Kabanata 48DogKUSANG lumingon ang ulo ko sa likuran ko kung saan nang-galing ang pamilyar na pamilyar na baritono at malalim na boses na iyon. At sa unang daplis pa lang ng mata ko sa pigura ng lalaking mataman nakatayo at nakatanaw sa akin mula sa di-kalayuan. Dinaga na ang puso ko at natulala sa mukha niyang, marami na ring pinagbago sa loob rin ng ilang araw matapos ko siyang iwan. "T-Tyson...? P-Paano... a-anong ginagawa mo dito?" turan ko gamit ang hindi makapaniwalang boses. Naka-ilang lunok rin ako bago ko matapos iyon. Mas lalong dumilim ang wala pa ring kakupas kupas na guwapong mukha ng lalaki sa tanong ko. Para bang sa tanong kong iyon, may natanggap siyang malaking insult mula sa akin.Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang sa kauna unahan ulit na pagkakataon, nagka-salubong ulit kami ng purong itim niyang mga mata ng tingin. Na ang sinisigaw na mga emosyon, pangungulila at matinding galit. Sumabog ulit sa mukha ko ang ilang hibla ng aking buhok ng umihip ulit ng mal
Hi! Thank you for reaching here. I just want to let you know before you start reading this, that, this is the second to the last chapter of ICTBO :)Kabanata 49 He KnowGUSTO ko mang itulak si Tyson palayo sa akin gamit ang nanginginig kong dalawang kamay. Hindi ko magawa. Wala na akong natitirang lakas at tatag ng loob sa katawan ko na natitira para saktan ang lalaking nakaluhod sa harapan ko ngayon na nagmamaka-awa pakinggan ko ang paliwanag niya. Tanga na kung tanga. P-Pero kahit ano talagang sabi ko sa sarili ko na 'wag nang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Tyson at itaboy na lang siya ng tuluyan- ayaw ng puso ko gawin iyon. Lumalamang na naman ang boses ng puso ko kesa sa boses ng utak ko sa sistema ko. At nang mag-simula na nga magsalita si Tyson, wala na nga akong nagawa pa kung hindi makinig na lang sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pag-hagulgol. "M-Me and Ezra are not really engaged ok? Fuck that news! And to clarify things straight he is not my fiancé! H
The last chapter of ICTBO :)Warning: Mej SPG. Mej lang! Kabanata 50WakasNAPATULALA ako sa seryosong mukha ni Tyson ng pumintig sa dalawa kong tainga ang sinabi niya. Tumigil rin ako sa pag-hinga ng ilang segundo sa gulat. D-Dahil... paano niya nalamang buntis ako? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong pinagsabihan. Miske sila Shaina, Zeiv, at Mommy Gai walang alam. K-Kaya—"So it's really true, huh? That you are pregnant with my child," hakbang niya palapit ulit sa akin. "P-Paano mo nalaman?" Sa tanong kong iyon. Sumilay ang pilyong ngisi sa pulang labi ni Tyson. Sa huli ko na lang din nalaman na sa tanong ko pa lang iyon, parang umamin na rin ako na totoo nga ang paratang niyang buntis ako! Keisha! Ano bang ginagawa mo!Nang tuluyan na akong mapasandal sa pader katabi ng pintuan ng bahay. Pinunta ni Tyson sa magkabilaang gilid ko ang dalawa niyang braso para makulong ako. Nilapit niya rin ang kanyang guwapong mukha sa mukha ko at seryoso ulit ako tinitigan. "Kailan pa?" Ma
SimulaDark"KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga customers ang naghihintay sa 'yo!" Katakok sa pinto ng dressing room ko ni Mommy Gai. Ang Mananger namin dito sa bar na pinagt-trabaho-han ko.Napabuntong hininga ako bago ko ilapat ang matte red lipstick sa labi ko. Bagong bili ko lang ito kanina sa tiyangge, sa tingin ko kasi, maganda ang pagka-pula niya sa labi ko. At hindi naman ako nagkamali dahil nang maikalat ko na iyon sa buo kong labi ay napangiti na lang ako ng tipid sa replika ko sa salaming kaharap dahil mas lalo ngang tumingkad ang natural na pagkapula ng labi ko sa bago kong red matte lipstick. "Keisha! Ano ba! 'Wag ka na masyadong mag-paganda r'yan! Ikaw na lang ang hinihintay! Bilisan mo na!" Apuradong sigaw ng pamilyar na boses sa labas ng dressing room ko. Kinalabog niya pa ang pintuan ng ilang ulit kaya napa-irap na lang ako sa ere sa pagka-irita. "Ito na Shaina! Lalabas na! P'wede ba?! 'Wag mo ngang sirain ang pinto ng dressing room
Kabanata 1Sold"YES! Ang dami nating kinita ngayong gabi! Omg! May pang bili na ako ng bagong set of make-ups!" Kinikilig na sigaw ni Krisha, isa sa mga kasamahan ko, nang matapos na kami sa gabing ito. Nasa backstage na kaming lahat. Nakaharap kay Mommy Gai na kung makangiti, wagas, habang binibilang sa dalawang kamay ang kinita ng club sa buong magdamag. Napa-irap na lang ako. Dahil kanina lang, halos sumabog na siya sa galit sa akin dahil late na naman ako. Pero ngayong may hawak ng pera. Wala na. Sobrang saya na! "Good job girls! Sobrang dami niyong nakulimbat today! Kaya favorite ko talaga kayong lima, e! Pa-kiss nga!" Matinis niyang hagikhik bago lapitan kami isa-isa para halikan sa pisngi. Napakunot ang noo ko ng huminto siya saglit sa tapat ko at mala aso akong nginitian. Pabiro niya akong hinampas sa balikat, parang may pinapahiwatig, na madali kong nakuha kaya napa-irap na lang ulit ako. Dahil kapag ganito siya, mangungulit na 'to. "Grabe naman 'tong favorite girl ng c
Kabanata 2Slap"TYSON Clyde Kratts is my name, woman."Kusang napa-baling ang ulo ko sa pinanggalingan ng barito at malamig na boses na iyon. Pagkalingon ko sa likuran ko, halos mawalan ako ng hininga ng makita ko ang matipunong bulto ng lalaking huli kong hinihiling na makita sa gabing ito.Napalunok ako ng mariin ng maisip kung tama ba ang narinig ko sa kanya. Kung... siya nga ba ang lalaking bumili sa akin ngayong gabi?Napatunayan ko iyon ng gulat na lumapit sa kanya si Mommy Gai ng natataranta. "M-Mr. Kratts! Jusko! Bakit pa kayo bumababa at pumunta rito sa backstage! Nakakahiya naman!" Pilit na biro niya pa sa katabi niya na ngayong lalaki na hindi man lang siya pinagtuunan ng pansinin. Sa mga mata ko pa rin kasi nakatutok ang madilim at iritadong mukha ni Tyson Clyde Kratss. Habang ako, sa kabilang dako, halos manginig na ang dalawang binti dahil umaahon na naman sa kaibuturan ko ang matinding takot at kaba na. Napapansin kong lagi ko na lang nararamdaman kapag nagkakatitiga
Kabanata 3OfferMAG-IISANG linggo na rin matapos mangyari ang ingkwentrong iyon sa pagitan namin ni Mr. Tyson Clyde Kratts. Pagkatapos ko makuha ang mga gamit ko sa locker room, umuwi ako agad sa takot na baka hanapin niya ako at parusahan sa ginawa kong pananampal sa kanya. Sa mukha niya pa lang, tingin ko, kahit babae papatulan niya kapag pinigtas nito ang litid ng pasensya niya kaya ng gabing iyon ay halos palingon-lingon ako sa taxi-ng sinasakyan ko. Tinitignan kung sinusundan ba ako ng kotse dahil baka siya iyon. Hindi na rin ako nakapag-paalam kay Mommy Gai pati kila Shaina ng gabing iyon sa takot. Pati hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano nang ganap sa Zeus Club dahil mag-iisang linggo na rin akong hindi pumapasok. Tinatawagan ako ni Mommy Gai pati ni Shaina pero wala akong lakas ng loob sagutin ang mga tawag nila. Wala pa akong lakas ng loob pumasok. Takot akong magkasulubong ulit ang landas namin ni Mr. Tyson Clyde Kratts. Na-trauma na ako sa kanya. Masama siyang lal
Kabanata 4BeastPARA akong sinampal ng reyalidad ng marinig ko ang pinong-pinong lintanya na iyon. Para akong umahon sa pagkaka-lunod kaya nanumbalik ang moral sa isip ko pagkatapos ng malalim na halikan naming iyon.Naitulak ko ang dibdib ni Mr. Tyson Clyde Kratts nang buong lakas sa sobrang pagkagulat ko. Tinitigan ko ang madilim niyang mukha ng naliliyo. "N-Nababaliw ka na ba?! A-Anong... pakasalan kita?!" Nanginginig kong sigaw sa kanya.Nag-tiim ang bagang niya sa naging reaksyon pero sa ipinapakita niya ngayon, para bang inaasahan niya na ito ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Kampanteng-kampante lang siyang nakatayo sa harap ko na tila isang modelo ng tanyag na clothing brand. Kahit arugante at suplado tingnan ang kabuunan niya, hindi ko mabasa ngayon sa kanya ang pagiging aligaga, na siyang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya! Pagp-papakasal? Papakasalan ko siya?! Ha! Nababaliw na nga talaga siya! Ano bang tingin niya sa pagpapakasal? Laro-laro lang na puwede