Belyn “Itigil mo sabi ano ba! Isusuplong kita sa pulisya makikita mo. This is kidnapping!” singhal ko pa kay Aaron, ngunit hindi lang nakitaan ng pagka bahala sa kanyang mata. Para bang sigurado ito sa ginagawa niya ngunit ako kabado bente kung saan ako dadalhin ng tukmol na ito. “Kapag makatakas ako Mr. Stalker. Humanda ka. Dahil irereklmo kita sa presinto—” “I'm not afraid. Baka si Daddy at Mommy mo ang ipakulong ko—” “Ano? Sira na siguro ang ulo mong animal ka pati magulang ko idadamay mo rito,” “Let see,” bulong nito but it still reached my ears, kaya nagbabaga ang titig ko sa kaniya. Kung nakakasunog lang ang masama kong tingin kay Aaron, his whole body must have been on fire now. Pinilit ko pa ring buksan ang pinto baka sakaling bukas na iyon. Subalit napagod at nanlumo lang ako. Letsugas na Intsik na ito sarap basagin ang itlog gigil na ako. Umabot na hanggang sa talampakan ko ang sobrang inis kay Aaron sa pagdukot nito sa akin. Sa inis ko tinadyakan ko na lamang ang pi
Belyn “Mommy,” wika ni Aaron, lumapit sa mommy nito at humalik sa pisngi. Bahagya akong napanguso sa nasaksihang kong tagpo. Mabait naman pala kapag sa magulang nito pero hindi magbabago ang galit ko sa kanya. Inaalala ko lang ngayon ang anak ko, baka nag-aantay na iyon ngayon sa akin. Usapan namin ni Rhonda aalis ako ng bahay lampas alas-singko kasi nga abangers pa ako sa pag-alis nila Mommy at Ate Anely. Paano na ngayon? Tiyak iyon namumuti na ang mata nila ni Benesha at maging sa Sampaloc inaasahan na darating kami roon ng hatinggabi. “Mabuti hindi kayo gaanong ginabi anak,” naulinigan kong saad ni Mrs. Ching kay Aaron. Malambing din nito tinapik ang balikat ni Aaron, pagkatapos ay sa akin naman siya tumingin. “Hija, tayo ng pumasok sa loob,” aniya nilapitan ako. Napatda ako kasi niyakap niya ako kahit na nga mabilis lang iyon at pagkatapos, masayang yumakap sa braso ko. Ayaw ko naman mapahiya dahil maayos akong kinakausap ni Mrs Ching, kaya nagpahila na lamang ako sa kanya p
Belyn “Ano ba Aaron, hindi mo ako rito mapatira. Kukunin ko si Benesha. Hindi rin ako naniniwala na ikaw iyong lalaking na kasama ko. Wala kang proof na anak mo si Benesha!” “H'wag mo akong hahamunin, Belyn, dahil hindi ako sumusugod sa isang laban, kung wala akong matibay na bala. Ngayon mamili ka. Bukas, ikakasal tayo or aalis kang mag-isa rito. Dito lang ang anak ko sa bahay namin at hindi mo siya makukuha sa akin.” “Ano !?” Lumaki ang ulo ko Hindi ko mapigilan na manubig ang mata ko. Dahil sa sobrang galit ko sa kaniya nag-unahan pumatak ang luha sa pisngi ko. Kaagad ko iyon tinuyo gamit ang likuran ng palad ko. Ayaw kong ipakita rito umiiyak ako sa harapan niya. Kahit kita ko naman tahimik akong pinanonood. “Napakawalanghiya mo para gawin ito sa akin. Dahil mapera kayo kaya kinakaya mo lang ako? Hindi mo ako binibigyan ng choice dahil lahat pabor ito sa inyo.” “Hindi mo pa rin ako makukulong dito. Ako ang mas may karapatan sa anak ko,” nagtaas ako ng boses kaya lumingon sil
BelynHiyang-hiya mabilis akong bumitiw kay Aaron dahil sa panunukso ng Ginang sa aming dalawa. Ang unfair lang sa side ni Aaron, dahil wala naman itong kahihiyan kahit una naming tagpo.Makapal nga talaga ang mukha ng binata para pa nga nagustuhan nito nahuli kami sa ganoong posisyon ng Mommy nito at ni Daddy ko, sayang-saya pa kita ko sa mata kahit nagpipigil ngumiti.Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanila lalo na kay Daddy dahil mataman niya akong pinag-aaralan ng tingin. At kahit na wala naman akong nakikitang pangunugutya sa mata ni Mrs. Chong, nahihiya pa rin ako. Kasi kabago-bago naming magkakilala ng anak niya kahit na nga sabihin may anak na kami ng tukmol niyang anak. Hindi pa rin akong komportableng kumilos sa harapan niya.“Maari naman si Daddy mo na lang ang kumausap sa Daddy ni Belyn, hijo, kung gusto n'yo ng magpahinga ni Belyn,” Mrs. Ching said to Aaron and me.I tried to smile. Ewan kung maayos pa ba akong nakakangiti sa harap nila sa mga sandaling iyon. Pero
Belyn "Anak ko ang pinagbabawalan mong umuwi? Baka nakakalimutan mo Aaron, na ako ang Ama ni Belyn?!" galit ang boses ni Daddy pinagsabihan si Aaron. "Daddy, 'wag po kayo masyadong magalit baka mapaano po kayo," suway ko sa kaniya. Kasi namumula na sa galit ang pisngi nito. “Huminahon ka muna kumpadre. Maari naman natin itong pag-usapan. Gusto lang ng anak ko makasama ang mag-ina niya. Wala naman sigurong masama dahil matagal din silang hindi nagkasama ni Belyn at ang apo ko,” sumingit sa pag-uusap nila Aaron at Daddy si Mr. Chong, subalit nasa mukha ng ama ko na hindi ito pakikinggan kahit ano ang pakiusap ng ama ni Aaron. Nakabantay ako kay Daddy kasi mabigat ang paghinga nito natatakot ako baka kung anong mangyari dito. Akma akong aalis sa tabi ni Aaron upang daluhan si Daddy nang marinig ko ang pagsinghap nito, animo ayaw akong paalisin sa aking kinauupuan. Hinawakan niya ako sa braso ko subalit binigyan ko siya ng may babala titig binawi niya iyon. “Hindi kayo uuwi ni Benes
Belyn Nakatulala akong naiiyak ngunit nakangiti habang pinanonood ang napakagandang tanawin sa aking harapan. Si Daddy at Benesha para lang matagal na silang magkakilala sa way ng pagpapalitan ng usap. Hindi ko napansin kinakausap na pala ako ni Daddy. Si Benesha ay karga na ni Aaron malambing naka yakap sa leeg ng ama nito. Napalunok ako. Ang unfair lang. Ako ang simula't umpisa ang kasama ng anak ko, subalit gustong-gusto na nito sa ama niya. Palagay na ang loob nito kay Aaron animo kasama na namin ito simula ng isilang ko siya. “Kakausapin ko lang sila anak,” paalam ni Daddy sa akin at ewan ko, kung kanina pa niya na ako kinakausap kasi nakatitig na pala ito at kunot ang noo niya pinagmamasdan ako. Wala kasing pagsidlan ng labis na kaligayahan namamahay sa aking dibdib ngayon, dahil nasilayan ko sa mga mata ni Daddy Protacio, na mahal niya si Benesha, kahit ngayon pa niya nakilala ang apo niya. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapag isip ng maayos dahil para akon
Belyn “Ikakasal tayo bukas sa ayaw at gusto mo,” paos ang boses na wika ng nakayakap sa akin na si Aaron. Naamoy ko ang alak sa pagsayad ng hininga nito sa aking batok. Lasing ba ang lalaking ‘to? Kaya naman pala malakas ang loob na yumakap-yakap ngayon sa akin dahil nakainom ang damuho. Pero ang unfair ha? Kahit amoy alak hindi masakit sa ilong kahit humalo iyon sa natural niyang bango hindi matapang ang amoy. “Umuwi na si Daddy Protacio,” bulong niya sa ‘kin na para bang tinatanong ko iyon sa kanya kahit alam niyang tulog ako. Napalunok ako dahil nakasubsob ito sa buhok ko para bang nasisiyahan ito na inaamoy niya iyon. Na patanong tuloy ako kung hindi pa ako amoy araw kasi umaga pa ang huling ligo ko. Ako ang naiilang kasi hindi pa rin nga ako nakabihis at kaninang umaga pa itong suot kong damit. Maayos naman ang suot kong blouse, although pambahay ito. Gano'n din ang tokong ko pambayad ngunit bago pa naman dahil bihira ako magsuot ng tokong. Mas gusto ko pa ng maong short or
Belyn Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong apat na sulok ng k'warto pagkatapos umalis ni Aaron sa tabi ko. I'm thinking about Aaron and my wedding tomorrow in silence. If I want to decline this marriage, paglalayas lang ang solusyon ko. Eh, ang tanong saan naman kami magtatago ni Benesha, ng hindi niya kami kayang hanapin? I'm sure alam na ni Aaron, na dapat sa Sampaloc kami patungong mag-iina, kaya inunahan niya akong sunduin si Benesha sa Mansion Condo. Sa kabilang isip ko naman, gusto ko na lang din sumunod sa agos na nangyayari ngayon. I will give him what he wants, tsaka na ako iisip ng paraan kapag nakuha ko na ang loob ni Aaron. Kahit kasi tumakas at magtago kami ni Benesha. Sa itsura ng damuhong Chong-Ching na ito. Tiyak kong masusundan at mahahanap pa rin niya kami ng anak ko. Of course! Wth their influence and money, walang imposible. Masakit lang isipin para sa side ko. Dahil wala akong magawa kasi ako pa rin talaga ang talo sa pinaglalaban ko. Isa pa ay may