Kabanata 11Set upPAGKATAPOS ko maghugas. Umalis na agad ako sa kusina at tinungo kung nasaan ang grand staircase. Tulala at malalim ang iniisip dahil doon sa sinabi ni Mr. Kratt- Tyson. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang taong hindi mo naman literal na kilala, na pinakasalan mo pa kahapon lang, sasabihin sa mukha mong isang kuwarto na lang kayo ng tutulugan simula ngayon 'di ba?! Napa-iling ako sa naisip. Mas lalong lumutang ang utak ko at ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng matinding nerbyos. Buti na lang, malaki talaga itong mansyon ni Tyson kaya nagagawa kong mag-isip ng kung ano-ano papunta sa pangalawang palapag. Pero nang nasa grand staircase na ako, na red carpeted pa, mas lalong lumala ang nararamdaman kong nerbyos at kaba sa dibdib ko. Bawat pag-apak ko paitaas. Pakiramdam ko, kawawala na ang puso ko sa dibdib ko at ito na ang kusang tatakbo paalis sa mansyon na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako matakot sa magiging set-up namin s
Kabanata 12SomethingMADALI kong tinapos ang pagkaing hinanda sa akin ni Tyson. Mal-late na talaga kasi ako at kung makatingin pa siya sa akin. Sobrang talim. Akala mo, kakainin ako ng buhay.Nilunok ko ang huling pagkain sa bunganga ko bago siya taasan ng tingin, "A-Ah, mauuna ako-""No. I'll drive you," mariin niyang ani. Lumunok ako ng mariin saka umiling."H-Hindi na, kaya ko naman mag-abang ng taxi sa labas."Mas lalong dumilim ang mukha niya. "This is an exclusive subdivision, Keisha. Walang nag-gagalang taxi rito. Sa labas pa ng gate ng subdivision-""Edi do'n na lang ako maga-abang. Lalakarin ko na lang simula dito-""Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" pikang-pikang asik niya na. Na ikinaigting ng panga ko! Dahil siya nga itong mas matigas ang ulo sa amin! Sabing kaya ko na, e! "E bakit rin ba kasi ang kulit mo?! Sabing kaya ko na 'di ba?!" Buwelta ko pabalik na malakas niyang ikinasinghap. "Alam mo ba ang daan palabas dito??" pagalit niyang pag-iiba ng usapan. Natameme ako roo
Kabanata 13AvoidNATAPOS ang gabing iyon katulad ng mga nagdaang gabi na marami kaming nakulimbat mula sa madla. Isama pang peek days ngayon. Marami talagang customers kaya masasabi kong sulit lahat ng pagod sa mahabang gabing ito. Tulad nang nakaugalian, hindi muna kami umalis sa backstage at nag-kuwentuhan at nag-asaran muna. Siyempre, sa asaran, nangunguna si Shaina sa pangb-badtrip kay Mommy Gai pati sa akin. Sumawsaw pa yung tatlo kaya nakasimangot na naman ako sa buong senaryong iyon.Pinauwi rin naman na kami ni Mommy Gai kalaunan. Hindi na siya badtrip sa akin katulad kanina dahil siyempre, may hawak ng pera. Napa-irap na lang ako sa isiping iyon bago tumungo papuntang locker room para makapag-palit at umuwi na. Hindi ako puwedeng magtagal dahil alam ko, naghihintay na si Tyson sa parking lot. Baka ma-bwiset na naman iyon kapag nag-tagal ako. "Mga 'te! Una na kami, ha! Ingat kayo sa byahe! Mamaya na lang ulit!" katulad ng nakasanayan, nauna sa aming mag-paalam ang tatlo.
Kabanata 14Make upHINDI ako dumeretso papasok ng Zeus Club. Ayaw kong pumasok ng umiiyak at bahain ni Shaina at ng iba pa ng tanong kung bakit. Tinakbo ko ang daan papunta sa makipot na eskinita ng Club kung nasaan ang malaking tapunan ng basura. Doon ako humagulgol sa iyak kasama ang mga pusang umuungol kasabay ng paghihinagpis ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ganito na lang ako maka-iyak sa pagtatalo naming iyon ni Tyson sa kotse niya. Lagi naman kaming nag-tatalo simula ng mag-sama kaming dalawa. Walang araw na hindi. Minsan rin, napag-tataasan niya ako ng boses kapag tutol ako sa prinsipyo at paniniwala niya. Pero hindi naman ako umiyak sa mga pagtatalo naming iyon katulad ngayon. Sobrang pinipiga ang puso ko ng sigawan niya ako kanina gamit ang galit na galit niyang boses. Hindi ko ugali ang magpatalo sa argumento, pero ang isang iyon, hindi ko kayang labanan. May limitasyon rin ang tapang ko bilang isang babae. Bilang lang ang kaya kong sikmurain. Hindi lahat. Pero a
Kabanata 15Make-up (2)"ANO yung sinasabi ng kaibigan mo kanina? Ano yung isusubo mo?" mariing interoga sa akin ni Tyson habang nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi ng mansyon. Salubong na salubong ang makapal na kilay at naka-busangot na naman ang guwapong mukha. Umiwas ako ng tingin at lumunok ng mariin sa hiya. "W-Wala 'yon. Huwag mo na isipin," deretso kong ani. Hindi ipinahalata sa boses ko ang sobra kong kahihiyan sa kanya! Dahil narinig niya ang ganoong bagay na pinag-uusapan namin ng bwiset na Shaina na 'yon! "I want to know. Ano yung isusubo mo?" seryosong anas ni Tyson kaya napabaling ako sa gawi niya sa driver seat sa inis. Ang kulit! "Wala nga! Bakit ba ang kulit mo?!" singhal ko na sa kanya. Bumaling siya sa akin. Bumabagbyo na sa dilim ang ekpresyon ng mukha. Inirapan ko naman siya pabalik sa inis bago humalukipkip at tumingin sa mga nadadaanan na lang namin. Nakakainis kasi! Bakit kailangan niya ako tanungin ng ganoon! Anong isusubo ko?! Seryoso ba siya? W-Wala! Wa
Kabanata 16CloseTAHIMIK naming tinapos ni Tyson ang umagahan naming iyon ng wala ng kibuan pagkatapos ng huling sinabi niya. Hindi naman sa natakot ako sa banta niya. Pero parang ang atake kasi sa akin noong sinabi niya. I-Iba... ibang parusa ang makukuha ko kapag iniwasan ko pa ulit siya ng wala namang matibay na dahilan. Nag-hurumintado ang dalawang pisnge ko sa naisip at mas lalong itinungo ang ulo sa kinakain para maitago iyon sa damuhong kaharap na parang agila kung panoorin ang bawat galaw ko habang perpekto niyang nginunguya ang pagkain sa bibig niya. Tss! Ano ba kasi ang tinitingin tingin niya d'yan! Kanina pa siya nakatitig sa akin. Ako ba kinakain niya para pag-pokus-san niya ng atensyon?! Halos mag-digmaan na sa utak ko ang mga iniisip ko dahil sa sobrang pagh-hurumintado ko dahil kung makatingin siya sa akin, para bang nagh-hintay pa siya ng magiging reaksyon ko tungkol doon sa sinabi niyang pagpaparusa. Tss. Anong gusto niyang sabihin ko? 'Sige Tyson parasuhan mo 'k
Kabanata 17Close (2)PARA akong aatakehin sa puso sa nakikita ko ngayon. Tigalgal kung tigalgal talaga! Dahil sa ilang buwan naming pagsasama ni Tyson, ngayon ko lang nakita ang hubot niyang katawan.Para akong Israelita sa kalagitnaan ng disyerto sa pagkauhaw ngayon habang walang hiya kong tinatanaw ang katawan ng damuhong mahimbing na natutulog. Alam ko ring pulang pula na ang mukha ko sa kakatitig sa katawan niya. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong napalunok ng mariin.Ineksamina ko ang buong katawan niya. Sa dibdib niyang matikas, papunta sa babang parte kung nasaan ang six-packs abs niyang nakalatag sa tamang mga puwesto. At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, bumaba pa doon ang tingin ko hanggang sa marating ko ang depinado niyang v-line papunta s-sa... Lumunok ako sa pinaka mariing paraan bago pinilit iiwas ang tingin sa Boxer ni Tyson! Mas lalong nangamatis ang mukha ko sa sobrang kahihiyan para sa sarili dahil sa paraan ng pagtingin ko sa katawan niya, p
Kabanata 18Date"A-ANO?" Wika ko ng maka-inom na ako ng tubig at malunok ko na ang barang pagkain sa lalamunan ko. Naka-titig ako sa mukha ni Tyson habang hinihintay ang idudugtong ng kanyang bibig t-tungkol doon sa sinabi niya. Dahil kung hindi nagkakamali ang pandinig ko. Sabi niya... "Let's date," seryosong usal niya bago ako titigan sa mata ng seryoso. Doon, mas lalong bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko na puwede mo ng ihalintulad sa tumatakbong tren. Hindi ko rin napigilan ang panlalaki ng mata ko sa gulat! Dahil hindi ko talaga akalain yayain niya ako lumabas! Panaginip lang ba 'to?! Jusko!Bumuntong hininga muna si Tyson bago ulit mag-salita, "Since we've been together we don't have any official dates because of your work and mine. So I decided, since you have no work tomorrow and later... maybe..." umubo siya ng malakas bago mag-iwas ng tingin sa akin kahit naman nasa pagkain niya ang tingin niya. "We can go out later," mahina niyang dugtong.Na nagpakawala ng libo-l