Simula
Dark"KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga customers ang naghihintay sa 'yo!" Katakok sa pinto ng dressing room ko ni Mommy Gai. Ang Mananger namin dito sa bar na pinagt-trabaho-han ko.Napabuntong hininga ako bago ko ilapat ang matte red lipstick sa labi ko. Bagong bili ko lang ito kanina sa tiyangge, sa tingin ko kasi, maganda ang pagka-pula niya sa labi ko.At hindi naman ako nagkamali dahil nang maikalat ko na iyon sa buo kong labi ay napangiti na lang ako ng tipid sa replika ko sa salaming kaharap dahil mas lalo ngang tumingkad ang natural na pagkapula ng labi ko sa bago kong red matte lipstick."Keisha! Ano ba! 'Wag ka na masyadong mag-paganda r'yan! Ikaw na lang ang hinihintay! Bilisan mo na!" Apuradong sigaw ng pamilyar na boses sa labas ng dressing room ko. Kinalabog niya pa ang pintuan ng ilang ulit kaya napa-irap na lang ako sa ere sa pagka-irita."Ito na Shaina! Lalabas na! P'wede ba?! 'Wag mo ngang sirain ang pinto ng dressing room ko! Luma na nga, e!" Malakas kong singhal habang kinakabit na sa dalawa kong tainga ang golden loops earings ko na sa tiyangge ko lang din nabili."Bilisan mo na kasi r'yan! Magsisimula na!" Mas iritado niyang ganti bago ko narinig ang mga yabag niya paalis sa tapat ng pintuan ko.Napa-iling na lang ulit ako bago titigan ang mukha ko sa salamin ng ilang saglit."Kaya mo 'to Keisha, katulad lang 'to ng nakagawian, sasayaw ka lang sa harapan ng mga lasing na customers, may libo ka na. May pang-gastos ka na sa mama mo't kapatid. Kaya mo 'to, tiis-tiis lang," Kausap ko sa sarili ko bago walang pasubling tumayo sa kinasasadlakan. Dala-dala ang buong kumpyansa sa katawan.Umindayog agad ang mahaba kong buhok na lagpas balakang nang magsimula na akong maglakad papunta sa backstage. At habang naglalakad, bigla ko na lang naalala kung bakit nga ba ako napunta sa madilim na mundong ginagalawan ko ngayon.Sa stripping.Mahirap mang sikmurain, pero Oo, stripper ako. Mananayaw sa gabi sa isang kilalang bar dito sa Bonifacio Global City kung saan ang mga ilaw, hindi namamatay. Laging bukas at laging buhay kagaya na lang mga tao rito.Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Senior high school lang. Sa kadahilanang, maaga kinuha ang papa ko sa amin ng mama't mga kapatid ko dahil sa atake sa puso. Mahirap lang kami ng mga panahong iyon, at mas lalo pang naghirap ng nawala siya.Walang trabaho si Mama dahil mahina na siya at sakitin din. Kaya sa murang edad na eighteen-years-old. Hininto ko ang pag-aaral ko at maaga nang lumabas sa aktuwal na mundo para magbanat ng buto.Marami rin kasi kaming utang. Idagdag pa ang mga hindi matapos tapos na bayarin; Kuryente, tubig, at bahay. At bilang panganay, masakit sa akin na nakikita araw-araw si Mama-ng pilit naglalaba ng mga damit ng mga kapitbahay namin may pagkuhaan lang ng perang pang-gastos sa lahat ng mga naka-ambang bayarin namin pati na rin sa pang araw-araw naming pangangailan.Kaya kahit masakit man para sa akin ang huminto sa pag-aaral, ginawa ko. Tumigil ako at nag-trabaho. Ginawa ko alang-alang kay Mama at sa tatlo ko pang batang mga kapatid.At dito, rito mismo sa madilim at walang kasiguraduhang mundong ginagalawan ko ngayon na puro ingay ng mga mayayamang lasing at nakakabinging musika lang ang maririnig mo. Dito ako ipinunta ng mga paa ko. Sa pagsasayaw tuwing gabi kumita lang at matustusan ang pamilya.Ginawa ko walang emosyon ang mukha ko bago ko sinuot ang maskarang nagtatakip sa tunay na katauhan ng babaeng, tinanyagang, 'Queen of Nights' bago dumeretso ng lakad sa mga kasamahan kong dancers na nag-uusap uusap habang nakatilikod sa akin.Lima sila. Kasama na roon si Shaina na siyang tumawag sa akin sa dressing room kanina. Matalik kong kaibigan.Nakasuot sila ngayong gabi ng sando-ng croptop shirt na hapit na hapit sa katawan nila kaya bumabakat talaga ang hubog nila lalo na ang kanilang dibdib na may ipagmamalaki talaga. Sa pang ibaba naman, black maong short shorts lang na sinabayan ng black thigh high boots.Katulad lang rin sa kanila ang suot ko, ang pinagkaibahan lang. Dahil ako ang pinaka nasa sentro mamaya. Red ang suot kong croptop shirt at maong short shorts at thigh high boots.Pula rin ang suot kong maskara ngayon na siyang tumutulong sa akin itago ang tunay kong mukha sa kahit na sinong tao mamaya na manonood sa gagawin ko."Ay jusko Keisha! Buti naman at dumating ka nang bata ka!" Matabang na usal ni Mommy Gai ng mabaling niya ang tingin sa gawi ko.Nilingon din ako ng mga kasamahan ko. At lahat sila, napa-irap sa ere habang pinapanood akong makalapit sa puwesto nila."Buti naman at may plano kapa pa lang siputin kami," pamaang na anas ni Shaina bago pumeywang sa harap ko.Inirapan ko na lang siya bago pasadahan ng tingin ang mga kasamahan kong nakatingin na rin sa akin ng naninimbang. Iyon bang, kapag hindi pa ako nagsalita, aawayin na nila ako.Napabuntong hininga ako at napailing ng tipid. "Sorry guys kung nag-hintay kayo sa 'kin. Napatagal lang sa pag-aayos ng mukha," reason out ko. Na ikinasinghap nilang lahat.Narinig kong malakas na bumuntong hininga si Mommy Gai sa gilid kaya napatingin ako sa kanya. Inirapan niya agad ako ng magtama ang tingin namin at nagkibit balikat."E... ano pa bang bago! Lagi ka namang late dati pa! Pa-make-up make-up pa, may maskara rin naman sa mukha! Sira-ulo lang 'te?!"Napa-irap ako sa ere at napasinghal. "Mommy Gai, mamaya mo na ako pagalitan. Naghihintay na ang mga tao sa labas o," giya ko pa sa kanya ng labas ng backstage kung nasaan ang mga dagat ng tao. Naghihintay.Mas lalo lang siyang nainis. "O siya! Sige na nga! Lumabas na kayo at naiirita lang ako rito kay Keisha! Kakapang-init ng ulo! Naku! Paimportante lagi!" Asik niya bago kami ipagtulakang lima papunta sa walang ilaw na stage.Napa-iling na lang kaming lima bago sumunod sa utos niya. Para kaming mga pinakawalang ibon ng makalabas ng backstage at maharap ang maraming tao na agad nagpakawala ng sigaw at hiyawan ng makita ang mga bulto namin."Whooo! Ito na ang hinihintat ko! Let's go!""Bro sila ba 'yon? Yung pinag-uusapang strippers?!""Oo sila 'yon gagi pre! Tangina! Ang ho-hot! Whoo!"Hindi ko na narinig ang ilan pang mga sinabi ng mga lalaki na malapit sa stage dahil napuno na ang tainga ko ng malakas na hiwayan galing sa buong paligid.Nilibot ko agad ang tingin ko sa buong sulok ng dancefloor area ng maka-puwesto na ako sa pinaka gitna. At katulad ng inasahan, karamihan sa dagat ng mga taong nasa harapan namin ngayon, na sumisigaw at dine-dirty compliment kami, puro kalalakihan. Unti lang ang mga babae.Well, ano naman kasing aasahan sa isang high-end strip club 'di ba?Nang masuyod ko na ang buong paligid. Binalik ko na rin sa harap ang tingin. Hindi na ako tumingala pa sa 2nd-floor kung nasaan ang mga VVIP guest dahil sila ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng customers.Hayok na hayok sila at matataas ang tingin sa sarili. Puro matatandang uhaw sa katawan pa ang mga nandoon kaya hindi ko talaga pinagtutuunan ng pansin ang gawi na iyon kahit na alam kong importanteng personalisad sila sa bar na ito.Bumuntong hininga na lang ako para mawala ang pagka-disgustong naramdaman para sa mga taong nasa itaas para hindi iyon maka-abala sa perfomance ko ngayong gabi.Mas lumakas ang hiyawan ng madla ng mag-umpisa na ring tumugtog ang music. Parang gatilyo iyon sa katawan ko para kumilos at sumayaw. Sanay na sanay na talaga ako."Go! Go! Go! Go!" Hiwayan ng mga nasa harapan namin ng mag-simula na kaming lima dito sa stage mag-dirty dance.Sinayaw ko ang ni-practice naming sayaw. At kung nakakamatay nga lang ang mga malalagkit na titig sa iba't-ibang parte ng katawan ko ngayon. Baka patay na ako sa dami ng mga nakikita kong matang nakasubaybay sa bawat galaw ko."Twerk! Twerk! Twerk!" Sigaw ng isa pang grupo ng kalalakihan at hinagasin kami ng maraming blue bills sa stage.Sumunod ang DJ sa gusto nila, iniba nito ang music at wala akong alinlangangang dumapa sa sahig ng stage at iginalaw-galaw lang ang pang-upo ko, taas baba, habang gano'n rin ang isang kamay ko.Mas lalong nagwala ang dagat ng mga tao at mas lalong umulan ng pera. Ginanahan ako sa dami ng tips na natatanggap ngayong gabi kaya mas pinaghusay ko ang pagt-twerk ko sa lapag."Fuck! Who's that wearing a mask?! She's freaking hot man!""You don't know him?! Are you really a guy or gay? All guys in BGC are know her. She's Ms. K! The Queen of nights! Whoo!"Dahil sa narinig mula sa dalawang mag-barkadang nag-uusap. Napangiti ako dahil hindi ko alam na ganoon na pala kakalat ang alias kong, Ms. K sa buong BGC bilang Queen of Nights. Pero kusa ring nawala ang ngiti sa aking labi ng sa hindi sinasadyang pagkakataon, naitaas ko ang paningin ko sa 2nd floor.At mas lalong nabura ang ngiti sa labi ko ng masulubong ko ang itim at madilim na mga mata ng lalaking prenteng nakabukaka ang upo sa itaas ko mismo habang mahalay na sinsubay-bayan ang bawat galaw ng katawan ko.Humihithit siya sa sigarilyo niya. Malamig ang ekspresyon ng perpektong mukha. Habang halos magsalubong na ang makakapal niyang kilay sa pagkakunot habang nakatitig ng madilim sa akin.Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at parang bigla na lang akong naging balisa. Hindi pa ito nangyari sa talang buhay ko. At hindi ko rin alam kung paano nagagawa ng lalaking ito na katitigan ko ngayon pasigawin ang buong pagkatao ko sa takot at kaba sa madilim niya pa lang na tingin.Ngayon ko pa lang siya nakita rito. Hindi siya matanda katulad ng madalas kong nakikitang nasa VVIP floor. Bata pa. Pero sa tingin ko, mas matanda sa akin ng ilang taon. Siya lang din ang nandoon at parang haring nakababa ang tingin sa kanyang nasasakupan.Napalunok ako sa isip-isip ko.Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mai-alis sa kanya ang tingin ko. Para niya akong nilulunod sa madilim niyang mga mata a-at... guwapo ngunit malupit na mukha.P-Para bang habang katitigan ko ang lalaking ito ngayon. Pakiramdam ko, may atensyon akong dapat hindi ko nakuha.Atensyong, hindi ko na dapat ginising, dahil malakas ang kutob ng sistema ko na masama ang kahihinatnan ng ginawa kong pag-gising sa natutulog na atensyon ng lalaking kagat labi ng nakatitig sa akin ngayon.Itutuloy...Kabanata 1Sold"YES! Ang dami nating kinita ngayong gabi! Omg! May pang bili na ako ng bagong set of make-ups!" Kinikilig na sigaw ni Krisha, isa sa mga kasamahan ko, nang matapos na kami sa gabing ito. Nasa backstage na kaming lahat. Nakaharap kay Mommy Gai na kung makangiti, wagas, habang binibilang sa dalawang kamay ang kinita ng club sa buong magdamag. Napa-irap na lang ako. Dahil kanina lang, halos sumabog na siya sa galit sa akin dahil late na naman ako. Pero ngayong may hawak ng pera. Wala na. Sobrang saya na! "Good job girls! Sobrang dami niyong nakulimbat today! Kaya favorite ko talaga kayong lima, e! Pa-kiss nga!" Matinis niyang hagikhik bago lapitan kami isa-isa para halikan sa pisngi. Napakunot ang noo ko ng huminto siya saglit sa tapat ko at mala aso akong nginitian. Pabiro niya akong hinampas sa balikat, parang may pinapahiwatig, na madali kong nakuha kaya napa-irap na lang ulit ako. Dahil kapag ganito siya, mangungulit na 'to. "Grabe naman 'tong favorite girl ng c
Kabanata 2Slap"TYSON Clyde Kratts is my name, woman."Kusang napa-baling ang ulo ko sa pinanggalingan ng barito at malamig na boses na iyon. Pagkalingon ko sa likuran ko, halos mawalan ako ng hininga ng makita ko ang matipunong bulto ng lalaking huli kong hinihiling na makita sa gabing ito.Napalunok ako ng mariin ng maisip kung tama ba ang narinig ko sa kanya. Kung... siya nga ba ang lalaking bumili sa akin ngayong gabi?Napatunayan ko iyon ng gulat na lumapit sa kanya si Mommy Gai ng natataranta. "M-Mr. Kratts! Jusko! Bakit pa kayo bumababa at pumunta rito sa backstage! Nakakahiya naman!" Pilit na biro niya pa sa katabi niya na ngayong lalaki na hindi man lang siya pinagtuunan ng pansinin. Sa mga mata ko pa rin kasi nakatutok ang madilim at iritadong mukha ni Tyson Clyde Kratss. Habang ako, sa kabilang dako, halos manginig na ang dalawang binti dahil umaahon na naman sa kaibuturan ko ang matinding takot at kaba na. Napapansin kong lagi ko na lang nararamdaman kapag nagkakatitiga
Kabanata 3OfferMAG-IISANG linggo na rin matapos mangyari ang ingkwentrong iyon sa pagitan namin ni Mr. Tyson Clyde Kratts. Pagkatapos ko makuha ang mga gamit ko sa locker room, umuwi ako agad sa takot na baka hanapin niya ako at parusahan sa ginawa kong pananampal sa kanya. Sa mukha niya pa lang, tingin ko, kahit babae papatulan niya kapag pinigtas nito ang litid ng pasensya niya kaya ng gabing iyon ay halos palingon-lingon ako sa taxi-ng sinasakyan ko. Tinitignan kung sinusundan ba ako ng kotse dahil baka siya iyon. Hindi na rin ako nakapag-paalam kay Mommy Gai pati kila Shaina ng gabing iyon sa takot. Pati hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano nang ganap sa Zeus Club dahil mag-iisang linggo na rin akong hindi pumapasok. Tinatawagan ako ni Mommy Gai pati ni Shaina pero wala akong lakas ng loob sagutin ang mga tawag nila. Wala pa akong lakas ng loob pumasok. Takot akong magkasulubong ulit ang landas namin ni Mr. Tyson Clyde Kratts. Na-trauma na ako sa kanya. Masama siyang lal
Kabanata 4BeastPARA akong sinampal ng reyalidad ng marinig ko ang pinong-pinong lintanya na iyon. Para akong umahon sa pagkaka-lunod kaya nanumbalik ang moral sa isip ko pagkatapos ng malalim na halikan naming iyon.Naitulak ko ang dibdib ni Mr. Tyson Clyde Kratts nang buong lakas sa sobrang pagkagulat ko. Tinitigan ko ang madilim niyang mukha ng naliliyo. "N-Nababaliw ka na ba?! A-Anong... pakasalan kita?!" Nanginginig kong sigaw sa kanya.Nag-tiim ang bagang niya sa naging reaksyon pero sa ipinapakita niya ngayon, para bang inaasahan niya na ito ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Kampanteng-kampante lang siyang nakatayo sa harap ko na tila isang modelo ng tanyag na clothing brand. Kahit arugante at suplado tingnan ang kabuunan niya, hindi ko mabasa ngayon sa kanya ang pagiging aligaga, na siyang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya! Pagp-papakasal? Papakasalan ko siya?! Ha! Nababaliw na nga talaga siya! Ano bang tingin niya sa pagpapakasal? Laro-laro lang na puwede
Kabanata 5SettleBUONG umaga akong umiyak ng araw na iyon. Hinihinaan ko lang ang bawat hikbi ko dahil baka marinig nila Mama at mga kapatid ko sa ibaba kung sakaling gising na rin sila. Nakatulog na lang ako sa pagod. At pagkagising ko naman, alasais-y-medya na nang gabi kaya dagli akong bumangon sa maliit kong kama at kinuha ang tuwalya ko pang-ligo.Mabigat man ang katawan at kahit gustong-gusto kong hindi pumasok ngayon sa trabaho. Bawal. Ako ang inaasahan ng pamilya ko at ang isang gabi sa Zeus Club ay makakatulong na ng malaki sa pag-iipon ko para sa nalalapit na pasukan ng mga kapatid ko.Napa-buntong hininga na lang ako at napa-iling. "Ma, bakit hindi niyo naman ako ginising?" Pangbungad na tanong ko kay Mama ng makababa at naabutan ko siyang mahinang tumatawa sa pinapanood. Napa-simangot ako ng tumawa muna ulit siya bago sagutin ang tanong ko. "Ah, e... hindi ka magising e. Naka-ilang katok na 'ko sa kuwarto mo kanina, hindi ka naman sumasagot. Kako, baka pagod ka kaya h
Kabanata 6AnswerNANG gabing iyon. Kahit puno ang utak ko ng maraming isipin. Uswal lang akong pumasok sa Zeus Club katulad ng parati kong ginagawa para wala silang mapuna sa aking kakaiba.Lalo na si Shaina. Alam ko kasing may pagdududa pa rin siya sa sagot ko sa kanya kaninang umaga bago kami mag-hiwalay ng landas kaya mas dapat hindi ako magpahalata para hindi niya ako magisa. Problema ko 'to, at alam kong may problema rin siyang kinakaharap sa pamilya niya kaya hanggang sa makakaya kong sarilinin at hindi ibahagi sa kaisa-isa kong kaibigan. Gagawin ko. 'Wag lang maging dagdag alalahanin sa kanya. Nginitian ako ng tipid ni Shaina ng paglabas ko ng dressing room ko, saktong papunta na siya sa backstage. "Oh, 'te, kamusta naman ang araw mo?" Masiya ngunit may halong asar niyang pangbungad na lagi niya namang lintanya.Pabiro ko siyang inirapan bago isara ang pintuan ng dressing room. "As usual, hindi maganda," sakay ko sa biro niya. Natawa siya ng pagak. Nahawa na rin ako kaya,
Kabanata 7Mr & Mrs Kratts"Oo, pumapayag na ako. Pumapayag na akong magpakasal at maging asawa mo."Nag-pintig ang dalawang tainga ni Mr. Kratts ng marinig niya iyon mula sa akin. Samantalang ang puso ko, parang hinahabol na ng isang libong kabayo sa kaloob-looban ko dahil sa sobrang bilis ng pag-tibok nito. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya ng hindi ako makarinig agad nang sagot. Matamang nakatulala lang siya sa akin kanina pa at naiilang na ako sa mga tingin niya. "C-Can you say it again?" anya. Hindi makapaniwala. Bumuntong hininga ako bago seryosong balikan siya ng tingin. "Oo Mr. Kratts, pumapayag na ako sa alok mo. Wala naman akong ibang pagpipilian 'di ba?" sarkastiko ko pang sabi. Siya naman ang umiwas ng tingin at lumunok. Marahas niyang niluwagan ang necktie sa leeg bago bumaling ulit sa akin ng malamig. "G-Good." maikli niyang sabi. At sa isang iglap, nagbalik muli sa katauhan niya ang malamig at supladong Mr. Kratts na kinagagalitan ko ng malaki. Magsasalita na sana
Kabanata 8Live in"CONGRATULATIONS, Mr and Mrs. Cratts." Marami pang sinabi sa aming dalawa ng Damuho si Mr. Hades pero ang panghuling sinabi niya lang na iyon ang pumasok sa tainga ko. Literal talaga kasing lumutang ang isip ko matapos ako halikan ni Mr. Kratts na seryoso lang nakikinig kanina sa sinasabi ni Mr. Hades, na para bang wala siyang ginawang kahindik-hindik sa harap mismo ng ibang tao!Mas lalong nangamatis ang pisnge ko ng maalala ko ulit iyon. Nasa kotse na ulit kami ni Mr. Kratts. Tinatahak ang pabalik ng Zeus Club. Buti na lang, nakatagilid ako sa kanya, kaharap ang salamin ng sasakyan, kaya hindi niya kita kung gaano na nagh-hurumintado ang mukha ko ngayon. Kanina pa rin kami tahimik na dalawa. Ako, walang lakas kausapin siya pagkatapos niya ako halikan sa harap ng ibang tao. Habang siya, ewan ko. Hindi ko alam ang rason ng pananahimik niya.Kanina pa siya parang may malalim na iniisip. Pansin ko iyon ng pababa na kami ng parking lot. Ipinagkibit ko lang dahil bak
The last chapter of ICTBO :)Warning: Mej SPG. Mej lang! Kabanata 50WakasNAPATULALA ako sa seryosong mukha ni Tyson ng pumintig sa dalawa kong tainga ang sinabi niya. Tumigil rin ako sa pag-hinga ng ilang segundo sa gulat. D-Dahil... paano niya nalamang buntis ako? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong pinagsabihan. Miske sila Shaina, Zeiv, at Mommy Gai walang alam. K-Kaya—"So it's really true, huh? That you are pregnant with my child," hakbang niya palapit ulit sa akin. "P-Paano mo nalaman?" Sa tanong kong iyon. Sumilay ang pilyong ngisi sa pulang labi ni Tyson. Sa huli ko na lang din nalaman na sa tanong ko pa lang iyon, parang umamin na rin ako na totoo nga ang paratang niyang buntis ako! Keisha! Ano bang ginagawa mo!Nang tuluyan na akong mapasandal sa pader katabi ng pintuan ng bahay. Pinunta ni Tyson sa magkabilaang gilid ko ang dalawa niyang braso para makulong ako. Nilapit niya rin ang kanyang guwapong mukha sa mukha ko at seryoso ulit ako tinitigan. "Kailan pa?" Ma
Hi! Thank you for reaching here. I just want to let you know before you start reading this, that, this is the second to the last chapter of ICTBO :)Kabanata 49 He KnowGUSTO ko mang itulak si Tyson palayo sa akin gamit ang nanginginig kong dalawang kamay. Hindi ko magawa. Wala na akong natitirang lakas at tatag ng loob sa katawan ko na natitira para saktan ang lalaking nakaluhod sa harapan ko ngayon na nagmamaka-awa pakinggan ko ang paliwanag niya. Tanga na kung tanga. P-Pero kahit ano talagang sabi ko sa sarili ko na 'wag nang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Tyson at itaboy na lang siya ng tuluyan- ayaw ng puso ko gawin iyon. Lumalamang na naman ang boses ng puso ko kesa sa boses ng utak ko sa sistema ko. At nang mag-simula na nga magsalita si Tyson, wala na nga akong nagawa pa kung hindi makinig na lang sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pag-hagulgol. "M-Me and Ezra are not really engaged ok? Fuck that news! And to clarify things straight he is not my fiancé! H
Kabanata 48DogKUSANG lumingon ang ulo ko sa likuran ko kung saan nang-galing ang pamilyar na pamilyar na baritono at malalim na boses na iyon. At sa unang daplis pa lang ng mata ko sa pigura ng lalaking mataman nakatayo at nakatanaw sa akin mula sa di-kalayuan. Dinaga na ang puso ko at natulala sa mukha niyang, marami na ring pinagbago sa loob rin ng ilang araw matapos ko siyang iwan. "T-Tyson...? P-Paano... a-anong ginagawa mo dito?" turan ko gamit ang hindi makapaniwalang boses. Naka-ilang lunok rin ako bago ko matapos iyon. Mas lalong dumilim ang wala pa ring kakupas kupas na guwapong mukha ng lalaki sa tanong ko. Para bang sa tanong kong iyon, may natanggap siyang malaking insult mula sa akin.Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang sa kauna unahan ulit na pagkakataon, nagka-salubong ulit kami ng purong itim niyang mga mata ng tingin. Na ang sinisigaw na mga emosyon, pangungulila at matinding galit. Sumabog ulit sa mukha ko ang ilang hibla ng aking buhok ng umihip ulit ng mal
Kabanata 47SunsetHINDI ko na namalayan ang pag-takbo ng buong oras sa byahe himpapawid dahil buong oras, tulog ako. Nagigising lang paminsan minsan kapag umaalog ang eroplano. "Thank you po Ma'am," pasasalamat ng crew sa akin ng ako na ang baba ng nakarating na kami sa destinasyon. Sa Palawan. Tinunguan ko lang ng tipid ang magandang babae bago tuluyang bumaba. At paglabas na paglabas ko pa lang sa entrada ng eroplano, napahinto agad ang dalawang paa ako dahil sinalubong agad ako ng isang malakas at malamig na hangin ng bagong lugar. Nilipad ang aking nakalugay na mahabang buhok. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kapaligiran at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng kalangitan dito sa Palawan kapag pasikat pa lang ang haring araw. Pinaghalong light blue at light orange. Kamangha-mangha. "Manong, dito po tayo sa," sambit ko ng address na binigay sa akin ni Mommy Gai kung saan nakatirik ang kanyang rest house ng makasakay na ako ng taxi at makalabas ng airport. Ngini
Kabanata 46Future"SIGURADO ka na ba talaga dito Keisha?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang matinding pag-aalala sa boses ni Zeiv. Na ngayon ay katabi ko sa bench ng airport. Tinawagan ko kasi ang lalaki kanina dahil sabi ni Shaina, gawin ko. Dahil may kotse ang lalaki at iyon ang magandang gamitin namin pang-hatid sa akin dito sa airport dahil mahirap na mag-commute at baka mamukahaan pa ako ng mga tao.Kalat na kalat na rin kasi talaga ang ginawang pagt-televised sa akin ni Tyson sa buong bansa. At siguro, mga walang tv na lang sa bahay nila ang hindi nakaka-alam ng balita na kung sino man ang makakadala sa akin kay Tyson Clyde Kratts ay mag-uuwi ng isa at kalahating bilyong pisong pabuya bilang gantimpala. Napalakas ang pagbuntong hininga ko ng maalala ko na naman iyon."Oo Zeiv, sigurado na ako sa desisyon kong ito. Wala na rin akong magagawa pa dahil sa ginawa ni Tyson. Kailangan kong magpaka-layo layo dahil baka dumugin ako ng mga tao pag-nakilala nila ako at baka mamaya, ma
Kabanata 45Palawan"KEISHA! Jusko! Saan ka ba nang-galing?! Kanina ka pa namin hinihintay dito! Nag-aalala kami sa 'yo!" Pagalit na bungad agad sa akin ni Shaina ng maka-uwi ako ng apartment na tinutuluyan namin. Nilibot ko ang tingin sa apat na sulok ng paupahang bahay para tingnan kung sino ang mga taong nandito. Hindi na ako nagulat ng makita silang apat na kumpleto.Mas nagulat pa nga ako ng makita ko ang pinaghalong pag-aalala at takot sa mga mukha nila. Para bang... may hindi inaasahang nangyari sa Zeus Club na siya ring sagot kung bakit ganito na lang sila mag-aalala sa katawang lupa kong hindi nila inabutan pagka-uwi nila. Malakas na tumibok ang puso ko ng may maisip na posibilidad. Winaglit ko nga lang ang naiisip na ideya dahil baka iba naman ang totoong nangyari sa iniisip ko. Tatanungin ko na sana si Shaina para makumpirma kung may nangyari ba sa Zeus Club. Pero hindi ko na iyon tuluyang nagawa ng kusa nang pumutak ang nanginginig niyang mga labi. Nagp-panik siyang na
Kabanata 44Advice"B-BUNTIS ako?" tanong ko sa sarili ko habang naka luhod pa rin sa tiles ng cr. Mas lalong nanlamig ang buo kong katawan sa naisip at ang kamay ko, nag-umpisa ng manginig habang ang puso ko ay malakas ang bawat pagtibok. Napatulala na lang ako sa kawalan dahil sa naisip at wala talaga akong alam sa susunod na gagawin kung totoo nga ang iniisip kong buntis ako. Napakapit na lang ako sa tiyan ko at kinapa ko kahit imposible kung totoo nga ba ang hinala kong may buhay na roong nabuo dahil sa ilang beses naming pagt-talik ni Tyson na walang ginagamit na kahit anong proteksyon. Ngayon ko lang din na realized iyon. Na sa bawat pag-angkin ni Tyson sa akin. Hindi siya nags-suot ng proteksyon. Hindi rin ako umiinom ng pills para hindi mabuntis. K-Kaya... malaki talaga ang posibilidad na ang konklusyon ko sa mga pagbabago sa akin, kung bakit ako mabilis mapagod, naging emosyonal, at naging pihikan sa pagkain ay dahil totoo ngang buntis ako. At ang isipin pa lang na magkak
Kabanata 43HideTAHIMIK pa rin sila pagkatapos ko ma-kuwento ang istorya ko ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit sa buong pagk-kuwento ko kanina, walang umiimik miske isa sa kanila. Maging si Shaina, na inaasahan ko magiging bayolente ang mga reaksyon dahil kilala ko siyang ganoon. Wala. Tahimik rin at pinatapos muna ang kuwento ko bago pumikit ng mariin at hinilot ang sintido. Maging si Zeiv na katabi ko, napapikit rin ng mariin at tila nalatag ko sa kanya ang pinakamahirap na problema na narinig niya. Napayuko na lang ako. Kahit gustuhin ko nang umiyak ulit, ayaw na akong pahintulutan ng mugtong mugto kong dalawang mata. Siguro maging ito, napapagod rin katulad ng puso kong kanina pa huminto sa pagtibok para kay Tyson. Napataas ulit ang tingin ko kay Shaina ng malakas siyang bumuntong hininga. Tumingin siya sa akin ng mariin. "Kinompronta mo ba ang hayop na lalaking 'yon matapos mo siyang mahuli kahalikan ang totoong babae niya kanina?"Mabilis akong umiling dahil hindi ko kay
Kabanata 42Hide "K-KEISHA!" Nag-aalalang karipas ng lakad papunta sa akin ni Shaina ng ma-park na ni Zeiv ang sasakyan niya sa binigay kong address kung saan nakatira ngayon ang matalik kong kaibigan. Sa apartment noong tatlong dalaga.Nakababa na ako ng sasakyan ni Zeiv ng kumaripas ng tungo sa akin ang kaibigan. Tinawagan ko kasi siya kanina dahil siya na lang ang natitira kong alas na puwede kong mapag-tuluyan. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang rason kung bakit gusto ko muna makitira sa kanila pero nang marinig niya akong umiiyak sa kabilang linya kanina- pinagmadali niya agad ako pumunta at ibinigay niya agad sa akin ang address nila. "S-Shaina..." ugong ko ng pangalan ng kaibigan ng nasa harap ko na siya. Paulit ulit niya akong kinilatis. Hinawakan niya pa ang dalawang balikat ko at alalang-alala tinitigan. "B-Bakit Keisha? Huh? May nangyari ba? Ano? Sabihin mo? Inano ka ni Tyson? Nag-away ba kayo? Sinaktan ka ba niya?" sunod sunod niyang bultahe ng tanong. At para bang, kapag