Share

ISANG GABI SA PILING MO
ISANG GABI SA PILING MO
Author: JENEVIEVE

CHAPTER 01

Belyn

Pagpasok ng minamaneho kong kotse sa matayog na gate ng malaki naming bahay. Natanaw kong nasa labas ang Mayordoma naming si Nanang Luisita. Nakaabang pa yata sa akin dahil sa aking kotse ang tingin nito.

Sinalubong niya agad ako paglabas ko ng kotse at hindi pa man nakararating sa tabi ko, nakangiti na agad ang Nanang Luisita sa akin.

"Bakit po Nanang? May kailangan po ba kayo sa 'kin?" masayang ngiti ko pa sa kaniya. Sa lahat ng tao rito sa bahay. Ang Nanang Luisita ang tanging mabait sa akin.

"Pinatatawag ka ng Daddy mo sa office niya."

Kinunot ko ang noo ko. "Sige po Nanang ako'y magbibihis—"

"Mamaya na raw, hija, nag-aantay na sila roon ng Mommy mo,"

Napatango na lang ako kahit labis akong naguguluhan. Gusto kong itanong kung anong nangyari bakit kailangan sa office ni Dad, dito sa bahay mag-usap. Wala rin naman akong makukuhang sagot galing sa Nana. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Dad, ipinatatawag mo raw po ako?"

"Maupo ka na muna, Belyn," alok pa ng Daddy. Kaso lang, nasa upuan na rin ang Mommy feeling ko ang liit ng espasyo sa pagitan namin hindi ako makagagalaw ng maayos kaya minabuti kong magalang akong tumanggi sa ama ko.

"Ayos na po ako rito, Dad. Hindi naman yata matagal ang pag-uusapan natin," saad ko ang aking tinutukoy mananatili akong nakatayo habang kami ay nag-uusap.

"Nakatakda ka ng ikasal—"

"What!?" hindi ko siya pinatapos magsalita dahil malakas na akong sumagot at natataranta pa.

"Sa darating na dalawang buwan," pagpapatuloy na sabi ni Daddy.

"Nang kayo lang ang nakakaalam?" pigil ang inis na saad ko Daddy ko.

Mas malalim pa sa balon na salukan ng tubig. Ang pinakawalan kong buntong-hininga dahil sa balitang sumambulat ngayon-ngayon lang galing sa kaharap kong magulang. Ipinatawag nila ako nang dahil lang dito?

Akala ko pa naman sobrang importante ang kanilang sasabihin. Tapos ito lang pala 'yun. Nakatakda na pala akong ikasal ng walang kamalay-malay. Mas lalong sumama ang loob ko dahil dalawang buwan lang ang palugit kasal na agad sa lalaking hindi ko nga minsan nasilayan. Nadagdagan pa yata ang sakit ng ulo ko dahil sa balitang 'to.

They told me I'd be married in two months to the son of their new business acquaintance, whom I'm not sure how they met.

“You're just kidding me, right, Dad?” bulalas ko at pareho ko silang sinipat ng tingin ni Mommy.

“Mukha ba akong nagbibiro, Belyn?!” matigas ang boses niya ng sabihin niyon sa akin.

Shit! Hindi nga nagbibiro ang ama ko dahil walang bakas ni pekeng ngiti sa labi nito. Paano ba ako makalulusot dito sa gusto nilang mangyari. Hindi ako papayag. Palagi na lang akong walang boses sa bawat hilingin nila.

No! Never akong sasangayon sa kalokohang ‘to ng kinilala kong magulang. Kailangan kong mag-isip ng magandang alibi ng sa gano'n iatras nila ang napipintong kasal.

“Dad, why me? Akala ko po ba kailangan n'yo ako sa kumpanya,” katwiran ko pa sa kaniya.

“Alam mong palubog na ang kumpanya natin, Belyn. Kung hindi ko magagawan ng paraan. Tuluyang magsasara ang Ben & Kho Apparel. At iyon ang ayaw namin mangyari ng iyong Mommy,”

"But, Dad, I have a boyfriend," palusot ko pa kahit wala akong boyfriend. Ayaw ko rin magkaroon. Pare-pareho ang mga lalaki walang panindigan. Maliban sa naging kaibigan ko noong pinagmasteral ako ni Dad sa ibang bansa. Meron akong naging kaibigan si Hendrix. Kaya lang inlove ito sa long time crush simula noong bata.

Nang iwan ako ng dati kong kasintahan dahil lang hindi ako tunay na 'Kho,' noong mismong debut party ko. Nabunyag kasi na ampon lang ako ng kinagisnang magulang. Iniwasan ako dahil hindi raw ako totoong mayaman kagaya sa angkan nila.

Nasaktan ako noon lalo na’t inaakala ko sa lahat ng tao siya ang unang makauunawa sa akin dahil kasintahan ko siya. Ngunit nagkamali ako ng sapantaha. Dahil ito pa ang unang lumayo sa akin at nalaman ko pa sa mismong bibig ng kasintahan ko, utos ng magulang niya kasi nga hindi raw ako mayaman katulad sa pamilya nila. Sunod-sunod ang kamalasang nangyari sa akin. Sinundan ng akala ko rin ay totoo kong mga kaibigan. Same sa dahilan ng kasintahan ko. Hindi raw ko totoong anak ng mag-asawang 'Kho' ibig sabihin ay dukha raw ako.

Humugot ako ng hangin ng manariwa sa aking alaala ang sinapit kong kahihiyan noong debut ko. Iyon dapat ang memorable kong araw subalit naging bangungot sa akin na ayaw ko ng balikan. Maliban sa....

“May boyfriend ka o wala susunod ka sa gusto ko!” Sigaw ni Dad na kinakurap ko kaya nawala sa isip ko ang nagi-isang magandang alaalang nangyari sa buhay ko.

Napalunok ako dahil sumigaw na si Daddy. Namula na rin ang pisngi niya sa galit. Nag-suggest ulit ako baka sakaling pakinggan itong huli kong sasabihin sa Dad ko.

“Hahanap po ako ng pwedeng mag-invest. Ako po ang bahala Dad—” saad ko pa ngunit hindi ko na iyon na dugtungan dahil sumabat si Mommy at ang masakit na salita niya na paulit-ulit dumudurog sa damdamin ko. Simula noon hanggang ngayon hindi talaga ako kayang mahalin ng kinagisnang magulang especially sa Mommy ko.

“Inalagaan ka namin. Binihisan at pinag-aral sa magandang paaralan. Siguro naman maliit na bagay itong pabor na hinihingi namin,”

Napasinghap ako. So kailangan ko palang bayaran ang ginawang pag-ampon nila sa akin. What the heck! Wala ba talaga silang katiting na pagmamahal para sa akin?

Kahit tuldok lang sana masaya na ako roon. Mas mainam na iyon kaysa wala. Pero taliwas sa aking hinihiling mas masakit pa ang binitawan na salita ni Mommy sa akin ngayon.

Naniningil sila dahil inampon nila ako. Ginusto ko bang ampunin nila ako? Kung sakaling may isip ako noon mas gugustuhin ko pang manatili na lang sa bahay ampunan kaysa magkaroon ng tinatawag na pamilya dahil daig ko pa ang inabandona sa paningin nila.

“Siguro naman malinaw sa ‘yo ang sinabi ko, Belyn?” dugtong pa ni Mommy hindi pa na husto sa una niyang sumbat sa akin pinagdiinan pang no choice ako dahil utang ko sa kanila inampon nila ako kaya dapat akong sumunod sa kanila.

“Ayaw ko pa rin po,” mababa ang boses na sagot ko sa kanila.

Dumilim ang mukha ni Dad. Umiling ako. Nag-umpisa mamula ang mata ko dahil nagpigil akong humikbi. Napahilot si Dad sa batok niya lalong naging singkit ang dati na niyang singkit na mata habang nakatitig siya sa akin.

“Dad, please po. Lahat naman ginawa ko na. After ng graduation ko sa kumpanya n'yo agad ibinuhos ang atensyon ko. Kulang pa po ba? Lahat po naging sunod-sunuran ako sa inyo na kahit sarili kong pangarap kinalimutan ko na.

“Kami ang masusunod, Belyn!” si Mommy ang sumigaw pinukpok pa ang table ni Daddy dahil nakaupo siya visitor chair sa harapan ng office table ni Daddy.

“Eh, bakit si Ate? Hindi n'yo masabihan ng ganito? Bakit ako? Bakit laging ako? Hindi pa ba sapat ang pamamahiya n'yo noon sa ‘kin noong debut party ko?” garalgal na ang boses ko ng sumagot kay Mommy.

Nakagat ko pa ang labi ko upang pigilan ang panginginig niyon dahil sa napipintong iyak. Kung hindi pa ako lalabas ngayon sa office ni Daddy. Baka iyakan ko sila.

“What are you talking about. Sino bang unang nagsabi na ampon ka? Diba nga mga barkada mo? Aba'y sinagot ko lang ang tanong nila. Kasalanan ko ba kung naging honest lang ako,” sagot ni Mommy sa akin na lihim kong kinasinghap ko.

Naikuyon ko ang palad ko. Sa ngayon wala akong magawa kung hindi ang sumang-ayon sa kanila. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay magiging sunod-sunuran na lamang ako sa bawat gustuhin nila.

“Ito pa ha? H’wag mong isasali rito sa pag-uusap natin ang Ate mo. Dahil alam mo naman ang sagot diba?” ismid pa ni Mommy sa akin na kinalungkot ko ng tuluyan.

Alam na alam ko. Si Ate raw ay marami pang pangarap at kailangan nilang suportahan. Next month daw may offer na modeling sa Paris. Meron pa raw offer na maging artista ayaw lang daw ni Ate. Kasi mas gusto nito sa modeling. Si Ate na ipinagmamalaki nila kasi beauty and brain ayun sa mga amiga ni Mommy.

Samantalang ako? Ganito raw ang gawin ko. Kailangan makuha ko ang project na offer ni ganito, etc, etc. Kahit gusto ko ng sumabog hindi ko magawa dahil wala akong tinig na tumutol sa mga kagustuhan nila.

Simula't sapul hindi sila nagpakita ng malasakit sa akin. Akala ko nga noong una. Dahil lang hindi nila ako paboritong anak. Kaya si Ate ang mahal nila. Si Ate ang magaling, at maganda. Si Ate ang puring-puri dahil daw masunuring anak, kaya nga mga amiga ni Mommy inggit daw sa kaniya.

Ako napilitan lang sa kurso na kinuha ko. Pangarap kong maging fashion designer. Ngunit gusto nila Mommy ay business management ang kunin ko. Walang pagtutol 'yon ang kinuha ko kahit sa puso ko lihim ko iyon iniyak. Labag 'yun sa kalooban ko dahil bata pa lamang ako pangarap ko na pagdating ng araw maging isang fashion designer.

Limang buwan na akong namamasukan sa kumpanya nila Daddy, ang Ben&Kho Apparel. After kong mag-graduate ng college. Dito agad ang bagsak ko, office clerk nga lang. Kasi mag-umpisa raw muna ako sa mababang p'westo bilang training na rin. Wala rin naman problema sa akin kahit saan na man kaya kong mag-adjust.

Ako ang kailangan mag-adjust dahil sampid lang ako. Si Ate ang nagi-isa nilang anak. Maari naman akong umalis dito sa bahay. Kaya ko naman ang sarili ko. Sinubukan ko na noon. Subalit mahal ko sila kaya laging umaatras ako sa aking plano. Ako na yata ang meron problema dahil nag-aantay pa ako ng panahon na mahalin nila ako tulad sa pinapangarap ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status