Home / Romance / I KNOW HIS SECRET / Chapter 1: Dream Scammed

Share

I KNOW HIS SECRET
I KNOW HIS SECRET
Author: Miss PK

Chapter 1: Dream Scammed

Author: Miss PK
last update Last Updated: 2022-02-22 23:29:24

SA dinami-dami ng pagkakataon, bakit ngayon pa siya tinamaan ng patong-patong na kamalasan? Bakit ngayon pa kung kailangan ilalaban na niyang muli ang pangarap na matagal ng panahong isinantabi?

'Bakit ngayon pa?!'

Pero heto at kahit anong gawin niyang pagsisisi sa naging desisyon ay hindi niya malaman kung paano ang gagawin sa mga oras na iyon.

Halos magkasamaan pa sila ng loob ng kanyang ina dahil sa kanyang biglaan desisyon. Totoo nga ang sinabi nitong mapanganib sa siyudad lalo na sa katulad niyang probinsyana. Mabuti na nga lang at nandoon ang kanyang lola upang suportahan siya sa kanyang mithiin. Marami daw kasi itong mga bagay na pinagsisisihan dahil hindi nito sinubok noong ilaban ang mga bagay na ninanais nitong makamit, pero ngayon hindi niya alam kung naging tama nga ba ang kanyang naging desisyon.

At mukhang totoo rin ang sinasabi ng kanyang ina na may dalang sumpa sa kanila ang musika. Kung bakit? Napakahabang istorya na ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang bersyon noon at yung sa kanya... nag-uumpisa palang mangyari.

Hindi magkamayaw ang kanyang mga luha sa pag-agos sa dalawa niyang pisngi habang nakasalampak sa gilid ng kalsada, kasabay din noon ang pagtunog ng kanina pang kumakalam niyang sikmura, daig pa niya yung pulubi na kahit papaano ay may karton at kumot na nakapwesto hindi kalayuan sa kanya.

Unti-unti ng lumulubog ang araw, katulad ng pagbalot ng kadiliman sa mga pangarap niya. Magkahalong takot at galit pa rin ang nararamdaman niya para sa taong iyon na nangloko sa kanya.

Pinaniwala siya nito na matutupad niya ang mga pangarap kapag lumuwas ng siyudad dahil nandoon ang oportunidad, ngunit anong napala niya? Halos muntikan na siyang mapagsamantalahan ng lalaking iyon, mabuti na nga lang ay nakatakas siya, ngunit naiwan naman lahat ng gamit at pera niya sa tinitirahan nito, dahil hindi na niya naisip pang kunin iyon at inuna munang isalba ang kanyang sarili.

Tandang-tanda niya pa kung paanong ang maamong mukha nito noong una silang magkakilala sa bar na kanyang pinagtatrabahuhan, ay nagpakilala ito bilang isang Talent Scout, pero ngayon tila ay nagbago ang lahat nang makarating siya sa maliit at lumang apartment nito na naka set-up na parang studio. Kaya naman nung una ay hindi siya naghinala, pero nung sabihin nitong kailangan siyang makunan ng litrato, suot ang mga halos kapos na sa telang mga damit, at siguradong makikita ang mga pribadong parte ng katawan niya ay agad siyang umapila.

"H-hindi ko po kayang suotin ito Sir..."

Kumuno't ang noo nito habang may kinakalikot sa camera. Ni wala nga itong kwartong itinuro kung saan siya pwedeng magpalit. Ang gusto ba nito'y sa harapan narin mismo nito siya maghubad at magbihis?

"Alam mo Janine... sa industriyang papasukin mo hindi uubra yung ganyang arte. Talo ka kapag mahina ang loob mo, yung iba nga halos maghubad na... makumbinsi lang nila na nararapat silang mapili." Tumaas ang gilid ng labi nito na agad na nagbigay kilabot sa kanya.

Ibang-iba na ito sa taong

nakilala niya sa Bar. Mukha na itong hindi katiwa-tiwala at may hatid na panganib ang mga tingin nito sa kanya.

"P-pero mang-aawit po ang papasukin ko hindi ganito," halos mautal na katwiran niya. Nanlalamig na rin ang kanyang mga kamay, dahil nararamdaman niyang may mali sa nangyayari.

Unti-unti itong lumapit na agad namang nakapagpaatras sa kanya.

"Maski ano pa yang papasukin mo... dadaan ka pa rin sa ganitong sistema, kaya kung ako sayo gawin mo nalang ang sinasabi ko!"

Nagulat siya nang bigla siya nitong sinigawan dahilan upang mapaupo siya sa pagkabigla at tuluyan ng namayani ang takot sa dibdib niya.

"Hindi malinis ang industriyang ito, kung minsan nga pati kaluluwa nila ay isinasanla na rin nila makarating lang sa tuktok ng kasikatan."

Nag-umpisa na rin mamuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.

Lumuhod ito sa harapan niya at nakakatakot na ngumiti sa kanya na para bang isang demonyo.

Hinawakan nito ang ilalim ng kanyang baba ng may pwersa dahilan upang lumabas ang pigik niyang iyak dahil sa naramdamang panunuot ng kirot sa laman niya, bunga ng madiin na pagkakabaon ng mga daliri nito sa panga niya.

"Sa ganda ng mukha at katawan mo, sigurado akong mararating mo iyon, basta matuto ka lang sumunod sa lahat ng sasabihin ko."

"B-bitiwan mo ko... utang na loob ma-maawa ka sa akin..." nanginginig niyang pakiusap dito.

"Awa? I haven't done anything to you... or maybe I should, para masiguro ko na ok ka." He smiled pervertedly and glides his tongue on his lips while checking her body.

Nagulat siya nang ihiga siya nito sa sahig at paibabawan. Agad siyang nataranta at nagpupumiglas kasabay ang malakas na pulahaw ng paghingi niya ng saklolo na kaagad naman nitong tinakpan upang ikubli ang ingay na ginagawa niya.

Sa sobrang takot niya pinilit niyang makagat ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya at sinigurado niyang itinodo niya iyon, katulad ng tindi takot niya, idiniin niya iyon sa puntong magdudugo at mawawasak ang laman nito. Yung tipong pagsisisihan nitong nakilala siya.

Napasigaw ito, akmang

sasakalin sana siya nang maunahan niyang kalmutin ito sa mukha, at dahil sa sobrang taas ng adrenalin niya ay nagawa niyang tuhurin ang likuran nito dahilan upang sumubsob ito sa bandang

ulunan niya habang patuloy sa pagdaing, dahil sa sobrang sakit ng pagkakakagat niya sa ngayong

duguang kamay at mukha nito.

Dala ng matinding takot at galit na nararamdaman niya para dito ay kinuha na rin niya ang pagkakataong upang durugin ang p*********i nito, isang malakas na tadyak ang ibinira niya dito na talagang halos ikawala ng malay nito, saka siya mabilis na tumakas dala lamang ang sapatos niya.

"Hmmmp! Dapat lang yon sa kanya! Dapat nga ay pinutol ko pa iyon para hindi na siya umulit sa masamang gawain niya!" inis na sintemyento niya sa sarili. Pakiramdam niya nababaliw na siya sa sobrang gutom nang muling tumunog ang tiyan niya ay napabaluktot nalang siya habang hinihimas iyon.

Hindi siya nag-almusal, tanghalian, at malamang pati narin ang maghapunan ay impossible na gayong wala siya ni isang kusing. Bigla tuloy niyang naaalala ang kanyang nanay at lola na siguradong mag-aalala kapag nalaman kung anong sinapit niya sa siyudad.

Sa awa naman ng Diyos nadala niya ang cellphone dahil hindi naman niya inalis sa bulsa kaya laking pasalamat niya, ngunit sa ngayon ay low battery naman iyon kaya hindi rin niya magamit.

Marahas siyang napabuntong-hininga habang sinasabunutan ang sarili. 'Janine!!! ano ba itong pinasok mo?! Ikaw kasi!!'

"Hoy magnanakaw!!!!!! Tulong!!!!" isang tili ang nagpaangat ng kanyang ulo at nakitang may tumatakbong patungo sa direksyon niya na isang lalakeng animo'y isang masamang tao sa pelikula, dahil sa itim nitong jacket, at maong pants, idagdag mo pa ang sumbrebong tumatakip sa mukha.

Wala sa sarili niyang ihinarang ang binti niya na mukha namang hindi nito napansin kaya walang anu't ano'y natalisod ito at nabitawan ang dalang pitakang ninakaw na mabilis niyang kinuha, hindi na rin niya napigilan ang sarili na pagsisipain ang lalaki na hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin sa simento.

"Bwisit ka!!! Ang sama mo!! Dapat sayo madurog ang buto!!! Wala kang kwenta!!!! Masahol ka pa sa hayop!!! Magnanakaw!!! Manloloko!!! Manyakis!!!! Mamamatay ng tao!!!! Magnanakaw ng pangarap!!!!!"

"Miss tama na miss!" isang boses mula sa likuran ang narinig niyang umawat sa kanya, pero patuloy pa rin siya sa pagsipa dito at talagang sinasamahan niya ng gigil bawat bira para manuot, at maramdaman nito yung sakit.

Nagulat nalang siya nang buhatin na siya nang kung sino mang umaawat, dahil ayaw niyang magpaawat.

"Bitiwan niyo ko! Dudugrugin ko lahat ng buto sa katawan ng manyakis na ito!!"

"Hoy miss mandurukot ako pero hindi ako manyakis!" inis na depensa ng mandurukot nang iika-ikang nakabangon sa tulong ng pulis, "At saka bakit ikaw ang galit na galit! Hindi naman ikaw ang dinukutan ko!" hasik nito sa kanya habang nanghihinang hinahaplos ang sarili nitong mga galos sa mukha at ang nagsisimulang namumuong bukol sa noo.

"Aba't sumasagot ka pang..." Akmang gigil na susugurin niya ulit ito nang muli siyang pigilan ng pulis na kanina pang umaawat sa kanya. "Eh ano?! Masama pa rin ang ginawa mo! Kaya dapat lang sayo yan!" Pinanlakihan niya ito ng mata at pinagduduro sa sobrang inis.

"Miss huminahon ka! Kami na ang bahala sa kanya ok?" Hinawakan siya nito sa dalawang braso upang pakalmahin.

Saka pa lang siyang nahimasmasan nang mag-sink in ang sinabi nito. Habol habol pa niya ang hininga na talaga namang ikinapagod niya ang ginawang pagbuntong sa mandurukot ng galit niya. "Dalin niyo na nga yan mamang pulis." Matalim niya pang tinignan ito at inirapan.

'Mandurukot, manloloko, manyakis parepareho lang silang masasama!' hindi niya mapigilang maghinanakit.

Tuluyan na nga itong binitbit ng mga pulis papunta sa sasakyan ng mga ito.

"Naku Miss salamat," isang tinig nang babae, kasabay nang paghawak nito sa braso niya, ang nakapagpalingon sa kanya. Nakauniporme ito na pang opisina at sa tantya niya ay mas matanda ito sa kanya, mga nasa early 30's na ito samantalang siya ay 24 anyos pa lang. May itsura ito at sopistikadang tignan sa diretyong buhok na hanggang balikat. Maganda ang kinang ng morena nitong balat, bumagay sa maamo nitong mukha.

"Ahh... eto ho yung wallet niyo." Mabilis niyang ibinalik ang pitaka nito at agad napansin ang bukol sa tiyan nito.

Mukhang nagdadalang tao pa ito. 'Mga tao nga naman hindi na pumipili ng bibiktimahin...' Napapailing nalang siya. '... kahit sa buntis hindi na naawa.'

Matapos nilang magbigay ng pahayag sa pulisya ukol sa nangyari, ay parang yung mandurukot pa yung may sama ng loob sa kanya dahil buong sanaysay itong masama ang tingin sa kanya, ngunit hindi niya rin naman masisi ito, dahil mukhang napasobra nga ang pagkakabuntal niya dito kanina.

"Ayos ka lang ba? Meron bang masakit sayo?" alalang tanong nito nang haplusin ang braso niya habang naglalakad sila palabas ng presinto.

Nang mapatitig siya sa mukha nito ay may biglang kumirot sa puso niya. Naalala na naman niya ang kanyang lola. Malamang na magngangalngal iyon kapag nalaman ang mga nangyari sa kanya at panay sermon na naman ang aabutin niya sa kanyang nanay, pero alam naman niyang dahil lamang iyon sa labis na pag-aalala.

"Miss... bakit ka umiiyak?" Mas lalong nadagdagan ang pag-aalala sa mukha nito.

Mabilis niyang napahid ng likod ng palad ang mga mata at napatawa. "Ah wala po... may naalala lang."

Napatawa din ito ng alanganin. "Akala ko may masakit sa iyo eh..."

'Lahat po masakit, ulo ko, kamao ko, tiyan ko, puso ko, ah basta lahat na!' Pero pinili nalang niyang pilit na ngumiti.

"Ahhh... saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita," nakangiting aya nito sa kanya.

Ngunit napatigil siya sa paglalakad nang maalala ang kalagayan niya at ganoon din naman ito.

"Oh bakit?" Muling bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Ahhh kasi..." Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang totoo dahil baka hindi ito maniwala.

Nanlaki ang mga mata nito na para bang may nabuo agad na hinala sa isip. "Huwag mong sabihing naglayas ka?"

Mabilis siyang napailing at napawagayway ng kamay. "Naku hindi po!" mabilis niyang tanggi, "Na-scam po ako," halos nahihiyang pabulong niyang wika.

"Ha?! Sino? Saan? Paano?" sunod-sunod nitong usisa.

Sasagot na sana siya nang unahan siya ng tiyan niya na mabilis niyang nasapo.

Napamaang ito na nauwi sa paghagikgik at ikinawit ang kamay sa braso niya. "Naku halika na nga at kumain muna tayo, mukhang nagmamarakulyo nayang tiyan mo eh."

Nahihiya man siya ay hinayaan nalang niya ang sarili na magpatianod dito. May sasakyan ito kaya mabilis silang nakarating sa isang kainan.

Simple lang na restaurant ang pinuntahan nila pero mukhang masasarap naman ang pagkain. Medyo marami rin itong inorder na lalong nagparayot sa tiyan niya nang malanghap niya ang mabangon amoy ng Inihaw na manok, Sinigang na hipon, Lumpiang Shanghai at Pancit bihon.

"Oh, siya tara nagta-thumbling narin yung anak ko sa sinapupunan sa gutom."

Yun lang naman ang inaantay niya, yung go signal at ready na niyang lusubin ang unang target ng mga mata niyang Lumpia.

Itinago na muna niya ang hiya sa bulsa at mabilis na nilantakan ang bawat tamaan ng paningin niya sa lamesa.

"Dahan-dahan baka ka mabilaukan," natatawang paaalala nito na bahagyang nakapagpahinahon sa kanya sa pagnguya.

"S-sorry po..." Pinilit niyang lununin ang halos hindi pa niya natatapos nguyaing lumpia, "...hindi pa po kasi ako kumakain magmula kaninang umaga," nahihiyang amin niya.

"Naku ok lang!" Bahagya nitong tinapik ang kamay niya, "Kumain ka lang ng kumain... huwag kang mahiya kaso dahan-dahan baka ka mabulunan. Take your time." Sabay haplos sa balikat niya.

"Salamat po." Nakangiweng napatango siya at ginawang normal ang pagkain.

"Ako nga pala si Mariane... ikaw anong pangalan mo at taga saan ka?"

"Ah Janine, ako po si Janine. Taga probinsya po ako. Kakaluwas ko lang po kanina dito sa siyudad," tugon niya rito habang abala pa rin sa pagnguya.

"Ikwento mo nga kung paanong na scam ka?"

Napatigil siya sa pagkain at panandalian siyang napatitig dito. Pakiramdam niya nawalan siya ng gana bigla nang maalala na naman ang mga nangyari kanina.

"Oh heto ang tissue, tumahan ka na." Tinabihan siya nito at awang-awang hinaplos siya sa likod. "Marami na talagang masasamang loob ngayon." Napapalatak ito at napapailing-iling na lang.

Hindi niya namalayang naikwento niya dito ng walang labis at walang kulang ang lahat ng dinanas niyang kamalasan kanina.

"Paano yan ngayon? Anong plano mo?" muli nitong tanong sa kanya na bahagya pa siyang tinulungan sa pagpapahid ng kanynag mga luha, "Pwede kitang tulungang umuwi sa probinsya mo," suhestyon nito.

Mabilis siyang umiling. "Hindi... hindi ako maaaring umuwi. Malaki ang perang inutang ko para lang makarating dito at kailangan mabayaran ko muna iyon at higit sa lahat madidisappoint sila inay kapag nalaman nilang palpak ang naging desisyon ko."

"Eh anong plano mo?" She pouts at her.

"Maghahanap ako ng trabaho... kahit ano basta marangal na trabaho," desedidong aniya.

Napabuntong-hininga naman ito. "Eh anong trabaho ba ang alam mo?"

"Aba marami!" Tila nabuhayan siya nang maalala na kahit anong trabaho pala ay kaya niya dahil sa dami ng naging expirience niya.

Nag-aaral pa lang siya noon sa kolehiyo ay kung anu-anong trabaho na ang pinasok niya upang makatulong sa bahay at masuportahan ang sariling pag-aaral. Tapos siya ng Bachelor of Science in Arts and Music Education, wala pa nga lang siyang lisensya sa pagtuturo dahil after niyang grumaduate napasabak na agad siya sa pagtatrabaho kung saan-saan, dahil nagkasakit ang kanyang lola at kinailangan niya ng mabilis na source ng pera.

"Pwede ako kahit saan... kahit janitor kaya ko!"

Napangiwe naman ito sa sinabi niya. "Janitor? Yang mukhang yan Janitor? Ok ka lang girl?" Tinignan siya nito na parang hindi ito sang-ayon sa ideyang iyon.

Napakuno't naman siya ng noo. "Bakit marangal naman yun?"

"Wala naman akong sinabi, pero huwag naman yun? Pwede ka mag-apply sa mga coffee shops, restaurant ganern! Sayang naman yang ganda mo kung magjajanitor ka lang," kuno't noong sabi nito.

Naisip niya na may point naman ito. Napatango-tango siya at tila nagkaroon na siya ng ideya sa mga susunod niyang hakbangin.

"Oh, kaya mag artista ka nalang para-"

"Ayy... ayoko na niyan ate. Feeling ko hindi talaga ako para sa ganyan, nakakatakot baka maloko na naman ako," mariin niyang tanggi. She can't afford to be in the same situation again.

Sumenyas lang ito na parang sinara ang zipper sa bibig. Nakakatuwang isipin na parang matagal na sila nitong magkakilala, komportableng-komportable na agad sila sa isa't-isa.

"Saan ka nga pala tutuloy? May mga kamag-anak ka ba dito sa siyudad?" muli nitong tanong nang bumalik sa sariling upuan.

Muli siyang namroblema sa bagay na iyon dahil wala siyang kakilalang kamag-anak. "Ah... wala. Wala akong kakilala dito kundi yung lalaking nang-scam sa akin."

Sa kabila ng kamalasan, hindi niya maiwasang makaramdam ng labis na pasasalamat dahil hindi pa rin siya pinabayaan ng Diyos. Napakabait noong taong tinulungan niya dahil matapos nitong lamanan ang kumakalam niyang sikmura ay malugod pa siya nitong pinatuloy sa mumunting tirahan nito.

"Ate..." nakangiti naman itong napalingon sa kanya habang abalang may ginagawa sa lababo.

Katatapos lang niyang maligo na talaga namang lubos na ikinaginhawa ng kanyang pakiramdam mula sa maghapong pamamalagi niya sa kalsada na sa palagay niya ay sinagap na niyang lahat ng dumi at mikrobyo sa labas. Binigyan pa siya nito ng isang kahon ng lumang damit na ayon dito ay naiwan ng dati nitong kasamahan sa bahay na nakapangasawa ng foreigner at ngayon ay nasa America na. Mukhang halos kasing katawan niya lang ito dahil kumasya naman sa kanya ang mga damit.

"Maraming salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sa akin... promise pag naka kuha ako ng trabaho tutulungan kita dito sa gastusin sa bahay, at huwag kang mag-alala marunong ako ng lahat ng klaseng gawaing bahay-" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang damputin nito ang kamay niya.

"Ano ka ba? Ok lang yun, ako nga dapat ang magpasalamat sayo." Bahagya nitong pinisil ang kanyang mga palad. "Alam mo bang kung hindi mo ko tinulungang mabawi ang pitaka ko ay nawala na yung buong sahod ko, cards at IDs ko? Naku napakalaking hustle nun sakin! Kaya huwag mo ng alalahanin yun. Tumuloy ka dito hanggat kailangan mo at isa pa mabuti nga at may kasama ako lalo na ngayon may laman itong tiyan ko... paano na lang kung bigla akong sumpungin ng pagbubuntis ko? Blessing in disguise na dumating ka. Dahil halos isang linggo na rin akong nag-iisa dito." Marahan nitong hinaplos ang bukol sa tiyan na sa tantya niya ay nasa limang buwan na. "Nararamdaman kong mabuti kang tao at lahat ng bagay na nangyayari sa atin may dahilan. Masaya man ito o masakit na pangyayari."

Pakiramdam niya paraan iyon ng Diyos upang aluin ang kanyang puso sa maghapong punong-puno ng pagsubok. Lagi kasing sinasabi ng lola niya na hindi siya pababayaan ng Diyos basta lagi lamang siyang tatawag dito, at higit sa lahat huwag makakalimot magpasalamat.

Napanguso nalang siya at ginantihan ng pisil ang kamay nito. Gusto niyang tanungin kung nasaan ang ama ng bata ngunit pinigilan niya ang sarili. Pakiramdam niya ay hindi pa ito ang tamang panahon sa ganoong kaselan na usapin. Ang mahalaga ay nalagpasan niya ang araw na iyon ng ligtas. Nakatawag na din siya sa kanila at syempre masama mang magsinungaling pero kinailangan niyang gawin upang hindi sila mag-alala sa kanya. Kaya naman gagawin niya ang lahat ng makakaya upang makabangon sa lalong madaling panahon at kasama na rin doon ang pag-alalay sa bago niyang kaibigang si Mariane.

Related chapters

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 2: Elevator Sucks

    "ATE ako na yan!" Halos mapatakbo siya nang buhatin nito yung box ng file sa may likuran ng sasakyan. "Kaloka ka magaang lang toh." Nangingiweng napakamot na lang ito sa ulo nang kunin niya ang bitbit dito. "Kahit na, hindi ka dapat nagbubuhat. Ihahatid na kita," presinta niya dito. "Sigurado ka? Eh hindi ba't maghahanap ka pa ng trabaho?" Isinara nito ang compartment ng sasakyan at sinundan siya sa paglalakad. "Sus maaga pa naman, kaya pwedeng-pwede kitang ihatid." Nginitian niya ito ng parang isang tupa. "Grabe naman... alagang-alaga mo naman ako nyarn, baka naman masanay ako sayo day?" biro nitong parang binabae kung magsalita na agad na nagpahagikgik sa kanya. Mula sa parking area ay lumakad sila patungong elevator habang abalang nagkukwentuhan.Nalaman niyang nagtatrabaho pala ito bilang Senior Accountant sa isang sikat at malaking Talent agency. "Hoy pag may audition,

    Last Updated : 2022-02-23
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 3: Purple Macchiato

    HALOS manglagkit siya sa pawis kakalakad dahil inisa-isa talaga niya ang bawat gusali. May mga pinasahan siyang restaurant, bookstore, flower shop, at pati na rin ilang fast-food.Maya maya pa ay may nakita siyang bench sa tapat ng isang coffee shop, kaya naman naisipan muna niyang maupo doon at uminom ng tubig habang nagpapahinga.Wala sa sarili niyang napagmasdan ang napaka unique na exterior design ng shop sa harapan niya.It's in purple palette paint with pink and gold detail. Mukha itong Ube cake na may mga naka-hang na lavenders at iba pang klase ng halaman na talaga namang bumagay dito. Maliit lang ito but the aesthetic is catchy, and for some reason it has the magic to make someone

    Last Updated : 2022-03-01
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 4: His Taste

    "OH Janine... nandyan ka na agad? Ang bilis ah, kamusta?" kinakausap siya nito pero ang mga mata ay hindi maialis sa harap ng monitor. Mukhang abala dahil sa pamisan-minsang kumukuno't na noo na animo'y maiging sinusuri ang kung anumang nilalaman ng computer. "Mamaya ko na lang ikukwento after work mo, mukhang busy ka pa eh," alanganin siyang napangiti. Wala sa loob na napabaling ito sa kanya. "Naku pasensya ka na kailangan kasi ng matinding powers of concentration itong ginagawa ko, bawal akong magkamali dahil baka mabugahan ako ng apoy nung Dragon mamaya." Natutuwa talaga siya sa paraan ng pagsasalita nito, katunog nito si Maricel Soriano at nakaka goodvibes sa tuwing maririnig niya. Napahagikgik na lang siya. "Oh, sige na ate... sa labas na ko mag-iintay para matapos mo yan ng maayos." "Sige, magkape ka muna doon para hindi ka mainip." Muling ibinali

    Last Updated : 2022-03-02
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 5: The Cold Coffee in the Moring

    "HI Ja! Ngayon pwede na kitang batiin ng isang mataba at busog na GOOD MORNING!" punong-puno ng enerhiyang bati nito at napakalapad rin ng ngiti sa mga labi, hindi katulad kahapon na halos parang gusto na nitong sumuko sa buhay.Napakamot siya ng ulo at alanganing napangiti. Her smile, for some reason scares her. "Good morning Meg," parang napipilitan lang niyang bati dito, "Saan nga pala ako pupwesto?""Ah sa loob ng opisina ni Sir, nandoon kasi sa loob yung personal copy niya ng lahat ng files," ngiting-ngiting sagot nito na biglang ikinanginig ng tuhod niya.'Ano??!!! Ibi

    Last Updated : 2022-03-03
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 6: The Dragon's Meal

    "HOW long have you been working for him?"Wala sa loob siyang napalingon dito. Magkasama na naman sila sa loob ng elevator at pabalik na ng opisina. After kasi nitong malaman na nagtatrabaho siya sa Purple Macchiato ay hindi naman na ito muling nagtanong pa tungkol doon. Obviously wala naman itong pakealam, pero naisip niyang baka hinintay lang talaga nito na silang dalawa na lang at saka siya nito tatadtarin ng sermon. Bigla tuloy siyang inatake ng kaba."Ah... actually, ito din Sir yung first day ko sa kanya," may kalakip na alinlangan na sagot niya dito.They are just standing side by side and the only way that their eyes are meeting is by looking at the mirror door of the elevator. Wala

    Last Updated : 2022-03-04
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 7: The Hot Coffee in the Evening

    LUMIPAS ang isang linggo at unti-unti na siyang nasasanay sa bugnutin niyang amo. Masungit pa rin ito at laging pahirap sa tuwing ioorder niya ng lunch, na buti na nga lang ay laging to the rescue ang mabait niyang boss sa Purple Macchiatto.Ngunit isa lang ang napansin niya, na sa tuwing tatanungin niya ito about kay Yuki, pasimple nitong iniiba ang usapan. Kaya tuloy lalo lang siyang naku-curious kung bakit?'Hindi kaya may alitan ang dalawa?'Sa loob loob niya, pero hindi din naman malayong mangyari dahil sa sama ng ugali ng amo niya.."Hoy, tulala lang girl?" Napakurap-kurap pa siya nang ikaway ni Meg ang kamay sa tapat ng mukha niya. Kasabay kasi niyang nananghalian ito a

    Last Updated : 2022-03-05
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 8: Who's Flirting?

    "WOW!" nakangangang nasambit na lang ni Meg nang makita siya, "Grabe ikaw na! Sana all marunong magtimpla ng kape," inggiterang kantyaw nito habang nang-iinis na nginiwe ang labi.Hindi na siya nagtataka sa reaksyon nito, dahil kahit siya ay hindi nakilala ang sarili nang mamasdan ang itsura sa harap ng salamin kanina.Oo nga at napakalaki nung diperensiya nang suotin at gamitin niya yung mga gamit na binigay sa kanya kahapon. Nag-search pa nga siya sa yutubee kung paano mag-make-up dahil hindi naman siya sanay gumamit ng mga kolorete sa mukha. Mabuti na nga lang at nakakita siya kung paanong gawin ang

    Last Updated : 2022-03-07
  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 9: Fired

    "WE have good news and bad news. Which do you want to hear first?" Nasser pressed his lips together, making a fine line that signifies trouble.There are only three of them in the office. Jimiel, Nasser and him, because he sent out the annoying Filekeeper for a while. Kahit hindi ito nagsasalita kapag kasama niya ito sa loob ng opisina ay ramdam niya kapag sinisilip siya nito at pasimpleng pinagmamasdan.Hindi naman siya ganoon ka manhid para hindi maramdaman iyon. Hindi niya lang talaga ito pinapansin. Paminsan nga ay nahuhuli niya pa ito at biglang magpapanggap na may ginagawa kapag sinasamaan niya ng tingin.For some reason, he could stand her presence. Hindi katulad nung mga na unang Fi

    Last Updated : 2022-03-08

Latest chapter

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 21: The Deal

    'S***A ang gwapo!' hindi niya napigilang mapatili sa utak nang magslow motion ito sa paglabas doon. Panandalian siyang na destruct sa ganap nito. Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas ang sa bandang dibdib kung saan may pasilip sa makinis at maputi nitong dibdib, nakatuping pataas ang manggas sa mga braso na binagayan ng ragged denim skinny gray pants kung saan naka tuck-in ang pang itaas. He looks so damn good-looking at mukhang parating bagong ligo dahil tingin pa lang parang napakabango na. Ayos na ayos din ang blonde nitong buhok na naka brush-up showing his flawless forehead. Bagay na bagay dito yung dala nitong oto, na para bang mas pinatikas nito ang datingan ng ubod sa kisig na lalaking iyon. 'Kaso bakla ang hudyo. Hmmp!' Nauwi sa pangngiwi at panghihinayang ang kanya sanang pagpapantasya. "Yuki, what happened? Oh my God, you're bleeding," may pag-aalalang bungad nito sa kanila at agad na hinawakan sa pulso ang kasintahan. Mukhang hindi na ito galit at tanging lab

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 20: Dinner with Alphas

    "WE heard that the best always comes the last." Sabay- sabay silang lahat napalingon sa tatlong taong kararating lang.It's the guy from a while ago, Harry. May kasama din itong isang lalaki at babae na sa tantya niya ay hindi nalalayo sa kanyang edad. For sure magkapatid ang dalawang kasama nito dahil magkamukha ang mga ito. Wala talagang tapon sa lahi ng mga Dragon. Lahat ng mga ito ay may kanya kanyang palanggang dala nang magsabog ang Diyos ng kagandahan sa lupa. Natitiyak niyang napakaganda at gwapo ng mga magulang nito."Oh! Akala ko hindi kayo makakarating?!" Tuwang-tuwang sinalubong ito ng lolo ni Yuki at nakipagbeso-beso na siyang sinundan din ng iba pang kamag-anak nito maliban kay Yuki na hindi man lang natinag sa tabi niya at parang walang kainte-interes habang pinapanood ang sosyalan sa harap nila."We can't miss this," nakangiting ani ng babae na bahagya pang sinilip ang direksyon nila ni Yuki at kumindat. "Plus, Popsie and Momsie wants proof and pictures when we go bac

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 19: Mansion De La Araña

    "WOAH!" hindi niya napigilang bulalas nang makarating sila sa lugar kung saan magaganap ang sinasabi nitong dinner. Nanlalaking mga mata niyang binalingan si Yuki na daig pa ang mukha ng nalugi sa paninda nitong puto't kutsinta. Halatang-halata dito na napipilitan lang na pumunta doon. Actually, napipilitan lang din naman siya kanina, pero ngayon nakalimutan niya na ang ideyang yon nang makita ang buong lugar.Napakapit siya sa braso nito ng wala sa oras na agad umani ng pagkuno't ng noo nito sa kanya."Grabe Sir Yuki, ano ka anak nang maharlika? At saka may ganito pa lang lugar sa Pilipinas?! Hindi man lang ba ito nababalita sa TV?" curious na curious niyang usisa dito.Napangiwi ito at parang allergic na inialis ang mga kamay niya sa pagkakakapit sa braso nito. "Hindi ako maharlika and obviously meron lugar na ganito. Ayan na nga nasa harap mo na diba? Nagtatanong pa?" Inirapan siya nito at nagpatuloy

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 18: Casuality

    "AH Sir Yuki wait lang ha, I just need to answer this call," paalam ng Stylist sa kanya bago lumabas ng VIP room na bahagya niyang natunguan. Halata sa mukha nito ang pagka-stress sa kanya. Actually wala namang panget sa sinukat ng Filekeeper niya, wala pa lang talaga siyang napipiling sobrang nagustuhan niya, dahil hindi siya nasanay na pumili ng ok lang kung hindi yung the best dapat, pero lahat naman bagay dito. Actually, kahit anong isuot nito nagmumukhang mamahalin, kahit nga yung mga lumang damit nito noon ay bagay naman dito kaso lang manipis lang talaga at nakakaasiwang tignan. "Sir Yuki!" He heard her whisper yells while peeping behind the Fitting room's curtain. "What?" Napataas naman ang isa niyang kilay. Ano na naman kayang problema nito? "Nasaan yung Stylist?" "He went outside to take a call. Why?" "I need help," she

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 17: Preparation for the Biggest Lie

    MGA 30 minutes na din silang bumabiyahe at habang nababawasan ang gusaling nakikita nila merong isang gusaling pumukaw sa kanyang atensyon. On the upper part of the building there's a label that says "The Gold Web Tower" and it's made out of shinny gold metals, na kumikislap sa kintab lalo na kapag tinatamaan ito ng sinag ng araw. The whole building was made out of dark coffee shade tinted glass. It's not too high maybe 50 to 55 floors and it looks separated from city since, napapaligiran ito ng daan na puno ng mga matatas na ibat-ibang klaseng mga puno, but mostly Pine trees. It's like between being the urban and rural area. The path looks exclusively made only for those people who will go exactly to that building. Bago ka rin makapasok doon ay dadaan ka sa napakalaking black and gold gate kung saan may

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 16: Best in Akward

    KABANG-KABA siya nang maalimpungatan dahil wala na ang among si Yuki sa tabi niya. "Nasaan na yon?" Kuno't noo niyang inilibot ang paningin sa buong lugar, ngunit medyo madilim na kaya wala siyang gaanong maaninag. Tanging ang buwan lamang sa labas ng bintana ang pinanggaggalingan ng liwanag Tumayo siya at dahan-dahang humakbang upang masigurong hindi siya mabunggo sa kahit ano ngunit, napahinto siya sa paghakbang nang makita niyang may bultong nakaupo sa upuan ng amo niya, pero hindi siya sigurado kung ito nga si Yuki dahil nanggagaling sa likod nito ang liwanag ng buwan. "S-sir Yuki, ikaw ba yan?" ewan niya kung bakit siya nanginginig pero parang horror ang ambiance ng opisina nito bigla. Ganoon pala doon pag gabi, mabuti na lang pala at maaga siyang umuuwi lagi.'S***a takot ako sa multo!!'Bahagya niyang naikuyom ang kamao na animo'y inihahanda ang depensa para sa sarili sakaling may biglang lumita

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 15: Between the Lines

    'HAYYYS, ako na third wheel, ewan ko sayo Ja.'Nailingan na lang niya ang sarili sa isip. Ewan niya kung bakit lagi na lang niya naisasali ang sarili sa mga ganitong bagay? Kung tutuusin dapat ay mag-oout na siya at hayahay na sanang papasok sa paborito niyang amo, pero hindi at adelantada siyang nagvolunteer na bantayan itong kolokoy na pasaway. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na pwedeng magback out kaya naman... "Sir Yuki, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka diyan ah?" "Check out," walang gana nitong utos. Nakatingala ito at tulalang pinagmamasdan ang kisame. 'Kita mo itong loko-lokong ito!'Siya na nga nagvoluteer siya pa yung pinauwi? "Ahhh... Sir Yuki hindi kita-" "I don't need you, I can take care of myself, just check out," kuno't noo itong nilingon siya, hindi dahil sa masungit ito pero parang may masakit dito. Nakita niy

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 14: Ill Heart

    PAPASOK na sana siya ng elevator nang matigilan. Babatiin niya sana ang mga ito ngunit parang hindi siya nito kilala. Nakasimangot na tumingin sa taas si Jake at si Travis naman ay animo'y may interesanteng tinigtignan sa sapatos nito. Kaya naman hindi na niya itinuloy at tahimik na lang na pumasok doon."Gosh I hate rumors," Travis mumbled after he lets out of a deep sigh. Napatingin tuloy siya sa mga ito mula sa salamin. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit agad na inalis nang magtama ang mga mata nila."If... that is a rumor. What if it's the truth?" Pasimple din siyang tinapunan ng makahulugang tingin ni Jake pero mabilis na inilipat sa partner nito."Well, She should've at least share it to her soulmates right?" sabi nito na pailalim pang tumingin sa kanya, "If she really trust them, but it seems like she doesn't," may pagtampong ani nito na pasimple pa siyang inirapan.Kung pwede lang niyang pag-untugin ang dalawang

  • I KNOW HIS SECRET   Chapter 13: Back to Work

    "OH, bakit nandito na naman ito?" buong pagtataka niyang namasdan ang mga paperbags sa lapag ng kwarto niya. Ang alam niya sinauli niya na iyon kahapon, kaya bakit nandyan na naman ang mga ito. Kakarating niya lang galing coffee shop. Hindi pa niya nakakausap ang amo about sa kagustuhan niyang mag-full time na doon. Sa totoo lang na-eexcite siya sa ideyang iyon pero dahil sa mga kontrabidang frog hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba niya itong kausapin. "Ah hinatid yan kanina ni Nasser," tugon na nagmula sa likuran niya na agad niyang nalingunan. Nakasilip ito mula sa kwarto nitp, marahil ay narinig ang pagpasok niya sa bahay. Lumakad ito papalapit sa kanya at pinaningkitan siya nito ng mga mata. May palagay siyang nakarating na dito angm

DMCA.com Protection Status