Belyn "Anak ko ang pinagbabawalan mong umuwi? Baka nakakalimutan mo Aaron, na ako ang Ama ni Belyn?!" galit ang boses ni Daddy pinagsabihan si Aaron. "Daddy, 'wag po kayo masyadong magalit baka mapaano po kayo," suway ko sa kaniya. Kasi namumula na sa galit ang pisngi nito. “Huminahon ka muna kumpadre. Maari naman natin itong pag-usapan. Gusto lang ng anak ko makasama ang mag-ina niya. Wala naman sigurong masama dahil matagal din silang hindi nagkasama ni Belyn at ang apo ko,” sumingit sa pag-uusap nila Aaron at Daddy si Mr. Chong, subalit nasa mukha ng ama ko na hindi ito pakikinggan kahit ano ang pakiusap ng ama ni Aaron. Nakabantay ako kay Daddy kasi mabigat ang paghinga nito natatakot ako baka kung anong mangyari dito. Akma akong aalis sa tabi ni Aaron upang daluhan si Daddy nang marinig ko ang pagsinghap nito, animo ayaw akong paalisin sa aking kinauupuan. Hinawakan niya ako sa braso ko subalit binigyan ko siya ng may babala titig binawi niya iyon. “Hindi kayo uuwi ni Benes
Belyn Nakatulala akong naiiyak ngunit nakangiti habang pinanonood ang napakagandang tanawin sa aking harapan. Si Daddy at Benesha para lang matagal na silang magkakilala sa way ng pagpapalitan ng usap. Hindi ko napansin kinakausap na pala ako ni Daddy. Si Benesha ay karga na ni Aaron malambing naka yakap sa leeg ng ama nito. Napalunok ako. Ang unfair lang. Ako ang simula't umpisa ang kasama ng anak ko, subalit gustong-gusto na nito sa ama niya. Palagay na ang loob nito kay Aaron animo kasama na namin ito simula ng isilang ko siya. “Kakausapin ko lang sila anak,” paalam ni Daddy sa akin at ewan ko, kung kanina pa niya na ako kinakausap kasi nakatitig na pala ito at kunot ang noo niya pinagmamasdan ako. Wala kasing pagsidlan ng labis na kaligayahan namamahay sa aking dibdib ngayon, dahil nasilayan ko sa mga mata ni Daddy Protacio, na mahal niya si Benesha, kahit ngayon pa niya nakilala ang apo niya. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapag isip ng maayos dahil para akon
Belyn “Ikakasal tayo bukas sa ayaw at gusto mo,” paos ang boses na wika ng nakayakap sa akin na si Aaron. Naamoy ko ang alak sa pagsayad ng hininga nito sa aking batok. Lasing ba ang lalaking ‘to? Kaya naman pala malakas ang loob na yumakap-yakap ngayon sa akin dahil nakainom ang damuho. Pero ang unfair ha? Kahit amoy alak hindi masakit sa ilong kahit humalo iyon sa natural niyang bango hindi matapang ang amoy. “Umuwi na si Daddy Protacio,” bulong niya sa ‘kin na para bang tinatanong ko iyon sa kanya kahit alam niyang tulog ako. Napalunok ako dahil nakasubsob ito sa buhok ko para bang nasisiyahan ito na inaamoy niya iyon. Na patanong tuloy ako kung hindi pa ako amoy araw kasi umaga pa ang huling ligo ko. Ako ang naiilang kasi hindi pa rin nga ako nakabihis at kaninang umaga pa itong suot kong damit. Maayos naman ang suot kong blouse, although pambahay ito. Gano'n din ang tokong ko pambayad ngunit bago pa naman dahil bihira ako magsuot ng tokong. Mas gusto ko pa ng maong short or
Belyn Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong apat na sulok ng k'warto pagkatapos umalis ni Aaron sa tabi ko. I'm thinking about Aaron and my wedding tomorrow in silence. If I want to decline this marriage, paglalayas lang ang solusyon ko. Eh, ang tanong saan naman kami magtatago ni Benesha, ng hindi niya kami kayang hanapin? I'm sure alam na ni Aaron, na dapat sa Sampaloc kami patungong mag-iina, kaya inunahan niya akong sunduin si Benesha sa Mansion Condo. Sa kabilang isip ko naman, gusto ko na lang din sumunod sa agos na nangyayari ngayon. I will give him what he wants, tsaka na ako iisip ng paraan kapag nakuha ko na ang loob ni Aaron. Kahit kasi tumakas at magtago kami ni Benesha. Sa itsura ng damuhong Chong-Ching na ito. Tiyak kong masusundan at mahahanap pa rin niya kami ng anak ko. Of course! Wth their influence and money, walang imposible. Masakit lang isipin para sa side ko. Dahil wala akong magawa kasi ako pa rin talaga ang talo sa pinaglalaban ko. Isa pa ay may
Belyn “Aaron ibaba mo na lang kasi ako baka tayo’y mahulog dito sa taas naku po ang tayog pa naman nitong hagdan n'yo baka sa baba tayo pulutin ng tigok na yawa ka,” Malakas itong tumawa ngunit ako, hindi. Dahil nanggagalaiti ako sa pagka bwisit dahil may sinabi pa ito na kina pikon ko ng husto. “Hindi ba p'wedeng manahimik ka na lang, mm…baby, masakit na sa tainga para kang wang-wang sa mga mobile car putak ng putak,” Napamulagat ako parang umakyat lahat ng galit sa bumbunan ko. Letse siya. 'Relax lang self, dagdagan mo pa ang pasensya kapag ikaw ang napikon talo ka.' Sa isiping ‘yon. Kinalma ko ang aking sarili dahil mauubusan ako ng pasensya kung patuloy akong makikipagtalo sa kaniya. “Masyado ka kasi paladisisyon at hambog. Sabi ko lang naman sa 'yo na ibaba mo ako, baka kasi mahulog pa tayong pareho. Aba naman Aaron, ayaw ko pang ma dead ball dahil maliit pa ang anak ko,” “Anak natin Belyn. Hindi sa'yo lang. As far as I know, you can't have a beautiful Benesha if it's
Belyn“Wait Aaron!” pigil ko pa sa kaniya kasi ang bilis humakbang. Nakakalimutan yata nito na mahaba mga binti niya kung maglakad hindi inisip na isang hakbang niya ay dalawa ang akin. Dagdagan pang medyo madilim wala talagang pakisama.Tumigil ito'y bumuntonghininga. Inaantay kong ito'y lumingon sa akin. Kasi hingal akong maghabol sa kaniya. Pagsasabihan ko dapat siya, baka gusto n'yang slight magdahan-dahan ng lakad dahil may kasama siya subalit biglang umurong ang aking dila kasi salubong ang kilay ng damuho.“Why?” that's all he asked.“W-wala…s-sige na,” sabay bawi ko dahil sa kaseryosohan ng mukha nito, natakot na ulit akong magsalita. Baka kasi mapikon ulit ’to mahirap na maging doble na ang sapak or ako ang masapak.Narinig ko pa napa 'tsk' ito at umiling-iling nagpatuloy lumakad habang ako nasa likuran nito na kasunod lang sa kanya. Ang lawak din pala ng dining area kahit na mag party pa ay kayang-kaya itong i-accommodate I think more or less forty visitors sakto pa. Makaki
Aaron Gusto kong tumawa dahil ang taray talaga nito. Hindi ako maka porma ng maayos agad kasi akong sisinghalan. Pabalang pa nga kung sumagot kapag gusto akong inisin. Talaga naman Oo. I laughed secretly. Dammit! Iginagalang at ilag sa akin lahat ng tauhan namin sa kumpanya. Pero dito sa Mommy ni Benesha? Damn! Kayang-kaya niya akong sagot-sagutin ng hindi man lang kakikitaan ng takot. Pinatagal pa ang pagpayag nito sa alok na kasal ko. Ayos talaga, sasang-ayon din lang pala sa nilatag kong kasal. Humantong pa sa muntik n'yang paglalayas. Damn! Mukhang kailangan ko ng mahabang pasensya araw-araw simula bukas ah. Imagine ako ang boss ng Eagle Eye Secret Service at CEO ng Rubillete Textile and Apparel. Mga balang humahagibis kapag nasa misyon ako. Hindi ko iyon inuurungan. Fuck! Dito sa mommy ng anak ko, nasira ang record ko. Mabuti ako lang ang nakakaalam noon baka pati mga executive at investors ng kumpanya pagtawanan pa ako. I chuckled. Tang-na! Aaron. Hindi ko magamit-gamit an
Belyn Napabalikwas ako ng bangon kahit nakapikit pa ako nang paggalaw ko sa kinahihigaan namin ni Benesha hindi ko siya nakapa sa aking tabi. Benesha? Damn ang anak ko! Pinilit kong idilat ang aking mata kahit ang bigat pa talaga at gustong-gusto ko pang matulog kasi dinadaig ako ng sobrang antok dahil hating-gabi na, gising pa ako kagabi. Nang mabawasan ang antok ko ay inilibot ko ang aking mata sa apat na sulok ng silid ni Aaron. Para bang mahahanap ko sa paligid lang si Benesha at doon ko makikita ang anak ko. Shit nasaan si Benesha? S-si Aaron wala rin sa couch kung saan ito natulog kagabi. Naku! 'wag n'yang sabihin umalis silang mag-ama na hindi man lang sumangguni sa akin dahil malilintikan talaga siya sa akin. Gusto ko pang matulog kung hindi nga lang sumagi sa isipan ko ang katabi kong anak, baka gutom na. Kaya nga na-check ko iba naman ang natuklasan ko, wala ng Benesha nakahiga sa tabi ko. Anong oras kaya iyon gumising? Himala dahil sa pagkakaalam ko sa Mansion Condo.
Aaron “Hello, Rodel? Nariyan ka ba sa sasakyan?” Kanina pa ako tumatawag ang tagal nitong sagutin. Nasa elevator na ako pababa ng ground floor. Magpapasama kasi ako rito maghanap ng gusto ni Misis. Ilang gabi na ba akong puyat. Ito pinahihirapan sa paglilihi ng asawa ko. Ngunit hindi ako mapapagod na sundin siya at pagbigyan ng bawat pagkain na hilingin nito. Kanina kasi inaantok pa ako at tinatamad akong bumangon muntik pa magalit ang Misis ko. Isang oras pa kasi ako noon nakaiidlip. Dahil nga sa pinabili niyang dalandan na hindi rin naman pinansin ng ako'y dumating. Iyon ang iniiwasan ko magalit ‘to dahil part ng paglilhi ang papalit palit nitong mood, at wala akong reklamo kahit saan niya pa ako utusan. Kahit pa makarating ako ng Visayas at Mindanao. Kung ang hilingin nito roon mabibili ang pagkain na gusto ni, Misis. Handa akong magtungo roon para lang paluguran ito. “Boss pambihira ka naman ang sarap ng tulog ko binulabog mo,” halatang kagigising lang ni Rodel. Napangi
Belyn “Ate Tala, sure ka Ikaw na ang susundo kay Benesha?” tanong ko kasi malapit ng eleven AM. Iyon ang labasan ni Benesha. “Oo naman ma'am Belyn. Kerebels ko kahit nga lakarin ko okays lang,” “Hindi ate, nasa baba lang si Kuya Rodel. Ihahatid ka at ganoon din pabalik, si Kuya Rodel pa rin ang driver n'yo. Kung hindi nga lang ako nahihilo ako na sana ang susundo,” wika ko sa kaniya. Umuwi na kasi kami kahapon dito sa condo unit ni Aaron. Gusto ko na kasi makapasok na si Benesha. Pumayag naman si Aaron kung ano raw ang gusto ko. “Hindi ba uuwi si Sir Aaron?” tanong ni Ate Tala bago kumilos. “Uuwi iyon. Ang asawa ko pa hindi iyon makali kapag hindi rito kumain ng tanghalian,” sabi ko sa kaniya. “Inlove eh. Pero hindi ka sumasama sa office ni Sir,” sabi pa ni Ate Tala. “Naku ate. No ang sagot ko r’yan. Baka walang matapos na gawain ang amo mo kapag sumama ako. Palagi nga ako niyaya tumatanggi lang ako.” “Ang ganda at sexy mo kasi Ma'am Belyn. Palaging nag-iinit si Sir Aaron sa
Belyn“Woah! Thank you Mrs. Chong,” wika pa ni Aaron at muli niya akong niyakap.“Aaron!” sinuway ko ng umangat ang paa ko sa sahig dahil pinangko na niya ako dinala sa kama maingat na ibinaba.Sinamaan ko siya ng tingin kinindatan lang ako ng masaya kong asawa. Dumukwang hinalikan ako sa noo."I love you," may ngiti sa labi bigkas nito.“I love you too, Mister. Pero nakalimutan mo hindi ka pa nagbihis ah!”“Kailangan pa ba iyon, baby. Kung aalisin ko rin naman ‘to? So bakit kailangan pa?” tugon nito hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makasagot dahil siniil na ako ng halik sa labi ko.Nakangiti kami pareho ng umpisa hubairin ni Aaron ang sarliing saplot. Hindi ako kumurap. Pinanonood ko ang bawat galaw nito hanggang sa boxer na lang ang matira.Pagkatapos niya alisin ang kaniya sinunod ang akin wala ni isang itinira. Nang maalis lahat ng damit ko bumaba ang mukha ni Aaron sa impis ko pang tiyan. At buong puso niya iyon hinahalikan parang kinakausap pa niya ang parating namin baby
Aaron Katatapos lang ng meeting isang oras ang nakalipas. Bored na ako sa office ko. Naisip kong tawagan ang Misis ko, baka sakaling ganahan ako sa tambak kong pipirmahan na papeles sa aking harapan. Gusto ko lang marinig ang boses nito inspiration para mabawasan ang pagkabagot ko hanggang oras ng uwian. Dinampot ko ang phone ko nag-dial sa number ni Belyn. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko. Dammit! Ayaw naman sagutin ng asawa ko. Nagsalubong ang kilay ko kasi hindi talaga nito sinasagot. Alas dos y medya na ng hapon malapit na rin naman akong umuwi. Hindi ako mago-overtime. Five PM uuwi na ako subalit kapag ganitong walang sagot ni Misis, hindi ako paabot ng alas singko. I can't stand not hearing my wife's voice. OA na kung OA. I adore listening to her lovely voice. Kung p'wede nga lang kasama ko siya palagi iyon ang gagawin ko. Sila ng pamilya ko ang tanging lakas ko. May kumatok sa pinto. Sinamaan ko ng tingin. Hindi ko pa nakakausap si Misis, istorbohin ako ng tao sa
Belyn Pagkaalis lang ni Aaron, bumalik din agad ako sa k'warto dahil nakaramdam ako ng hilo. Balak ko, sandali lamang akong hihiga kasi ayain ko si Ate Tala lumabas, ngunit hindi ko akalaing nakaidlip ulit ako. Nang hindi lang maayos ang aking paghiga sa kama. Pero kasya naman ako pahalang na higa dahil nga king size bed ang kama namin ni Aaron. Kahit hindi ako umayos ng higa hindi lalampas ang paa ko sa kutson. Natuwa ako paggising ko. Kasi bumuti na ang pakiramdam ko. Mabuti na lang kumain na kami ng tanghalian kanina bago umalis ang asawa ko. Kun'di mag-aantay ang biyenan ko hanggang ako'y magising bago sila kumain. Kahit nga maligo hindi ko pa naisagawa kasi natulog kami ni Aaron at paggising naman nito siya ang una ko pinaligo kasi papasok pa ng trabaho. Bakit ang tamad ko yatang kumilos? Dati kay Benesha hindi ako ganito. Hindi kaya lalake na ang sunod naming baby. Nahaplos ko ang impis ko pang tummy. Kahit ano naman mahal na mahal ko na siya kahit hindi ko pa siya mas
BelynNagising kami ni Aaron bandang alas-onse ng umaga. Nasa CR lang ang asawa ko naliligo. Habang nasa loob pa si Aaron ng banyo. Hinanda ko na rin ang isusuot niya pampasok sa office niya. Nang makapili ako. Nilatag ko na sa kama ang ternong tuxedo ni Aaron, inantay ko siyang matapos maligo at umupo muna ako sa gilid ng kama namin.Habang nag-aantay akong makatapos siya sa pagligo. Kinalikot ko muna ang phone ko. Nag-text ako kay Rhonda tungkol sa nangyari kay Mommy. Nag-reply ang kaibigan ko nakikiramay sa amin. Nagtanong pa kung kailan ang libing. Dahil doon daw siya pupunta. Sinabi ko sa Linggo at sinabi ko rin kung saang memorial park ilalagak ang labi ni Mommy.Ka text ko rin si Ate Anely. Kinumusta ko lang sila ni Dad. Kung ayos lang ba silang dalawa. Kung mayroon sila kailangan magsabi lang sa ‘kin.Maya-maya umingit ang pinto ng CR. Napatingin ako roon pareho kaming nakangiti ni Aaron na nagkatinginan.Tapos na si Aaron maligo. Napanguso ako ng tumambad sa akin ang abs niya
BelynMadaling araw na nang makarating si Aaron sa funeral home. Tulog akong nakahiga ako sa mahabang upuan. Pinatulog kasi ako nila Daddy at Nanang, nang dumating ang alas-diyes pa ng gabi.Nabanggit ko kasi kay Daddy, possible ulit akong nagdadalang tao. Natuwa sila maging si Ate Anely nga namangha pa. Biruin daw siya ang panganay. Pero nanatiling single si Ate Anely.Nakangiti na kanina si Ate. Hindi kagaya noong pagdating ko sobrang lungkot ng kapatid ko dahil sa pagpanaw ng Mommy Vilma.Naulinigan ko mayroon nag-uusap sa aking tabi. May unan at kumot ako. Binilhan ako ni Nanang kanina habang maaga pa. Kasi sa harapan ng funeral home. May tindahan ng mga gamit sa bahay.May humalik sa noo ko. Kilala ko kung sino iyon kahit ako'y nakapikit. Si Aaron. Ang asawa ko hindi ako maaaring magkamali siya ang dumating. Anong oras na kaya.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata ngumiti ako ng asawa ko nga nakaupo malapit sa ulo ko. Inaantok pa ako ngunit gusto ko makinig sa pag-uusap nila
Belyn “Pupunta ako ngayon Aaron,” paalam ko rin sa kaniya. “Baby, isama mo si Rodel. Alam na niya ang gagawin,” “Kaya ko naman Aaron,” giit ko sa kaniya. Sa lagay nasa labas lang si Kuya Rodel at pinanindigan ng asawa ko ang may bodyguard ako. “If Rodel doesn't accompany you, I won't let you walk alone,” matigas na pahayag ni Aaron. Tumalim ang tingin ko sa hawak kong phone, sa inis ko sa kaniya kahit hindi niyon makikita ni Aaron. “Ano pa ang magagawa ko iyan ang gusto mo, kailangan ko rin ng puntahan si Daddy.” “Good! Magi-ingat kayo. Susunod agad ako. I love you, baby,” sabi pa bago kami matapos mag-usap. Humarap na ako kay Mommy Eulyn. Okay naman ang damit ko hindi na ako umakyat para magbihis. Gusto ko na kasi makita si Daddy at Ate Anely. Dahil sigurado ako malungkot ang dalawa ngayon. “Bukas kami dadalaw hija. H'wag mong isipin si Benesha, ako na muna ang bahala sa apo ko. Ano nga pala ang sabi sa ‘yo ni Aaron?” “Susunod po siya mamaya. Kasama ko po sila Kuya Rodel, ka
Belyn Nagbihis lang kami pareho ni Aaron wala naman nangyari sa amin. Gusto lamang daw ng asawa ko, magpahinga kasama ako kasi miss daw niya ako ng sobra sa dalawang gabing hindi niya ako kasama. “Baby, ‘wag malikot please? I'm really sleepy and tired,” pakiusap pa ni Aaron ng kami'y nakahiga na sa kama. Tumahimik na lamang ako. Maya-maya lang tulog na tulog na’t naghihilik pa ang katabi kong asawa. Talaga nga totoo hindi natulog ng dalawang gabi nang wala kami rito ni Benesha. Kung pagbabasehan ang antok nito ngayon. Dahil ganun din naman ako. Simula noong pag-uwi namin sa bahay. I only get three hours of sleep. Because I was also thinking about Aaron. Nagpasya akong sabayan ko siyang matulog. Total maaga pa rin naman gigising na lang mamaya ng oras ng tanghalian. Nakangiti ako nang yumakap sa baywang niya nakaharap kay Aaron. Nakanganga pa ang asawa ko ngunit nasaan ang hustisya. Guwapo pa rin nito kahit gano'n ang itsura. Napasarap pala ang tulog ko dahil paggising ko n