Share

CHAPTER 05

Belyn

“Rhonda!”

Ginulat ko siyang nagkakape sa dining at muntik pa iyon matapon sa lamesa dahil timing na paglapag niya buti kaunti lang ang natapon.

“Pambihira kang babae ka sabunutan ko iyang bubol mo makita mo—”

“Shh…’wag kang maingay magigising si Benesha,” saway ko pa sa kaniya nakangisi. Inirapan niya ako.

“Nalamog nga ako kagabi r'yan sa mga tanong ng anak mo kung may overtime ka,”

Napanguso ako humila rin ng upuan at humarap na kay Rhonda. Kung hindi lang dining table ito nakapangalumbaba na ako ngayon pinagmamasdan ang kaibigan, ganado kumain ng pandesal habang sige higop ng kape niya.

“Oh, eh, bakit anong problema?” anang nito tinitigan ako.

Huminga ako ng malalim tapos tumikhim pa.

“Hindi ka nakatakas ‘no?” sigurado niyang usisa sa akin.

I nodded.

“Kagagawan kasi ni Mommy, bestfriend. Nakita kasi ako ng ate ko sa labas ng subdivision noong nagpunta ako rito ng nakaraan araw.”

Sandali itinigil ni Rhonda ang paghigop ng kape. “Kape nga pala. Anong gusto mo brewed or instant?”

“No thanks. Tapos na ako r'yan sa baba,” tanggi ko kay Rhonda.

Meron kasi convenience store sa baba ng Mansion condo. Dumaan ako bago pa umakyat kasi alas-singko pa kanina. Iniisip ko kasi baka tulog pa si Rhonda, diretso na lang sana ako sa silid namin ni Benesha.

“Bakit nga pala hindi ka nakalusot dati naman kaya mong magawaan ng paraan?”

“Binilinan ni Mommy si Manong guard na report sa kaniya kapag lumabas ako ng bahay. Mabuti nga talaga nakumbinsi ko ang Dad,” mahina ko pang sabi.

“Bakit kasi hindi mo na lang ipagtapat sa magulang mo ang tungkol kay, Benesha. Maaari namang dito ka na lang manirahan. Sabihin mo may anak kana kaya gusto mong bumukod,” aniya pa.

“Nakalimutan mo ba noon? Ayaw akong tigilan ni Daddy kapag hindi ako umuwi sa bahay?” paalala ko pa sa kaniya ng kasisilang ko lang kay Benesha.

Sa Sampaloc Tanay kasi ako nanirahan. Nauna ang Nanang Luisita, sa akin nang kaya kong kumilos upang hindi raw makatunog ang Dad. Sa bahay lang ng mga kapatid ng Nanang ako nakatira. Para na kasi nila akong bunsong kapatid maging ito si Rhonda ay kasama ko rin doon.

Susugod pa ang Daddy sa Sampaloc kung hindi ako kusang umuwi. Eh, sa takot kong makita nila si Benesha. Kusa akong bumalik. Sandali ko iniwan kay Rhonda si Benesha, katuwang naman ang Niya ang kapatid ng Nanang sa pag-aalaga sa anak ko. Pagbalik ko ng Maynila. Naghanap ako ng pwede tirahan ng anak ko kasama si Rhonda, so iyon napadpad dito sa Mansion condo. Dito ako nakahanap.

“Oo nga naalala ko naman kaso lang para hindi ka na sana mahirapan,” sabi pa ni Rhonda.

“Paano ko naman ipaliliwanag kay Mommy? Kay Dad, sure akong matatanggap pa noon kapag nakiusap ako. Pero ang Mommy, baka magka problema pa ako, lalo pa ngayong malapit na akong ikasal.”

“Chillax best friend. Suhestiyon ko lang naman baka payagan ka, edi hindi ka na mahihirapan paroo't parito. Hindi mo na kailangan tumakas kapag gusto mong makasama si Benesha.”

“Alam ko naman Rhonda. Ngayon pa, baka malabo na kasi tuloy na tuloy ang kasal ko.”

“Hindi mo ba nakumbinsi ang Daddy mo na ayaw mo?” sabi pa nito.

“Kinausap ngunit sarado ang isip nila,”

“Mahirap nga iyan bakit kasi may magulang na kailangan pahirapan pa ang anak nila. Hindi iniisip ang nararamdaman,” ani pa ni Ronda na may inis ang boses.

“Siya nga pala. Iyang anak mo baka sa sunod wala ka ng maisasagot kung magtanong tungkol sa Daddy niya. Kanina panay kulit sa akin kung kilala ko raw,”

Napatitig ako kay Rhonda at matagal na napalunok. Paano ko ba magpakilala ang ama ni Benesha, kung mismo ako hindi ko rin naman kilala.

Mariin akong napapikit binalikan ang nangyari noon na ayaw ko na sanang isipin dahil para sa akin isa na lang iyon bangungot sa aking nakaraan na ayaw ko ng balikan.

“Happy birthday, Belyn,” iba't ibang bumabati sa akin pagkatapos ng eighteen roses. Ang daming bisita lahat mahahalata galing sa mayamang pamilya. Patalbugan sa alahas. Pagandahan sa suot na gown isa na roon ang mommy Vilma, na para bang siya ang debutante.

Nakita kong nakatingin sa akin ang kasintahan kong si Darrell. Tutol si Daddy dahil bata pa raw ako ngunit sabi ko alam ko pag-aaral muna at inspiration lang si Darrell. Two months ko pa lang itong boyfriend. Kung tutuusin natagalan din itong nanligaw sa akin at same kami ng strand course. Nadaan sa tiyaga kaya napa sagot niya ako.

Nilapitan ko ito may mga kasama itong mga classmate din namin. Meron pa sa kabilang table. Apat na table lahat mga classmate ko ang nakaupo. Pinayagan ako ni Daddy na mag-invite ng gusto kong bisita. So, ang ginawa ko. Lahat na sila kahit sinong gustong mag-attend pumunta lang, dahil dito lang naman ginanap sa malawak na bakuran namin kahit na limang daan pa na bisita kaya naman silang ma accommodate.

“Hey, nag-enjoy ka ba?” tanong ko pa pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.

Dahan-dahan itong tumango. Pero tahimik pa rin. Nagtaka ako kung bakit ngunit pinagsawalang bahala ko na lang iyon.

“Iiwan muna kita ha? Iikot lang ako para pasasalamat ang mga dumalo,” paalam ko pa sa kaniya.

Okay noong una. Ibang classmate ko mabait naman may iilan lang talagang mga sosyal katulad sa kabarkada ko. At iyon sila ang lalapitan ko ngunit nagtataka ako't panay nila pasaring.

“Uy! Alam n'yo ampon lang pala iyan si Belyn, narinig ko sa pag-uusap ng mommy niya kasama ng mommy ko,” sabi ni Keanna.

“Oh, really? Hindi pala siya tunay na anak at galing lang sa ampunan,” sabi pa ng mga kausap n'ya na barkada ko rin sa campus.

“Ay sorry nandito ka pala,” hagikhik pa ni Keanna at ni Jacqueline. Pinaka sosyal kong itinuturing na kaibigan sa school.

Bakit sila gano'n akala ko kaibigan ko sila pero bakit nila ako ngayon kinukutya.

“Narinig ko ang usapan n'yo,” malamig ang boses ko kung maari lang magwala ginawa ko na. Bakit kung sino pa ang akala kong kaibigan, hindi pala totoo sa akin.

“Iyon ba? How sad naman pala hindi ka totoong mayaman. Sabi pa naawa lang ang Daddy mo kaya inampon ka at nakiusap sa mommy mo,”

“Hindi yan totoo! Bawiin n'yo ang sinasabi n'yo!” mariin kong utos sa kanila subalit namula ang mukha ko sa galit dahil nagtatawanan sila parang natutuwa pa sa aking naging reaction.

“Ops! Masamang magsinungaling,” nakangisi nilang sagot sa akin.

“Akala ko kaibigan ko kayo—”

“Noong akala namin na mayaman ka rin katulad sa amin,” ani pa nila.

“Ayan pala patungo dito ang Tita Vilma tanungin natin girl,” sabi pa ng iilan kong barkada.

Really? Kaya nilang gawin iyon sa akin? Ang sasama pala ng mga ugali nila. Ngayon ko lang naisip na kailangan pala maging mayaman para maging kabarkada nila.

“Tita Vilma, p'wede po ba magtanong?” sabi pa ni Keanna ng dumaan si Mommy sa harapan namin. May kasama pa itong tatlong Amiga na kapwa maganda ang suot.

Napalunok ako. Hiniling ko pa sa oras na iyon na sana hindi totoo at itanggi ni Mommy. Na sana sabihin niya tsismis lang iyon at anak nila ako.

Ngunit…daig ko pa ang binuhusan ng pagka lamig-lamig na tubig dahil proud pa si Mommy, na balita iyon sa harapan ng nagtatawanan kong mga itinuturing kong mga kaibigan.

Sana noon pa nila akong sinabihan na hindi nila ako anak. Bakit kung kailan sa masayang araw ko ‘tsaka nila iyon ipagtatapat.

“Sure hija, ano ba iyon?”

“Totoo bang ampon lang si Belyn at napilitan lang kayo na kunin siya sa bahay ampunan?” naulinigan ko tanong nila kay Mommy.

Halos hindi ako makahinga nag-aantay ng isasagot ni Mommy. Sana mali iyong haka-haka nila. Sana gusto lang nila akong siraan.

“Oo ampon lang siya iisa lang talaga ang anak namin at iyon ang Ate Anely niya,”

Nanginig ang labi ko. Napako ako sa aking kinatatayuan. Naririnig ko ang pag-uusap nila ngunit wala akong maunawaan kahit ni Isa.

Dumating si Dad, lumapit ako sa kaniya. Nagsumbong ako. Kahit si Daddy lang ang magsabing walang katotohanan ang sinasabi ni Mommy iyon ang paniniwalaan ko.

Subalit tumango si Daddy ngunit bakas sa mata ni Daddy nahihirapan din siya. Umiyak ako nang umiyak. Nasa akin ang atensyon ng mga bisita kaya umatras ako. Tumakbo sa loob ng bahay upang magtago. Upang sa silid ko ibuhos ang sakit sa mismong kaarawan ko pa nangyari.

Pagdating ng pangalawang araw. May pasok na. Kahit malungkot ako pumasok pa rin ako na walang gana. Kahit nagbago na ang lahat nagpatuloy ako. Nakita ko ang kasintahan ko kasama nito ang tatlong barkada, sa may corridor, parang may pinag uusapan na nakakatawa kasi nagbibiruan sila.

Nakangiti pa akong mabilis na lumakad. Hindi pa nito ako napapansin kasi abala sa pakikipagusap sa kasamang barkada. Tinawag ko siya kaya napunta ang atensyon niya sa akin.

“Darrell!” masaya ko pang pagtawag sa kaniya subalit kumunot lang ang noo nito’t hindi ngumiti. Nalusaw ang kasiyahan sa labi ko’t napapa tanong kung bakit.

Parang nagpaalam ito sa mga kaibigan kaya naiwan si Darrell. Mabilis ko itong nilapitan.

“I miss you,” alanganin ko pang ngiti sa kaniya. Akma ko siyang yayakapin subalit humakbang ito suminghap ako. Matunog akong napalunok nasaktan ako ngunit ayaw ko iyon pairalin sa oras na iyon.

Tumikhim ito itinuro ako sa gymnasium. Sumama ako baka mag-uusap lang kami. Tama mahirap din maraming chismosa sa school namin.

“Let's end this relationship,” umpisa niyang sabi na kinaawang ng labi ko.

Ano raw? Two years niya akong niligawan tapos two months pa kaming mag-on gusto na n'yang tapusin na ang relasyon namin?

“Pero bakit, mahal mo ako diba. Sabi mo mahal mo ako?” nag-uumpisang umahon ang kaba at galit sa dibdib ko.

“Simple lang ayaw ko na sa'yo,” malamig niyang sabi.

“Nang walang dahilan, Darell?”

“Anong walang dahilan? Meron, Belyn! Dahil hindi ka totoong ‘Kho’ hindi ka mayaman katulad sa amin—”

Malakas na sampal ang pinadapo ko sa makapal niyang pagmumukha. Hindi pa ako nahusto isa pa at sa sobrang lakas noon sumakit ang palad ko. Tang-na niya! Immature pa ang gago.

“How dare you! Ang babaw pala ng dahilan mo, Darrel. Gago ka! Gago! Dahil lang naging ampon ako ayaw mo na sa akin!? Gano'n ba, ha? Edi, Isa ka palang malaking tanga at gago eh! Sa lahat pa naman ng tao ikaw ang inaasahan kong makauunawa sa akin…p-pero…Dammit! Fvcking shit! Wala kang bayag!” malakas ko pa siyang itinulak sa dibdib niya.

Pagkatapos noon iniwan ko siya kasabay ng sakit nag-uunahang tumulo ang luha sa aking mata. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko estudyante. Gano'n naman sila. Hinuhusgahan ka dahil lang sa mga tsismis. Kung ano lang ang nakikita nila iyon ang mahalaga sa kanila.

Nang malayo na ako kay Darrel. Inayos ko ang sarili ko. Papasok pa rin ako hindi ko ipakikita sa kanila na mahina ako.

Kahit tampulan ako ng chismis keber ko ba sa kanila. I continued. I studied diligently despite the fact that I had no friends. Mas mainam at least alam ko lang kung hanggang saan lang dapat ang ibibigay mong tiwala.

Subalit dumating sa point na magpapadala ako ka sa buyo ng kapwa ko estudyante. Niyaya ako ng dati kong barkada masquerade party ng class president namin na si Gian Laxa. Noong una tumanggi ako kahit na mismong President namin ang nag-invite sa akin. May phobia na kasi ako sa party, party.

Isinabay kasi birthday pareho ng Mommy ni Gian at kaniya. Mayaman ito at Senador ang Lolo ni Gian ang Dad naman nito ay congressman.

Pumayag ako hindi para maging kaibigan ko ulit sila. Kasama na rin sa pagrerebelde ko kasi hindi nag-attend si Mommy at Daddy sa third quarter kong recognition kasama ako sa with honors. Ang Nanang ang sumama sa akin. At ang masakit dahil humiling si, Ate Anely ng trip to Boracay dahil nanalo ito sa school nila bilang Ms. university.

Wala naman iyon sa akin kahit pagbigyan nila si Ate. Ang sa akin lang maari naman nilang i-move kung gugustuhin nila para lang makasama ko sila sa pagkuha ng certificate. Excited ako dahil first time ko makasama sa with honors laging bitin ang grades ko. Kapag hindi 89.2 ay 89.30. Hind raw kayang hatakin sabi ng adviser ko.

Last year na rin naman college na talaga kami kasi naabutan ako ng senior high. Pero business course ang strand ko dahil iyon ang gusto ni Daddy at Mommy.

“Ano Belyn, sama ka na,” late ang teacher namin kaya iyon ang topic ng mga classmate ko. Nakabili na raw ng damit payabangan sila.

“Sige,” mahina kong sagot. Papitik pa sila sa daliri ngunit tipid lang akong ngumiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status