Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Sold

"YES! Ang dami nating kinita ngayong gabi! Omg! May pang bili na ako ng bagong set of make-ups!" Kinikilig na sigaw ni Krisha, isa sa mga kasamahan ko, nang matapos na kami sa gabing ito. 

Nasa backstage na kaming lahat. Nakaharap kay Mommy Gai na kung makangiti, wagas, habang binibilang sa dalawang kamay ang kinita ng club sa buong magdamag. 

Napa-irap na lang ako. Dahil kanina lang, halos sumabog na siya sa galit sa akin dahil late na naman ako. Pero ngayong may hawak ng pera. Wala na. Sobrang saya na! 

"Good job girls! Sobrang dami niyong nakulimbat today! Kaya favorite ko talaga kayong lima, e! Pa-kiss nga!" Matinis niyang hagikhik bago lapitan kami isa-isa para halikan sa pisngi. 

Napakunot ang noo ko ng huminto siya saglit sa tapat ko at mala aso akong nginitian. Pabiro niya akong hinampas sa balikat, parang may pinapahiwatig, na madali kong nakuha kaya napa-irap na lang ulit ako. Dahil kapag ganito siya, mangungulit na 'to. 

"Grabe naman 'tong favorite girl ng crowd! Maka-irap wagas! Ganda yarn?" Patuya niyang saad sabay tingin pa sa akin ng naninimbang. Natawa ang mga kasamahan ko sa kanya, samantalang ako, napa-busangot. 

"Mommy Gai..." pagbabanta ko. Pero kahit iyon, hindi siya napigilan asarin ako. 

Natawa muna siya bago tumabi sa gilid ko at kapitan ang dalawang braso ko. Mas matangkad ako kay Mommy Gai dahil sa takong kaya nagmumukha talaga akong batang pagod ngayon na walang magawa sa pangangasar niya. 

"Guys, itong Ate Keisha niyo, ito talaga ang totoong Manager ng bar na 'to. Hindi talaga ako! Taray e! Maka-irap parang ako pa 'yong mali, e... siya nga 'tong late kanina!" Anas niya. Na ikinahagalpak ng lahat sa tawa. Isama pa na ang tawa ni Shaina ang nangingibabaw sa lahat ng halakhak kaya mas lalo akong napasimangot. 

"Mommy Gai ano ba! 'Wag mo na ako asarin. Pagod ako!" Asik ko. Dahil unti-unti na akong naiirita sa pangangasar niya at tawanan nila! 

Umiling-iling siya bago patahanin ang sarili sa pagtawa ng malakas. Pinahid niya pa ang mumunting butil ng mga luha sa gilid ng mata niya dahil sa sobrang pagtawa bago magsalita. 

"O sige na, Madame! Tatahimik na ako. Pagod na ang Queen of Nights natin! Baka mabiso, hindi na maging patok sa mga susunod na gabi sa mga lalaki! Sige na. Magbihis na kayong lahat, pagkatapos, p'wede na kayong umuwi. Thank you ulit!" Natatawa pa ring pa-dismiss ni Mommy Gai sa amin. 

Hinalikan niya pa ako sa pisnge bago kaming lima tuluyang lumarga papunta sa locker room para makapag palit na ng matinong damit. 

Inaasar-asar pa ako ng mga kasamahan ko habang papunta roon. Pero nang titigan ko sila ng masama, nag-hagikhikan na lang sila at nagbulong-bulongan. 

"Una na kami Ate Keisha! Ate Shaina! Ba-bye!" Paalam ni Leah. Ang pinaka bata sa grupo matapos makapag-palit. 

Nilingon ko naman silang tatlo na nasa pintuan na. At tipid na nginitian. 

"Sige, una na kayo, ingat," batid ko. 

Inabisuhan din sila ni Shaina na mag-ingat bago nila kami tuluyang iwan na dalawa rito sa locker room. 

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang pareho kaming nagpapalit. At nang tuluyan na akong makapaglit ng v-neck plain t-shirt at maong pants, saka ako nilingon ni Shaina ng natatawa.

"Yare sa 'yo 'te? Parang mas lalo atang nam-roblema 'yang mukha mo?"

Napabuntong hininga ako bago ko sinarado ang locker ko saka ro'n sumandal. 

"Kanina ka pa tahimik 'te, Oo tahimik ka naman talagang tao, pero kanina doon sa stage, bigla ka na lang namutla saka tumamlay sa pagsasayaw. Aminin mo nga, may problema ka na naman ba?"

Sa tanong na iyon ni Shaina. Medyo nabigla ako dahil hindi ko sukat akalain na pati ang maliit na detalyeng iyon, napansin at napuna niya pa. Kahit na pa, kanina roon sa stage pinipilit ko hindi ipahalata ang pagkabalisa ko dahil lang sa madilim na titig ng hindi ko naman kilalang lalaki. 

Iyon din ang dahilan ng pananahimik ko. Ang lalaking iyon? Sino kaya siya? Madalas ba siya dito sa Zeus club? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bakit sa buong performance namin kanina, bakit sa akin lang nakasunod ang mga mata niya? A-At bakit... ganito ko na lang siya isipin? Bakit ginugulo niya ang sistema ko ng ganito sa titig niya pa lang na sobrang dilim? 

Ano bang nangyayari sa akin? 

"Keisha," tawag ni Shaina sa pangalan ko. Napabalik ako sa reyalidad. Lito ko siyang binalingan at inosenteng tinaasan ng dalawang kilay. 

"A-Ano ulit 'yon, Shaina?" Lito kong anas. Na ikina-singhal at ikina-iling niya na lang. 

Pinasadahan ko ang kabuuan niya ng tingin at doon ko lang namalayan na tapos na rin pala siya mag-bihis at kanina pa nakatangang nakatingin sa akin. Hinihintay ang isasagot ko sa tanong niya. 

"Wala be, sabi ko, umuwi na tayo. Dahil mukhang pagod ka na talaga!" Asar niya bago ako irapan at kunin ang maliit na sling bag sa locker niya bago pabagsak iyong isinara. 

Napabuntong hininga na lang ako bago buksan ulit ang locker ko at kunin din sa loob nun ang sling bag ko. 

Pagkalabas namin sa Zeus Club, kung saan kami nagt-trabaho, pasikat na ang haring araw at ang mga taong napapadaan ay papasok na sa kani-kanilang trabaho. 

"Beh! Dito na ako! Sa bahay ako nila Gerald matutulog, e!" Pukaw ni Shaina ng atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya.

Tipid ko lang siyang tinguan at nginitian ng tipid. "Sige, ingat ka. Kita na lang ulit tayo mamaya."

"Sige! Ikaw din be! Ingat ka pauwi, a!" Masigla niyang paalam bago ako talikuran at lumakad taliwas sa dadaanan ko pauwi sa amin. 

Bumuntong hininga muna ako bago lumakad papunta sa terminal ng jeep. Pagkarating ko ro'n, hindi ako nahirapan sumakay dahil hindi naman punuan tuwing umaga at unti lang ang pasahero dahil lahat, papunta pa lang sa mga trabaho at hindi pauwi. 

Kinuha ko ang takas kong buhok bago i-abot ang bayad sa katabi kong pasahero. 

"Bayad po," mahina kong sabi sakto lang para marinig noong driver sa harapan at siyempre nitong lalaking katabi ko.

Binalingan niya ako ng tingin bago kunin ang bayad ko. Hindi nakatakas sa akin ang pagpula ng dalawang pisnge ni Kuya ng matitigan niya ang mukha ko ng ilang segundo kaya napa-iwas ako ng tingin at napatingin na lang sa labas. 

Matagal ang naging byahe. At hindi ko naiwasang maka-idlip. Buti na lang sa pinaka dulo ako ng jeep pumwesto kaya may nasasandalan ang ulo ko. 

Nagigising nga lang kapag sobrang ma-alog ng jeep at sa t-tuwing... pumapasok sa isip ko ang pamilyar na madilim at purong itim na mga mata ng lalaking iyon. 

Argh! Ano bang meron sa mga mata niya at bakit sobrang iniisip ko iyon? 

"Ma! Nakauwi na po ako," pagod kong pangbungad ng sa wakas, nakarating na rin ako sa bahay namin. 

Walang sumalubong sa akin kaya sa isip-isip ko, baka tulog pa si Mama at mga kapatid ko. Sa bagay, maaga pa nga naman. 

Dumeretso muna ako sa maliit naming kusina. At nang may nakita akong nakatakip na ulam doon, nagsandok agad ako ng kanin at umupo agad sa hapag para makakain na.

Pagkatapos kumain, hinugasan ko agad ang pinagkainan ko kahit talagang hinihila na ako ng antok. Sinabay ko na rin ang mga naiwang hugasin nila at napa-iling ng maisip na hindi na naman naghugas ang isa sa tatlo kong kapatid na lalaki. 

"Oh, anak, nakauwi ka na pala," garalgal na boses ni Mama galing sa isang kuwarto rito dito sa baba. 

Binalingan ko siya bago nagpunas ng basa kong dalawang kamay sa pantalon ko. Napansin iyon ng kagigising pa lang na mga mata ni mama kaya napatingin siya sa lababo at ng makita siguro na wala ng mga hugasin doon. Nanlaki ang mata niya. 

"Ikaw talagang bata ka! Dapat hinayaan mo na lang ang mga hugasin d'yan! Ako na sana pinag-hugas mo! Baka ma-pasma ka niyan!" Nag-aalala niyang iling sa akin bago ako nilapitan. 

Nginitian ko lang naman siya ng tipid bago niyakap ng mahigpit ng makalapit na siya sa akin. 

"Ok lang Ma, nakapag-pahinga na po ako."

"Asus!" Hampas niya ng mahina sa bewang ko kaya napatawa ako ng mahina. "Kahit na! Kagagaling mo lang sa trabaho! Masama 'yon!" dugtong niya. Nangangaral. Kaya hinayaan ko na lang siya at hindi na nakipagtalo pa. 

Bnigay ko na lang sa kanya ang kalahati ng kinita ko ngayong gabi para sa ngayong araw na badget. Kasama na ro'n ang pangbayad sa mga bayarin katulad na lang ng mga buhay pa naming utang at pambili ng mga maintenance niyang gamot na ubos na. 

"Salamat talaga anak, ha," anas ni Mama sa pinaka emosyonal na paraan habang nakatingin sa akin ng awang awa. 

Tipid ko na lang naman siyang nginitian. Hindi ko siya sinagot at lumakad na lang ako papunta sa kuwarto ko sa itaas dahil nakakapag-isip lang ulit ang utak ko ng mga posibilidad na puwedeng nangyari kung naging iba ang takbo ng buhay ko. 

Katulad na lang, kung nag-aaral pa rin kaya ako ngayon? Tapos na kaya ako? Kung nabubuhay pa rin si Papa at malakas? Papasukin ko kaya ang trabahong pags-stripping? Siguro oo, pero mas malaki ang posibilidad na hindi dahil kung nabubuhay lang si Papa. Ang iisipin ko lang ay kung paano ako makaka-tapos ng pag-aaral. Iyon lang.

Hindi iyong kung saan ako kukuha ng malaking halaga araw araw para sa gastusin at mga bayarin. 

Nakaramdam agad ako ng pagbabara sa lalamunan ko kaya iwinaglit ko ang mga iyon sa isip ko. 

Ayaw kong kaawan ang sarili ko dahil lang hindi ako nakatapak ng kolehiyo. Oo, gustong gusto ko mag-aral. Gusto rin ni Mama dati na ipag-patuloy ko ang pag-aaral ko at huwag akong huminto. Pero kung makikita ko lang din naman na naghihirap lang siya, matustusan lang ang pag-aaral ko sa kolehiyo. 'Wag na lang. 

Ok lang ako ang mahirapan 'wag lang ang Mama ko dahil may katandaan na rin siya at hindi niya na kaya pa ang mabibigat na gawain katulad na lang ng paglalabandera at pangangatulong na gusto niya dati pasukan para masuportahan kaming apat na mga anak niya sa pag-aaral. 

Maliit lang din ang sahod sa mga trabahong iyon kaya duda talaga akong kaya niya kami buhatin sa likod niya kasama ang mga bayaring naka abang buwan buwan kaya ako na mismo ang nag-pumilit na tumigil at maghanap na lang ng trabaho. 

Ayaw ko nang makidagdag pa sa problema. Kaya ko pinili sukuan ang pag-aaral. At dapat, hindi ko iyon pinagsisihan araw-araw sa buhay ko kasi dahil sa pags-sakripisyo ko. Natataguyod ko sila. 

Nabibili ko ang mga maintenance na gamot ni Mama at napapag-aaral ko rin ang tatlo kong kapatid na lalaki dahil dito. Kaya dapat, hindi ako makaramdam ng pagsisi at panghihinayang sa nangyari sa akin dahil tama ang desisyon kong pasukin ang trabahong ito.

Mali man at nakakadiri sa paningin ng iba, iyon ang huli ko dapat isipin, dahil mas importante ang pamilya ko kesa sa opinyon nila at sa tingin ko sa trabaho ko. 

Nakatulog ako ng mugto ang mga mata ng umagang iyon dahil sa pago-overthink. Pagkagising ko kinahapunan, pasado alas singko y medya ng hapon, agad akong bumaba sukbit-sukbit ang tuwalya kong panligo sa balikat ko. Naabutan ko si Mama sa kusina. Naghuhugas. 

Lumingon ito sa akin ng maramdaman ang presensya ko sa likuran niya. Nginitian agad ako nito. 

"Kain na 'nak, nakahanda na r'yan ang pagkain mo sa lamesa," sabay tuloy niya ng paghuhugas ng pinagkainan. 

Pumunta ako sa hapag ng maramdaman ko na rin ang pagp-protesta ng bituka ko. Binuksan ko ang takip para makita ang ulam. At nang makitang sinigang na baboy iyon, umupo na agad ako sa isa sa mga upuang kahoy namin at nagsandok na ng kanin sa nakahanda na ring plato para sa akin.

Tinaas ko ang isang paa ko habang nakain. 

"Sila Jaycee, Freisher, Draco Ma? Nasaan?" pagu-umpisa ko ng usapan habang may nginunguya sa bibig.

Nahuli kong umirap sa ere si Mama bago magsalita. "Edi ano pa Keisha, nasa basketball court at naglalaro na naman ng mga basketball! Paalam sa 'kin kanina nung tatlo, may pa-ilaw na naman daw sila," sabi niya at ang ginamit niya pang tono ay iyong dapat alam ko na iyon dahil talaga naman ang mga kapatid kong lalaki ay mahilig mag-basketball at mag-gala. 

Napa-iling na lang ako.

Kahit kasi iisa kami ng bahay na inuuwian ng mga kapatid ko, madalang ko na lang talaga makita ang mga iyon dahil umaga hanggang gabi. Nasa galaan sila o nagb-basketball. Habang ako naman, sa umaga hanggang hapon, tulog. Sa gabi hanggang umaga naman, nagt-trabaho. 

Nag-usap pa kami ni Mama saglit tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari dito sa baranggay namin. Sa buong pag-uusap namin, siya lang lagi ang nagsasalita habang ako nakikinig lang. 

"Alis na ako Ma!" Sabi ko nang makagayak na ako at paalis na. Nginitian niya ako bago siya kumaway. "O sige! Ingat ka, anak!"

Mabilis ang byahe papuntang BGC dahil pauwi na ang mga tao ngayong oras. Habang ako, baliktad, papasok pa lang.

Pagkarating ko sa Zeus club. Sinalubong agad ako ng busy-ng mga tao sa kanilang mga trabaho. Mabilis lahat ang kilos at lahat may ginagawa dahil ilang oras na lang ang bibilangin at magbubukas na kami. 

"Hoy mga kuya! Doon ang table na 'yan! 'Wag d'yan! Ikaw naman Veronica, magpunas ka na ng mga table. Tama na ang pagm-mop mo! Bilisan ang kilos mga anak ng Dyos! Jusko naman!"

At katulad ng nakasanayan. Pambungad na naman ang matinis at naiiritang boses ni Mommy Gai na kung maka-utos akala mo hinahabol ng kung sino. 

Napa-iling na lang ako bago tumahak sa palikong daan kung nasaan ang iba pang utility rooms para sa mga katulad kong nagt-trabaho dito katulad na lang ng dressing room at locker rooms. 

"Good morning 'te," sarkastikong paumpisa ni Shaina sa akin habang sinusuot ang dress code namin sa araw na ito. 

Spaghetti strap, maong short shorts, and lita boots. 

Inilingan ko siya bago isalampak sa locker ko ang gamit ko at nag-simula na rin magbihis ng susuotin ko ngayon. 

"Good morning din," sakay ko sa kanya pagkatapos naming magbihis na dalawa. 

Inirapan niya na lang ako bago siya na ang naunang lumabas ng locker room para tumungo sa dressing room niya. Ganoon din ang ginawa ko kalaunan. Pumunta na ako sa dressing room ko at pagka-upo na pagka-upo ko pa lang, nagsimula na akong ayusan ang sarili ko. 

Light make up lang ang lagi kong ginagawa sa mukha ko. Saglit lang naman talaga ako mag-ayos. Talagang pinapatagal ko lang ang pags-stay ko rito sa dressing room dahil umaasa pa rin akong kahit minsan lang, hindi ako tatawagin at papakyatin ni Mommy Gai sa stage para sumayaw dahil kahit tatlong taon ko nang ginagawa ito…

Nahihiya pa rin ako na ginagawa ko talaga ang trabahong 'to para lang mabuhay ko ang sarili't pamilya ko.

Pero dahil sa matagal na pag-iisip ko kaninang umaga bago matulog. Parang unti-unti ko nang nayakap na ito talaga siguro ang daang ginawa Niya para sa akin at kailangan ko itong lakaran dahil ito ang buhay na nilaan niya para sa kagaya ko. 

"Oh himala Ate Keisha! Hindi ka ata nagpasundo ngayon sa dressing room mo!" Sambit agad ni Crystal, isa rin sa mga kasamahan ko, nang pumunta agad ako ng kusa sa backstage pagkatapos ko mag-ayos. 

"Sa true lang mga mi! Ngayon lang 'yan hindi nagpa-vip sa 'tin! Short ata ang madame niyo ngayon kaya hard-working siya today!" Si Shaina na sumasapaw bago humalakhak ng malakas! 

Humagalpak din agad ang tatlo sa asar niya sa akin. Bumusangot ako. Hindi ko na lang pinansin ang mga sumunod na asar nila dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag-suot ng maskara kong red-velvet ang kulay. Kakulay ng suot ko ngayon.

"Oh! Himala Keisha at-"

Hindi na natapos ni Mommy Gai ang panunuya niya ng balingan ko siya ng masamang tingin. 

Kanina pa ako inaasar ng apat bago siya dumating. At baka kung dumagdag pa siya sa apat na 'to, ma-bwisit na ako buong gabi. At kapag na-bwisit ako, hindi ko talaga gaganahan sumayaw mamaya kaya magiging unti ang kita ng club ngayong gabi at lahat kami apektado! Sige! 

Umiling na lang ito bago lumapit sa gawi namin. Tumigil sa pagtatawanan ang apat na ikina-irap ko sa ere! Buti naman! 

"Ok girls, hindi ko na kayo bibigyan ng instruction because I know, all of you, already know the drill. Ang tagal niyo ng lima magkakasama. Just do what you'll always do! Magpasarap kayo sa mga lalaki mamaya para hagisan kayo ng pera! Mga mayayaman 'yang mga 'yan! Barya lang sa kanila ang mga tinatapon nila sa inyo kaya sagarin niyo na! Ubusin niyo sila hanggat sa wala ng matira! Maliwanag ba?!"

"Yes mi!" sabay sabay naming sagot.

Bumaling sa akin ng seryoso si Mommy Gai.

"Keisha, katulad ng dati. Ikaw ang aasahan ko. Galingan mo. Ikaw ang magdadala. Alam mo 'yan," makahulugang payo niya. Tumungo ako bilang pagsang-ayon dahil dati pa man alam kong sa lahat ng puwedeng pumalpak sa aming lima, ako ang dapat pinakahuli roon dahil sa akin lagi nakatuon ang mga mata ng customers. 

Pagkatapos no'n, pinalabas niya na rin kami. Huli akong lumabas. At nang pagkalabas ko, narinig ko na naman ulit ang hiwayan ng madla sa alias ko. 

"Ms. K! Whoo! Ang ganda mo! Ang hot mo pa!"

"Ms. K! Pa kiss! Isa lang!"

"Ms. K! Bakit hindi na lang ako?!"

Sa dami ng narinig kong tumawag sa akin. Doon lang ata ako sa panghuling sumigaw napatingin at napatawa ng tipid dahil sa isinigaw niya. 

Nang mahanap ko kung sino iyon, napangiti ako lalo ng makitang chinito ito na lalaki at halatang lasing na. 

Pinag-aasar siya ng mga kaibigan niya ng mahuli nila ang atensyon ko. 

"Whoo pre! Ang suwerte mo! Tumingin si Ms. K dito! Gago ka!"

"Tangina pre! Ano bang dasal mo? Reveal naman! Napatingin mo si Ms. K dito, e, hindi naman 'yan namamansin kapag tinatawag!"

"Suwerte pota! Sana all!"

"Manahimik nga kayo! Mga gago! Nakakahiya kayo! Kinikilig ako rito, e!"

"Yieee...!"

Mas lalo akong napangiti sa kakulitan nilang magb-barkada. Pero kalaunan, nawala rin sa kanila ang tingin ko at tila parang may sariling buhay itong tumaas sa VVIP floor.

Halos manginig ako sa takot ng sa pangalawang pagkakataon, nakita ko na naman ang bulto ng lalaking nakita ko rin kahapon. Pero ngayon, hindi na sa akin nakatutok ang purong itim niyang mga mata. Sa lalaking pinansin ko kanina iyon nakatutok at sa paraan ng titig niya, kahit deem at madilim ang ilaw sa puwesto niya, kitang kita ko kung paano mag-liyab ang mga iyon sa iritasyon at galit. 

Umigting ang depinado niyang panga bago dinukot sa bulsa ng slacks niya ang cellphone niya. May tinawagan siya roon at sa paraan ng pagbuka ng bibig niya, ramdam ko hanggang dito sa ibaba ang galit niya na hindi ko alam kung saan niya hinuhugot. 

At bago ko pa man masundan ang susunod niyang gagawin. Napabaling na ako labasan ng backstage ng tawagin ako ni Mommy Gai doon. 

"Keisha! Keisha! Tara! Bilis! Pumunta ka na agad dito!" Apurado at halata sa mukha niya ang takot. At kahit nawiwirduhan kung bakit niya ako pinapa-alis sa stage. Pinuntahan ko siya sa backstage.

Tinunguan ko na lang si Shaina na nanonood sa amin para iparating na siya muna ang mag-asikaso. Tinunguan lang ako pabalik ng kaibigan bago binalik ang tingin sa harap ng may malapad ng ngiti. 

"Mommy Gai, bakit??" Kwestyon ko agad ng malapitan ko ang pawisan at kabado niyang mukha. 

Kinaladkad niya ako palayo sa stage bago kapitan ang dalawa kong balikat at deretso akong tinitigan kahit may pagka-aligaga pa rin sa mukha. 

"Keisha, makinig ka, intindihin mo 'ko ok? alam kong ayaw mo nito pero-" napabuga siya ng malalim na hininga at napapikit ng mariin. Hindi matuloy tuloy ang sinasabi. 

Mas lalong nangunot ang noo ko. "Mommy Gai, ano ba talagang nangyayari? Bakit mo 'ko tinawag? Bakit mo 'ko pinaalis doon? Magsisimula na ang show!" Medyo iritado ko nang pangi-intriga sa sobrang kuryuso.

Ilang ulit siyang bumuntong hininga bago ako matapang na tingalain para matitigan. 

"Someone buy your service for tonight."

Pagkarinig ko pa lang ng huling kataga, nagpintig na agad ang dalawa kong tainga. Pabalikwas kong kinalas ang mga kamay niya na nakaka-kapit sa dalawang balikat ko at kunot noo siyang tinitigan.

"Ano?! Ipinagbili mo 'ko Mommy Gai?!" Histerikal kong sigaw sa mukha niya dahil alam niya namang hindi ako pumapayag na ipagbili ang serbisyo ko! Nagkasundo na kami ro'n dati pa lang na ayaw ko nang ganoon kahit malaki ang bayad at marami ang kumukuha sa akin!

Mas lalong nataranta ang mukha ni Mommy Gai sa biglang pag-alpas ng galit ko. Para na siyang masisiraan ng bait ngayon sa kung ano mang nangyayari pero pinapanatili niya lang ang pagiging kolektado. 

"I know Keisha! Ok?! Sinabi ko na sa kanya na hindi ka available sa gano'n! At iba na lang ang kunin like, Shaina or Crystal kasi go lang naman ang mga 'yon sa private service! P-pero wala! Ni-reject niya ang offer ko! Gusto niya talaga ikaw ang kunin! Tatanggihan ko na sana ulit pero wala! Binantaan niya ako na kapag hindi kita nadala sa kanya, ipapasara niya ang Zeus club! Jusko!" Natataranta niyang paliwanag sa akin at halos kulang na lang ay kumbulsyonin siya sa harap ko dahil niya na alam ang gagawin. 

Medyo huminahon ako ng marinig na tinanggihan ni Mommy Gai na ako ang kunin. Hindi niya ako binugaw. Talagang mapilit lang ang kung sino mang customer na iyon. At mukhang hindi lang siya basta-basta customer dahil nagawa niyang matakot si Mommy Gai na kilala bilang isang matikas na bato sa larangan ng business. 

Pilit kong pinakalma ang damdamin ko. At sa halip, pilit ko na lang iniintindi sa utak ko ang sitwasyon namin ni Mommy Gai. Dahil kung ganito siya matakot sa banta ng lalaking iyon. Kung sino man siya. Ibig-sabihin, may kakayahan nga ang lalaking iyon ipasara ang Zeus club kapag hindi ako pumayag sa gusto niya. 

At dahil wala na akong magagawa sa sitwasyong ito. Napabuntong hininga na lang ako bago harapin si Mommy Gai na balisa pa rin at tuliro. 

"Payag na ako, pero-"

"Talaga?!" Nabuhayan ng pag-asa niyang sabad. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapalunok siya ng sunod-sunod. "I-I mean... of course! What's it?"

"Anong pangalan muna ng lalaking bumili sa akin," matapang kong tanong. Dahil kahit iyon man lang, malaman ko lang para alam ko kung sino ba ang makapangyarihang lalaking ito na desperadong makuha ang atensyon ko. 

Huminga si Mommy Gai ng malalim bago titigan ako sa mga mata. Magsisimula na sana siyang bumanggit kaso hindi pa man niya tuluyang nabubuka ang bibig niya ng may isang malamig at baritonong boses na ang sumawsaw sa usapan namin. 

"Tyson Clyde Kratts is my name, woman."

Itutuloy... 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status