"ATE ako na yan!" Halos mapatakbo siya nang buhatin nito yung box ng file sa may likuran ng sasakyan.
"Kaloka ka magaang lang toh." Nangingiweng napakamot na lang ito sa ulo nang kunin niya ang bitbit dito."Kahit na, hindi ka dapat nagbubuhat. Ihahatid na kita," presinta niya dito."Sigurado ka? Eh hindi ba't maghahanap ka pa ng trabaho?" Isinara nito ang compartment ng sasakyan at sinundan siya sa paglalakad."Sus maaga pa naman, kaya pwedeng-pwede kitang ihatid." Nginitian niya ito ng parang isang tupa."Grabe naman... alagang-alaga mo naman ako nyarn, baka naman masanay ako sayo day?" biro nitong parang binabae kung magsalita na agad na nagpahagikgik sa kanya.Mula sa parking area ay lumakad sila patungong elevator habang abalang nagkukwentuhan.Nalaman niyang nagtatrabaho pala ito bilang Senior Accountant sa isang sikat at malaking Talent agency."Hoy pag may audition, try mo kaya dito sa agency namin!" biglang suhestyon nito.Napanguso siya sa ideyang iyon. "Ewan ko ate... pass muna siguro ako. Nakakadala yung mga nangyari sa akin kahapon, at saka hindi lang naman iyon ang unang beses na napatrouble ako dahil sa pagpush ng pangarap kong maging isang mang-aawit, kaya focus muna ako sa pagbangon at pagbabayad ng utang."Nang marating nila ang ikalawa sa pinakahuling palapag ng gusali ay napanganga na lamang siya nang makita ang napaka-sosyal na ambiance ng opisina. Hindi nga ito mukhang opisina, it's more like a hotel lobby, combination of white, black, and gold with some marble accent interior."Woah!!" tanging nasambit nalang niya."Bongga noh?!"Hindi na siya nakasagot at napatango-tango nalang habang pinagmamasdan pa rin ang buong paligid at nakaawang ang mga labi dahil sa labis na pagkamangha.Napansin din niya ang mga pamilyar na mukha na nakalagay sa malalaking kwadro na nakapaskil sa napakataas na pader. Ilan sa mga ito ay sikat na mang-aawit na iniidolo niya at laging napapakikinggan sa radyo. Hindi niya tuloy maiwasang ma-excite na sana makita niya ang mga ito sa personal."Ibig sabihin ate... dito nagtatrabaho ang mga ito?" nanlalaking matang tanong niya dito."Ah... yan oo, kompanya namin ang nagma-manage sa kanila, pakalat-kalat lang yan sila dito minsan," kaswal lang na wika nito na para bang walang espesyal sa bagay na iyon, hindi tulad niya parang bigla siyang nanalangin na sana ay may makasalubong rin siyang pakalat-kalat na artista.Hindi pa niya naranasan makakita ng sikat na tao sa personal. Hindi siguro siya makakahinga ng ilang segundo o baka manlambot nalang siyang bigla pagnakaharap niya ang isa sa mga ito.Minsan na niyang pinangarap na mapunta din siya sa ganoong sitwasyon, kung saan nagagawa ng malaya ang tunay na ninanais ng puso niya. Bata palang siya ay parang hangin kung ituring niya ang musika.Ito yung bagay na gumagamot sa malulungkot na araw na kanyang buhay, ito yung pagkain ng minsang niyang nawawalan na ng ganang kaluluwa, dahil sa pagod na dala ng kahirapan, at higit sa lahat ito yung mundo kung saan niya malayang nahahayag ang tunay na saloobin ng kanyang puso, pero muli niya itong isasantabi at uunahin ang dapat unahin.Habang naglalakad sila ay may nakasalubong silang umiiyak na babae na sa tingin niya ay isa ring empleyado doon. She looks young, maybe same age like her.Hinarang ito ni Mariane. "Hoy Lana, bakit ka na naman umiiyak?" kuno't noo nitong tanong na may kalakip na pag-aalala habang pinili niyang manahimik na nakamasid sa dalawa, kahit pa nga yung totoo naku-curious din siya kung anong dahilan ng pag-iyak nito."Hindi ko na kaya! Lagi nalang siyang galit! Ang sakit sakit pa niyang magsalita... p-para bang lagi nalang akong mali, kahit siya naman i-itong demanding at komplikado!" punong-puno ng hinanakit nitong sabi na halos maghabol ng salita dahil sa kakangungoy, "Ang hirap hirap niyang pakisamahan! Pakiramdam ko w-wala akong kwenta." At muli itong napahagulgol ng malakas.Ramdam niya ang sakit sa pagsisintimyento nito. Kung hindi pa niya alam na tungkol sa trabaho dahilan ng labis nitong hinanakit ay iisipin niyang makikipaghiwalay na ito sa kasintahan dahil and weird nung ganoong iyak ng dahil lang sa trabaho.Inakap ito ni Mariane at hinaplos sa likuran. "Hay naku girl ganyan talaga yan... hindi lang ikaw ang biktima, yung iba sa amin na immune na lang, kung mahina ang loob mo hindi mo talaga siya makakayanan, kailangan bulletproof ka, dahil nanunugat ang mga salita niyan, pero sure ka na ayaw mo na talaga?""Oo magreresign na ko! Halos hindi na ko makatulog sa gabi dahil pagnaiisip ko kung paano niya ko tratuhin, yung frustration ko lagpas ulo ko na ate... ginagawa ko naman lahat ng gusto niya kaya lang yung iba ang hirap-hirap talaga!" Patuloy pa rin sa pagpatak ang luha nito. Naisip niya tuloy ano kayang klaseng tao yung sinasabi nito? Malamang kasing pangit ng ugali nito ang mukha.Pasimple siyang nangilabot para sa sarili niya. May mga karanasan din siya kung saan hindi maayos ang trato ng among napasukan niya, pero hindi naman kasing lala nang halos hindi na siya makakatulog gawa ng frustration.'Grabe naman yung ganoon!'Hindi pa man din niya ito nakikita eh feeling niya naiinis na rin siya dito.Matapos niyang madala ang gamit ni Mariane sa office nito ay nagpaalam na siya upang makasimula na sa kanyang misyon ngayon araw, ngunit bigla siya nitong pinigil.Inabot nito ang kamay niya at may inilagay na papel doon. "Oh pagpasensyahan mo na yan, pagkulang magsabi ka lang."Napatingin siya sa asul na papel na nagkakahalaga ng isang libo. "Naku ate huwag na! Nagbaon naman ako ng tubig at biscuit kerry na toh!" Mabilis niyang ibinalik dito ang pera ngunit muli din naman nitong ibinalik sa kanyang palad at ito na mismo ang nagsara noon upang ipitin sa kamay niya."Kunin mo na yan at galingan mong humanap ng trabaho, ok?" Pinandilatan pa siya nito ng mata bago tumalikod at sinimulang kalkalin ang mga papel sa lamesa nito. "Pag maaga kang natapos sumabay ka na sa akin umuwi," nakangiti siya nitong nilingon."Ate salamat." Hindi niya alam pero kusang kumilos ang mga paa niya upang lapitan ito at yakapin mula sa likuran.Tinapik lang nito ang braso niya. "Sige na tumuloy kana at mag-iingat sa mga scammer," habilin nito na bahagya pang umikot ang eyeballs na sabay nilang ikinatawa bago siya tuluyang umalis.Pakiramdam niya punong-puno na naman ng pag-asa ang puso niya nang pumasok siya sa elevator. May mga tao doon pero wala doon ang atensyon niya, pakiramdam niya kasi sobrang mahal siya ng Diyos, na kahit ano pang mga mangyayari, lagi-lagi itong gagawa ng paraan para iligtas at damayan siya sa mga pagsubok.She can't believe angels on earth are for real. They come in different disguises.'Yung iba sermonista, yung iba nangungunsinti.' Napatawa siya nang maisip ang nanay at lola niya. She leans her head on the elevator wall while having those happy thoughts. 'Yung iba nahohold up kahit buntis...' Hindi na niya napigilang tuluyang mapahagikgik at aksidenteng naumpog sa sinasandalan bakal na pader nang bahagyang umalog ito. "Ahh." mahinang d***g niya sa sarili at napahaplos sa gilid ng ulong tumama, pero ipinagpatuloy pa rin niya ang masayang isipin sa sariling mundo. 'At yung iba mga naka pang malakasang outfit... may pula yung buhok tapos meron ding blonde.' panandalian siyang napatulala sa dalawang lalaking nakatayo sa likuran niya na ngayon lang niya napansin at malinaw na malinaw niyang nakikita sa malasalaming pintuan ng elevator na nakatingin din ang mga ito sa kanya na parang bang siya yung pinakawirdong nilalang sa mundo.Naisip niya tuloy marahil kanina pa siyang parang timang na pinanonood ng dalawang iyon doon habang tumatawa siyang mag-isa.Ito na yata yung sinasabi ng ate Mariane niyang pakalat-kalat na mga artista sa building. Bigla tuloy siyang tinamaan ng hiya at bumulusok ang init sa makabilang pisngi.Hindi niya mapigilang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. They look like the type of men that came out from Manhwa comics that every girl would fantasize in their dreams.The guy with a blonde hair looks so fine and cute at the same time, para bang ito yung representative ni Lord, dahil sa all white na outfit nito na akala mo'y walang bahid ng anumang kasamaan sa mundo. Yung tipo ng lalaki na matutunaw ang puso nang kahit na sinong babaeng matititigan nito, with his chinky light blue eyes na hindi niya sigurado kung totoo ba o contact lenses lang ay hindi na din mahalaga, dahil bumagay naman talaga iyon dito.'Tapos na agad ang laban kapag tinamaan ka ng mga iyon.'While on the other side is the guy with the burgandy hair, wearing a sophisticated black attire matching his serious and dangerous aura but nevertheless, kahit mukhang kasama siya sa mga naihulog na tukso sa lupa, he's still blessed with drop-dead gorgeous face. Mapagkakamalan mo nga itong kapatid ni Snow white dahil sa sobrang puti at makinis nitong balat, aakalain mong hot na modelo ito ng skincare products. Nakapasok ang dalawang kamay nito sa bulsa, that makes him look as if posing for a magazine.Sobrang elegante nilang tignan pareho, their body physique is slim but muscular at tama lang ang katangkaran. They also look so expensive with how they carry their for sure high-end clothes. Naisip niya tuloy baka naman modelo ang mga ito dahil hindi pamilyar ang mga mukha nila sa kadalasan nakikita niya sa TV.
"If you want to break your head, huwag mong idamay ang elevator. Trust me you cannot afford it," the red hair guy said with his belittling cold gaze."I think she's day-dreaming about her boyfriend, isn't that romantic?" The blonde guy chuckled. Halos mawala ang eyeballs nito nang lalong mapikit ang singkitin nitong mga mata. It seems like his eyes smiled with his lips, and one moment she thought that it was freaking cute making her helplessly blush."Are you just going to stare at us? How dare you look at us from head to foot?"Mabilis na natuon ang ang paningin niya sa katabi nito. The way he shoots her with his ice-cold gaze ay talaga namang nakaka-intimida. Hindi na din kasi niya namalayang pinasadahan niya muli ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Natataranta tuloy siyang napayuko at nagpatay malisya kahit pa nga sila lang naman tatlo ang naroroon kaya malamang siya ang kinakausap nito.Kasalanan ba niya kung nakaka-startruck ang itsura ng mga ito?She heard him scoffs. "How pathetic..."Muli niyang natitigan ang mga mata nito mula sa pintuan. He is looking at her with a disgust on his face.'Grabe big deal yon sa kanya?!'"Pathetic? I disagree, I think she's cute," the other guy in a white outfit said with a flirty smirk on his lips when their eyes met again.'Luh harot din!' pero pa-simple siyang kinilig doon na mabilis din niyang iwinaksi dahil isa iyong patibong. Alam na alam niya ang mga ganoong galawan ng kalalakihan at hindi na iyon uubra sa kanya.Kuno't ang noong napabaling naman ang lalaking pula ang buhok sa kasamahan. "Seriously? Sometimes your weird taste makes me want to throw up." Then he looks at her from head to foot, pero parang yung paraan nito ay punong-puno ng panglalait.'Napaka niya!!' Iba talaga ang tabas ng bibig nang lalaking iyon. 'Siguro Best in Lait award lagi ang nakukuha nito sa eskwelahang pinasukan nung kabataan nito? Ang husay manglait eh!' Wala sa sariling nasimangutan niya ito na tinugon nito ng irap."Why? She's just admiring our beauty like the others, what's wrong with that?" Sabay kindat nito sa kanya na montik niyang ikasamid.Kung mag-usap ang mga ito ay parang wala siya doon sa loob ng elevator.Muling nagtama ang paningin nila ng lalaking parang ipinaglihi sa sama ng loob ngunit inirapan lang ulit siya nito.'Anong problema ng lalaking toh? Meron yatang regla. Yabang porque maraming ikayayabang!'Oo, gwapo nga ito pero isang malaking ekis ang ganyang klaseng pag-uugali para sa kanya. Katulad ng lalaking nanloko sa kanya, mapagbalatkayo, na aakalain mong mabait sa una pero ang totoo ay may masamang binabalak pala. Samantalang ito naman ay ginagawang dahilan upang mangmaliit ng ibang tao.'Pareparehas pa rin naman nakaapak ang mga paa namin sa lupa yung totoo?' Pasimple din niya itong inirapan na buti na nga lang ay hindi nito nakita."That only makes them more annoying... and I really can't stand it," punong-puno ng pagkauyam na sabi nito."Ano ka ba? These kinds of people are the ones who bring you a lot of money."Sabay pa silang dalawa nung lalaking pula ang buhok na napakunot ng noo at napabaling dito."Excuse me? Music... is the one who brings me a lot of money, not people like her," he said in a very disagreeing face. Ewan niya pero hindi din siya sumasangayon sa sinabi nito dahil ni minsan naman ay hindi siya gumastos para sa mga ganoong bagay. Minsan nga umaasa lang siya sa free d******d online dahil wala siyang pera upang bumili nito, pero the way he said it makes it sound upsetting."Yeah right, but a lot of people will not buy music without visuals nowadays, and that is based on facts. So, people who get easily attracted by visuals, are also usual that will spend on what we are selling."Siya naman ang napapalatak."You don't agree?" tila takang baling pa sa kanya ni Mr. Blonde."No, I don't," matipid at kaswal niyang sagot. Yes, she is a nobody, neither someone whose opinion matters, but definitely she knows when to speak, "Kaya ng musikang patunayan na hindi nito kaylangan ng balatkayo upang maimpluwensyahan ang mga taong nakikinig dito. Dahil yung ibang malalalim na musika at may totoong saysay ay karaniwang matatagpuan sa mga taong may mas sensitibong karanasan at kaluluwa. I still believe in the idea that heart and soul make music timeless, not pretty faces."Sumaktong bumukas ang pintuan sa floor kung saan ang mga ito patungo. Hindi na muling nagsalita pa ang lalaking may pulang buhok at nauna ng lumabas, ngunit panandalian namang huminto sa gilid niya ang lalaking blonde at hinarang ang kamay sa bukana ng elevator upang hindi ito sumara.Namulsa ang isa nitong kamay at ngumiti ng nakakaloko sa kanya. "Because of what you said, you can continue breaking your head on the elevator's wall, I'll pay for the damage."Sasagot pa sana siya ngunit... "You don't understand how the music industry works... that's why you can say that. I've seen a lot of people that you are pertaining to, but seldom it will work unless... you are still living in ancient times, as people in these present times care more about what will feed their fantasy rather than their soul and that's reality." At tumuloy na ito sa paglabas.Naiwan siyang napapalatak. "Grabe ang yayabang! Akala mo kung sino!" Hindi na niya napigil pang maglabas ng inis, mabuti na nga lang ay siya na lang mag-isa doon.Imagining these are the principles of people who holds power in the music industry, makes her feel more hesitant to really join the circle. Ano nalang magiging kinabukasan ng musika kung sa mga susunod na panahon ay wala ng halaga ang tunay na kahulugan noon? "Paghindi ka maganda or gwapo waley ka ganoon?! Huh! Kalokohan yun!" patuloy pa rin niyang sintemyento.Nang makalabas siya ng elevator ay binati pa siya ng kaninang me edad na security guard, "Oh, aalis ka na agad?" nakangiting tanong nito."Ah opo... pero babalik po ako mamaya para sunduin si ate," magalang niyang tugon dito at sinauli ang visitor's pass ID."Ah sige sige.""Manong may alam ka bang mga hiring na establishment sa paligid?" naisipan niyang magtanong dito, nagbabakasakaling may alam ito para naman may ideya na agad siya kung saan magpupunta.Bigla itong napaisip at napatingin sa kisame. "Ah... nung nakaraan sa pagkakaalala ko, may nadaanan ako na coffee shop sa ikalawang kanto mula dito, sa tingin ko naghahanap sila ng part-timer, ano nga bang pangalan noon?" Bahagya pa itong napakamot sa ulo. "P-pa.. parpol M-makimato? Ay ewan ang hirap bigkasin!"Hindi niya maiwasang mapatawa sa halos magkandabuhol-buhol nitong dila. Me edad na kasi ito kaya siguro hindi na pamilyar sa mga banyagang salita."Ayos na po yun, ako na pong bahala maghanap, maraming salamat po sa tulong." Tinapik-tapik niya ang balikat nito bago tuluyang umalis na.Nagsimula siyang magpalinga-linga sa paligid upang masiguro niyang masusuyod niyang lahat ng posibilidad na mapapasukan.Mariane lend her a decent skyblue basic longsleeve shirt and a black pencil-cut skirt above the knee, kung saan iyon naka tuck-in, matching with an inch high black wedge shoe. Simple pero presentable naman ang kinalabasan noon. Malinis na pinusod nalang din niya ang buhok na hanggang baywang. Papahiramin pa sana siya nito ng stockings, pero nang makita nito ang legs niya ay nagbago ang isip nito. Naaalala niya pa ang nakakalokong sinabi nito nang magsukat siya kagabi."Alam mo ang ganda mo girl may lahi ka noh?! Kahit simple lang ang suot mo ang pretty mo pa ring tignan eh! Saka huwag kanang mag-stockings, isipin mo nalang yang legs mo yung magbibigay ng pangmalakasang first impression." Sabay halakhak na parang bruhang may ginawang kalokohan. Although hindi naman iyon ang unang beses siyang nakarinig ng ganoong klase ng papuri.She is half Filipino with some German mix raise, ngunit hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makita ang tunay niyang ama, dahil parang aksidente lang naman ang pagkakabuntis nito sa nanay niya. Nagkakilala ang dalawa sa isang kasiyahan noon, tipikal na istorya ng na love at first sight at ayon nga sa awiting "Isang linggong pag-ibig" ni Imelda Papin, na sa isang iglap lang ay nawala ring lahat, ganoon na nga ang nangyari sa mga ito at huli na nang malaman ng kanyang ina ang naging bunga ng kapusukan nila ng kanyang ama, na siguro nga'y bumalik na sa bansa nito at hindi man lang nalaman na may bunga pala ang pinagsamahan ng mga ito.Kahit matagal na niyang natanggap ang kwentong iyon ay paminsan-minsan pa rin niyang ninanais na sana magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito, at ipaalam dito na merong isang katulad niyang nag-eexist sa mundo, na gusto niya ring maramdaman yung pakiramdam na may ama. Magiging mahigpit kaya ito sa kanya katulad ng kanyang ina o magiging malambing at laging nakasuporta tulad ng kanyang lola? Magiging proud kaya ito kapag nakita siyang umaawit sa entablado?Napapanguso na lang siya habang naglalakad. Yoon yung mga simpleng bagay na minimithi ng puso niya na alam niyang malabong mangyari dahil wala siyang kahit anong pinanghahawakan na pagkakakilanlan nito. Kahit nga sa Birth certificate niya ay walang impormasyon nakalagay na tungkol dito at sa tuwing tatanungin niya ang kanyang ina ay para bang nasasaktan ito kaya naman mas pinipili na lang niyang huwag nang usisain pa ito kahit pa nga nananatili ang puwang na iyon sa loob ng puso niya.HALOS manglagkit siya sa pawis kakalakad dahil inisa-isa talaga niya ang bawat gusali. May mga pinasahan siyang restaurant, bookstore, flower shop, at pati na rin ilang fast-food.Maya maya pa ay may nakita siyang bench sa tapat ng isang coffee shop, kaya naman naisipan muna niyang maupo doon at uminom ng tubig habang nagpapahinga.Wala sa sarili niyang napagmasdan ang napaka unique na exterior design ng shop sa harapan niya.It's in purple palette paint with pink and gold detail. Mukha itong Ube cake na may mga naka-hang na lavenders at iba pang klase ng halaman na talaga namang bumagay dito. Maliit lang ito but the aesthetic is catchy, and for some reason it has the magic to make someone
"OH Janine... nandyan ka na agad? Ang bilis ah, kamusta?" kinakausap siya nito pero ang mga mata ay hindi maialis sa harap ng monitor. Mukhang abala dahil sa pamisan-minsang kumukuno't na noo na animo'y maiging sinusuri ang kung anumang nilalaman ng computer. "Mamaya ko na lang ikukwento after work mo, mukhang busy ka pa eh," alanganin siyang napangiti. Wala sa loob na napabaling ito sa kanya. "Naku pasensya ka na kailangan kasi ng matinding powers of concentration itong ginagawa ko, bawal akong magkamali dahil baka mabugahan ako ng apoy nung Dragon mamaya." Natutuwa talaga siya sa paraan ng pagsasalita nito, katunog nito si Maricel Soriano at nakaka goodvibes sa tuwing maririnig niya. Napahagikgik na lang siya. "Oh, sige na ate... sa labas na ko mag-iintay para matapos mo yan ng maayos." "Sige, magkape ka muna doon para hindi ka mainip." Muling ibinali
"HI Ja! Ngayon pwede na kitang batiin ng isang mataba at busog na GOOD MORNING!" punong-puno ng enerhiyang bati nito at napakalapad rin ng ngiti sa mga labi, hindi katulad kahapon na halos parang gusto na nitong sumuko sa buhay.Napakamot siya ng ulo at alanganing napangiti. Her smile, for some reason scares her. "Good morning Meg," parang napipilitan lang niyang bati dito, "Saan nga pala ako pupwesto?""Ah sa loob ng opisina ni Sir, nandoon kasi sa loob yung personal copy niya ng lahat ng files," ngiting-ngiting sagot nito na biglang ikinanginig ng tuhod niya.'Ano??!!! Ibi
"HOW long have you been working for him?"Wala sa loob siyang napalingon dito. Magkasama na naman sila sa loob ng elevator at pabalik na ng opisina. After kasi nitong malaman na nagtatrabaho siya sa Purple Macchiato ay hindi naman na ito muling nagtanong pa tungkol doon. Obviously wala naman itong pakealam, pero naisip niyang baka hinintay lang talaga nito na silang dalawa na lang at saka siya nito tatadtarin ng sermon. Bigla tuloy siyang inatake ng kaba."Ah... actually, ito din Sir yung first day ko sa kanya," may kalakip na alinlangan na sagot niya dito.They are just standing side by side and the only way that their eyes are meeting is by looking at the mirror door of the elevator. Wala
LUMIPAS ang isang linggo at unti-unti na siyang nasasanay sa bugnutin niyang amo. Masungit pa rin ito at laging pahirap sa tuwing ioorder niya ng lunch, na buti na nga lang ay laging to the rescue ang mabait niyang boss sa Purple Macchiatto.Ngunit isa lang ang napansin niya, na sa tuwing tatanungin niya ito about kay Yuki, pasimple nitong iniiba ang usapan. Kaya tuloy lalo lang siyang naku-curious kung bakit?'Hindi kaya may alitan ang dalawa?'Sa loob loob niya, pero hindi din naman malayong mangyari dahil sa sama ng ugali ng amo niya.."Hoy, tulala lang girl?" Napakurap-kurap pa siya nang ikaway ni Meg ang kamay sa tapat ng mukha niya. Kasabay kasi niyang nananghalian ito a
"WOW!" nakangangang nasambit na lang ni Meg nang makita siya, "Grabe ikaw na! Sana all marunong magtimpla ng kape," inggiterang kantyaw nito habang nang-iinis na nginiwe ang labi.Hindi na siya nagtataka sa reaksyon nito, dahil kahit siya ay hindi nakilala ang sarili nang mamasdan ang itsura sa harap ng salamin kanina.Oo nga at napakalaki nung diperensiya nang suotin at gamitin niya yung mga gamit na binigay sa kanya kahapon. Nag-search pa nga siya sa yutubee kung paano mag-make-up dahil hindi naman siya sanay gumamit ng mga kolorete sa mukha. Mabuti na nga lang at nakakita siya kung paanong gawin ang
"WE have good news and bad news. Which do you want to hear first?" Nasser pressed his lips together, making a fine line that signifies trouble.There are only three of them in the office. Jimiel, Nasser and him, because he sent out the annoying Filekeeper for a while. Kahit hindi ito nagsasalita kapag kasama niya ito sa loob ng opisina ay ramdam niya kapag sinisilip siya nito at pasimpleng pinagmamasdan.Hindi naman siya ganoon ka manhid para hindi maramdaman iyon. Hindi niya lang talaga ito pinapansin. Paminsan nga ay nahuhuli niya pa ito at biglang magpapanggap na may ginagawa kapag sinasamaan niya ng tingin.For some reason, he could stand her presence. Hindi katulad nung mga na unang Fi
"OH, Janine ang aga mo naman?" Napataas ang dalawang kilay nito nang makita siya habang nagpupunas ng lamesa."Hi Ja!" masiglang bati din sa kanya nung isa sa likod ng counter na abala din sa pagliligpit doonNakangiting binati niya rin ang morning shift duo ng Purple Maccchiato. This two boys are actually nice kahit sandaling oras niya lang nakakasama ang mga ito sa araw-araw na pumapasok siya sa coffee shop. Nalaman din niyang mga talent trainees pala ito sa HOO pero nakaka-tatlong buwan palang ang mga ito and they need to undergo 3 years of training before they can debute. Requirements din nila ang makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang grado kaya naman ganoon na lang ang supportang ginagawa ng amo nila dito.
'S***A ang gwapo!' hindi niya napigilang mapatili sa utak nang magslow motion ito sa paglabas doon. Panandalian siyang na destruct sa ganap nito. Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas ang sa bandang dibdib kung saan may pasilip sa makinis at maputi nitong dibdib, nakatuping pataas ang manggas sa mga braso na binagayan ng ragged denim skinny gray pants kung saan naka tuck-in ang pang itaas. He looks so damn good-looking at mukhang parating bagong ligo dahil tingin pa lang parang napakabango na. Ayos na ayos din ang blonde nitong buhok na naka brush-up showing his flawless forehead. Bagay na bagay dito yung dala nitong oto, na para bang mas pinatikas nito ang datingan ng ubod sa kisig na lalaking iyon. 'Kaso bakla ang hudyo. Hmmp!' Nauwi sa pangngiwi at panghihinayang ang kanya sanang pagpapantasya. "Yuki, what happened? Oh my God, you're bleeding," may pag-aalalang bungad nito sa kanila at agad na hinawakan sa pulso ang kasintahan. Mukhang hindi na ito galit at tanging lab
"WE heard that the best always comes the last." Sabay- sabay silang lahat napalingon sa tatlong taong kararating lang.It's the guy from a while ago, Harry. May kasama din itong isang lalaki at babae na sa tantya niya ay hindi nalalayo sa kanyang edad. For sure magkapatid ang dalawang kasama nito dahil magkamukha ang mga ito. Wala talagang tapon sa lahi ng mga Dragon. Lahat ng mga ito ay may kanya kanyang palanggang dala nang magsabog ang Diyos ng kagandahan sa lupa. Natitiyak niyang napakaganda at gwapo ng mga magulang nito."Oh! Akala ko hindi kayo makakarating?!" Tuwang-tuwang sinalubong ito ng lolo ni Yuki at nakipagbeso-beso na siyang sinundan din ng iba pang kamag-anak nito maliban kay Yuki na hindi man lang natinag sa tabi niya at parang walang kainte-interes habang pinapanood ang sosyalan sa harap nila."We can't miss this," nakangiting ani ng babae na bahagya pang sinilip ang direksyon nila ni Yuki at kumindat. "Plus, Popsie and Momsie wants proof and pictures when we go bac
"WOAH!" hindi niya napigilang bulalas nang makarating sila sa lugar kung saan magaganap ang sinasabi nitong dinner. Nanlalaking mga mata niyang binalingan si Yuki na daig pa ang mukha ng nalugi sa paninda nitong puto't kutsinta. Halatang-halata dito na napipilitan lang na pumunta doon. Actually, napipilitan lang din naman siya kanina, pero ngayon nakalimutan niya na ang ideyang yon nang makita ang buong lugar.Napakapit siya sa braso nito ng wala sa oras na agad umani ng pagkuno't ng noo nito sa kanya."Grabe Sir Yuki, ano ka anak nang maharlika? At saka may ganito pa lang lugar sa Pilipinas?! Hindi man lang ba ito nababalita sa TV?" curious na curious niyang usisa dito.Napangiwi ito at parang allergic na inialis ang mga kamay niya sa pagkakakapit sa braso nito. "Hindi ako maharlika and obviously meron lugar na ganito. Ayan na nga nasa harap mo na diba? Nagtatanong pa?" Inirapan siya nito at nagpatuloy
"AH Sir Yuki wait lang ha, I just need to answer this call," paalam ng Stylist sa kanya bago lumabas ng VIP room na bahagya niyang natunguan. Halata sa mukha nito ang pagka-stress sa kanya. Actually wala namang panget sa sinukat ng Filekeeper niya, wala pa lang talaga siyang napipiling sobrang nagustuhan niya, dahil hindi siya nasanay na pumili ng ok lang kung hindi yung the best dapat, pero lahat naman bagay dito. Actually, kahit anong isuot nito nagmumukhang mamahalin, kahit nga yung mga lumang damit nito noon ay bagay naman dito kaso lang manipis lang talaga at nakakaasiwang tignan. "Sir Yuki!" He heard her whisper yells while peeping behind the Fitting room's curtain. "What?" Napataas naman ang isa niyang kilay. Ano na naman kayang problema nito? "Nasaan yung Stylist?" "He went outside to take a call. Why?" "I need help," she
MGA 30 minutes na din silang bumabiyahe at habang nababawasan ang gusaling nakikita nila merong isang gusaling pumukaw sa kanyang atensyon. On the upper part of the building there's a label that says "The Gold Web Tower" and it's made out of shinny gold metals, na kumikislap sa kintab lalo na kapag tinatamaan ito ng sinag ng araw. The whole building was made out of dark coffee shade tinted glass. It's not too high maybe 50 to 55 floors and it looks separated from city since, napapaligiran ito ng daan na puno ng mga matatas na ibat-ibang klaseng mga puno, but mostly Pine trees. It's like between being the urban and rural area. The path looks exclusively made only for those people who will go exactly to that building. Bago ka rin makapasok doon ay dadaan ka sa napakalaking black and gold gate kung saan may
KABANG-KABA siya nang maalimpungatan dahil wala na ang among si Yuki sa tabi niya. "Nasaan na yon?" Kuno't noo niyang inilibot ang paningin sa buong lugar, ngunit medyo madilim na kaya wala siyang gaanong maaninag. Tanging ang buwan lamang sa labas ng bintana ang pinanggaggalingan ng liwanag Tumayo siya at dahan-dahang humakbang upang masigurong hindi siya mabunggo sa kahit ano ngunit, napahinto siya sa paghakbang nang makita niyang may bultong nakaupo sa upuan ng amo niya, pero hindi siya sigurado kung ito nga si Yuki dahil nanggagaling sa likod nito ang liwanag ng buwan. "S-sir Yuki, ikaw ba yan?" ewan niya kung bakit siya nanginginig pero parang horror ang ambiance ng opisina nito bigla. Ganoon pala doon pag gabi, mabuti na lang pala at maaga siyang umuuwi lagi.'S***a takot ako sa multo!!'Bahagya niyang naikuyom ang kamao na animo'y inihahanda ang depensa para sa sarili sakaling may biglang lumita
'HAYYYS, ako na third wheel, ewan ko sayo Ja.'Nailingan na lang niya ang sarili sa isip. Ewan niya kung bakit lagi na lang niya naisasali ang sarili sa mga ganitong bagay? Kung tutuusin dapat ay mag-oout na siya at hayahay na sanang papasok sa paborito niyang amo, pero hindi at adelantada siyang nagvolunteer na bantayan itong kolokoy na pasaway. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na pwedeng magback out kaya naman... "Sir Yuki, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka diyan ah?" "Check out," walang gana nitong utos. Nakatingala ito at tulalang pinagmamasdan ang kisame. 'Kita mo itong loko-lokong ito!'Siya na nga nagvoluteer siya pa yung pinauwi? "Ahhh... Sir Yuki hindi kita-" "I don't need you, I can take care of myself, just check out," kuno't noo itong nilingon siya, hindi dahil sa masungit ito pero parang may masakit dito. Nakita niy
PAPASOK na sana siya ng elevator nang matigilan. Babatiin niya sana ang mga ito ngunit parang hindi siya nito kilala. Nakasimangot na tumingin sa taas si Jake at si Travis naman ay animo'y may interesanteng tinigtignan sa sapatos nito. Kaya naman hindi na niya itinuloy at tahimik na lang na pumasok doon."Gosh I hate rumors," Travis mumbled after he lets out of a deep sigh. Napatingin tuloy siya sa mga ito mula sa salamin. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit agad na inalis nang magtama ang mga mata nila."If... that is a rumor. What if it's the truth?" Pasimple din siyang tinapunan ng makahulugang tingin ni Jake pero mabilis na inilipat sa partner nito."Well, She should've at least share it to her soulmates right?" sabi nito na pailalim pang tumingin sa kanya, "If she really trust them, but it seems like she doesn't," may pagtampong ani nito na pasimple pa siyang inirapan.Kung pwede lang niyang pag-untugin ang dalawang
"OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm