Aaron Gusto kong tumawa dahil ang taray talaga nito. Hindi ako maka porma ng maayos agad kasi akong sisinghalan. Pabalang pa nga kung sumagot kapag gusto akong inisin. Talaga naman Oo. I laughed secretly. Dammit! Iginagalang at ilag sa akin lahat ng tauhan namin sa kumpanya. Pero dito sa Mommy ni Benesha? Damn! Kayang-kaya niya akong sagot-sagutin ng hindi man lang kakikitaan ng takot. Pinatagal pa ang pagpayag nito sa alok na kasal ko. Ayos talaga, sasang-ayon din lang pala sa nilatag kong kasal. Humantong pa sa muntik n'yang paglalayas. Damn! Mukhang kailangan ko ng mahabang pasensya araw-araw simula bukas ah. Imagine ako ang boss ng Eagle Eye Secret Service at CEO ng Rubillete Textile and Apparel. Mga balang humahagibis kapag nasa misyon ako. Hindi ko iyon inuurungan. Fuck! Dito sa mommy ng anak ko, nasira ang record ko. Mabuti ako lang ang nakakaalam noon baka pati mga executive at investors ng kumpanya pagtawanan pa ako. I chuckled. Tang-na! Aaron. Hindi ko magamit-gamit an
Belyn Napabalikwas ako ng bangon kahit nakapikit pa ako nang paggalaw ko sa kinahihigaan namin ni Benesha hindi ko siya nakapa sa aking tabi. Benesha? Damn ang anak ko! Pinilit kong idilat ang aking mata kahit ang bigat pa talaga at gustong-gusto ko pang matulog kasi dinadaig ako ng sobrang antok dahil hating-gabi na, gising pa ako kagabi. Nang mabawasan ang antok ko ay inilibot ko ang aking mata sa apat na sulok ng silid ni Aaron. Para bang mahahanap ko sa paligid lang si Benesha at doon ko makikita ang anak ko. Shit nasaan si Benesha? S-si Aaron wala rin sa couch kung saan ito natulog kagabi. Naku! 'wag n'yang sabihin umalis silang mag-ama na hindi man lang sumangguni sa akin dahil malilintikan talaga siya sa akin. Gusto ko pang matulog kung hindi nga lang sumagi sa isipan ko ang katabi kong anak, baka gutom na. Kaya nga na-check ko iba naman ang natuklasan ko, wala ng Benesha nakahiga sa tabi ko. Anong oras kaya iyon gumising? Himala dahil sa pagkakaalam ko sa Mansion Condo.
Belyn Nang mailapat ko na ang pinto. May narinig akong nagri-ring na cellphone sa loob ng k'warto. Hindi akin 'yon, dahil nandoon pa kay Aaron, ang aking cellphone. Hindi pa ibinalik sa akin ng lalaking 'yon. Mamaya nga pala kukunin ko na sa kaniya, aba! Namihasang itago. Over na sa pakialamero pero sabi naman ngayon niya ibabalik kaya tutuparin naman siguro niya iyon alam n'yang hindi ako papayag kapag hindi niya mamaya ibalik sa akin dahil iyon ang usapan namin. Sinuyod ng aking mata kung nasaan ang tunog. Ayun sa study table lang pala cellphone ni Aaron ang nakita ko. Kumunot ang noo ko dahil nagtataka ako kung bakit iniwan nito ang cellphone niya kung umalis naman pala ng bahay. So anong ginagamit pala ngayon ni Aaron, kapag nasa labas? Sabi ni Ate Tala, meron ‘tong pinuntahan. Edi siya na ang mayaman maraming ekstrang phone. Hahayaan ko na lang sana baka hindi ito ang tumatawag. Malay naman mga kasosyo sa business nila or mga barkada ang tumatawag, kasi unknown number naman
Belyn Saktong paglabas namin ni Aaron ng silid. Sumulpot ang anak kong si Benesha, nakangiti na agad pero naging seryoso akong tingingnan ‘to, dahil naalala ko ang pagsama niya kila Mommy Eulyn ng hindi ko alam. Kahit naman sigurong sinong Ina ay sobrang mag-aalala, kapag alam mong ang katabi mong anak, magigisnan mong na wala ito sa iyong tabi. Hindi kaya ika'y matataranta lalo na bago kaming salta sa bahay nila Aaron. Hindi naman din ako galit kasi Lolo’t Lola niya iyon at sabik din ang anak ko sa atensyon ng kanyang Lolo at Lola kasi ngayon lang niya iyon naranasan. “Daddy!” tili pa nito sabay bahagya nakanguso kasi hindi ako nakangiti unlike sa Daddy n'yang abot tainga ang tawa. Tumingin sa akin si Benesha ngiting-ngiti sa akin. “Mommy I miss you po,” ani nito binilisan ang paghakbang palapit sa ‘min ng ama niya. Alam talaga nitong nagsusungit ako kasi inunahan akong lambingin pagdating sa harapan ko, agad akong niyakap sa binti ko nakatingala sa akin nagpa-cute pinasingki
Belyn “Grandma!” agad nagpababa si Benesha kay Aaron pagdating namin sa living room. Tumakbo agad sa sofa kung saan naroon ang buong pamilya ni Aaron. Sa amin ni Aaron sila nakatingin samantalang si Benesha, agad itong umupo sa gitna pagdating doon sa tinawag nitong grandma at may katabi itong may-edad na lalaki ito na yata ang sinasabi ni Ate Tala na parents ni Mommy Eulyn. Kasi may mga puti na sa kanilang buhok subalit hindi pa gaanong matandang tingnan. Mag-attend din ba sila sa kasal namin ni Aaron?Saan kaya sila nanggaling kasi kung airplane ang sinakyan ibig sabihin malayo rin ang pinanggalingan ng magulang ni Mommy Eulyn. Eh, parents kaya ni Daddy Maynard? Bakit wala yata? “Baby, five years ng namayapa ang Mama ni Dad. Halos magkasunod lang after one year, Papa naman ni Daddy ang kinuha,” bulong ni Aaron. Hanep paano nito nalaman na iyon ang iniisip ko kakaiba huh? Mind reader rin pala itong si Chong kay dali nito basahin ang aking iniisip. Napa ‘ah’ na lang ako at t
Belyn Kanina pa pinapawis ang aking palad dahil kabado ako sa nalalapit naming pagiisang dibdib ni Aaron. Oras na lang ang inaantay isa na akong 'Chong' hindi na ako dalaga maliwanag pa sa sikat ng araw magiging asawa ko na si Aaron. Patungo na kami ngayon sa munisipyo. On the way na rin sila Daddy sabi nito sa 'kin kanina ng mag-text ako kung anong oras sila pupunta. Nakakahiya naman kasi kung masyado silang late samantalang buong pamilya ni Aaron naroon na yata. Kasi nauna lumabas ng gate ang dalang sasakyan nila Daddy Maynard. Lihim akong napasinghap dahil kinakabahan ako sa totoo lang. Ang daming pwedeng mangyari after ng kasal. What if meron itong babaeng magustuhan? Saan kami lulugar ni Benesha. Paano kapag may mahalin itong babae, ipapawalangbisa ba niya ang kasal naming dalawa? Nang maisip ko iyon malalim akong napalunok. Ito kasi ang isa sa dahilan ko, kaya hindi ako pumayag noong una sa kasal ayaw ko kasi maging kawawa ang anak ko. Shit! Bakit ba ako nag-iisip ng mga n
Belyn He laughed softly dahil nakatanggap kami ng kantiyaw from his brothers. Especially Elysa and Cloud Ephrem na malakas mang-asar sa Kuya Aaron nila. Sa hiya ko pakiramdam ko nasunog ang pisngi ko sa sobrang init. Grabe ang tukaan namin knowing nasa harapan pa kami ng both family namin hindi namin 'yon inisip. "Sobra ka Kuya, mukbang kung mukbang ang kawawang labi ni Ate Belyn," hindi pa tapos mang-asar itong si Cloud Ephrem. Humalakhak si Aaron alam niya siguro nahihiya ako ng sobra kaya niyakap ako at sumubsob naman ako sa dibdib niya. "Baby, masanay ka na sa mga kapatid ko. Iyang si Cloud Ephrem, sobrang mang-asar talaga niyan," aniya hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Nagpalipas lang din ako ng kahihiyans umalis din ako sa pagkakasubsob sa dibdib ni Aaron. “Congratulations!” masigabong palakpakan ang buong pamilya namin ni Aaron. Tumingin ako sa anak ko naka thumbs up pa. Larawan na masayang masaya si Benesha. Dahil hindi naman malayo ang mga upuan sa harapan namin bot
Belyn Lumingon ulit ako kung dumating na sila Daddy na para bang hindi ko iyon malalaman kung sakaling dumating sila. Dahil sarado ang malaking gate saan sila dadaan kung hindi iyon bubuksan. Ibig sabihin niyon wala pa talaga sila Daddy kasi wala ng sumunod na pumasok sa amin. Napansin ni Aaron ang aking palingon-lingon doon. Sinulyapan ako kunot ang noo nito pagkatapos ay tumingin din ito sa gate para bang sigurado ito iyon ang binabantayan ko. Lihim akong napalunok kasi ngayon pa lang na hindi nagpapakita si Daddy, parang maiiyak na ako. Paano pa kaya kung tuluyang hindi sila pumunta. “Darating na iyon." He muttered nasilip ko ang concern sa mata nito sa mukha ko walang puknat kung titigan ako. Tipid akong ngumiti. Ayaw ko naman din na mapansin ni Benesha ang pinag-alala ko ngayong, kaya pinilit ko na lang balewalain ang inaantay ko. Hoping na lang ako na magpunta sila Daddy. Maski si Dad lang ang dumalo walang katumbas ang saya para sa akin. Bumuntong-hininga pa nga si Aaron.