Napabuntong-hininga siya at muling tumingin sa cellphone. Binuksan niya ang mensahe ni David, binasa ito nang ilang beses: "Cherry, alam kong mahirap ito para sa’yo. Pero kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon, ipapakita kong kaya nating magsimula ulit. Hindi kita susukuan, kahit gaano katagal." Isang patak ng luha ang bumagsak sa screen ng kanyang cellphone. Sa bawat salita ni David, naroon ang sinseridad, ang pangakong hindi siya iiwan. Pero bakit parang masakit? Bakit parang hindi niya ito kayang tanggapin? Nag-type siya ng sagot ngunit agad din itong binura. Paulit-ulit na ganoon ang ginawa niya hanggang sa mapagod siya. Sa huli, pinatay niya ang kanyang cellphone at inilagay ito sa gilid.Huminga siya nang malalim, pilit na iniisip ang susunod na hakbang. Pero kahit anong gawin niya, isang tanong lang ang laging bumabalik: "Bakit parang ang hirap kalimutan si Jal?" Habang tumitingin siya sa kisame, naramdaman niya ang malamig na hangin mula sa bintana. Sa katahimikan ng gabi, a
Hinawakan ni David ang kamay niya, gaya ng dati nitong ginagawa. "Pilit kong iniintindi ang kalagayan mo, pero hindi ko kayang maghintay nang walang kasiguraduhan. Cherry, mahal kita, pero pakiramdam ko, may isang bahagi ng puso mo na hindi para sa akin. Tama ba ako?" Tumulo ang mga luha ni Cherry habang pilit niyang hinahanap ang mga tamang salita. "David, hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi ko sinadya na mahulog ang loob ko kay Jal. Nagulo lang ako… nalito."Nanatiling tahimik si David, ngunit bakas sa kanyang mga mata ang matinding sakit. Ang kanyang mga kamay, na dati’y laging naghahanap ng kamay ni Cherry, ay ngayon parang bigat na bigat na nakalapag sa kanyang kandungan."Cherry," mahina niyang sambit, halos pabulong, ngunit puno ng emosyon. "Akala ko ba, ako lang? Akala ko ba, sapat na ako?"Napakagat-labi si Cherry, ramdam ang kirot sa bawat salitang binibigkas ni David. Hindi niya alam kung paano sagutin ang tanong na iyon nang hindi mas lalong nasasaktan ang puso nito."Dav
Sa kabila ng lahat ng sakit at kalituhan na pinagdaanan nila, unti-unting nagsimulang maghilom ang mga sugat ni Cherry. Ang muling pagtanggap niya kay David bilang kanyang kasintahan ay hindi naging madali, ngunit ang pangako nilang dalawa na subukang muli ay nagsilbing pundasyon ng kanilang bagong simula.Isang Sabado ng umaga, niyaya ni David si Cherry na mag-breakfast date sa isang maliit na café malapit sa dagat. Ang simoy ng hangin ay malamig at sariwa, habang ang tanawin ng dagat ay tila kumakaway sa kanila. Suot ni Cherry ang kanyang simpleng floral dress, habang si David naman ay naka-casual na polo shirt. Pareho silang kinakabahan ngunit puno ng excitement.“Na-miss ko ‘to,” bungad ni Cherry habang hinahalo ang kanyang cappuccino, ang tinig niya’y may halong saya at kaunting pagkailang.“Ano ang na-miss mo?” tanong ni David, nakatingin sa kanya ng may malambing na ngiti.“Yung ganito... ‘yung hindi ako nag-aalala kung ano ang iisipin ng ibang tao, kung tama ba ‘yung ginagawa
Lumapit siya upang yakapin siya. Ang kanyang balat, nilalamig ng hangin ng umaga, ay dumadampi sa pawis na init ng kanyang katawan pagkatapos mag-ehersisyo, sinisipsip ang kanyang init. May dala siyang bahagyang amoy ng maulang araw sa labas, ngunit hindi ito ang pumupukaw sa kanyang atensyon."Magandang umaga, Cherry."Hinalikan niya siya, ang mga kamay niya ay dumulas pababa sa kanyang likod patungo sa kanyang mga balakang--isang kilos na paulit-ulit na niyang ginawa na ngayon ay kasing natural na ng paghinga. Ang makinis na tekstura ng kanyang mga nighties ay nag-aanyaya sa kanyang mga kamay na mag-explore pa, at ginawa niya ito, ang kanyang mga kalamnan ay kumikilos sa ilalim ng kanyang haplos. Siya ay matamis at maalat, at sinuklian siya ng halik."Miss mo ako," sabi ni Cherry--hindi isang tanong kundi isang pahayag na totoo."Ang hirap labanan ng kagandahan mo," sagot niya, at iyon ang kanyang katotohanan.Ang mga daliri ni David ay pumasok sa kanyang leggings, lampas sa basang
Inilabas niya ito, dinidilaan ang kanyang kamay upang dahan-dahang himasin siya, pinagsasama ang kanyang likido at laway. Pagkatapos, humiga siya at itinuro ang kanyang ari pababa patungo sa kanyang puwit."Makukuha mo ang kumpletong karanasan ng masamang babae, David," pang-aasar niya, ang ngiti niya'y masama.Pinipilit niyang ibaba ang sarili sa kanya, sinisipsip muna ang dulo. Pagkatapos, gumagalaw siya pataas at pababa, mabagal at maingat, hanggang sa pumasok ang kanyang ari, at napapahingal siya sa kabusugan na nararamdaman niya sa loob. Laging siyang nagugulat sa bawat pagkakataon, ang pakiramdam ng pagiging ganap na puno. Nagsimula siyang mag-giling nang dahan-dahan, ang kanyang ritmo ay hindi nagmamadali.Ang mga kamay ni David ay dumadampi sa kanyang katawan, hinahaplos ang kanyang mga labi, bago bumaba sa kanyang mga suso. Sa ikalawang libong pagkakataon, napagtanto niya na ang kanyang mga suso, na may mga kurba at mga maputlang pink na utong, ay maaaring paborito niyang bah
Tahimik na nakaupo si Jal sa harap ng kanyang malaking mesa sa opisina, ang kanyang mga mata’y nakatuon sa laptop, ngunit ang kanyang isipan ay nasa isang lugar na hindi niya kayang abutin. Sa likod ng kanyang isipan, nandoon si Cherry—ang babae na hindi niya maabot, ngunit paulit-ulit niyang naaalala. Sa kabila ng lahat ng kayamanan, tagumpay, at kapangyarihang taglay niya bilang CEO, wala siyang magawa upang makuha ang puso ng nag-iisang babaeng nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.Ngunit si Cherry ay masaya na sa piling ni David, ang lalaking minahal nito nang totoo. Alam ni Jal na kahit anong gawin niya, kahit anong pag-aakit o pagpapakita ng kanyang damdamin, hindi siya kailanman magkakaroon ng puwang sa puso nito. Ang katotohanang iyon ang unti-unting gumuguho sa kanya.Sa gitna ng kanyang malalim na pag-iisip, tumunog ang telepono niya.“Sir Jal, dumating na po si Mr. Sebastian para sa meeting,” sabi ng kanyang secretarya.Saglit siyang napabuntong-hininga, pilit pinipigilan
Sa simpleng presensya nito, natutunan niya ang isang mahalagang aral: ang tunay na pag-ibig ay hindi laging nangangailangan ng pag-angkin. Ang damdaming iyon, gaano man kasakit, ay totoo at makapangyarihan sa kabila ng hindi nito pagkakaroon ng kapalit.Habang pinagmamasdan ni Jal ang kalangitan mula sa bintana ng kanyang opisina, naiisip niya ang bawat sandaling kasama si Cherry. Ang kanyang simpleng ngiti, ang kanyang lambing sa pakikitungo, at ang walang kapantay nitong kabutihan. Sa bawat alaala, nararamdaman niya ang kirot, ngunit kasabay nito ay may kakaibang kapayapaan na unti-unting bumabalot sa kanyang puso.“Tama na,” bulong niya sa sarili, halos pabulong ngunit puno ng determinasyon. “Hindi ko na kailangang ipilit ang damdamin ko. Si Cherry ang nagturo sa akin ng halaga ng pagmamahal, at sapat na ‘yun para maging bahagi siya ng buhay ko.”Dinala siya ng damdamin niyang ito sa pagninilay. Dati, ang pagmamahal para sa kanya ay isang laro lamang—isang bagay na madalas niyang m
Napangiti si Cherry sa sinabi ni David. “Ang cheesy mo talaga minsan, pero sige na nga, nakakatuwa rin.”Kinabukasan, maaga silang gumising para simulan ang kanilang paglalakbay. Unang destinasyon nila ang Gardens by the Bay, kung saan hindi maipaliwanag ni Cherry ang kanyang kasiyahan habang namamasyal sa Flower Dome at Cloud Forest.“David, tingnan mo ‘to!” tawag ni Cherry habang nagtuturo sa mga kakaibang bulaklak. “Ang ganda, parang sa fairytale.”Ngumiti si David habang kinukunan siya ng litrato. “Mas maganda ka pa diyan.”Nagkunwaring naiinis si Cherry, pero halata sa kanyang mga mata ang kilig. “Ikaw talaga, puro bola. Pero sige, salamat na rin.”Matapos ang Gardens by the Bay, dumiretso sila sa Marina Bay Sands SkyPark para makita ang 360-degree view ng lungsod. Sa taas ng observation deck, humawak si Cherry sa kamay ni David.“Ang sarap ng pakiramdam na andito tayo, away from all the stress,” sabi niya.“Deserve mo naman ‘to, Cherry,” sagot ni David. “You’ve been working so h
Napatingin siya rito, halata ang pagod sa kanyang mga mata. "Ano na namang kailangan mo, Prescilla?"Huminga nang malalim si Prescilla, saka marahang hinaplos ang kanyang tiyan. "Buntis ako."Nanigas si Jal. "Ano?""Buntis ako, Jal. At ikaw ang ama."Parang binagsakan ng langit at lupa si Jal. "Prescilla, anong pinagsasasabi mo?""Totoo ito."Umiling siya, pilit na hindi naniniwala. "Hindi maaari. Hindi tayo—""Hindi mo ba naaalala ang gabing iyon?" putol ni Prescilla. "Ang gabing nilasing kita? Ang gabing hindi mo na maalala?"Dahan-dahan siyang napaatras. "Hindi… imposible."Lumapit si Prescilla at marahang hinawakan ang kanyang kamay. "Jal, ayokong pilitin ka sa isang bagay na hindi mo gusto. Pero gusto kong malaman mong may anak tayo."Naguguluhan, napaupo si Jal sa kanyang silya. Tumitig siya kay Prescilla, tila hindi pa rin matanggap ang rebelasyong ito."Paano… paano ko malalaman na totoo ang sinasabi mo?""Dahil hindi ako magsisinungaling tungkol sa bagay na ito."Napalunok si
Isang buwan ang lumipas mula nang pumanaw si Mr. Huang. Ang Blue Ocean Cruise Ship ay nanatiling naka-quarantine sa port ng Vietnam, limitado pa rin ang kilos ng mga tripulante at pasahero. Wala pa ring kasiguraduhan kung kailan sila makakaalis sa kalbaryong ito.Ngunit sa kabila ng lahat ng gulong dala ng pandemya, isang lihim ang unti-unting nabubuo."Buntis ako…"Mahina ngunit matalim ang tinig ni Capt. Prescilla Gana habang nakatitig sa pregnancy test na hawak niya. Dalawang linya. Positibo.Napahawak siya sa kanyang tiyan, tila hindi makapaniwala. Hindi niya akalain na magbubunga ang gabing iyon—ang gabing sinadya niyang lasingin si Jal para lamang makuha ito. Alam niyang isang pagkakamali iyon, pero huli na. Narito na ang bunga ng kanyang ginawa.Nanginginig niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang doktor sa barko. "Dok, kailan mo ako pwedeng makita?""Prescilla? Anong problema?""Basta, Dok. Kailangan kitang makausap nang personal."Nasa medical bay siya ng barko nang dumat
Napangiti si Cherry, pero bakas sa kanyang mukha ang sakit. "Ma, hindi madaling kalimutan ang isang taong naging bahagi ng buhay mo. Kahit sabihin kong hindi na, kahit ilang beses kong pilitin ang sarili kong lumayo… sa huli, siya pa rin ang laman ng puso ko.""Anak…" Mahinang buntong-hininga ni Gemma. "Kung ganyan ang nararamdaman mo, bakit hindi mo siya balikan?"Umiling si Cherry. "Dahil minsan, Ma, hindi sapat ang pagmamahal. Kahit mahal ko siya, hindi ibig sabihin na dapat kaming magkatuluyan.""Bakit hindi?""Dahil sa amin ni Jal, palaging may pagitan. At hindi ako sigurado kung kaya ko pang lampasan ‘yon."Samantala, sa barko…Nakatulala si Jal sa dagat, pinagmamasdan ang malawak na karagatang parang walang katapusan.Ang barkong minsan niyang itinuring na tahanan, ngayon ay parang isang kulungan na hindi niya matakasan."Sir, kumusta na po kayo?" Napapitlag siya sa boses ni Marites."Marites…" Napabuntong-hininga si Jal. "Hindi ko alam.""Alam n’yo, Sir, minsan… mas mabuting b
"Kap, hindi mo na kaya. Please, magpahinga ka naman kahit sandali lang!"Halos pasigaw na pakiusap ni Marites habang pinipigilan si Jal na bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang pinipigilan ang kapitan na muling bumalik sa trabaho."Hindi ako puwedeng magpahinga, Marites. Kailangan ako ng mga tao rito!" madiing sagot ni Jal, pinilit tumayo kahit mahina pa ang katawan. Nanginginig ang kanyang tuhod at halos matumba siya, buti na lang at agad siyang nasalo ni Marites."Ano ka ba, Jal?! Halos bumagsak ka na sa sahig pero gusto mo pa rin magtrabaho?! Hindi mo ba naiintindihan na kung hindi mo inalagaan ang sarili mo, mas lalong magkakagulo ang mga tao rito?!"Napalunok si Jal. Alam niyang tama si Marites. Pero paano siya magpapahinga kung halos araw-araw ay may pasaherong binabawian ng buhay?"Hindi mo naiintindihan, Marites," bulong niya, bakas ang panghihina sa kanyang boses. "Kapag nakikita kong may namamatay… pakiramdam ko, kasalanan ko. Dapat ako ang nandiyan
Habang ang buong mundo ay patuloy na nababahala sa lumalalang pandemya, ang Blue Ocean Cruise Ship ay nananatiling palutang-lutang sa dagat—isang barkong puno ng pangamba, sakit, at pag-asa.Sa loob ng kwarto ni Jal, naroon si Marites at ilang medical staff, nakamasid habang unti-unting bumabalik ang lakas ng kapitan."Captain… Salamat naman at gising ka na," mahina ngunit may halong pag-aalalang sabi ni Marites.Napakurap si Jal, pilit inaalala ang nangyari. Ang huling natatandaan niya ay ang matinding lagnat, ang bigla niyang pagbagsak… at ang panaginip niya kay Cherry."Anong nangyari?" mahina niyang tanong."Nagka-severe symptoms ka ng COVID, Captain. Akala namin… akala namin hindi mo na malalampasan," sagot ni Dr. Huang, isang volunteer doctor na tumutulong sa kanila remotely."Pero lumaban ka, Captain. Hindi mo kami iniwan," dagdag ni Marites, pilit pinipigilan ang luha.Napangiti si Jal, bagama’t mahina pa rin ang kanyang katawan. "Hindi ko pwedeng iwan ang crew ko… ang barko k
Dahan-dahang lumapit si Capt. Prescilla, nanginginig ang kanyang kamay habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga palad. Hindi niya na kayang kimkimin ang sakit sa kanyang dibdib."Jal…" tinawag niya ulit ang pangalan nito, nanginginig ang boses. "Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman? Ako ang nandito. Ako ang nagbabantay sa’yo. Ako ang nag-aalala sa’yo. Pero kahit kailan, hindi mo ako binigyan ng kahit kaunting puwang sa puso mo."Mahinang natawa si Jal. "Prescilla… Alam kong nandiyan ka.""Pero hindi ako sapat, ‘di ba?" Pinipigilan ni Prescilla ang pangingilid ng luha. "Kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong ipakita sa’yo kung gaano kita kamahal… siya pa rin ang mahal mo."Napakurap si Jal, pilit na iniiwas ang tingin. Hindi niya kayang tingnan ang sakit sa mga mata ni Prescilla."Pres…" mahinang bulong niya."Huwag mo akong tawagin nang ganiyan! Huwag mo akong bigyan ng pag-asang wala naman talaga!"Napapikit si Jal, pinipilit unawain ang sakit na dulot niya kay Pr
Napaluha si Cherry sa narinig. Ilang linggo na niyang kinikimkim ang takot at pangamba para kay Jal at sa buong crew ng Blue Ocean Cruise Ship. Ngayon, sa wakas, may pag-asa nang masagip sila."Tes, totoo ba ‘yan? Saan? Kailan?" sunod-sunod ang kanyang tanong, hindi maitago ang kaba at pananabik.Sa kabilang linya, ramdam ni Marites ang emosyon ni Cherry. "Hindi ko pa masabi ang eksaktong bansa, pero may ginagawang paraan ang mga opisyal. May mga pulitiko at humanitarian groups na kumikilos para tulungan kami. Wala pa ring kasiguraduhan, pero ito na ang pinakamalapit na pagkakataon para makababa kami ng barko!"Napahawak si Cherry sa kanyang tiyan, ramdam ang paggalaw ng kanyang mga anak sa loob ng sinapupunan. "Salamat sa Diyos, Tes! Sana maging maayos na ang lahat.""Pero, Cherry… may isang bagay akong sasabihin sa’yo.""Ano ‘yon?""Si Jal… bumagsak kanina. Sinugod siya sa infirmary.""Ano?!"Nanlamig ang buong katawan ni Cherry. Ang pangamba niyang matagal nang kinatatakutan, ngayo
"Bumalik ang pulso!" sigaw ng nurse.Halos mapaluhod si Dr. Luis sa sobrang relief. Si Jal naman ay napabuntong-hininga, tila nabunutan ng tinik.Napatitig siya sa pasyente at mahina niyang binulong, "Kapit lang."Makalipas ang ilang oras, ligtas nang nailipat ang limampung pasyente sa Pacific Medical Fleet.Kahit pagod na pagod, hindi maiwasang mapangiti ni Jal habang nakatingin sa papalayong barko ng humanitarian team.Sa tabi niya, pumikit si Prescilla at bumuntong-hininga. "Nagtagumpay tayo, Captain.""Oo," sagot ni Jal. "Pero marami pa tayong kailangang ipaglaban."Sa likod nila, tahimik na lumuluha si Dr. Luis, hawak ang kanyang rosaryo. Alam nilang malayo pa ang laban, pero ngayong araw na ito, isa na namang tagumpay ang naipanalo nila laban sa kamatayan.Matapos ang matinding paghihintay at laban para sa buhay ng mga pasyente, pansamantalang nakahinga ng maluwag ang mga tripulante ng Blue Ocean Cruise Ship. Ngunit hindi pa tapos ang pagsubok.Tahimik na nakatayo si Captain Jal
Sa loob ng Blue Ocean Cruise Ship, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa control room habang nakatitig si Captain Jal sa malaking screen ng Smart TV. Sunod-sunod ang balita—mas dumami na ang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mas marami nang borders ang nagsara, at ang pinakamasakit sa lahat, wala pa ring bansang tumatanggap sa kanila.Hinugot niya ang malalim na buntong-hininga, pilit pinipigil ang panghihina ng kanyang loob. Pero paano? Parami na nang parami ang nagkakasakit. Ilang crew at pasahero na ang bumagsak sa sahig, nilalagnat, hinahabol ang hininga, at hindi na kayang tumayo.Napapikit siya saglit."Captain?"Napalingon siya. Naroon si Captain Prescilla, ang kanyang second-in-command, at kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala.“Jal, kailangan mong magpahinga.” Lumapit ito at maingat na tinignan ang kanyang mukha. “Ikaw na lang ang natitirang malakas sa atin. Kung bumagsak ka rin, paano na tayo?”Napahawak si Jal sa sariling noo. Pakiramdam niy