Belyn
Tila ako nakalutang nang lumabas sa office ni Daddy at tuloy-tuloy ang lakad ko patungo sa labas ng bahay. Hindi na ako umakyat upang masilip man lang ang k'warto ko basta ang tangi kong gusto ay makaalis ng bahay. Tuliro ang isip ko sa nangyayari. Alam kong sa malao’t madali ay matutupad ang hiling ni Daddy at Mommy kahit anong pagtutol ko. Walang imposible sa kinilalang kong Ina na si Vilma Kho. Kung si Daddy, ‘Protacio Kho’, maari kong paulit-ulit na kumbinsihin. Hindi ang, Mommy Vilma. Mas may boses ito sa bahay kaysa kay Daddy kung sa mga desisyon. Pagdating ko sa labas naabutan ko ang Nanang Luisita. Hindi ko tinanong kung saan siya galing. Papasok na rin ito sa loob ng bahay ngunit bago iyon. Sinalubong na muna nito ako na may simpatyang nakaguhit sa mga mata ng Nanang Luisita. I forced myself to grin, even though I felt something heavy on my chest. Malalim akong humugot ng hangin upang maiwasan ang kaninang bigat ng dibdib ko. “Kumusta, hija? Anong pinag-usapan n'yo ni, Sir Protacio?” tanong pa nito pinisil ang kamay ko. “Nanang, gusto na nila akong mag-asawa,” “Ano?” gulat na gulat nitong sabi gumuhit ang pag-a-alala sa mata nito. Dahan-dahan akong tumango. “Hindi mo po ito nabalitaan, Nanang?” “Walang nabanggit ang Daddy mo, hija, bago itong nalaman ko,” “Kailangan daw po nang hindi bumagsak ang negosyo na pinaghirapan pa ng magulang ni Daddy,” tila nagsusumbong kong saad sa kaniya. “Talaga naman iyang si Sir Protacio. Sigurado nadala na naman iyan sulsol ng Mommy mo. Baka may nakilala na mayaman at naiinggit na naman si, Ma'am Vilma,” saad ng Nanang nasa reaction niya ang dis-gusto sa aking ipinagtapat. “Hindi ko nga kilala ang gusto nilang ipakasal sa akin. Isa pa Nanang, napakabilis nilang maka desisyon two months lang po ang hinihinging palugit pumayag dito si, Daddy,” Sumama ang mukha ni Nanang Luisita. Matandang dalaga ito si Nanang. Sabi nito hindi na siya nag-asawa dahil nalibang sa pagiging breadwinner ng pamilya niya. Mabuti lang din kasi worth it ang pinaghirapan ng Nanang. Dahil nakapagtapos ng tatlong kapatid pare-parehong elementary teacher sa Sampaloc Tanay. “Hayaan mo, hija, susubukan kong kausapin ang Daddy mo,” aniya para bang pinapalakas ang loob ko. Tipid akong ngumiti. Kahit imposible ang sinabi nito. Kahit paano ay masaya pa rin ako. Hindi ako mahal ni Mommy Vilma. May Nanang Luisita naman ako na mabait at tagapagtanggol ko kay Daddy at Mommy. “Kaya love kita Nanang Luisita, dahil ikaw lang ang nagmamahal sa akin dito sa bahay. I love you po, Nanang,” wika ko at niyakap ko pa siya ng mahigpit na kinabato nito sa kinatatayuan niya. “Nang, ayaw n'yo po ba akong mahalin?” “Itong batang ito oo kung anong sinasabi. Nagulat lang ako kasi ngayon mo lang akong sinabihan na mahal mo ako. Samantalang ako ang nag-alaga sa 'yo at laging kakampi mo,” “Asus nagtampo. Sige po palagi na kitang sasabihan ng mahal kita, Nanang,” wika ko pa sabay hagikhik kasi suminghap pa ito. Kumalas din ako ng yakap sa kaniya ng maging magaan kahit paano ang dibdib ko. Pinagmasdan ko ang Nanang, nagtataka ako kasi ang pula ng mata nito bakit kaya? Nakakaiyak bang sabihin ng, I love you? Kapag ganun hindi ko na lang siya sasabihan dahil ayaw kong nalulungkot ito. “Nanang, Nakakasama po ng loob,” napanguso kong sabi. “Bakit naman?” naguguluhan niyang tanong sa akin. "Kasi ayaw mo ng ‘I love you’ tingnan mo nga parang umiyak ka pa,” himig ko tila nagtatampo ako sa kinaya. “Ha?” aniya sabay hawak sa pisngi nito at sa mata. “Joke po. Paniwala ka po agad.” “Sandali saan ka nga pala pupunta ha, Belyn?” tanong niya at pinasadahan pa ako ng tingin. “Sa kaibigan ko po. Alam mo na kanino iyon Nanang, ha? Ikaw na po ang bahala maghabi ng alibi,” bulong ko pa. Nalungkot ulit ito sa aking sinabi. “Sige magi-ingat ka sa pagmamaneho ha?” “Hindi ako gagamit ng kotse. Nanang makakalimutin,” bulong ko pa. “Ay, sus! Oo nga pasensya na hija. Nawala sa isip ko,” “Oo naman po,” masayang na akong napangiti ngayon. “Anong oras ka niyan uuwi?” bulong din nito. “Doon po ako matutulog. Diretso na po ako sa bukas sa trabaho. Meron naman akong damit doon,” Bumuntong-hininga ito. Hinaplos ang mukha ko. Wala naman itong sinabi basta pinagmasdan lang niya ako. “Tuloy na po ako, Nanang, ha?” mahina ko pang sabi. Tumango ito tinapik ako sa balikat ko. Hindi ako nagdala ng kotse para iwas akong paghinalaan ni Daddy, na umalis. Si Nanang alam na ang gagawin kapag aalis ako. Wala sana akong balak ngayon umalis kasi galing na ako doon noong isang araw. Kaya lang kapag ganitong malungkot ako gusto ko ng iba ang aking kapaligiran hindi rito sa mansyon kun'di sa ibang bahay. Nasa Sampaloc Manila itong bahay ng magulang ko. Ang pupuntahan ko ay sa Pasay City. Hindi ako sa tapat ng gate kumuha ng taxi. Nagtiyaga akong maglakad sa labas ng subdivision upang walang maging problema. Dahil nga ala-sais na. Inabutan ako ng traffic kaya nakarating ako sa pupuntahan ko. Pasado alas-siyete na. Sana lang gising pa ang pupuntahan ko para maalis agad ang bigat ng dibdib ko. “Kuya, para ho. Dito na lang po ako,” saad ko sa driver ng nasa tapat na kami ng mansion condo. 11th floor unit 104 ang pupuntahan ko. Walang tao sa elevator mabilis akong nakarating sa pupuntahan kong unit. I have a key. I didn't ring the doorbell; instead, I slowly opened it using the key I had. Matamis akong napangiti ng makita ko ang pinaka paborito kong tao sa buong buhay ko. Balak ko na sanang gulatin ngunit hindi na iyon natuloy dahil lumingon na ito sa pinto namilog ang mata. “Mommy!” she giggled. Nanonood ito ng barbie movie as usual her favorite. Basta lang nito iniwan ang TV at tuwang-tuwa tinakbo ako. “Tita Rhonda, Mommy is here po,” masayang sigaw ng anak ko pinagsalikop pa nito ang magkabilang kamay kinikilig. Yes, I have a child. Mahigit tatlong taon. Ang bata ko pa. Twenty three pa lang ako ngunit may anak na ako. Her name is ‘Benesha Margaret Kho’. Kutis at straight niyang itim na buhok ang minana lang niya sa akin, maliban doon wala na. Meron pala pareho kaming babae. Ito ang pinakamaganda nangyari sa buhay ko, pagkatapos ng bangungot na iyon. Iwanan man ako ng lahat kayang-kaya ko. Dahil sa mahal kong anak. Kapag malungkot ako. Ito ang tanging sandalan ko. Uuwi lang ako rito pagmamasdan ko lang siya. Pinapawi na nito ang lahat ng agam-agam sa aking dibdib. Pinapalitan ng lakas ng loob at pag-asa na kahit paano may isang taong hindi ako iiwan at ito ang anak ko. Kinarga ko ito at pinupog ng halik sa pisngi niya. “Hmm.. mabigat na yata ang anak ko, ah,” wika ko hinalik-halikan ito sa leeg niya. Napuno ng hagikhik ang buong sala dahil doon ako pumunta kalong ko siya umupo sa sofa. Kaya sobrang tipid ko noong nag-aaral ako ng college dahil dito sa anak ko. Si Daddy kasi malaki kung magbigay ng allowance sa akin at lihim iyon kay Mommy. Dahil din siguro meron na akong anak. Kaya naisip kong magtayo ng laundry shop dito lang din sa baba ng 'mansion condo.' So far ok naman ang kita. Meron akong naitatabi laan kapag may emergency para kay Benesha. Dati wala akong pakialam basta bibilhin ko ang gusto ko. Lalo pa ang mga kaibigan ko noon ay palaging updated sa mga bagong signature trends kaya ako bibili rin para makasabay sa mga sosyal kong barkada. Iba nga talaga kapag dumaan sa matinding pagsubok. Doon nagiging matured katulad sa akin. Katulad ko sa batang edad ay single mom na. Hindi pa nga ako nag-twenty four may maganda na akong anak. Lingid sa kaalaman nila Mommy at Daddy may anak ako. Ayaw kong danasin ng anak ko ang feeling na walang nagmamahal sa kaniya kaya ayaw kong ipakilala si Benesha sa kanila. Kahit ako lang sapat na ako. Pinararamdam ko sa kaniya na kahit wala siyang ama. Sapat na akong maging Mommy at Daddy niya. “Mommy, wala ka pong work?” aniya. Umiling ako. “Bukas pa, baby,” “Yes, yes, dito matutulog ang Mommy ko,” She said that she couldn't get rid of the happy smile on her lips. Naghaharutan kami ng anak ko lumabas si Rhonda sa kuwatro. Two bedroom ang kinuha kong unit isa kasi ay akin at kay Rhonda. Sa kaniya natutulog ang anak ko kapag wala ako rito. “Kanina ka pa?” nakangiti ito lumapit sa akin. Bumaba si Benesha sa hita ko pinuntahan ang nakalatag na laruan sa center table at niligpit. Ito kasi ang palagi kong turo sa kaniya. Pagkatapos maglaro iligpit ang kalat. “Kararating lang. Kumusta rito?” tanong ko sa kaniya. Si Rhonda ay pamangkin sa pinsan ni Nanang Luisita. Ulilang lubos na ito pinagmalupitan kasi ito ng kumupkop na Tiyahin. Imagine, kapatid din ng Ina nito pero masama ang ugali kaya lumayas si Rhonda at doon naglagi sa bahay ng tatlong kapatid ni Nanang Luisita. Magkasing edad kami at ito ang itinuturing kong matalik na kaibigan at para ko na ring kapatid. Sa katauhan niya nagkaroon ako ng kapatid na babae. “Dito ka matutulog?” tanong pa nito. “Oo,” matipid kong sagot na kinataas ng kilay nito. Napanguso ako at binigyan siya ng babala na ‘wag magtanong ng malungkot na bagay kapag kaharap ang anak ko. Saksi kasi ito sa mga hinaing ko sa buhay dahil kasama ko na ito ng limang buwan pa lang ang tiyan ko. Umalis ako sa bahay noon kasi takot akong mahalata ng Mommy at Daddy. Sumama ako sa Nanang Luisita, nang magbakasyon sa kanila, timing kasi noon binawian ng buhay ang Inay ng Nanang Luisita sa sobrang katandaan. Saktong pinayagan ako kasi tuwang-tuwa pa si Mommy at hindi raw ako makikita sa mansyon ngunit hindi ang Daddy. Maraming tanong sa akin muntik pa akong hindi makalusot. Sabi ko kasi noon ay tinatamad akong mag-aral gusto kong hanapin na muna ang sarili ko baka makatulong sa Province ng Nanang Luisita. Nag-isip pa ang Daddy. Kinausap pa siya ng Nanang Luisita, tsaka lang ito pumayag. Naka plano na noon four months akong sasamahan ng Nanang. Bahala na raw gumawa ulit siya ng alibi kapag pauuwiin siya ng Daddy. Hanggang sa isilang ko si Benesha. Kaso lang seven months lang pumutok na ang panubigan ko kaya napaaga ang pagluwal kay Benesha. “Nagtatanong iyan sa akin kung kilala ko ang, Daddy, niya,” bulong ni Rhonda. Napa ubo ako sa pagkagulat tumingin agad si Benesha sa akin. “Mommy, are you feeling sick?” aniya binalikan ako at sinalat pa ang noo ko. Napangiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit. “How sweet naman ng anak ko. Wala po akong sakit dahil nakita na kita,” “Wow! Parang ako po ang superhero mo, Mommy,” inosente niyang sabi. “Wala ng iba ikaw ang laging nagpapalakas sa, Mommy, kaya hindi siya dinadapuan ng sakit,” saad ko. Humagikhik naman ito nagustuhan ang sinabi ko. Buti binalikan ulit ang ginagawa. Susme ito talaga ang palagi kong preblema kapag nagtatanong sa Daddy niya.BelynNapabalikwas ako ng bangon sa kama dahil sa sobrang lakas ng pagkalampag sa labas ng pinto sa 'king k'warto. Ngunit tumigil din iyon kaya bumalik ulit ako sa paghiga. Nagbabawi ako ng tulog ngayon dahil puyat ako kagabi kay Benesha at Rhonda. Hindi ako pinatulog ni Benesha ng maaga maraming kwento sa akin.Alas-dose na yata iyon bago ito matulog. Kung hindi ko pa sinabihan na aantukin ako sa work bukas hindi ako tatantanan ng matabil kong anak.Alam kasi ni Benesha. Kapag overtime ako sa office hindi ako makauuwi. Sabi ko, malayo ang office ko kaya roon ako natutulog kapag hindi umuuwi sa condo unit namin. Thankful naman ako sa anak ko nauunawaan niyang para sa future niya ang pagsisikap ko bumabawi na lang ako kapag magkasama kaming mag-ina.Pagtulog ni Benesha. Kay Rhonda naman ako nakipag kwentuhan hanggang inabot kami ng madaling araw. Ending maghapon akong antok na antok sa office. Mabuti na lang hindi gaanong busy kanina tila nakisama ang trabaho ko kakaunti ang client na
BelynKanina pa akong pabalik-balik ng lakad sa loob ng kwarto ko’t hindi mapakali. Damn! Paano ba ako makaalis ng hindi makatutunog si Mommy. Binilin kasi sa gwardiya i-radyo sa kaniya kung lumabas ako ng gate.Paano ba naman binanggit nito sa Daddy, ang tungkol sa sumbong ni Ate, na nakita raw ako noong isang gabi sa labas ng subdivision. Baka raw lingid sa kaalaman nila may lalaki aong kinatatagpo na mahigpit ko naman ‘yon pinabulaanan.Sabi ko, hindi ako lumabas ng bahay dahil natulog ako ng maaga dahil maghapon na masakit ang ang ulo ko at alam iyon ng Dad sa office pa lang.Sabi pa ng Mommy titingnan niya sa CCTV. Pero hindi niya alam matagal ng nasira ang CCTV ayaw lang ipaalam ng Nanang na sira na iyon, kasi mas pabor daw sa akin sa tuwing aalis ako patungo sa mansion condo.Hindi rin naman ni minsan sinisilip ni Mommy iyon. Kung pa sosyal updated si Mommy Vilma. Pero dito sa bahay wala iyon pakialam. Araw-araw nga iyan umaalis hindi naman sa office ni Daddy, nagtutungo at ewa
Belyn “Rhonda!” Ginulat ko siyang nagkakape sa dining at muntik pa iyon matapon sa lamesa dahil timing na paglapag niya buti kaunti lang ang natapon. “Pambihira kang babae ka sabunutan ko iyang bubol mo makita mo—” “Shh…’wag kang maingay magigising si Benesha,” saway ko pa sa kaniya nakangisi. Inirapan niya ako. “Nalamog nga ako kagabi r'yan sa mga tanong ng anak mo kung may overtime ka,” Napanguso ako humila rin ng upuan at humarap na kay Rhonda. Kung hindi lang dining table ito nakapangalumbaba na ako ngayon pinagmamasdan ang kaibigan, ganado kumain ng pandesal habang sige higop ng kape niya. “Oh, eh, bakit anong problema?” anang nito tinitigan ako. Huminga ako ng malalim tapos tumikhim pa. “Hindi ka nakatakas ‘no?” sigurado niyang usisa sa akin. I nodded. “Kagagawan kasi ni Mommy, bestfriend. Nakita kasi ako ng ate ko sa labas ng subdivision noong nagpunta ako rito ng nakaraan araw.” Sandali itinigil ni Rhonda ang paghigop ng kape. “Kape nga pala. Anong gusto mo brewed
Araw ng masquerade party. Ayaw ko pa nga umalis kasi kanina ko pa hindi maintindihan ang aking sarili. Inabot pa nga ako ng alas-otso bago umalis ng bahay. Nag-taxi ako patungo roon. Sabado ngayon nakaalis ako ng bahay dahil out of town si Mommy at Daddy. Kabado ako sa pagpasok pa lang ng entrance ng hotel hanggang sa dalhin ako ng receptionist sa venue ng ipakita ko ang invitation card ni Gian. Sa entrance pa lang ng venue sa pavilion ng hotel ginastusan na. Nagkikislapan ang mga elegante chandelier. Bumabaha ng alak at pagkain. Sa mga damit at alahas ng bisita halata galing sa mga bigating negosyante ng bansa. Bagamat hindi ko nakikita ang mga mukha ng bisita. Alam kong mga may sinasabi sa lipunan. Saan kaya sila? Bulong ko pa hinahanap ang mga classmate ko. Paindak-indak ang ulo ko natangay ako sa tugtog. Dahil wala akong kasama minabuti kong maghanap na lang ng bakanteng upuan. Nilabas ko na muna ang phone ko upang ipaalam kay Gian nakarating ako. Kay Kianna at Jacqueline hinay
Belyn“Pero bestfriend wala ka man lang ba palatandaan sa fafa ni Benesha?” makulit pa na saad ni Rhonda.“Woi! Anong fafa? Kasasabi ko lang Rhonda, na wala….maliban sa…” natigil ako meron akong naalala.Umayos pa ng upo ang kaibigan ko talagang chismosa handa ng makinig kung ano ang aking kwe-kwento sa kaniya.Mariin akong pumikit upang maging malinaw sa balintataw ko ang itsura ng katawan ng ama ni Benesha. Abs lang talaga dahil wala sa isip ko ang mask niya. Nanghihina kasi ako noon sa droga at sa init na pinagsaluhan namin.Nabalot ng ungol namin ng estrangherong lalaki ang buong hotel room. Bawat pag sagad at pag-indayog tila iyon musika nangibabaw sa bawat sulok ng k'warto.“Fcvk! …Dammit!” in his sexy voice. Napalunok ako ng tila isang malamyos na tinig na bumubulong sa akin “Rhonda! May naalala ako,” saad ko sa kanya.“Ano?” mabilis pang tanong ng kaibigan ko halatang inaabangan ang bawat kong sabihin sa kaniya.“Meron siyang tattoo sa kanang dibdib isang Agila,” wika ko. Nat
Belyn“OMG….Belenda…parang may kahawig si pogi….” bulong ni Rhonda, ngunit hindi ko siya nasagot dahil sa anak ko napunta ang atensyon ko kasi hinihila ako sa laylayan ng blouse ko.“Mommy, malayo na po si pogi sinusundan mo pa po ng tingin,” tinig ni Benesha, nakabungisngis maging si Rhonda na iba ang pilyang nagbabadya sa mata ng kaibigan ko.“H-hindi, baby, mga sa-sasakyan ang tinitingan ko,” nauutal ko pang maagap na sagot kay Benesha.“Sasakyan daw? Palusot ka pa sa maganda kong inaanak,” anang pabulong. Mabuti hindi siya pinansin ni Benesha gano'n din sa mga sasakyan nakatingin namamangha ang anak ko sa mga sasakyan na animo nagpapaligsahan tumakbo sa Edsa.Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Rhonda kasi panay nito bulong sa tainga ko pero mahina lang iyon babala ko lang sa pagka chismosa nito tigilan niya ako.Nawala sa isip ni Benesha ang kanina tungkol sa lalaki dahil nakarating na kami sa Megamall. Una naming pinuntahan ang Jollibee kasi gutom na rin kami pareho ni Rhonda.
Belyn Nasa loob na kami ng ‘kids station’ enjoy na enjoy ang anak kong si Benesha sa paglalaro. Pumayag ang bantay sa counter na dalawa kami ni Rhonda, ang pumasok. Dapat kasi ay isang parent or guardian lang sa policy nila, nakiusap lang ako buti mabait ang naka duty bantay at isa pa, wala raw ang manager kaya napagbigyan niya kami. Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako sa anak ko habang pinagmamasdan itong masayang tumatawang pabalik-balik sa padulasan wala itong reklamo kahit pagod na pagod na sa kalalaro. Ang saya ng tili nito sa tuwing babagsak siya sa baba ng padulasan. Hinahayaan ko lang pero nakabantay naman ako kung sakali mapasama ang bagsak ng anak ko. “Belenda!” “Ro-rhonda ano nga iyon?” napa kurap ako sa pagkabigla ng tawagin niya ako. “Bestfriend, pansin mo ba?” wika nito nakapangalumbabang pa nakatitig sa akin. Humarap ako upang usisain ang tinutukoy niya. “Alin?” ani ko. “Si handsome ba hindi mo na notice na kamukha ni Benesha?” wika nito kinaawang ng labi k
Aaron (POV) “Dammit!” hinilot ko ang sentido ko dahil pumipitik sa kirot. Ang sakit ng ulo ko sa hangover. Tang-na kasi ‘tong si Hendrix, daming in-order na alak tatakas pala sa amin. Iniwan kami marami pang inumin. Napadami tuloy kaming ng inom nila Connor at Fritz. Dinamayan lang namin si Connor, bigo sa pag-ibig nagpakalunod sa alak. Damay kami ni Fritz. Naunang umuwi si Hendrix dahil pinauwi na ni Emy, ng asawa nito na malaki na ang tiyan sa pangalawa nilang baby. Hendrix will have another child in just two months. I smiled when I remembered the girl I had a one-night stand with. Kung sakali bang inantay niya akong magising possible siguro may mga anak na kami. Baka same ni Hendrix magdadalawa na rin. Dahil pananagutan ko ito sa pananamantala ko habang nasa ilalim ito ng gamot na ecstasy. Sa mga anak ng mga kaibigan ni Daddy si Hendrix, na anak ng Tito Jude Henry ang unang nag-asawa. Si Austin Connor ay anak naman ni Tito Theo at si Fritz anak ng Tito Gov Denmark. Kam