Kabanata 9
Sugar DaddyNANG makapag-palit na ako ng damit sa locker room. Sumakay na agad ako ng jeep pauwi ng lutang. Iniisip ko pa rin kasi kung paano su-solusyunan ang gulong pinasok. Sumasakit na ang ulo ko sa kanina pang pag-iisip ng magandang plano. Pero wala talaga. Wala akong maisip na alternatibong paraan para matakasan ang Damuhong iyon. May kontrata akong pinirmahan. At naiinis pa rin ako sa sarili ko hanggang ngayon dahil ang tanga ko lang talaga para pirmahan iyon ng hindi man lang binabasa ng maiige ang mga nakasulat!Kung wala lang ako sa jeep ngayon. Baka sinabunutan ko na ang sarili ko hanggang sa makalbo ako sa sobrang prustrasyon. "Naka-uwi na po ako," walang buhay kong bati pagkapasok ko pa lang ng bahay. Hindi na ako pumuntang kusina, pakiramdam ko, sa dami ng nangyari ngayong araw. Nawalan na ako ng ganang kumain kahit nakakaramdam naman ako ng gutom. Umakyat na lang ako sa kuwarto ko. Tinigil ko muna ang pag-iisip ng solusyon para naman pati ang utak ko makapag-pahinga sa mahabang araw na 'to. Pagkahiga ko sa kama, napatitig ako sa lumang kisame ng kuwarto ko. Kusa kong nahawakan ang ibabang labi ko ng rumehistro sa akin ang halikan namin ni Mr. Kratts. Nakakahiya man isipin dahil mukhang assuming tignan, pero pakiramdam ko, ibang halik ang ginawa niya sa akin kanina.Dahil sa mga unang halik niya sa akin dati, wala akong naramdaman sa mga iyon kung hindi purong pagnanasa la mang. Pero kanina, iba ang naramdaman ko ng maglapat ang mga labi namin. Ekstra-ordinaryong init sa sistema. Iyon ang naramdaman ko kanina. At ngayon, habang inaalala ko na naman ang eksenang iyon, bumibilis kusa ang tibok ng puso ko. Napa-buntong hininga na lang ako at umiling. Hindi ko alam kung anong ginawa sa akin ng Damuhong iyon kanina at bakit nagiging ganito na lang ako.Ayaw kong isipin rin iyon ng masyado. Dahil alam ko naman, para kay Mr. Kratts, wala lang ang halik na iyon at dapat ganoon rin ako. Nakatulog na lang ako ng ganoon ang iniisip. At sa panaginip, nakabuo na ako ng desisyon sa dapat na gagawin.Kaya pagkagising ko kina-hapunan, namalayan ko na lang ang sarili kong nagi-impake na ng mga damit ko.Titira ako kasama si Mr. Kratts sa mansyon niya katulad ng gusto niyang gawin ko. Iyon lang ang paraang naisip ko, dahil ano pa nga ba ang puwede kong gawin bukod doon? May kontrata kami. Totoong pinirmahan ko iyon. Tanda na, naiintindihan at wala akong kontra ron. At higit sa lahat, wala akong kakayahan labagin ang nakatala doon. Wala akong gaanong kalaking halaga para bayaran ang Damuhong iyon. Kaya bahala na. Kasalanan ko rin naman.Umuling na lang ako ng matanggap ang sarili kong kamalian. S-Saka, titira lang naman ako kasama siya 'di ba? Sigurado naman ako na malaki ang bahay niya kaya puwede kong siyang iwasan para hindi kami magkita. Bukod do'n, hindi niya rin ako puwedeng pilitin sa mga bagay na ayaw ko talaga. Siguro naman, may kabutihan pa rin namang natitira sa lalaking iyon. Umiling na lang ulit ako sa naisip bago isara ang maletang dadalhin ko. Tss, bakur ba siya na lang lagi ang iniisip ko?!Isang maleta lang dahil konti lang naman ang mga damit ko. Hindi ko dinala yung iba dahil bukod sa luma na, maliliit na rin sa akin.Tumingala ako sa maliit na orasan na nakasabit sa pader ng kuwarto ko ng tuluyang matapos sa paga-alsabaluta. Tumayo ako sa prente kong pagkakasadlak sa sahig ng makita kong maga-alasais-y-medya na ng gabi. Kinuha ko ang tuwalya ko panligo na nakasabit sa hawakan ng kabinet ko bago tumungo pababa.Nagkasalubong agad ang tingin namin ni Mama pababa pa lang ako ng hagdan. Nginitian niya ako ng tipid."Tara na Keisha, sabay na tayo kumain," aniya.Hindi ako nag-dalawang isip paunlakan iyon dahil kanina pa rin ako nagugutom. Inuna ko lang talaga ang pag-aayos ng mga gamit ko sa itaas para ngayon, tuloy-tuloy na lang. "Siya nga pala Ma, may sasabihin po pala ako sa inyo," agaw ko sa atensyon ng Nanay ko ng nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. Tinaasan niya naman agad ako ng tingin habang ngumunguya. "Ano 'yon 'nak?"Napalunok ako ng mariin at napa-iwas muna ng tingin. "A-Ahh... nakahanap kasi kami ni Shaina ng malapit na paupahan sa trabaho namin sa BGC. Balak namin, doon tumira, para malapit lang sa Zeus Club, saka para makapatid rin sa pamasahe," sabi ko sa nakalatag ng plano sa utak ko. Hindi ko puwedeng sabihin kay Mama ang totoo na nagpakasal ako sa isang hindi ko naman kilalang lalaki kaninang umaga lang dahil baka sabunutan ako nito at kagalitan! Saka isa pa, hindi rin naman seryosong pagpapakasal 'yon kaya wala akong nakikitang magandang rason para sabihin pa kay Mama dahil alam kong uusisain lang ako nito at alam kong, kahit hindi ko pa man nasasabi sa kanya, tutol siya sa ginawa namin ni Mr. Kratts na paglalaro sa kasal dahil isa iyon sa pinaka nire-respeto niyang tradisyon. Napabuntong hininga na lang ako ng malakas sa isip-isip ko ng makitang kinagat ni Mama ang kasinungalingan kanina ko pa inihanda sabihin sa kanya. "Si Shaina ang kasama mo? O-O sige! Maganda 'yan para malapit na lang ang uuwian mo. Kailan ba kayo ng batang iyon lilipat?" Masaya niyang balik sa akin bago sumubo ulit ng kanin at ulam.Hindi naman ako agad nakasagot sa tanong niyang iyon dahil naga-alinlangan pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. Pero sa huli, "N-Ngayon na Ma. Lilipat na kami mamaya ron pagkatapos ng trabaho namin sa club," nasabi ko rin. Nabulunan si Mama sa narinig sa akin. Sinuntok suntok niya ang dibdib niya kaya sa pag-aalala, agad ko siyang inabutan ng isang basong malamig na tubig. Tinanggap niya iyon agad, ininom, bago maasim ang mukhang tumingala sa akin."N-Ngayon agad 'nak? Ang bilis naman. Kaya niyo bang mag-lipat at maayos agad ang mga gamit niyo ron galing trabaho?" nahihirapan niyang usal habang mahinahong sinusuntok suntok pa rin ang dibdib niya. Napa-iwas ako ng tingin at napa-lunok. "K-Kaya naman 'yon, Ma. Saglit lang naman. Sa pag-aayos lang naman ng damit tatagal," pilit kong hindi ginawang tensyonado ang boses ko para maging tunog kapani-paniwala. Bumuntong hininga na lang naman si Mama bago tumungo tungo sa akin."O siya, siya. Malalaki na kayo. Alam niyo na ang ginagawa niyo. Basta ang sa akin lang, 'wag puro pancit canton, corn beefs, at mga delata ang kainin niyo do'n ni Shaina, ha! Masama 'yon. Bumili kayo ng lutong ulam kung wala sa inyong marunong mag-luto," nangangaral niyang paalala bago tinuloy ang naudlot na pagkain. Malawak akong napangiti habang nakatitig pa rin kay Mama. Kalaunan, tumungo na lang ako at tipid siyang sinagot. "Sige po."Pagkatapos kumain, si Mama na ang nag-hugas ng pinagkainan namin. Ako, dumeretso na ako sa kubeta para maligo. "Keisha! Nakahanda na ba yung mga damit na dadalhin mo?!" Sigaw ni Mama sa labas habang rinig ko ang tunog ng mga platito at kubyertos namin na hinuhugasan niya. Tumingala muna ako sa shower para anlawan ang mukha kong may sabon. "Opo Ma! Kanina ko pa naka handa!" sigaw ko pabalik ng mahilamusan ko ang mukha ko. "E yung mga gamit mo? Tuwalya, toothbrush, sabon, shampoo, napkins, at yung mga ginagamit mong che-che buretche sa mukha? Nakahanda na ba?!""H-Hindi pa Ma! Pagkatapos ko pa lang po rito saka ko aayusin. Gagamitin ko pa, e."Mabilis ulit siya nagsalita. "Sige na, ako na ang mag-aayos ng mga 'yon. Asikasuhin mo na lang ang pag-pasok mo. Taas na ako sa kuwarto mo, ha!" Napangit ako ng malawak habang shina-shampoo ang mahaba kong buhok.Medyo matagal akong nakasagot kay Mama dahil bigla kong naisip na kahit salat man sa pera at mahirap man ang buhay na binigay samin ng mundo, bawing bawi naman ako't pati ng mga kapatid ko sa aruga ng mga magulang naming lagi nandyan para intindihin at asikasuhin kami. "Sige Ma! Thank you! I love you!""Uhm, bilisan mo na d'yan! Baka ma-late ka. Kay matagal mo talagang kumilos na bata ka, naku!"Sinunod ko ang payo ni Mama. Binilisan ko ang pagligo ko at ng matapos, tumaas na ako sa kuwarto ko para makapag-bihis na. Saktong naabutan ko si Mama ro'n na tapos na rin sa paga-asikaso ng mga kinakailangan ko pang gamit. Nakipag-kuwentuhan pa ako kay Mama habang nagb-bihis ako ng damit pamasok. Katulad lang ulit ng dati, v-neck white t-shirt at maong pants lang ang suot ko. Nang makababa na kaming dalawa, marami pa siyang pinaalala sa akin na mga bagay na sinang-ayunan ko lang lahat. "Sige na po Ma! Alis na po ako! Magpapadala na lang po ako linggo-linggo ng pera kay Nay Susan. Kunin niyo na lang po do'n kada-biyernes," banggit ko sa matalik na kumare ni Mama na may negosyong padalahan ng pera ng magpaalam na ako sa kanya. Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. "O sige, mag-ingat sa byahe ha? Malaki naman 'yung iniwan mong pera sa amin. P'wede nga kahit sa isang buwan ka na mag-padala, 'nak e," biro pa niya. Pareho kaming natawa ro'n."Ma, yung sobra ipunin natin para sa mga kailangang gamit nila Jaycee, Freisher, at Draco sa nalalapit na pasukan nila.""Oo sige 'nak, tatandaan ko 'yan. — O sige na! Sya na! Mal-late ka na sa trabaho mo, anong oras na, lumarga ka na!" Iyon ang huling sinabi niya sa akin bago ako pumanik paalis. Nag-taxi na lang ako papuntang Zeus Club para mas madali sa byahe. Kaya pa naman ng perang natira sa akin kaya naman hindi ko na inisip pa ang magagastos. Sa byahe, nakatulala lang ako sa bintana. Naiisip ko kasi na tuloy na tuloy na talaga ang pagtira ko sa iisang bahay kasama si Mr. Kratts. At iniisip ko pa lang ang mga bagay na puwedeng mangyari kapag-iisa na lang kami ng ginagalawang mundo. Para na akong lalagnatin dahil sa sobrang init ng mukha ko!A-Argh! Ano ba 'tong iniisip ko?! Umayos ka nga Keisha! Pagkarating ko sa locker room ng makarating na ako sa Zeus Club. Hindi ko naabutan si Shaina katulad ng nakagawian. Marahil naga-ayos na ang babaeng iyon ng sarili sa dressing room niya dahil anong oras na rin naman.Sa gilid ko nilagay ang maleta ko bago mag-bihis. Nang masuot ko na ang dress code namin; white sleeve shirt, denim short shorts, at boots. Pumanik na rin ako sa dressing room ko para mag-ayos. Light-make up lang ang ginawa ko sa mukha ko. Plinantya ko rin ang hanggang balakang kong buhok at ng masuot ko na ang loop earings ko. Lumabas na ako at pumunta sa backstage kung saan ko naabutan sila Mommy Gai, Shaina, at yung tatlo na nag-uusap. "Jusko 'te! Akala ko talaga, absent ka! Hindi kita nakita sa dressing room kanina!" Bungad na usal ni Shaina na sinundan ng bati nung tatlo. "Hello Ate K!""Hello 'te!""Low mi!"Hindi ko sinagot si Shaina pati yung tatlo. Tinunguan ko lang sila bago harapin si Mommy Gai na nginitian lang ako ng tipid. Katulad ng dati, may sinabi muna sa amin si Mommy Gai na kung ano-ano bago kami papuntahin sa stage. Natapos ang gabing iyon ng masaya naman kahit papaano, sa kanila, sa akin. Hindi dahil lumulutang na naman ang isip ko sa kinakaharap kong problema.Buti na lang, naging maayos kahit papaano ang performance ko at marami naman kaming nakulimbat na tips galing sa mga lasing na customers. "O siya mga babae-han! Lumarga na kayo sa locker room niyo. Mag-palit at umuwi na dahil sawang sawa na 'ko sa mga mukha niyo! Lalo na kayong tatlo kayo! Naku! Ang kukulit!" Duro ni Mommy Gai doon sa tatlong mas bata sa amin ni Shaina.Kanina pa kasi siya pinagd-diskatahan nung tatlo kaya iyan. Inis na inis."Mommy Gai, may dalaw ka ba ngayon? Kanina ka pa galit sa amin, a!" Mas pang-iinis ni Crystal sa manager namin na sinundan nung dalawa. Hinampas siya ni Leah sa balikat ng natatawa. "Gaga 'te, ano ba 'yang dalaw ni mima? Araw-araw? Lagi namang high-blood sa atin 'yan!""Oo nga Crystal! Lagi naman 'yan si mima! Ano bang klaseng kepyas ang meron siya?! Gripong sira lang?! Walang tigil-tigil?!"Doon, nakisama na ako sa tawanan nila dahil talaga namang nakakatawa. Napatigil lang ng mahagip ko ang seryosong tingin ni Shaina na nakatuon sa akin.Kanina pa siya hindi maingay. Pansin ko lang. Hindi rin siya nakikisali sa panga-alaska kay Mommy Gai kahit sa aming lima, siya ang pinaka malakas do'n. Tahimik lang siya at sobrang seryoso.Napalunok ako ng maisip na baka pansin niya ang pagiging wala ko sa sarili kanina. Umiwas na lang ako ng tingin para magpatay malisya."Mga chanak talaga kayong tatlo sa buhay ko! Lumayas na nga kayo at baka masampiga ko pa kayo!" Galit na talagang sigaw ni Mommy Gai. Sumunod naman ang tatlo at umalis sa backstage ng nagh-hagalpakan. Sumunod ako sa kanila at sa likuran ko naman si Shaina na batid kong hindi pa rin tinatanggal ang seryosong titig sa akin. "Una na kami Ate Keisha at Ate Shaina! Bye!" paalam nung tatlo ng tapos na sila makapag-bihis. Sinabihan ko sila ng mag-ingat. Si Shaina, hindi tumugon sa paalam ng tatlo at nanatili lang seryoso sa pag-papalit ng damit kaya kalaunan, umalis na rin sila. Inabala ko ang sarili ko sa pagpapalit. Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Shaina. At nang mahagip ko ng tingin ang pagharap niya sa gawi kung saan ko nilagay ang dala kong maleta, alam ko na sa sarili ko anumang oras na hindi rin magtatagal ang katahimikang namumutawi sa amin. "Lilipat ka 'te? Saan?" Sabi na. Bumuntong hininga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Tinapos ko muna ang pag-papalit ko ng damit. Sinarado ko ang bakal na pinto ng locker ko saka ako sumandal doon at tumitig sa kawalan. Batid kong nasa akin na ang nagtatanong niyang tingin kaya binuka ko ang bibig ko. "N-Nag-pakasal ako kahapon-""Ano?!" Gulantang niyang reaksyon hindi ko pa man natatapos ang pag-amin ko. Bununtong hininga ulit ako para hindi mataranta sa pagpapaliwanag sa kaibigan ang bawat kaganapan sa buhay ko na pilit ko itinago sa kanya nitong mga nagdaang araw."N-Nag-pakasal ako kahapon, Shaina. D-Doon na ako sa..." napalunok ako ng mariin, "a-asawa ko titira. Hindi na kila Mama simula ngayon.""Makikipagtanan ka Keisha?!" Histerikal niyang tugon. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Humarap ako sa galit at naguguluhan niyang mukha."H-Hindi, a! Anong tanan ka d'yan Shaina!" inis na may halong pagkapahiya kong sagot. At sa puntong iyon, gusto kong pupukin ang ulo ko ng matigas na bato dahil talagang ini-magine ng utak ko ang senaryong binigay ni Shaina! Na nakipagtanan nga ako kay Mr. Kratts! Inirapan niya ako saka pumeywang. "Kung hindi ka makikipagtanan, ibig sabihin, alam ni Tita Luisa na kasal ka na?? Gano'n?" Matamang asik niya. Hindi ako agad naka-sagot. Ang hirap ng tanong niya! Hindi ko rin alam kung magsisinungaling ba ako kay Shaina o hindi. Pero sa huli, naisip ko na lang din magpaka-totoo sa kaibigan. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin, "H-Hindi..." mahina kong sabad. "Anong hindi?" hindi niya nakuhang sabi. Mas llalong nalukot ang mukha.Mabilis akong sumagot, "H-Hindi alam ni Mama na nag-pakasal ak-""Ano?!?" Histerikal niya na namang putol sa sinasabi ko. Bumaling ako sa mas galit niya na ngayong mukha. "Nababaliw ka na ba Keisha?!" Singhal niya pa. Napatungo na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. Sobrang daming nangyari. Ang bilis pa lahat ng kaganapan at hinaharap ko lang iyon mag-isa lahat. Gusto ko na lang maiyak pero alam ko, wala rin naman iyong magagawa sa sitwasyon ko kaya kailangan kong magpakatatag. Malakas na kumalap ng hangin sa buong paligid si Shaina. Akala ko, pagtataasan niya ulit ako ng boses dahil sa mga kagagahang desisyon ko sa buhay na nalaman niya pero nagulat ako sa sunod na sinabi niya. "Sabihin mo sa 'kin lahat. Makikinig ako. Susubukan kong intindihin ka."Tulala akong napatingala sa mukha niya. Galit pa rin ang ekpresyon niya pero ngayon, mas lamang ang matinding pag-aalala kaya parang may humaplos sa puso ko na isang magaan na kamay. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pagkatapos namin pumunta sa rooftop ni Shaina. Kung saan makikita mo ang nagtataasang buildings pati na rin ang papasikat na haring araw.Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Walang labis walang kulang. Simula sa panggugulo sa buhay ko ni Mr. Kratts hanggang sa pagpapakasal namin kahapon lang. Sinama ko na rin sa kuwento ang napirmahan kong kontrata na mas lalong nagpagulo ng lahat. "S-So sinasabi mo, yung lalaking bumili sa 'yo ng gabing iyon ay yung lalaki ring pumilit sa 'yo magpakasal??" Anya ng mapagtapi-tagpi ang mga impormasyong ibinigay ko sa kanya. Pareho kaming nakatingin sa nagsisimula nang umingay na syudad. Bumuntong hininga ako bago tipid siyang sagutin, "O-Oo...""G-Grabe," napapantastikuhan niyang iling. "Hindi ko alam na may nabubuhay pa lang gano'ng lalaki na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya. Sobrang tuso."Hindi ako sumagot sa sinabi ni Shaina. Maging ako rin kasi napapantastikuhan kung bakit kailangan mag-aksaya ng oras at pera ni Mr. Tyson Clyde Kratts matali at makuha lang ako.Wala talaga kasi akong nakikitang pakinabang sa lahat nang ginagawa niyang ito. Pero siguro, kapag tumira ako kasama siya sa iisang bahay. Malalaman ko rin kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito. Tama, iyon pa nga ang isang bagay na kailangan ko trabahuhin. Tinanong pa ako ng kaunti ni Shaina tungkol sa usaping iyon. Sinagot ko siya ng totoo at praktikal. At aaminin ko, nakakagaan din pala sa dibdib kapag naku-kuwento mo ang problema mo sa isang tao. "Matanda na ba yung lalaki 'te?" bumalik sa pagiging kikay ang boses ni Shaina ng pababa na kami sa rooftop. Umiling agad ako, "Hindi, m-medyo bata. Pero mas matanda siguro sa atin ng kaunti iyon." "Tss," natatawang singhal niya."Bakit?" kunot noo kong baling sa kanya. Inirapan niya muna ako bago sumagot. "Akala ko matandang malapit na mamatay 'te! Sayang! Intayin na lang sana natin ma-deadballs ang ferson." usal niya. Humagalpak kami sa tawa na dalawa. Kainis! Sira-ulo talaga kahit kailan! Bumalik na ulit sa pagiging sira-ulo si Shaina habang naglalakad kami pabalik ng locker room. Kung ano-ano pang kagagahan ang sinabi niya sa akin, na aaminin ko, nakatulong mag-pawala sa mabibigat kong isipin. Napatigil lang kami sa pagtatawanan na dalawa ng makita ko ang bulto ni Mr. Kratts na katulad kahapon. Prenteng nakasandal sa pader katabi ng pintuan ng locker room habang nakahalukipkip. Magkasalubong rin ang mga kilay niya habang nakabusangot na nakatingin sa gawi ko. Inirapan niya pa ako bago binulsa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng slacks niya. Binalingan ko ng tingin ang mukha ni Shaina ng mapansin ang pananahimik niya sa gilid ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka ng mapansin ang pagkatulala niya sa harapan namin kung nasaan si Mr. Kratts. "A-Ahh... sinusundo mo na ba ako?" nahihiya kong tanong ng makalapit na ako sa kanya. Umayos naman siya ng tayo bago pasadahan ng saglit na tingin ang katabi kong para paring nakakita ng multo habang titig na titig sa mukha ni Mr. Kratts.Tipid niya akong tinunguan, "Yes, I already got your things in the locker room too.""Bakit mo-" pinigil ko ang sarili ko awayin siya sa pagiging paki-alam-mero dahil nasa tabi ko pa si Shaina. Bumuntong hininga na lang ako at umiling. "Can we go now?" malambing na tanong niya. Na agad nagpabilis sa tibok ng puso ko. Napa-iwas ako ng tingin at napa-lunok. "A-Ahh... ito muna pala si Shaina. Shaina, si Mr. Tyson. Yung sinasabi ko kanina-""H-Hi Sir Tyson!" mabilis na sapaw sa akin ni Shaina. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa pagod kaya ko narinig ang paghinhin ng boses niya pero ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Napa-agik pa ako sa gulat ng pagkatingala ko sa mukha ng Damuho. Ang sama-sama na ng tingin niya sa akin na para bang nainsulto ko siya sa hindi ko alam na paraan. Kinunutan ko siya ng noo. 'Ano na naman?' pagpapahiwatig ko. Inirapan niya lang at umigting ang panga."Hello, Shaina. Nice to meet you," malamig na sambit niya sa kaibigan kong parang lumalakad ang kaluluwa sa kalangitan simula ng makita niya si Mr. Tyson! Tss, anong nangyari rito?! Hindi rin nagtagal ang paglalagi naming tatlo doon. Sumama na ako kay Mr. Kratts dahil batid kong inip na inip na ang Damuhong ito kakahintay sa akin.Hindi rin ako nakapag-paalam kay Shaina ng maayos dahil parang wala siya sa sarili. Napa-irap na lang ako sa ere dahil baka na-guwapuhan iyon kay Mr. Kratts kaya ganoon. "Really woman? Mr. fucking Kratts ang pakilala mo sa akin sa kaibigan mo?" Tiim bagang niyang buwelta ng nasa luksuryong kotse niya na kami. Binalingan ko siya ng nagtatakang tingin sa driver seat dahil hindi ko alam ang ipinuputok ng butchi niya. "Anong problema mo?!" inis kong ganti. Dahil dapat nga, ako ang mang-ayaw sa kanya dahil sa pagiging paki-alam-mero niya sa mga gamit ko! E kaya ko naman 'yon dalhin! Iritadong pinilig ni Mr. Kratts ang ulo niya bago hinawakan ang ignition at pinaandar ang sasakyan. "We are married Keisha, let me remind you if you forgotten," sarkastiko niyang sabi na ikina-kunot lalo ng noo ko. Ano bang pinagsasabi ng Damuhong ito? Inaatake na naman ba siya ng kabaliwan niya?! "And...?" gusto ko ng ikibit ang balikat ko sa sobrang pagtataka sa pinagsasabi ng kausap ko. Sakto namang na-ipit kami sa kalagitnaan ng traffic kaya nagawa niya akong balingan gamit ang nanlilisik niyang mga mata. "You must introduce me to your friends as your husband Keisha! And not some fucking Mr. Kratts! Nagmumukha akong sugar daddy mo sa kanila! Damn it!" Galit niyang sigaw sa mukha ko. Na literal ikinalaglag panga ko!Itutuloy... Super long update :>Kabanata 10Quarrel PAGKATAPOS niya ako sigawan. Hindi ko na siya sinagot pa. Pinilig ko na lang ang ulo ko paharap sa salamin para maitago ang pagh-hurumintadong dalawang pisnge ko dahil sa sinabi niya!Nagm-mukhang sugar daddy ko siya?! Seryoso ba siya, e, ang bata-bata niya pa naman para maging gano'n ko! Saka... dapat nga mas matuwa pa siya na hindi ko ipinagkakalat na asawa ko ang isang katulad niya e!Napabuntong hininga ako at napa-iling ng tamaan na naman ng insikyuradidad. Wala ng nagsalita sa amin pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nag-pokus na lang ako sa panonood sa bintana ng mga nalalagpasan naming naglalakihang mga establisyemento. Minsan, patago kong binabalikan ng tingin ang gawi ni Mr. Kratts na busy sa pagd-drive. Kapag nahuhuli niya ang tingin ko, binaba-sangutan niya ako at iniirapan. Galit pa rin at parang batang nagm-maktol. Hindi ko na lang iyon pinansin at hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa buong byahe namin."We're here," ang mahinang boses na iyon
Kabanata 11Set upPAGKATAPOS ko maghugas. Umalis na agad ako sa kusina at tinungo kung nasaan ang grand staircase. Tulala at malalim ang iniisip dahil doon sa sinabi ni Mr. Kratt- Tyson. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang taong hindi mo naman literal na kilala, na pinakasalan mo pa kahapon lang, sasabihin sa mukha mong isang kuwarto na lang kayo ng tutulugan simula ngayon 'di ba?! Napa-iling ako sa naisip. Mas lalong lumutang ang utak ko at ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng matinding nerbyos. Buti na lang, malaki talaga itong mansyon ni Tyson kaya nagagawa kong mag-isip ng kung ano-ano papunta sa pangalawang palapag. Pero nang nasa grand staircase na ako, na red carpeted pa, mas lalong lumala ang nararamdaman kong nerbyos at kaba sa dibdib ko. Bawat pag-apak ko paitaas. Pakiramdam ko, kawawala na ang puso ko sa dibdib ko at ito na ang kusang tatakbo paalis sa mansyon na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako matakot sa magiging set-up namin s
Kabanata 12SomethingMADALI kong tinapos ang pagkaing hinanda sa akin ni Tyson. Mal-late na talaga kasi ako at kung makatingin pa siya sa akin. Sobrang talim. Akala mo, kakainin ako ng buhay.Nilunok ko ang huling pagkain sa bunganga ko bago siya taasan ng tingin, "A-Ah, mauuna ako-""No. I'll drive you," mariin niyang ani. Lumunok ako ng mariin saka umiling."H-Hindi na, kaya ko naman mag-abang ng taxi sa labas."Mas lalong dumilim ang mukha niya. "This is an exclusive subdivision, Keisha. Walang nag-gagalang taxi rito. Sa labas pa ng gate ng subdivision-""Edi do'n na lang ako maga-abang. Lalakarin ko na lang simula dito-""Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" pikang-pikang asik niya na. Na ikinaigting ng panga ko! Dahil siya nga itong mas matigas ang ulo sa amin! Sabing kaya ko na, e! "E bakit rin ba kasi ang kulit mo?! Sabing kaya ko na 'di ba?!" Buwelta ko pabalik na malakas niyang ikinasinghap. "Alam mo ba ang daan palabas dito??" pagalit niyang pag-iiba ng usapan. Natameme ako roo
Kabanata 13AvoidNATAPOS ang gabing iyon katulad ng mga nagdaang gabi na marami kaming nakulimbat mula sa madla. Isama pang peek days ngayon. Marami talagang customers kaya masasabi kong sulit lahat ng pagod sa mahabang gabing ito. Tulad nang nakaugalian, hindi muna kami umalis sa backstage at nag-kuwentuhan at nag-asaran muna. Siyempre, sa asaran, nangunguna si Shaina sa pangb-badtrip kay Mommy Gai pati sa akin. Sumawsaw pa yung tatlo kaya nakasimangot na naman ako sa buong senaryong iyon.Pinauwi rin naman na kami ni Mommy Gai kalaunan. Hindi na siya badtrip sa akin katulad kanina dahil siyempre, may hawak ng pera. Napa-irap na lang ako sa isiping iyon bago tumungo papuntang locker room para makapag-palit at umuwi na. Hindi ako puwedeng magtagal dahil alam ko, naghihintay na si Tyson sa parking lot. Baka ma-bwiset na naman iyon kapag nag-tagal ako. "Mga 'te! Una na kami, ha! Ingat kayo sa byahe! Mamaya na lang ulit!" katulad ng nakasanayan, nauna sa aming mag-paalam ang tatlo.
Kabanata 14Make upHINDI ako dumeretso papasok ng Zeus Club. Ayaw kong pumasok ng umiiyak at bahain ni Shaina at ng iba pa ng tanong kung bakit. Tinakbo ko ang daan papunta sa makipot na eskinita ng Club kung nasaan ang malaking tapunan ng basura. Doon ako humagulgol sa iyak kasama ang mga pusang umuungol kasabay ng paghihinagpis ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ganito na lang ako maka-iyak sa pagtatalo naming iyon ni Tyson sa kotse niya. Lagi naman kaming nag-tatalo simula ng mag-sama kaming dalawa. Walang araw na hindi. Minsan rin, napag-tataasan niya ako ng boses kapag tutol ako sa prinsipyo at paniniwala niya. Pero hindi naman ako umiyak sa mga pagtatalo naming iyon katulad ngayon. Sobrang pinipiga ang puso ko ng sigawan niya ako kanina gamit ang galit na galit niyang boses. Hindi ko ugali ang magpatalo sa argumento, pero ang isang iyon, hindi ko kayang labanan. May limitasyon rin ang tapang ko bilang isang babae. Bilang lang ang kaya kong sikmurain. Hindi lahat. Pero a
Kabanata 15Make-up (2)"ANO yung sinasabi ng kaibigan mo kanina? Ano yung isusubo mo?" mariing interoga sa akin ni Tyson habang nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi ng mansyon. Salubong na salubong ang makapal na kilay at naka-busangot na naman ang guwapong mukha. Umiwas ako ng tingin at lumunok ng mariin sa hiya. "W-Wala 'yon. Huwag mo na isipin," deretso kong ani. Hindi ipinahalata sa boses ko ang sobra kong kahihiyan sa kanya! Dahil narinig niya ang ganoong bagay na pinag-uusapan namin ng bwiset na Shaina na 'yon! "I want to know. Ano yung isusubo mo?" seryosong anas ni Tyson kaya napabaling ako sa gawi niya sa driver seat sa inis. Ang kulit! "Wala nga! Bakit ba ang kulit mo?!" singhal ko na sa kanya. Bumaling siya sa akin. Bumabagbyo na sa dilim ang ekpresyon ng mukha. Inirapan ko naman siya pabalik sa inis bago humalukipkip at tumingin sa mga nadadaanan na lang namin. Nakakainis kasi! Bakit kailangan niya ako tanungin ng ganoon! Anong isusubo ko?! Seryoso ba siya? W-Wala! Wa
Kabanata 16CloseTAHIMIK naming tinapos ni Tyson ang umagahan naming iyon ng wala ng kibuan pagkatapos ng huling sinabi niya. Hindi naman sa natakot ako sa banta niya. Pero parang ang atake kasi sa akin noong sinabi niya. I-Iba... ibang parusa ang makukuha ko kapag iniwasan ko pa ulit siya ng wala namang matibay na dahilan. Nag-hurumintado ang dalawang pisnge ko sa naisip at mas lalong itinungo ang ulo sa kinakain para maitago iyon sa damuhong kaharap na parang agila kung panoorin ang bawat galaw ko habang perpekto niyang nginunguya ang pagkain sa bibig niya. Tss! Ano ba kasi ang tinitingin tingin niya d'yan! Kanina pa siya nakatitig sa akin. Ako ba kinakain niya para pag-pokus-san niya ng atensyon?! Halos mag-digmaan na sa utak ko ang mga iniisip ko dahil sa sobrang pagh-hurumintado ko dahil kung makatingin siya sa akin, para bang nagh-hintay pa siya ng magiging reaksyon ko tungkol doon sa sinabi niyang pagpaparusa. Tss. Anong gusto niyang sabihin ko? 'Sige Tyson parasuhan mo 'k
Kabanata 17Close (2)PARA akong aatakehin sa puso sa nakikita ko ngayon. Tigalgal kung tigalgal talaga! Dahil sa ilang buwan naming pagsasama ni Tyson, ngayon ko lang nakita ang hubot niyang katawan.Para akong Israelita sa kalagitnaan ng disyerto sa pagkauhaw ngayon habang walang hiya kong tinatanaw ang katawan ng damuhong mahimbing na natutulog. Alam ko ring pulang pula na ang mukha ko sa kakatitig sa katawan niya. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong napalunok ng mariin.Ineksamina ko ang buong katawan niya. Sa dibdib niyang matikas, papunta sa babang parte kung nasaan ang six-packs abs niyang nakalatag sa tamang mga puwesto. At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, bumaba pa doon ang tingin ko hanggang sa marating ko ang depinado niyang v-line papunta s-sa... Lumunok ako sa pinaka mariing paraan bago pinilit iiwas ang tingin sa Boxer ni Tyson! Mas lalong nangamatis ang mukha ko sa sobrang kahihiyan para sa sarili dahil sa paraan ng pagtingin ko sa katawan niya, p
The last chapter of ICTBO :)Warning: Mej SPG. Mej lang! Kabanata 50WakasNAPATULALA ako sa seryosong mukha ni Tyson ng pumintig sa dalawa kong tainga ang sinabi niya. Tumigil rin ako sa pag-hinga ng ilang segundo sa gulat. D-Dahil... paano niya nalamang buntis ako? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong pinagsabihan. Miske sila Shaina, Zeiv, at Mommy Gai walang alam. K-Kaya—"So it's really true, huh? That you are pregnant with my child," hakbang niya palapit ulit sa akin. "P-Paano mo nalaman?" Sa tanong kong iyon. Sumilay ang pilyong ngisi sa pulang labi ni Tyson. Sa huli ko na lang din nalaman na sa tanong ko pa lang iyon, parang umamin na rin ako na totoo nga ang paratang niyang buntis ako! Keisha! Ano bang ginagawa mo!Nang tuluyan na akong mapasandal sa pader katabi ng pintuan ng bahay. Pinunta ni Tyson sa magkabilaang gilid ko ang dalawa niyang braso para makulong ako. Nilapit niya rin ang kanyang guwapong mukha sa mukha ko at seryoso ulit ako tinitigan. "Kailan pa?" Ma
Hi! Thank you for reaching here. I just want to let you know before you start reading this, that, this is the second to the last chapter of ICTBO :)Kabanata 49 He KnowGUSTO ko mang itulak si Tyson palayo sa akin gamit ang nanginginig kong dalawang kamay. Hindi ko magawa. Wala na akong natitirang lakas at tatag ng loob sa katawan ko na natitira para saktan ang lalaking nakaluhod sa harapan ko ngayon na nagmamaka-awa pakinggan ko ang paliwanag niya. Tanga na kung tanga. P-Pero kahit ano talagang sabi ko sa sarili ko na 'wag nang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Tyson at itaboy na lang siya ng tuluyan- ayaw ng puso ko gawin iyon. Lumalamang na naman ang boses ng puso ko kesa sa boses ng utak ko sa sistema ko. At nang mag-simula na nga magsalita si Tyson, wala na nga akong nagawa pa kung hindi makinig na lang sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pag-hagulgol. "M-Me and Ezra are not really engaged ok? Fuck that news! And to clarify things straight he is not my fiancé! H
Kabanata 48DogKUSANG lumingon ang ulo ko sa likuran ko kung saan nang-galing ang pamilyar na pamilyar na baritono at malalim na boses na iyon. At sa unang daplis pa lang ng mata ko sa pigura ng lalaking mataman nakatayo at nakatanaw sa akin mula sa di-kalayuan. Dinaga na ang puso ko at natulala sa mukha niyang, marami na ring pinagbago sa loob rin ng ilang araw matapos ko siyang iwan. "T-Tyson...? P-Paano... a-anong ginagawa mo dito?" turan ko gamit ang hindi makapaniwalang boses. Naka-ilang lunok rin ako bago ko matapos iyon. Mas lalong dumilim ang wala pa ring kakupas kupas na guwapong mukha ng lalaki sa tanong ko. Para bang sa tanong kong iyon, may natanggap siyang malaking insult mula sa akin.Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang sa kauna unahan ulit na pagkakataon, nagka-salubong ulit kami ng purong itim niyang mga mata ng tingin. Na ang sinisigaw na mga emosyon, pangungulila at matinding galit. Sumabog ulit sa mukha ko ang ilang hibla ng aking buhok ng umihip ulit ng mal
Kabanata 47SunsetHINDI ko na namalayan ang pag-takbo ng buong oras sa byahe himpapawid dahil buong oras, tulog ako. Nagigising lang paminsan minsan kapag umaalog ang eroplano. "Thank you po Ma'am," pasasalamat ng crew sa akin ng ako na ang baba ng nakarating na kami sa destinasyon. Sa Palawan. Tinunguan ko lang ng tipid ang magandang babae bago tuluyang bumaba. At paglabas na paglabas ko pa lang sa entrada ng eroplano, napahinto agad ang dalawang paa ako dahil sinalubong agad ako ng isang malakas at malamig na hangin ng bagong lugar. Nilipad ang aking nakalugay na mahabang buhok. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kapaligiran at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng kalangitan dito sa Palawan kapag pasikat pa lang ang haring araw. Pinaghalong light blue at light orange. Kamangha-mangha. "Manong, dito po tayo sa," sambit ko ng address na binigay sa akin ni Mommy Gai kung saan nakatirik ang kanyang rest house ng makasakay na ako ng taxi at makalabas ng airport. Ngini
Kabanata 46Future"SIGURADO ka na ba talaga dito Keisha?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang matinding pag-aalala sa boses ni Zeiv. Na ngayon ay katabi ko sa bench ng airport. Tinawagan ko kasi ang lalaki kanina dahil sabi ni Shaina, gawin ko. Dahil may kotse ang lalaki at iyon ang magandang gamitin namin pang-hatid sa akin dito sa airport dahil mahirap na mag-commute at baka mamukahaan pa ako ng mga tao.Kalat na kalat na rin kasi talaga ang ginawang pagt-televised sa akin ni Tyson sa buong bansa. At siguro, mga walang tv na lang sa bahay nila ang hindi nakaka-alam ng balita na kung sino man ang makakadala sa akin kay Tyson Clyde Kratts ay mag-uuwi ng isa at kalahating bilyong pisong pabuya bilang gantimpala. Napalakas ang pagbuntong hininga ko ng maalala ko na naman iyon."Oo Zeiv, sigurado na ako sa desisyon kong ito. Wala na rin akong magagawa pa dahil sa ginawa ni Tyson. Kailangan kong magpaka-layo layo dahil baka dumugin ako ng mga tao pag-nakilala nila ako at baka mamaya, ma
Kabanata 45Palawan"KEISHA! Jusko! Saan ka ba nang-galing?! Kanina ka pa namin hinihintay dito! Nag-aalala kami sa 'yo!" Pagalit na bungad agad sa akin ni Shaina ng maka-uwi ako ng apartment na tinutuluyan namin. Nilibot ko ang tingin sa apat na sulok ng paupahang bahay para tingnan kung sino ang mga taong nandito. Hindi na ako nagulat ng makita silang apat na kumpleto.Mas nagulat pa nga ako ng makita ko ang pinaghalong pag-aalala at takot sa mga mukha nila. Para bang... may hindi inaasahang nangyari sa Zeus Club na siya ring sagot kung bakit ganito na lang sila mag-aalala sa katawang lupa kong hindi nila inabutan pagka-uwi nila. Malakas na tumibok ang puso ko ng may maisip na posibilidad. Winaglit ko nga lang ang naiisip na ideya dahil baka iba naman ang totoong nangyari sa iniisip ko. Tatanungin ko na sana si Shaina para makumpirma kung may nangyari ba sa Zeus Club. Pero hindi ko na iyon tuluyang nagawa ng kusa nang pumutak ang nanginginig niyang mga labi. Nagp-panik siyang na
Kabanata 44Advice"B-BUNTIS ako?" tanong ko sa sarili ko habang naka luhod pa rin sa tiles ng cr. Mas lalong nanlamig ang buo kong katawan sa naisip at ang kamay ko, nag-umpisa ng manginig habang ang puso ko ay malakas ang bawat pagtibok. Napatulala na lang ako sa kawalan dahil sa naisip at wala talaga akong alam sa susunod na gagawin kung totoo nga ang iniisip kong buntis ako. Napakapit na lang ako sa tiyan ko at kinapa ko kahit imposible kung totoo nga ba ang hinala kong may buhay na roong nabuo dahil sa ilang beses naming pagt-talik ni Tyson na walang ginagamit na kahit anong proteksyon. Ngayon ko lang din na realized iyon. Na sa bawat pag-angkin ni Tyson sa akin. Hindi siya nags-suot ng proteksyon. Hindi rin ako umiinom ng pills para hindi mabuntis. K-Kaya... malaki talaga ang posibilidad na ang konklusyon ko sa mga pagbabago sa akin, kung bakit ako mabilis mapagod, naging emosyonal, at naging pihikan sa pagkain ay dahil totoo ngang buntis ako. At ang isipin pa lang na magkak
Kabanata 43HideTAHIMIK pa rin sila pagkatapos ko ma-kuwento ang istorya ko ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit sa buong pagk-kuwento ko kanina, walang umiimik miske isa sa kanila. Maging si Shaina, na inaasahan ko magiging bayolente ang mga reaksyon dahil kilala ko siyang ganoon. Wala. Tahimik rin at pinatapos muna ang kuwento ko bago pumikit ng mariin at hinilot ang sintido. Maging si Zeiv na katabi ko, napapikit rin ng mariin at tila nalatag ko sa kanya ang pinakamahirap na problema na narinig niya. Napayuko na lang ako. Kahit gustuhin ko nang umiyak ulit, ayaw na akong pahintulutan ng mugtong mugto kong dalawang mata. Siguro maging ito, napapagod rin katulad ng puso kong kanina pa huminto sa pagtibok para kay Tyson. Napataas ulit ang tingin ko kay Shaina ng malakas siyang bumuntong hininga. Tumingin siya sa akin ng mariin. "Kinompronta mo ba ang hayop na lalaking 'yon matapos mo siyang mahuli kahalikan ang totoong babae niya kanina?"Mabilis akong umiling dahil hindi ko kay
Kabanata 42Hide "K-KEISHA!" Nag-aalalang karipas ng lakad papunta sa akin ni Shaina ng ma-park na ni Zeiv ang sasakyan niya sa binigay kong address kung saan nakatira ngayon ang matalik kong kaibigan. Sa apartment noong tatlong dalaga.Nakababa na ako ng sasakyan ni Zeiv ng kumaripas ng tungo sa akin ang kaibigan. Tinawagan ko kasi siya kanina dahil siya na lang ang natitira kong alas na puwede kong mapag-tuluyan. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang rason kung bakit gusto ko muna makitira sa kanila pero nang marinig niya akong umiiyak sa kabilang linya kanina- pinagmadali niya agad ako pumunta at ibinigay niya agad sa akin ang address nila. "S-Shaina..." ugong ko ng pangalan ng kaibigan ng nasa harap ko na siya. Paulit ulit niya akong kinilatis. Hinawakan niya pa ang dalawang balikat ko at alalang-alala tinitigan. "B-Bakit Keisha? Huh? May nangyari ba? Ano? Sabihin mo? Inano ka ni Tyson? Nag-away ba kayo? Sinaktan ka ba niya?" sunod sunod niyang bultahe ng tanong. At para bang, kapag