Belyn Saktong paglabas namin ni Aaron ng silid. Sumulpot ang anak kong si Benesha, nakangiti na agad pero naging seryoso akong tingingnan ‘to, dahil naalala ko ang pagsama niya kila Mommy Eulyn ng hindi ko alam. Kahit naman sigurong sinong Ina ay sobrang mag-aalala, kapag alam mong ang katabi mong anak, magigisnan mong na wala ito sa iyong tabi. Hindi kaya ika'y matataranta lalo na bago kaming salta sa bahay nila Aaron. Hindi naman din ako galit kasi Lolo’t Lola niya iyon at sabik din ang anak ko sa atensyon ng kanyang Lolo at Lola kasi ngayon lang niya iyon naranasan. “Daddy!” tili pa nito sabay bahagya nakanguso kasi hindi ako nakangiti unlike sa Daddy n'yang abot tainga ang tawa. Tumingin sa akin si Benesha ngiting-ngiti sa akin. “Mommy I miss you po,” ani nito binilisan ang paghakbang palapit sa ‘min ng ama niya. Alam talaga nitong nagsusungit ako kasi inunahan akong lambingin pagdating sa harapan ko, agad akong niyakap sa binti ko nakatingala sa akin nagpa-cute pinasingki
Belyn “Grandma!” agad nagpababa si Benesha kay Aaron pagdating namin sa living room. Tumakbo agad sa sofa kung saan naroon ang buong pamilya ni Aaron. Sa amin ni Aaron sila nakatingin samantalang si Benesha, agad itong umupo sa gitna pagdating doon sa tinawag nitong grandma at may katabi itong may-edad na lalaki ito na yata ang sinasabi ni Ate Tala na parents ni Mommy Eulyn. Kasi may mga puti na sa kanilang buhok subalit hindi pa gaanong matandang tingnan. Mag-attend din ba sila sa kasal namin ni Aaron?Saan kaya sila nanggaling kasi kung airplane ang sinakyan ibig sabihin malayo rin ang pinanggalingan ng magulang ni Mommy Eulyn. Eh, parents kaya ni Daddy Maynard? Bakit wala yata? “Baby, five years ng namayapa ang Mama ni Dad. Halos magkasunod lang after one year, Papa naman ni Daddy ang kinuha,” bulong ni Aaron. Hanep paano nito nalaman na iyon ang iniisip ko kakaiba huh? Mind reader rin pala itong si Chong kay dali nito basahin ang aking iniisip. Napa ‘ah’ na lang ako at t
Belyn Kanina pa pinapawis ang aking palad dahil kabado ako sa nalalapit naming pagiisang dibdib ni Aaron. Oras na lang ang inaantay isa na akong 'Chong' hindi na ako dalaga maliwanag pa sa sikat ng araw magiging asawa ko na si Aaron. Patungo na kami ngayon sa munisipyo. On the way na rin sila Daddy sabi nito sa 'kin kanina ng mag-text ako kung anong oras sila pupunta. Nakakahiya naman kasi kung masyado silang late samantalang buong pamilya ni Aaron naroon na yata. Kasi nauna lumabas ng gate ang dalang sasakyan nila Daddy Maynard. Lihim akong napasinghap dahil kinakabahan ako sa totoo lang. Ang daming pwedeng mangyari after ng kasal. What if meron itong babaeng magustuhan? Saan kami lulugar ni Benesha. Paano kapag may mahalin itong babae, ipapawalangbisa ba niya ang kasal naming dalawa? Nang maisip ko iyon malalim akong napalunok. Ito kasi ang isa sa dahilan ko, kaya hindi ako pumayag noong una sa kasal ayaw ko kasi maging kawawa ang anak ko. Shit! Bakit ba ako nag-iisip ng mga n
Belyn He laughed softly dahil nakatanggap kami ng kantiyaw from his brothers. Especially Elysa and Cloud Ephrem na malakas mang-asar sa Kuya Aaron nila. Sa hiya ko pakiramdam ko nasunog ang pisngi ko sa sobrang init. Grabe ang tukaan namin knowing nasa harapan pa kami ng both family namin hindi namin 'yon inisip. "Sobra ka Kuya, mukbang kung mukbang ang kawawang labi ni Ate Belyn," hindi pa tapos mang-asar itong si Cloud Ephrem. Humalakhak si Aaron alam niya siguro nahihiya ako ng sobra kaya niyakap ako at sumubsob naman ako sa dibdib niya. "Baby, masanay ka na sa mga kapatid ko. Iyang si Cloud Ephrem, sobrang mang-asar talaga niyan," aniya hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Nagpalipas lang din ako ng kahihiyans umalis din ako sa pagkakasubsob sa dibdib ni Aaron. “Congratulations!” masigabong palakpakan ang buong pamilya namin ni Aaron. Tumingin ako sa anak ko naka thumbs up pa. Larawan na masayang masaya si Benesha. Dahil hindi naman malayo ang mga upuan sa harapan namin bot
Belyn Lumingon ulit ako kung dumating na sila Daddy na para bang hindi ko iyon malalaman kung sakaling dumating sila. Dahil sarado ang malaking gate saan sila dadaan kung hindi iyon bubuksan. Ibig sabihin niyon wala pa talaga sila Daddy kasi wala ng sumunod na pumasok sa amin. Napansin ni Aaron ang aking palingon-lingon doon. Sinulyapan ako kunot ang noo nito pagkatapos ay tumingin din ito sa gate para bang sigurado ito iyon ang binabantayan ko. Lihim akong napalunok kasi ngayon pa lang na hindi nagpapakita si Daddy, parang maiiyak na ako. Paano pa kaya kung tuluyang hindi sila pumunta. “Darating na iyon." He muttered nasilip ko ang concern sa mata nito sa mukha ko walang puknat kung titigan ako. Tipid akong ngumiti. Ayaw ko naman din na mapansin ni Benesha ang pinag-alala ko ngayong, kaya pinilit ko na lang balewalain ang inaantay ko. Hoping na lang ako na magpunta sila Daddy. Maski si Dad lang ang dumalo walang katumbas ang saya para sa akin. Bumuntong-hininga pa nga si Aaron.
Belyn Nag-iwas ako ng tingin nang makita na hindi kotse ni Dad ang dumating. Kaibigan pala ni Elysa ang dumating. Si Blake raw iyon bulong ni Aaron, kapatid daw iyon ni Fritz. Ito ang tinutukoy na bestfriend daw ni Elysa. Naririnig ko pa rin na tumatawag si Aaron kay Dad, kasi patuloy nagri-ring ang phone nito. Napayuko ako kunwari na lang tse-check ko ang aking mga kuko para lang hindi nito makita ang pinipigilan kong nakadungaw na luha sa aking mata. “Tinanggihan siguro ni Mommy si Daddy na pumunta rito," bulong ko lang dapat iyon, subalit narinig pala iyon ni Aaron ng hindi sinasadya kaya narinig kong suminghap si Aaron, kapagkuwan ay kinabig ako upang yakapin. Basta rin akong nagpatangay na lang sa kaniya at sumubsob sa dibdib ni Aaron at mariin kong ipinikit ang aking mata. Nanginig ang labi ko dali-dali kong pinaloob sa bibig ko ang buong labi ko upang maiwasan ang pagsibi ko. “Hey, darating sila darating iyon,” aniya tila iyon pangako niya sa akin. Kahit hindi ako na
Belyn “Daddy dito po tayo,” ani ko itinuro ko ang table katabi kila Mommy Eulyn. Yumakap ako sa braso ni Daddy, namiss ko kasi maglambing dito na bihira ko gawin dahil palagi itong busy sa trabaho. Natawa ito hinagod ang likuran ko. “Hija iniwan mo naman ang asawa mo ayos lang naman ako para naman hindi ako marunong maglakad nito,” suway pa ni Daddy nakangiti palitan kami tinitingnan ni Aaron. “Wala pong problema Dad! Sasabay lang naman po ako bawat paglakad n'yo ni Miss ko." “Narinig mo iyon Daddy? Galing na mismo sa bibig ni Aaron, tara na hayaan na natin siya r'yan," dinaan ko lang sa biro ang pagakakasabi. “Ikaw talaga kung anong maisip. Dapat nga ‘wag kang bibitiw sa asawa mo dahil araw ng kasal n'yo ngayon. Pero alam ko naman hindi ka rin makikinig sa akin, sige na lang," wika ni Dad kay Aaron kay Aaron naman ngayon tumingin. "Hijo, ikaw na ang bahalang magpasensya rito ha? Pero kampante naman ako na hindi mo pababayaan ang anak ko.” “Makakaasa po kayo Daddy. Hinding
Belyn Nagkasundo nga kami ni Aaron na pumunta sa mga kaibigan niya sa kabilang table. Si Benesha ayun ulit kasama ng anak ni Matthias at Hendrix walang kapaguran maglaro. Paniguradong maaga 'to mamaya makatutulog dahil sa pagod. Idagdag pa hindi nakatulog ng hapon sanay si Benesha matulog kapag hapon dahil kapag hindi ito makatulog plakda ito ala-sais pa ng hapon. Napansin ko lang sa aking sarili hindi na ako masungit kay Aaron. Ilang araw ko pa lang siyang nakasama isa lang ang natuklasan ko. Hindi naman pala mahirap kasama si Aaron. Akala ko nga palagi ko itong aawayin ngunit kabaliktaran ang nangyari. Dahil unti-unti akong nagiging komportable na kasama ito. Nasasanay na rin ako sa pagiging malambing nito. Sanay na rin ako kapag mabiro ito. “Kung dito na lang kaya tayo baby? What do you think? Kasama rin naman ang mga asawa nila Hendrix at Matthias, hindi ka naman ma out of place," bulong ni Aaron sa akin. Tumingin ako sa mga kaibigan niya nakangiti kinawayan nila ako. Kay