Belyn Nakatulala akong naiiyak ngunit nakangiti habang pinanonood ang napakagandang tanawin sa aking harapan. Si Daddy at Benesha para lang matagal na silang magkakilala sa way ng pagpapalitan ng usap. Hindi ko napansin kinakausap na pala ako ni Daddy. Si Benesha ay karga na ni Aaron malambing naka yakap sa leeg ng ama nito. Napalunok ako. Ang unfair lang. Ako ang simula't umpisa ang kasama ng anak ko, subalit gustong-gusto na nito sa ama niya. Palagay na ang loob nito kay Aaron animo kasama na namin ito simula ng isilang ko siya. “Kakausapin ko lang sila anak,” paalam ni Daddy sa akin at ewan ko, kung kanina pa niya na ako kinakausap kasi nakatitig na pala ito at kunot ang noo niya pinagmamasdan ako. Wala kasing pagsidlan ng labis na kaligayahan namamahay sa aking dibdib ngayon, dahil nasilayan ko sa mga mata ni Daddy Protacio, na mahal niya si Benesha, kahit ngayon pa niya nakilala ang apo niya. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapag isip ng maayos dahil para akon
Belyn “Ikakasal tayo bukas sa ayaw at gusto mo,” paos ang boses na wika ng nakayakap sa akin na si Aaron. Naamoy ko ang alak sa pagsayad ng hininga nito sa aking batok. Lasing ba ang lalaking ‘to? Kaya naman pala malakas ang loob na yumakap-yakap ngayon sa akin dahil nakainom ang damuho. Pero ang unfair ha? Kahit amoy alak hindi masakit sa ilong kahit humalo iyon sa natural niyang bango hindi matapang ang amoy. “Umuwi na si Daddy Protacio,” bulong niya sa ‘kin na para bang tinatanong ko iyon sa kanya kahit alam niyang tulog ako. Napalunok ako dahil nakasubsob ito sa buhok ko para bang nasisiyahan ito na inaamoy niya iyon. Na patanong tuloy ako kung hindi pa ako amoy araw kasi umaga pa ang huling ligo ko. Ako ang naiilang kasi hindi pa rin nga ako nakabihis at kaninang umaga pa itong suot kong damit. Maayos naman ang suot kong blouse, although pambahay ito. Gano'n din ang tokong ko pambayad ngunit bago pa naman dahil bihira ako magsuot ng tokong. Mas gusto ko pa ng maong short or
Belyn Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong apat na sulok ng k'warto pagkatapos umalis ni Aaron sa tabi ko. I'm thinking about Aaron and my wedding tomorrow in silence. If I want to decline this marriage, paglalayas lang ang solusyon ko. Eh, ang tanong saan naman kami magtatago ni Benesha, ng hindi niya kami kayang hanapin? I'm sure alam na ni Aaron, na dapat sa Sampaloc kami patungong mag-iina, kaya inunahan niya akong sunduin si Benesha sa Mansion Condo. Sa kabilang isip ko naman, gusto ko na lang din sumunod sa agos na nangyayari ngayon. I will give him what he wants, tsaka na ako iisip ng paraan kapag nakuha ko na ang loob ni Aaron. Kahit kasi tumakas at magtago kami ni Benesha. Sa itsura ng damuhong Chong-Ching na ito. Tiyak kong masusundan at mahahanap pa rin niya kami ng anak ko. Of course! Wth their influence and money, walang imposible. Masakit lang isipin para sa side ko. Dahil wala akong magawa kasi ako pa rin talaga ang talo sa pinaglalaban ko. Isa pa ay may
Belyn “Aaron ibaba mo na lang kasi ako baka tayo’y mahulog dito sa taas naku po ang tayog pa naman nitong hagdan n'yo baka sa baba tayo pulutin ng tigok na yawa ka,” Malakas itong tumawa ngunit ako, hindi. Dahil nanggagalaiti ako sa pagka bwisit dahil may sinabi pa ito na kina pikon ko ng husto. “Hindi ba p'wedeng manahimik ka na lang, mm…baby, masakit na sa tainga para kang wang-wang sa mga mobile car putak ng putak,” Napamulagat ako parang umakyat lahat ng galit sa bumbunan ko. Letse siya. 'Relax lang self, dagdagan mo pa ang pasensya kapag ikaw ang napikon talo ka.' Sa isiping ‘yon. Kinalma ko ang aking sarili dahil mauubusan ako ng pasensya kung patuloy akong makikipagtalo sa kaniya. “Masyado ka kasi paladisisyon at hambog. Sabi ko lang naman sa 'yo na ibaba mo ako, baka kasi mahulog pa tayong pareho. Aba naman Aaron, ayaw ko pang ma dead ball dahil maliit pa ang anak ko,” “Anak natin Belyn. Hindi sa'yo lang. As far as I know, you can't have a beautiful Benesha if it's
Belyn“Wait Aaron!” pigil ko pa sa kaniya kasi ang bilis humakbang. Nakakalimutan yata nito na mahaba mga binti niya kung maglakad hindi inisip na isang hakbang niya ay dalawa ang akin. Dagdagan pang medyo madilim wala talagang pakisama.Tumigil ito'y bumuntonghininga. Inaantay kong ito'y lumingon sa akin. Kasi hingal akong maghabol sa kaniya. Pagsasabihan ko dapat siya, baka gusto n'yang slight magdahan-dahan ng lakad dahil may kasama siya subalit biglang umurong ang aking dila kasi salubong ang kilay ng damuho.“Why?” that's all he asked.“W-wala…s-sige na,” sabay bawi ko dahil sa kaseryosohan ng mukha nito, natakot na ulit akong magsalita. Baka kasi mapikon ulit ’to mahirap na maging doble na ang sapak or ako ang masapak.Narinig ko pa napa 'tsk' ito at umiling-iling nagpatuloy lumakad habang ako nasa likuran nito na kasunod lang sa kanya. Ang lawak din pala ng dining area kahit na mag party pa ay kayang-kaya itong i-accommodate I think more or less forty visitors sakto pa. Makaki
Aaron Gusto kong tumawa dahil ang taray talaga nito. Hindi ako maka porma ng maayos agad kasi akong sisinghalan. Pabalang pa nga kung sumagot kapag gusto akong inisin. Talaga naman Oo. I laughed secretly. Dammit! Iginagalang at ilag sa akin lahat ng tauhan namin sa kumpanya. Pero dito sa Mommy ni Benesha? Damn! Kayang-kaya niya akong sagot-sagutin ng hindi man lang kakikitaan ng takot. Pinatagal pa ang pagpayag nito sa alok na kasal ko. Ayos talaga, sasang-ayon din lang pala sa nilatag kong kasal. Humantong pa sa muntik n'yang paglalayas. Damn! Mukhang kailangan ko ng mahabang pasensya araw-araw simula bukas ah. Imagine ako ang boss ng Eagle Eye Secret Service at CEO ng Rubillete Textile and Apparel. Mga balang humahagibis kapag nasa misyon ako. Hindi ko iyon inuurungan. Fuck! Dito sa mommy ng anak ko, nasira ang record ko. Mabuti ako lang ang nakakaalam noon baka pati mga executive at investors ng kumpanya pagtawanan pa ako. I chuckled. Tang-na! Aaron. Hindi ko magamit-gamit an
Belyn Napabalikwas ako ng bangon kahit nakapikit pa ako nang paggalaw ko sa kinahihigaan namin ni Benesha hindi ko siya nakapa sa aking tabi. Benesha? Damn ang anak ko! Pinilit kong idilat ang aking mata kahit ang bigat pa talaga at gustong-gusto ko pang matulog kasi dinadaig ako ng sobrang antok dahil hating-gabi na, gising pa ako kagabi. Nang mabawasan ang antok ko ay inilibot ko ang aking mata sa apat na sulok ng silid ni Aaron. Para bang mahahanap ko sa paligid lang si Benesha at doon ko makikita ang anak ko. Shit nasaan si Benesha? S-si Aaron wala rin sa couch kung saan ito natulog kagabi. Naku! 'wag n'yang sabihin umalis silang mag-ama na hindi man lang sumangguni sa akin dahil malilintikan talaga siya sa akin. Gusto ko pang matulog kung hindi nga lang sumagi sa isipan ko ang katabi kong anak, baka gutom na. Kaya nga na-check ko iba naman ang natuklasan ko, wala ng Benesha nakahiga sa tabi ko. Anong oras kaya iyon gumising? Himala dahil sa pagkakaalam ko sa Mansion Condo.
Belyn Nang mailapat ko na ang pinto. May narinig akong nagri-ring na cellphone sa loob ng k'warto. Hindi akin 'yon, dahil nandoon pa kay Aaron, ang aking cellphone. Hindi pa ibinalik sa akin ng lalaking 'yon. Mamaya nga pala kukunin ko na sa kaniya, aba! Namihasang itago. Over na sa pakialamero pero sabi naman ngayon niya ibabalik kaya tutuparin naman siguro niya iyon alam n'yang hindi ako papayag kapag hindi niya mamaya ibalik sa akin dahil iyon ang usapan namin. Sinuyod ng aking mata kung nasaan ang tunog. Ayun sa study table lang pala cellphone ni Aaron ang nakita ko. Kumunot ang noo ko dahil nagtataka ako kung bakit iniwan nito ang cellphone niya kung umalis naman pala ng bahay. So anong ginagamit pala ngayon ni Aaron, kapag nasa labas? Sabi ni Ate Tala, meron ‘tong pinuntahan. Edi siya na ang mayaman maraming ekstrang phone. Hahayaan ko na lang sana baka hindi ito ang tumatawag. Malay naman mga kasosyo sa business nila or mga barkada ang tumatawag, kasi unknown number naman