito ang office building. Dalawang palapag lang ito at sa second floor office lang ni Daddy at nandoon din ang conference room. Dito kaming lahat sa baba iba't ibang department. Kabilang ang pantry. May canteen naman hiwalay rin na building ngunit bungalow lan
Belyn “Kuya salamat po,” magalang kong sabi sa duty guwardiya sa factory noong hapon na uwian namin. Sila kasi ang nagbukas ng gate para sa akin. Nakita ko pa sila Danica at Melissa sa paradahan ng tricycle pasakay na nagbusina ako kaya napalingon sila. Binuksan ko ang pinto sa tabi ko. “Sabay na kayong dalawa. Idadaan ko kayo sa sakayan ng dyipni,” alok ko sa kanila tinigil ko ang kotse sa kanilang tabi. Isang ride lang naman sila ng jeep. Medyo malayo-layo ang bahay ng dalawa hindi kaya ng tricycle or pwede rin naman tricycle. Mahal nga lang ang ibabayad nila. Kung mag Jeep lang sila 13 pesos lang ang pamasahe. Kaso lang wala kasing dyipni na dumadaan dito sa harapan ng factory. No choice ang dalawa nagtra-tricycle sila patungong sakayan ng dyipni. May samahan kasi ng tricycle sa tabi ng factory. Pinayagan ng Lolo namin noong kasalukuyan nabubuhay pa ito. Hindi na pinaalis ng Daddy ng siya ang pumalit mamahala sa kumpanya. Nilagyan pa nga ng waiting shed kapag maulan may silunga
Belyn Walang katao-tao sa loob ng bahay pagdating ko. Kahit sa living room walang tao. Hmm…nasaan kaya si Mommy? Akala ko ba, may kailangan siya sa akin. Nag-diretso ako sa dining area. Six thirty na ng gabi himala walang tao. Wala rin si Nanang Luisita pagdating ko roon. Dalawang kasambahay lang ang nakita ko. Naghahanda ng pagkain sa lamesa. I think dinner na ang inihanda nila base kasi sa oras ngayon. "Hindi po nagluto ang Nanang?" hinanap ko sa kanila kung nasaan ang Nanang Luisita. “Nasa silid niya kakapasok lang pero babalik daw agad,” “Ganun po ba? Sige po salamat, Ate. Um…dinner na po iyan diba?” tanong ko kahit may idea na ako na hapunan ang kanilang inihahanda sa dining table. “Opo,” sabay pa sila sumagot. “Sige po. Kapag po bumalik si Nanang Luisita, pakisabi dumating na ako mga Ate, ha?” bilin ko pa. Nagpasya akong magtungo na muna sa k'warto ko upang magbihis. I really like it that they don't know that I'm here na. Lalo na si Mommy. Palibhasa’y alam kong hindi ko
BeLyn Dahil wala akong pasok nagpatangahli ako ng gising. Kalimitan ang gising ko alas-sais kapag papasok ako sa office. Eight A.M kasi ang pasok ko kaya kailangan ganoon oras ay gising na ako upang hindi abutan ng traffic sa biyahe. Sabi naman ni Mommy ten A.M ang open ng shop ni Mrs. Ching, kaya ngayon lang akong alas-otso gumising. Aalis raw kami mga around ten thirty. Hindi pa ako kumilos nanatili pa ako sa higaan ko dahil gusto kong kumustahin ang anak ko. Tinawagan ko muna si Rhonda. Mamaya ako mago-overnight sa Mansion Condo. Iisip pa ako ng alibi sa Daddy, upang hindi ko na kailangang tumakas pa. “Oh, himala hindi ka ngayon pumasok? Bumait na ba ang Mommy mo kaya nakapag absent ka?” nakangisi pa bungad agad ni Rhonda sa akin sa kabilang linya. First day of school ngayon ni Benesha, hindi ko naihatid. Pero kagabi kausap ko ito nanghingi ako ng sorry. Mabait naman ang Benesha ko naiintindihan daw kasi may work nga raw ako. “May picture ka ni Benesha?” “Of course ako pa ma
BeLyn “Hindi na ako magapaligoy-ligoy pa Mr Ching, Mrs. Ching. Paano ako makasisiguro na maayos kayong kausap? Ayaw kong maging kawawa ang anak ko na kapag ayaw na ng anak n'yo? Basta lang aatras sa kasunduan natin. Kahit naman kailangan namin ang pangalan n'yo. Kung napipilitan ang anak n'yo, mabuti pang wala na lang maganap na kasalan.” Napaangat ako ng tingin kay Daddy. Ewan ko kung nakita nito abot tainga ang aking ngiti. Maging sa aking kinauupuan umayos ako sa aking pagkakaupo. Handang makinig kung ano pa ang iba niyang sasabihin. Natuwa ako roon sa sagot ni Daddy, kay Mr. Ching. Nabigyan ako roon ng mahigit libong pag-asa. Ngayon pa lang gusto ko ng yakapin si Daddy ng isang milyon na pasasalamat. “Protacio!” mariin na saad ni Mommy. Binigyan ng babala si Dad upang manahimik. Lihim akong nabahala baka makinig nga si Daddy kay Mommy at agad-agad itong sumangayon. “Vilma, gusto ko lang ipaalala sa kanila na hindi tayo maghahabol sa kasalang ito. Kahit na nga kailangan natin s
BeLynNang mawala sa paningin ko ang mag-asawang Ching. Dali-dali akong tumayo sa aking kinauupuan upang tumakas habang hindi pa ako na ko-corner ni Mommy. Panigurado, pagbalik nito ako ang kakalabanin nito pagbalik mamaya pagkatapos maihatid ang bisita.Hinatid kasi ito ni Mommy at Daddy sa labas hanggang sa kotse raw ng mag-asawa. Subalit kung kailan malapit na ako sa hagdan bumukas na ang main door.Nagkunwari akong hindi na bahala sa pagbungad ni Mommy at nagpasya akong magpatuloy humakbang. Subalit bago pa akong hahakbang sa hagdan. Malakas na sigaw ni Mommy ang nagpatigil sa akin.“Saan ka pupunta ha, Belyn? Bumalik ka rito hindi pa tayo tapos na maldita ka!”Dahan-dahan akong humarap para lang mapalunok dahil nasilayan ko ang galit na galit na itsura ni Mommy sa akin. Kulang na lang ay ipatumba niya ako sa kaniyang mabigat na mga titig sa akin.“Mommy,” mahina kong bulong. Mariin akong napalunok dahil lumalapit siya sa akin na sobrang sama ng tingin.“Walanghiya kang babae ka!
BeLyn“Hindi ka papasok ngayon at hindi ka na rin p'wedeng umalis ng bahay.”“Ano po?” sagot ko kay Mommy. Sinundan pa ako nito dito sa kitchen para lang sabihan ako ng walang kabuluhang bagay.“Oo, baka kung ano pa ang maisip mo hindi mo siputin ang anak ni, Mrs.Ching, mapahiya pa kami ni Protacio, Belyn,” nakahalukipkip niyang saad sa akin.Ano raw? Ang nice talaga ng kinilala kong Ina. Biglang naging masungit si Mommy, samantalang kanina para itong isang madreng hindi makabasag pinggan ng kaharap namin ang magulang ni Aaron.Napaka plastic talaga nito kay daling magpalit ng anyo kapag wala ng kaharap na mahalagang tao.“Anong tinitingin-tingin mo r’yan. Ano nag-iisip ka ng plano para tumakas? Ngayon pa lang itigil mo na, Belyn. Wala rin patunguhan iyang binabalak mo."“Bakit naman po pinagbabawalan niyo akong lumabas? Paano po ako niyan papasok sa trabaho?”“Napakatigas ng ulo mo. Bawal ka na ngang umalis ng bahay! Ibig sabihin niyan kasama na ang trabaho mo. Baka maisip mo pang ma