Share

CHAPTER 07

Belyn

“Pero bestfriend wala ka man lang ba palatandaan sa fafa ni Benesha?” makulit pa na saad ni Rhonda.

“Woi! Anong fafa? Kasasabi ko lang Rhonda, na wala….maliban sa…” natigil ako meron akong naalala.

Umayos pa ng upo ang kaibigan ko talagang chismosa handa ng makinig kung ano ang aking kwe-kwento sa kaniya.

Mariin akong pumikit upang maging malinaw sa balintataw ko ang itsura ng katawan ng ama ni Benesha. Abs lang talaga dahil wala sa isip ko ang mask niya. Nanghihina kasi ako noon sa droga at sa init na pinagsaluhan namin.

Nabalot ng ungol namin ng estrangherong lalaki ang buong hotel room. Bawat pag sagad at pag-indayog tila iyon musika nangibabaw sa bawat sulok ng k'warto.

“Fcvk! …Dammit!” in his sexy voice. Napalunok ako ng tila isang malamyos na tinig na bumubulong sa akin

“Rhonda! May naalala ako,” saad ko sa kanya.

“Ano?” mabilis pang tanong ng kaibigan ko halatang inaabangan ang bawat kong sabihin sa kaniya.

“Meron siyang tattoo sa kanang dibdib isang Agila,” wika ko. Natatandaan ko iyon habang inangkin niya ako dahil hinahaplos ko iyon at gustong-gusto rin niyon ng estrangherong kasiping ko.

Ang hot kasi nitong tingnan habang umuulos sa ibabaw ko kaya sa tattoo niya ako nakatitig habang sumasayaw kami sa makamundong pagnanasa.

“Tss, alangan lahat ng lalaki huhubaran mo tapos sisilipin mo sa dibdib kung may tattoo sila. Hello, Belenda Kho! Halos lahat ng lalaki ngayon ay may tattoo ng ganoon,” aniya pa ng kaibigan ko.

Nanlumo ako’t dinaan ko na lang sa tawa kaya nagtaka si Rhonda pabiro pa akong hinila sa buhok ko.

“Anong nangyari sa ‘yo ha, Belenda? Nasapian ka ba?” wika pa nito't nanlaki pa ang butas ng ilong sa pagsita niya sa akin.

“Kasi naman ang shunga ko talaga hindi ko naisip na silipin ang, Daddy ni Benesha bago lumayas sa hotel. Wala na siya noong mask na suot paggising ko kaya lang nakabaling kasi ang ulo niya sa kabilang side ko kahit nakagapos ako sa isang braso niya.”

“Sayang baka guwapo iyon. I'm sure kaya hindi mo kamukha si Benesha, kasi sa ama kahawig. Aba ang ganda-ganda kaya ng inaanak ko,” saad pa ni Rhonda.

“Of course maganda ang Ina,” hindi magpapatalo na sagot ko sa kaniya.

“Edi ikaw na,”

“Baka nga kamukha ni Benesha. Pero hayaan na nga. Wala rin naman silbi kung makilala ko siya dahil ikakasal na ako, Bestfriend,” malungkot kong sabi.

“Oo nga ano,” siya hindi ka ba inaantok ako'y maliligo na muna. Total nandito ka naman at bukas pa aalis. Tatao na muna ako sa laundry shop,”

“Sige lang ako na ang bahala sa anak ko. Anong gusto mong pagkain, Rhonda?” Tanong ko pa bago siya tuluyang umalis.

“Bahala ka na ikaw naman ang magluluto,” sabi lang sa akin.

“Order lang kaya ako kasi magsisimba kami ng anak ko? Ay hindi pala, best. Kung gala na lang kaya tayo gusto mo ba?”

“Dala mo ba ang kotse mo?”

“Yeah, sa Megamall lang naman tayo. MRT na lang sakyan natin. Mahihirapan pa ako maghanap ng parking,” mungkahi ko pa.

“Pwede rin naman,” sangayon nito.

“Sige, baba ka muna mamaya tayo bago matanghali aalis. Alas-otso naman ang mass kami attend ni, Benesha,”

“Noted, ma'am,” aniya sabay pumasok sa kanyang kwarto.

Ako naman pumasok din sa silid namin ni Benesha. Napangiti ako nakanganga pa ang anak ko habang mahimbing ang tulog.

Nagbihis na muna ako ng t-shirt at pambahay na short at nag-alarm ng phone ko ng 7:30 a.m. Naligo na naman ako si Benesha na lang ang aasikasuhin ko makaaabot pa kami sa mass mamayang alas-otso.

Walking distance lang kasi ang church dito sa Mansion condo. Wala pang fifteen minutes nasa simbahan na kami hindi kailangang magmadali.

Dahan-dahan ang aking pagkilos baka ito ay magising. Inaantok pa ako kasi alas-tres ako kanina nagising at pagdating ng alas-kuwatro. Umalis na ako sa bahay kaya saktong five A.M. Nandito na ako.

Naghihikab pa ako ng niyakap si Benesha. Bago pa lang ako matutulog dumilat ito abot tenga ang ngiti sa akin.

“Mommy?” yumakap siya sa leeg ko. Binigyan ko siya ng masayang ngiti. she giggled. As if one week kaming hindi nagkita sa higpit ng yakap niya sa leeg ko.

“Miss you baby ko,” pinanggigilan ko siyang yakapin pagkatapos papaliguan ng halik sa pisngi niya.

“Ang bango kahit bagong gising,” biro ko pa sa kaniya.

Tuwang-tuwa naman itong humagikhik nagustuhan ang aking pagpuri sa kaniya. “Opo, Mommy, I use baby bedtime lotion po,” sabi pa nito.

“I see, kaya pala amoy, baby,” wika ko’t inangat ang kili-kili niya ‘tsaka kiniliti. Kay saya ng namin ng anak ko. Nabalot ng malakas na halakhak ang apat na sulok ng aming k'warto sa tawa namin mag-ina.

“M-mommy….a-awat na po,” hinihingal n'yang suway sa akin.

“Aren't you sleepy, baby?”

“Hindi na po, Mommy,”

"Do you want to take a walk in the mall today, baby? But first, we'll go to church. Do you like it, Mmm?"

“Wow! Really? Yes, please, Mommy.”

“Alright. Kay, baby Benesha, ang buong araw ngayon ni, Mommy,” sagot ko sa kaniya na kinabilog ng mata niya.

“OMG! Excited po,” wika pa nito agad bumangon sa kama nakaupo lang sa tabi ko pakanta-kanta.

“Tara na breakfast ka muna then ligo,” saad ko hind ko na inantay na sumagot kinarga ko na.

“Mommy, ako na po,” aniya nagpapababa.

“Aww ayaw ng magpakarga ng, anak, ko,” nangiti na lang ako kasi humawak ito sa kamay ko gano'n kami lumabas ng kuwatro magkahawak kamay.

“Sasamahan mo ba ako sa kitchen, anak, ha? Magluluto muna si Mommy,”

Hindi na lang ako mag-order magluluto na lang ng almusal namin kasi sa Megamall kami mag-lunch.

“Ok po, Mommy,” aniya tila kinilig sa galak.

Pinaupo ko si Benesha tahimik lang itong nanood sa akin minsan may tanong matiyaga ko naman siyang sasagutin.

“Mommy, marami ka po work kahapon?” Bigla nitong tanong hindi ko na hindi ko napaghandaan.

“Sobra anak, kaya si Mommy, hindi na nakauwi,”

“Napagod ka po? Kapag po lumaki ako. Hindi ka na po magwo-work. Ako na po ang bahala,” anang anak ko akala mo ay matanda kung mag-usap.

“Ang saya naman niyan pakinggan anak ko. Salamat agad,” wika ko pa.

Dahil maaga pa wala pang luto si Rhonda. Nagsaing ako sa rice cooker. Naglabas ng frozen foods. Minsan lang naman tocino Ang inilabas ko. May karne naman at repolyo akong nakita sa chiller. Kasi lang breakfast pa naman ito na lang.

Nasanay kasi si Benesha ng kanin simula ng mag-aral kapag umaga. Bilin ko iyon kay Rhonda, upang matagal magutom ang bata.

“Ayan tapos na si, Mommy,” sabi ko pa pagkatapos magluto.

“Anak, tatawagin ko lang ang, Tita Rhonda,” paalam ko kay Benesha. Subalit hindi pa nakasagot ang anak ko. Dumating si Rhonda nakabihis at ligo na.

Pagdating ni Rhonda sa kaniya napunta ang atensyon ng anak ko kaya hinayaan ko na mag-usap sila.

Naghain na ako at sabay pa kami kumain kahit busog pa ako magana kaming pareho ni Benesha. Naubos niya ang nilagay ko sa plato niya.

Naiwan kami naghanda na rin kami para sa pag-church namin. Dumaan pa kasi kami kay Rhonda, sa baba kasi nagpaalam kami pareho at sinabihan ko rin magbihis na agad kasi pumasok naman pala ang dalawang tauhan sa laundry shop.

Pangatlong sa dulo kami umupo ni Benesha. Seryoso naman ng anak ko nakikinig sa mensahe ng pari. Ako naman iisa lang ang hiling ko. Sana magbago ang isip nila Dad at Mommy sa nalalapit kong kasal.

“Rhonda sana pala ginamit na lang natin ang kotse ko daming pila,” bulong ko sa kaibigan ko.

Ilang beses na ako nakapag MRT kaso lang hindi ko kasama si Benesha. Taxi kami kapag kasama ko ang anak ko sa tuwing mamasyal.

“Mommy, ok lang po,” sabi ng karga kong anak. Binuhat ko na takot akong maipit kasi ang haba ng pila.

Pawis na pawis kami pagkatapos makabili ni Rhonda ng ticket. Buti na lang alas-onse lang aabot kami ng lunch sa Megamall.

“Ayos ka lang ba anak?” check ko kay Benesha. Masaya pa itong tumango walang karekla-reklamo.

Pababa kami ng hagdan sa gilid na lang kami kasi mga nagmamadali ang ibang pasahero. Kami naman ok lang dahil makararating naman kaysa mapagod pa kami makipag unahan sa ibang pasahero.

“Woah! Grabe parang karerahan ang init,” anang Rhonda nang makasakay na kami sa loob ng MRT.

Hindi kami nahirapan kasi sa train kami na magkasama bata nakaupo agad kami. Unti nawala ang init. Pinunasan ko si Benesha sa likuran kasi pawis na pawis. Nilagyan ko pa ng towel.

Umalis si Benesha sa pakakalong sa akin may espasyo sa gitna namin ni Rhonda umupo ang bata nalibang manood sa labas.

“Baby, umayos na ng upo baba na tayo,” saad ko ng makarating kami ng Edsa show.

Ayaw ni Benesha magpakarga gustong maglakad hinayaan ko na. May escalator naman hindi pagod hanggang kami makababa.

“Mommy, gusto ko po sa Jollibee kumain,” sabi ng anak ko.

Hindi ko namalayan nakatigil na pala kami sa baba ng kinausap ako ng anak ko. Nasa gilid naman kami pero may isang taong tumikhim sa likuran namin.

Lalaki.

“Excuse me,” He said.

Napalunok ako sa boses nito. Para bang narinig ko na ito dati hindi ko lang matandaan kung saan. Lumingon ako at nag-angat ako ng tingin. Napaawang ang labi ko ang gwapo nito. Ma awtoridad ang seryoso nitong mata. Nasa likuran ko pala ito nakayuko sa amin ni, Benesha. Lalo kay Benesha. Nakatitig ito pagkatapos sa akin subalit kaswal lang ang titig nito sa akin kaya bakit ako nakararamdam ng kakaiba sa aking dibdib.

Sobra kasing lakas ng pagtahip ng dibdib ko. Ewan ko kung dinig ba ‘yun ng mga kasama ko. Hindi ko mawarian kung bakit. takot ba ito or kaba? Sa pagtama ng titig namin sa isa't-isa

“Mommy!” hinila ni Benesha ang blouse ko kaya napakurap ako. Nawala pala ako sa aking sarili dahil sa boses nito.

“N-noted po b-baby Benesha,” wika ko pa—

“Dude! Ang bilis mo naman lumakad,” sabi ng humabol na kakarating lang na lalaki rin. Pahapyaw ko lang sinilip bakit guwapo rin. Mas nga lang doon sa tumikhim na lalaki sa likuran ko. Iba ang dating.

Walang sagot ang lalaki basta nauna itong lumakad na kasunod ang bagong dating na lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status