Share

CHAPTER 08

Belyn

“OMG….Belenda…parang may kahawig si pogi….” bulong ni Rhonda, ngunit hindi ko siya nasagot dahil sa anak ko napunta ang atensyon ko kasi hinihila ako sa laylayan ng blouse ko.

“Mommy, malayo na po si pogi sinusundan mo pa po ng tingin,” tinig ni Benesha, nakabungisngis maging si Rhonda na iba ang pilyang nagbabadya sa mata ng kaibigan ko.

“H-hindi, baby, mga sa-sasakyan ang tinitingan ko,” nauutal ko pang maagap na sagot kay Benesha.

“Sasakyan daw? Palusot ka pa sa maganda kong inaanak,” anang pabulong. Mabuti hindi siya pinansin ni Benesha gano'n din sa mga sasakyan nakatingin namamangha ang anak ko sa mga sasakyan na animo nagpapaligsahan tumakbo sa Edsa.

Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Rhonda kasi panay nito bulong sa tainga ko pero mahina lang iyon babala ko lang sa pagka chismosa nito tigilan niya ako.

Nawala sa isip ni Benesha ang kanina tungkol sa lalaki dahil nakarating na kami sa Megamall. Una naming pinuntahan ang Jollibee kasi gutom na rin kami pareho ni Rhonda.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status