Share

CHAPTER 04

Belyn

Kanina pa akong pabalik-balik ng lakad sa loob ng kwarto ko’t hindi mapakali. Damn! Paano ba ako makaalis ng hindi makatutunog si Mommy. Binilin kasi sa gwardiya i-radyo sa kaniya kung lumabas ako ng gate.

Paano ba naman binanggit nito sa Daddy, ang tungkol sa sumbong ni Ate, na nakita raw ako noong isang gabi sa labas ng subdivision. Baka raw lingid sa kaalaman nila may lalaki aong kinatatagpo na mahigpit ko naman ‘yon pinabulaanan.

Sabi ko, hindi ako lumabas ng bahay dahil natulog ako ng maaga dahil maghapon na masakit ang ang ulo ko at alam iyon ng Dad sa office pa lang.

Sabi pa ng Mommy titingnan niya sa CCTV. Pero hindi niya alam matagal ng nasira ang CCTV ayaw lang ipaalam ng Nanang na sira na iyon, kasi mas pabor daw sa akin sa tuwing aalis ako patungo sa mansion condo.

Hindi rin naman ni minsan sinisilip ni Mommy iyon. Kung pa sosyal updated si Mommy Vilma. Pero dito sa bahay wala iyon pakialam. Araw-araw nga iyan umaalis hindi naman sa office ni Daddy, nagtutungo at ewan kung saan baka sa mga kapwa nitong sosyal na amiga.

Natagalan kasi ang mag-asawang Ching, kanina sa bahay. Marami silang detalye pinag-usapan tungkol sa magaganap na kasal. Kaya inabot ng alas-diyes ng gabi. Tagapakinig lang naman ako at oo, hindi lang din ang sagot ko tuwing kukunin nila ang suggestion ko.

Nag-aalala ako baka magtampo ang anak ko, kapag hindi ako umuwi sa condo namin ngayon. Kasi naka pangako pa naman ako kay Benesha, ayaw kong biguin ang anak ko. Sa lahat ng tao ayaw na ayaw kong nagtatampo ang anak ko. Iniiwasan kong maramdaman n'yang hindi siya priority dahil alam kong masakit 'yon dahil pinagdaanan ko na iyon.

Dahil na stress ako lumabas na muna ako ng kwarto. Pupuntahan ko ang Nanang Luisita, baka sakaling may maisip na plano. Pero sana gising pa iyon. Pagkatapos kasi mag ligpit kaagad itong pumasok sa silid niya.

Malapit ng mag-alas-onse ng gabi baka natutulog na ngayon si Benesha. Hays kakaurat kasi itong si Mommy, pati tuloy si Dad, hindi na ako pinayagan. Baka raw may boyfriend akong kasama roon at nabanggit ko na may boyfriend ako.

Tahimik at medyo madilim ang living room dahil chandelier lang ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Iisa lang din ang open kaya hindi gaanong maliwanag. Bago ako makarating sa silid ng Manang Luisita. Madadaanan ko pa ang mini bar ng mansyon.

“Daddy?” bulong ko kahit madilim kilala ko ang Dad ko.

Mag-isa itong nakaupo sa mini bar nakatalikod sa kinatatayuan ko kaya hindi pa nito alam na pinagmamasdan ko siya.

Ano kaya ang problema ni Daddy? Kapag ganitong mag-isa siya sa mini bar may bumabagabag dito.

Mabilis ang aking paghakbang upang lapitan ito.

“Dad!” kuha ko sa atensyon niya.

Napansin kong napatda ito sa kinauupuan unti-unting lumingon sa akin. Tuluyan akong lumapit sa kaniya umupo pa ako sa katabi niyang stall na upuan.

“Pampaantok?” wika ko't inginuso ang hawak nitong baso na merong laman na whiskey.

Wala akong nakuhang tugon galing sa kaniya. Sa halip iniikot-ikot nito ang baso nakatitig si Daddy sa alak na para bang meron siyang sinisilip doon.

“Galit ka ba sa akin, Belyn?” aniya sa mahabang katahimikan.

“Daddy?”

Tumitig ako sa kaniya. Wala akong maapuhap na salita. Bumuntong-hininga ako baka sakaling makapa ko sa aking dibdib ang kasagutan sa Daddy. Ginawa ko naman. Ilang hugot pa nga ng hangin sa dibdib ko subalit wala pa rin akong makuhang sagot.

Ngunit aaminin ko minsan nakakatampo ang trato nila sa akin. Galit? Oo minsan….kapag nagpapadikta ito sa Mommy. Subalit iisa lang ang sigurado ko mahal ko sila lalo na si Daddy.

Mahina itong tumawa kaya tumingin ako sa kaniya. Napangiti ako kahit hindi ako sigurado kong natutuwa ito kaya tumawa.

“Galit ka nga sa, Daddy, anak,” pabulong lang iyon pero gusto kong umiyak. Dammit bihira niya akong tawaging ‘anak’ kaya gusto kong umiyak sa sobrang saya.

Binilang ko pa iyon kung ilang beses na. Isa, dalawa, mga sampu na….kaya kong bilangin ngunit bawat kataga na iyon ang sambitin ni Daddy, importante sa akin.

Napalunok ako kasi nagbara agad ang lalamunan ko sa simpleng pagtawag ni Daddy ng ‘anak’ sa akin. Masyado naman akong exaggerated para iyon lang sisibi na ako.

“Halika ka nga rito,” tumawa ulit. Inakbayan niya ako kinabig. Kaya inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Daddy.

“I know you hate me, Belyn,” tumigil sandali. “Pero sana ‘wag, anak. Believe me, sa kabutihan mo lang itong iniisip ko. Dahil…” suminghap si Daddy ayaw ng ituloy.

“Dad?” nataranta ako kasi malalim itong bumuntong-hininga.

“Ayos lang ako, hija,”

“Kahit kailan po hindi ako nagalit sa inyo ni Mommy. Nagtatampo ako ng limang minuto ngunit pagkatapos noon napapawi na ulit kapag binabalikan kong isipin na magulang ko kayo kahit anong mangyari. K-kahit na h-hindi n'yo ako tunay na anak pero mahal ko po kayo…” nag-stammer ang boses ko.

“I'm sorry,” mahinang sabi ni Daddy. Kaya tuluyang nag-unahan pumatak ang mainit na luha sa pisngi ko. Mabilis ko iyon pinunasan ng nakangiti.

“Daddy, talaga bang kailangan kong magpakasal? Dad, ayaw ko pa po mag-asawa—”

“Buo na ang desisyon ko.”

Balik sa seryoso si Daddy. Malungkot akong ngumiti. Ni hindi ko pa nga nakita ang pakakasalan ko.

Tumango-tango ako. Pareho kaming natahimik ni Daddy. Maya-maya lang nauna itong tumayo kaya mabilis akong sumunod.

Naalala ko ang pagpunta kay Benesha. Kahit bukas pa. Ayos lang maaga na lang akong aalis dito.

“Daddy!”

Tumigil ito hindi ako nilingon.

“Dad, bukas po baka pwede akong humabol sa outing na sinasabi ko sa iyo. Kapag kinasal ako hindi na ako makaka lakwatsa.”

“Tapos papasok ka ng Lunes na puyat. Kailangan mo ba talaga sumunod doon?” sagot niya hindi naman galit.

“Opo....n-nakapag promise po kasi ako sa kanila. Sige naman po, Dad, please,” pakiusap ko pa sa kaniya.

“Lakad na,” pagsuko ni Daddy iniwan niya akong nakangiti. I giggled hinabol ko siya at niyakap sa likuran niya.

“Salamat po Daddy, kahit bihira ko itong sabihin. Mahal po kita, Daddy,”

Napako si Daddy sa kinatatayuan. Pagkatapos ko siyang yakapin ng mahigpit nilampasan ko siya.

“Daddy, bye po,” wika ko sinilip ko ito. Napansin ko namumula ang mata nito ngunit hindi ko lang pinagtuunan ng pansin baka dahil nakainom ito kaya ganun namula ang kaniyang mata.

Nakakailang hakbang pa ako ng magsalita ang Daddy na sobra kong kinatuwa.

“Ingat ka, anak,” mahina lang iyon ngunit tagos sa puso ko. Abot tenga ang ngiti ko sa kaniya.

“Opo, Daddy,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status