Belyn He laughed softly dahil nakatanggap kami ng kantiyaw from his brothers. Especially Elysa and Cloud Ephrem na malakas mang-asar sa Kuya Aaron nila. Sa hiya ko pakiramdam ko nasunog ang pisngi ko sa sobrang init. Grabe ang tukaan namin knowing nasa harapan pa kami ng both family namin hindi namin 'yon inisip. "Sobra ka Kuya, mukbang kung mukbang ang kawawang labi ni Ate Belyn," hindi pa tapos mang-asar itong si Cloud Ephrem. Humalakhak si Aaron alam niya siguro nahihiya ako ng sobra kaya niyakap ako at sumubsob naman ako sa dibdib niya. "Baby, masanay ka na sa mga kapatid ko. Iyang si Cloud Ephrem, sobrang mang-asar talaga niyan," aniya hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Nagpalipas lang din ako ng kahihiyans umalis din ako sa pagkakasubsob sa dibdib ni Aaron. “Congratulations!” masigabong palakpakan ang buong pamilya namin ni Aaron. Tumingin ako sa anak ko naka thumbs up pa. Larawan na masayang masaya si Benesha. Dahil hindi naman malayo ang mga upuan sa harapan namin bot
Belyn Lumingon ulit ako kung dumating na sila Daddy na para bang hindi ko iyon malalaman kung sakaling dumating sila. Dahil sarado ang malaking gate saan sila dadaan kung hindi iyon bubuksan. Ibig sabihin niyon wala pa talaga sila Daddy kasi wala ng sumunod na pumasok sa amin. Napansin ni Aaron ang aking palingon-lingon doon. Sinulyapan ako kunot ang noo nito pagkatapos ay tumingin din ito sa gate para bang sigurado ito iyon ang binabantayan ko. Lihim akong napalunok kasi ngayon pa lang na hindi nagpapakita si Daddy, parang maiiyak na ako. Paano pa kaya kung tuluyang hindi sila pumunta. “Darating na iyon." He muttered nasilip ko ang concern sa mata nito sa mukha ko walang puknat kung titigan ako. Tipid akong ngumiti. Ayaw ko naman din na mapansin ni Benesha ang pinag-alala ko ngayong, kaya pinilit ko na lang balewalain ang inaantay ko. Hoping na lang ako na magpunta sila Daddy. Maski si Dad lang ang dumalo walang katumbas ang saya para sa akin. Bumuntong-hininga pa nga si Aaron.
Belyn Nag-iwas ako ng tingin nang makita na hindi kotse ni Dad ang dumating. Kaibigan pala ni Elysa ang dumating. Si Blake raw iyon bulong ni Aaron, kapatid daw iyon ni Fritz. Ito ang tinutukoy na bestfriend daw ni Elysa. Naririnig ko pa rin na tumatawag si Aaron kay Dad, kasi patuloy nagri-ring ang phone nito. Napayuko ako kunwari na lang tse-check ko ang aking mga kuko para lang hindi nito makita ang pinipigilan kong nakadungaw na luha sa aking mata. “Tinanggihan siguro ni Mommy si Daddy na pumunta rito," bulong ko lang dapat iyon, subalit narinig pala iyon ni Aaron ng hindi sinasadya kaya narinig kong suminghap si Aaron, kapagkuwan ay kinabig ako upang yakapin. Basta rin akong nagpatangay na lang sa kaniya at sumubsob sa dibdib ni Aaron at mariin kong ipinikit ang aking mata. Nanginig ang labi ko dali-dali kong pinaloob sa bibig ko ang buong labi ko upang maiwasan ang pagsibi ko. “Hey, darating sila darating iyon,” aniya tila iyon pangako niya sa akin. Kahit hindi ako na
Belyn “Daddy dito po tayo,” ani ko itinuro ko ang table katabi kila Mommy Eulyn. Yumakap ako sa braso ni Daddy, namiss ko kasi maglambing dito na bihira ko gawin dahil palagi itong busy sa trabaho. Natawa ito hinagod ang likuran ko. “Hija iniwan mo naman ang asawa mo ayos lang naman ako para naman hindi ako marunong maglakad nito,” suway pa ni Daddy nakangiti palitan kami tinitingnan ni Aaron. “Wala pong problema Dad! Sasabay lang naman po ako bawat paglakad n'yo ni Miss ko." “Narinig mo iyon Daddy? Galing na mismo sa bibig ni Aaron, tara na hayaan na natin siya r'yan," dinaan ko lang sa biro ang pagakakasabi. “Ikaw talaga kung anong maisip. Dapat nga ‘wag kang bibitiw sa asawa mo dahil araw ng kasal n'yo ngayon. Pero alam ko naman hindi ka rin makikinig sa akin, sige na lang," wika ni Dad kay Aaron kay Aaron naman ngayon tumingin. "Hijo, ikaw na ang bahalang magpasensya rito ha? Pero kampante naman ako na hindi mo pababayaan ang anak ko.” “Makakaasa po kayo Daddy. Hinding
Belyn Nagkasundo nga kami ni Aaron na pumunta sa mga kaibigan niya sa kabilang table. Si Benesha ayun ulit kasama ng anak ni Matthias at Hendrix walang kapaguran maglaro. Paniguradong maaga 'to mamaya makatutulog dahil sa pagod. Idagdag pa hindi nakatulog ng hapon sanay si Benesha matulog kapag hapon dahil kapag hindi ito makatulog plakda ito ala-sais pa ng hapon. Napansin ko lang sa aking sarili hindi na ako masungit kay Aaron. Ilang araw ko pa lang siyang nakasama isa lang ang natuklasan ko. Hindi naman pala mahirap kasama si Aaron. Akala ko nga palagi ko itong aawayin ngunit kabaliktaran ang nangyari. Dahil unti-unti akong nagiging komportable na kasama ito. Nasasanay na rin ako sa pagiging malambing nito. Sanay na rin ako kapag mabiro ito. “Kung dito na lang kaya tayo baby? What do you think? Kasama rin naman ang mga asawa nila Hendrix at Matthias, hindi ka naman ma out of place," bulong ni Aaron sa akin. Tumingin ako sa mga kaibigan niya nakangiti kinawayan nila ako. Kay
Belyn Pagdating ng alas otso y medya ng gabi. Nagsitigil ng uminom ang mga kaibigan ni Daddy Maynard, kasi uuwi na rin nagpahulas ng alak na ininom nila. Ganoon din sila Hendrix at iba pang mga kaibigan ni Aaron. Nahusto na lamang sila sa kwentuhan. Si Hendrix ang unang nagpaalam kay Aaron at sa Mommy, Daddy dahil inaantok na raw si Emyrose. Nagkwentuhan pa kasi ang mga oldies gano'n din sila Connor ay nagpaalam din. Ngunit halata sa mga pisngi nila Connor at Fritz na may tama na, kasi namumula ang kanilang mukha at ang mga mata nila mapungay na rin. Ewan kung inaantok or dahil sa alak kaya ganun parang malapit ng pumikit. “Connor at Fritz. Huwag na kayong umuwi. Dito na kayo matulog risky magmaneho ng gan'yan naparami ang inom n'yo,” sabi ni Daddy Maynard sa dalawa at saktong tuwang-tuwa rin naman si Fritz, kasi inaantok na raw nga aminadong hindi kayang magmaneho ang dalawang binata. "Salamat Tito Maynard. Mabuti pa itong si Tito, inalok kaming mag-overnight dito sa bahay. It
Belyn Pumasok kami ni Aaron ng bahay nakaakbay parin ito sa ‘kin. Karga niya sa isang braso ang nakayupyop sa balikat niya na si Benesha na mahimbing ang tulog at ang kabila niyang braso nakaakbay naman sa akin. Kung hindi lang kami ikinasal ng sapilitan sa part ko. Iisipin ng sino ang makakikita ngayon sa amin, na pag-ibig ang siyang dahilan kaya kami ikinasal ngayon ni Aaron. Sa ipinakikita lambing ni Aaron ay natural lang dito ang kilos, hindi nga nahihiya ni alangan kahit na may audience pa kami at kahit din nga kanina kaharap si Daddy malambing pa rin ito sa akin. "Ano bang iniisip mo, Misis, bakit sobrang tahimik mo?" salubong ang kilay tanong niya sa akin. Nilingon ko siya. "Wala ah, inaantok lang ako," Pinasadahan niya ako ng tingin. “Kung hindi ka komportable na katabi akong matulog sa kama. Sa couch nalang ako mahihiga—” “H-hindi…I mean ok lang a-asawa mo naman na ako,” sagot ko agad sa kaniya subalit ako rin ang nag-iwas ng tingin dahil tumagal ang titig ni Aaro
Tapos na akong magbihis nang umingit ang pinto ng CR. Hindi ako lumingon kahit alam kong si Aaron iyon ang lumabas ng CR. Inayos ko kanina sa gitna si Benesha. Alangan igilid ko si Benesha isipin pa ni Aaron talagang inaabangan ko siya. Nakatalikod ako sa pinto, kaya hindi ko kita kung anong ginagawa Ng asawa ko paglabas ng CR. Ayaw ko rin subukang tingnan baka naka bold ito hindi ko pa kaya. Bigla akong kinabahan ngayon. Igigiit kaya ni Aaron ang pagiging mag-asawa namin? Nang maisip ko iyon uminit ang mukha ko. Nagkunwari akong tulog nang pakiramdam ko nasa walk-in closet na si Aaron. Naamoy ko papalapit na ito kaya Nakikiramdam ako kung tatabi ito sa akin. Para akong temang lihim nagbilang subalit umabot na ako sa bente walang Aaron na lumapit sa ‘kin. Lumundo ang kama sa tabi siguro ni Benesha ito humiga. Hanggang sa inaantok na lang ako hindi talaga nagtangka humiga si Aaron sa aking tabi narinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito. “Baby tulog ka na?” maingat na tinawag