BeLyn “Hindi na ako magapaligoy-ligoy pa Mr Ching, Mrs. Ching. Paano ako makasisiguro na maayos kayong kausap? Ayaw kong maging kawawa ang anak ko na kapag ayaw na ng anak n'yo? Basta lang aatras sa kasunduan natin. Kahit naman kailangan namin ang pangalan n'yo. Kung napipilitan ang anak n'yo, mabuti pang wala na lang maganap na kasalan.” Napaangat ako ng tingin kay Daddy. Ewan ko kung nakita nito abot tainga ang aking ngiti. Maging sa aking kinauupuan umayos ako sa aking pagkakaupo. Handang makinig kung ano pa ang iba niyang sasabihin. Natuwa ako roon sa sagot ni Daddy, kay Mr. Ching. Nabigyan ako roon ng mahigit libong pag-asa. Ngayon pa lang gusto ko ng yakapin si Daddy ng isang milyon na pasasalamat. “Protacio!” mariin na saad ni Mommy. Binigyan ng babala si Dad upang manahimik. Lihim akong nabahala baka makinig nga si Daddy kay Mommy at agad-agad itong sumangayon. “Vilma, gusto ko lang ipaalala sa kanila na hindi tayo maghahabol sa kasalang ito. Kahit na nga kailangan natin s
BeLynNang mawala sa paningin ko ang mag-asawang Ching. Dali-dali akong tumayo sa aking kinauupuan upang tumakas habang hindi pa ako na ko-corner ni Mommy. Panigurado, pagbalik nito ako ang kakalabanin nito pagbalik mamaya pagkatapos maihatid ang bisita.Hinatid kasi ito ni Mommy at Daddy sa labas hanggang sa kotse raw ng mag-asawa. Subalit kung kailan malapit na ako sa hagdan bumukas na ang main door.Nagkunwari akong hindi na bahala sa pagbungad ni Mommy at nagpasya akong magpatuloy humakbang. Subalit bago pa akong hahakbang sa hagdan. Malakas na sigaw ni Mommy ang nagpatigil sa akin.“Saan ka pupunta ha, Belyn? Bumalik ka rito hindi pa tayo tapos na maldita ka!”Dahan-dahan akong humarap para lang mapalunok dahil nasilayan ko ang galit na galit na itsura ni Mommy sa akin. Kulang na lang ay ipatumba niya ako sa kaniyang mabigat na mga titig sa akin.“Mommy,” mahina kong bulong. Mariin akong napalunok dahil lumalapit siya sa akin na sobrang sama ng tingin.“Walanghiya kang babae ka!
BeLyn“Hindi ka papasok ngayon at hindi ka na rin p'wedeng umalis ng bahay.”“Ano po?” sagot ko kay Mommy. Sinundan pa ako nito dito sa kitchen para lang sabihan ako ng walang kabuluhang bagay.“Oo, baka kung ano pa ang maisip mo hindi mo siputin ang anak ni, Mrs.Ching, mapahiya pa kami ni Protacio, Belyn,” nakahalukipkip niyang saad sa akin.Ano raw? Ang nice talaga ng kinilala kong Ina. Biglang naging masungit si Mommy, samantalang kanina para itong isang madreng hindi makabasag pinggan ng kaharap namin ang magulang ni Aaron.Napaka plastic talaga nito kay daling magpalit ng anyo kapag wala ng kaharap na mahalagang tao.“Anong tinitingin-tingin mo r’yan. Ano nag-iisip ka ng plano para tumakas? Ngayon pa lang itigil mo na, Belyn. Wala rin patunguhan iyang binabalak mo."“Bakit naman po pinagbabawalan niyo akong lumabas? Paano po ako niyan papasok sa trabaho?”“Napakatigas ng ulo mo. Bawal ka na ngang umalis ng bahay! Ibig sabihin niyan kasama na ang trabaho mo. Baka maisip mo pang ma
Belyn Pupuntahan ko ngayon din si Nanang Luisita habang maaga pa upang kontakin niya ang kapatid sa Sampaloc. I hurried to get out of bed. Napalakas pa ang pagbukas ko ng pinto sa k'warto ko. Kaya natampal ko ang noo ko. Kalma lang dapat makakakuha pa ako ng atensyon sa ginagawa ko. Nang pababa na ako sa grand staircase. Bigla akong napaatras dahil nasa sala pala si Mommy. Napalunok ako baka makatunog ‘to dobleng ingat dapat ako. Tama nga kasi hindi pa ako tuluyang nakakarating sa taas na huling baytang tinawag ako ni Mommy no choice lumingon ako sa kaniya. “Saan ka pupunta?” sandali niya akong binalingan ng tingin nakataas kilay pa. Nakapamewang ito naka call pa ang phone nakikita ko kasi kumikislap ang ilaw. “Manood po sana ng TV,” palusot ko kahit hindi ko sure kung kakagatin nito ang alibi ko. Lihim akong napalunok baka pagdudahan ako kasi pinasadahan niya ako ng tingin bago pa sumagot. “Sige na balik na sa kwarto mo. Doon ka na manood,” “S-sige po Mommy,” sagot ko na lam
Belyn “Itigil mo sabi ano ba! Isusuplong kita sa pulisya makikita mo. This is kidnapping!” singhal ko pa kay Aaron, ngunit hindi lang nakitaan ng pagka bahala sa kanyang mata. Para bang sigurado ito sa ginagawa niya ngunit ako kabado bente kung saan ako dadalhin ng tukmol na ito. “Kapag makatakas ako Mr. Stalker. Humanda ka. Dahil irereklmo kita sa presinto—” “I'm not afraid. Baka si Daddy at Mommy mo ang ipakulong ko—” “Ano? Sira na siguro ang ulo mong animal ka pati magulang ko idadamay mo rito,” “Let see,” bulong nito but it still reached my ears, kaya nagbabaga ang titig ko sa kaniya. Kung nakakasunog lang ang masama kong tingin kay Aaron, his whole body must have been on fire now. Pinilit ko pa ring buksan ang pinto baka sakaling bukas na iyon. Subalit napagod at nanlumo lang ako. Letsugas na Intsik na ito sarap basagin ang itlog gigil na ako. Umabot na hanggang sa talampakan ko ang sobrang inis kay Aaron sa pagdukot nito sa akin. Sa inis ko tinadyakan ko na lamang ang pi
Belyn “Mommy,” wika ni Aaron, lumapit sa mommy nito at humalik sa pisngi. Bahagya akong napanguso sa nasaksihang kong tagpo. Mabait naman pala kapag sa magulang nito pero hindi magbabago ang galit ko sa kanya. Inaalala ko lang ngayon ang anak ko, baka nag-aantay na iyon ngayon sa akin. Usapan namin ni Rhonda aalis ako ng bahay lampas alas-singko kasi nga abangers pa ako sa pag-alis nila Mommy at Ate Anely. Paano na ngayon? Tiyak iyon namumuti na ang mata nila ni Benesha at maging sa Sampaloc inaasahan na darating kami roon ng hatinggabi. “Mabuti hindi kayo gaanong ginabi anak,” naulinigan kong saad ni Mrs. Ching kay Aaron. Malambing din nito tinapik ang balikat ni Aaron, pagkatapos ay sa akin naman siya tumingin. “Hija, tayo ng pumasok sa loob,” aniya nilapitan ako. Napatda ako kasi niyakap niya ako kahit na nga mabilis lang iyon at pagkatapos, masayang yumakap sa braso ko. Ayaw ko naman mapahiya dahil maayos akong kinakausap ni Mrs Ching, kaya nagpahila na lamang ako sa kanya p
Belyn “Ano ba Aaron, hindi mo ako rito mapatira. Kukunin ko si Benesha. Hindi rin ako naniniwala na ikaw iyong lalaking na kasama ko. Wala kang proof na anak mo si Benesha!” “H'wag mo akong hahamunin, Belyn, dahil hindi ako sumusugod sa isang laban, kung wala akong matibay na bala. Ngayon mamili ka. Bukas, ikakasal tayo or aalis kang mag-isa rito. Dito lang ang anak ko sa bahay namin at hindi mo siya makukuha sa akin.” “Ano !?” Lumaki ang ulo ko Hindi ko mapigilan na manubig ang mata ko. Dahil sa sobrang galit ko sa kaniya nag-unahan pumatak ang luha sa pisngi ko. Kaagad ko iyon tinuyo gamit ang likuran ng palad ko. Ayaw kong ipakita rito umiiyak ako sa harapan niya. Kahit kita ko naman tahimik akong pinanonood. “Napakawalanghiya mo para gawin ito sa akin. Dahil mapera kayo kaya kinakaya mo lang ako? Hindi mo ako binibigyan ng choice dahil lahat pabor ito sa inyo.” “Hindi mo pa rin ako makukulong dito. Ako ang mas may karapatan sa anak ko,” nagtaas ako ng boses kaya lumingon sil
BelynHiyang-hiya mabilis akong bumitiw kay Aaron dahil sa panunukso ng Ginang sa aming dalawa. Ang unfair lang sa side ni Aaron, dahil wala naman itong kahihiyan kahit una naming tagpo.Makapal nga talaga ang mukha ng binata para pa nga nagustuhan nito nahuli kami sa ganoong posisyon ng Mommy nito at ni Daddy ko, sayang-saya pa kita ko sa mata kahit nagpipigil ngumiti.Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanila lalo na kay Daddy dahil mataman niya akong pinag-aaralan ng tingin. At kahit na wala naman akong nakikitang pangunugutya sa mata ni Mrs. Chong, nahihiya pa rin ako. Kasi kabago-bago naming magkakilala ng anak niya kahit na nga sabihin may anak na kami ng tukmol niyang anak. Hindi pa rin akong komportableng kumilos sa harapan niya.“Maari naman si Daddy mo na lang ang kumausap sa Daddy ni Belyn, hijo, kung gusto n'yo ng magpahinga ni Belyn,” Mrs. Ching said to Aaron and me.I tried to smile. Ewan kung maayos pa ba akong nakakangiti sa harap nila sa mga sandaling iyon. Pero