Kabanata 19Date"KEISHA wake up, it's almost eleven..." mahina at garalgal na boses ang narinig ko malapit sa tainga ko. Parang nangaakit. Buti na lang talaga, sobrang antok ng diwa ko kaya inignora ko lang iyon. "Huwag mo na ako isama Tyson," kunot noo kong ungol at saka tumagilid. Hinila ko rin ang makapal na comforter para takluban ang mukha ko sa paningin niya. Narinig ko siyang baritonong humalakhak ng mahina bago ko naramdaman ang paglubog lalo ng kama. Lumapit siya lalo. Tinanggal niya ang nakatakip sa mukha kong comforter. Napa-mulat ako ng mata sa inis. Handa na sana ako bugahan siya ng ma-a-anghang na salita pero agad tumiklop ang dila ko ng maharap ko ang mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mas luminaw ang guwapo niyang mukha. Mas lalo siyang gumwapo tingnan kapag bagsak ang buhok at hindi brush-up. "Mornin'," lalaking-lalaking ngisi pa. Napalunok ako ng mariin. At doon lang rin ako sinampal ng reyalidad na simula pa pala kanina pagkadilat ko, nakatitig na ako
Kabanata 20DatePAGKATAPOS ng usapan naming iyon ni Tyson sa living room sa mansyon. Hindi na kami nag-kibuan pa sa isa't-isa. Hinayaan na lang namin ang katahimikan ang siyang lumukob sa amin. At hanggang sa byahe, papunta sa trabaho niya. Ganoon pa rin. Walang pansinan. At kulang na lang mabasag na ang mga ear drums naming dalawa sa sobrang tahimik namin. Sinusubukan ko balingan siya ng tingin. Pero sa tuwing matitigan ko ang perpekto ngunit arogante niyang mukha. Napapa-iwas ako na para bang napapaso sa hindi ko alam na rason. Para bang, sa narinig ko mula sa kanya kanina. Nahiya na ako sa kanya. Na hindi ko naman nararamdaman dati. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari sa akin! Pero...Meron sa talaga sa sistema ko ang nalaglag at bumigay na. Ito ang kinakatakutan ko mangyari noon kaya ko siya iniiwasan. At ngayong, unti-unti nang nangyayari ang kina-babahala ko. Mas lalo akong natatakot sa kakahantungan ko kapag nagpatuloy pa ito. Palihim akong bumaling sa gawi ni Tyso
Kabanata 21Midnight"S-SHAINA. Wait lang. K-Kumalma ka. Nasaan ka muna?" Kahit nagp-panict na ako para sa kalagayan niya, nagawa ko pa rin itanong iyon. Humigpit ang kapit ng katabi ko sa bewang ko. Tumaas ang tingin ko sa mukha ni Tyson. Nagt-tanong ang kanyang mga mata sa akin kung anong nangyayari. Hindi ko siya sinagot at sinenyasan muna na maghintay. Tuloy pa rin sa paghagulgol at pag-iyak si Shaina sa kabilang linya kaya ang pag-aalala ko ay mas lalo lang nadagdagan. "S-Shaina! Sumagot ka. Nasaan ka!" Kuwari'y galit ko nang sabi para magawa kong matukoy kung saan nang-gagaling ang maingay na tugtugin sa kabilang linya. May hinuha na ako sa sarili ko kung saan iyon dahil pamilyar sa akin ang tunog at ingay. Hindi ko lang kino-conclude dahil gusto ko mismo mang-galing kay Shaina kung nasaan siya. Suminghot muna ang kaibigan bago sumagot. "S-Sa Lights. D-Dito sa BGC." Hindi ko maiwasan ang malakas na mapa-singhap ng tama nga ang hinala ko! Ang Lights na tinutukoy niya ay bar!
Kabanata 22Downfall"B-BAKIT mo 'ko pinakasalan Tyson?"Hinawi ko ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko para matitigan ko ng seryoso ang mukha ng lalaking hindi man lang nagbago ang seryoso at namumungay na ekspresyon sa tanong kong iyon. Hindi niya ako sinagot. Tinitigan niya lang ako na para bang inaaral niya ang kabuuan ng mukha ko. Kinunutan ko siya ng noo. Bumuntong hininga siya bago binuka ang bibig. "Why are you asking that?""Dahil kailangan ko ng sagot Tyson. Bakit mo 'ko pinakasalan. Anong motibo mo," mariin ko agad na balik. Nagdilim na ang mukha niya sa pagka-desperada ko.Mabilis niyang pinatay ang maliit na pagitan sa aming dalawa gamit ang mahahaba niyang biyas. Bibaan niya ako ng tingin at mariin na tinitigan. "What's gotten into you? Why are you being like this?" aniya sa mababang boses. Na malakas kong kina-buntong hininga dahil hindi niya nakukuha ang punto ko! Gusto ko lang naman malaman kung bakit niya ako pinakasalan! Anong rason niya! Pilit kong pinakalma
Kabanata 23Resign"H-HUH? Magr-resign ka na beh? Seryoso?!" bulyaw sa mukha ko ni Shaina nang ma-kuwento ko rito ang planong matagal kong pinag-isipin simula ng gabing iyon na niloko siya ni Gerald. Ilang linggo na rin ang nakakaraan.Bumuntong hininga ako at tumungo. "Oo, e.""Hala bakit?! Saka... alam na ba ni Mommy Gai ang tungkol rito?"Hindi ko agad nasagot ang tanong na iyon sa akin ni Shaina. Bigla ko naalala ang reaksyon ni Mommy Gai ng sabihin ko sa kanya ang plano kong ito. Hindi siya galit. Hindi siya malungkot. At mas lalong hindi siya masaya. Dismiyado siya. Ewan ko kung bakit pero ng sabihin ko sa kanya na magr-resign na ako kinagabihan ng masinsinan ko siyang kausapin. Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ako ng tipid at nilayasan na. Napabuntong hininga ako at napa-upo sa bakal na bench dito sa locker room. Tumayo si Shaina sa harapan ko ng naka-pameywang at naghihintay ng sagot sa akin. Uwian na namin at kami na namang dalawang ang naiwan dito katulad ng dati.
Kabanata 24Housewife NANG makauwi kami ng umagang iyon sa mansyon. Hindi matanggal tanggal ang malaking ngiti sa mukha ni Tyson. Hawak niya pa ang isang kamay ko habang nagd-drive. Kaya minsan, napapa-irap na lang ako sa ere at napapangisi rin dahil bakas na bakas talaga sa mukha ng damuho na masaya siya sa naging desisyon ko mag-retiro sa Zeus Club."So... what's your plan now?" pagbubukas ni Tyson ng usapan habang kumakain kami ng agahan ng araw na iyon. Binigyan ko siya ng tingin habang ngumunguya at kunwari pa'y nag-isip ng isasagot. "Hmm... dito lang siguro ako pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng panibagong trabaho?" Pabalang kong sagot.Nagsalubong agad ang dalawa niyang makapal na kilay at saka nagsalita. "You mean you will find another job again?" klaro niya at ang kaninang masaya niyang mukha ay nanumbalik na naman sa pagiging ma-asim. Tipid ko siyang tinunguan bago ibaba ulit ang tingin sa pagkain ko.Iyon ang nabuo kong plano kasama ng ideya kong pagreretiro
Kabanata 25Housewife"B-BAKLA po ako..." pag-amin ni Alfred sa katotohanan na kanina ko pa napansin. Nandito na kami ngayon sa living room. Dito ko siya mas piniling kausapin para mas maging malinaw ang lahat. Umiwas siya ng tingin sa akin at napalunok. Habang ako naman, nakatulala lang sa inosente niyang mukha na kinakain na ngayon ng kapulahan. Mas lalo ko siyang tinitigan. Kung sasamuhin, hindi mo mahahalata sa kanyang gano'n siya. Guwapong bata kasi at tipid ang mga kilos kaya sa, unang tingin, aakalain mo na mahiyain lang. Iyon naman pala—Bumuntong hininga ako para matanggal ang kung ano mang iniisip ko. Lumapit ako lalo sa kanya. Napa-agik siya sa gulat sa ginawa ko pero kahit gano'n, nalapitan at nakapitan ko pa rin ang isang balikat niya. Nginitian ko siya ng malaki para ipakita sa kanyang wala akong disgustong nararamdaman sa pag-amin niya. Sa makatuwid, proud pa nga ako at grateful dahil mas pinili niya ang umamin sa akin. Sanay na rin naman ako makasalamuha ng mga gaya
Kabanata 26Secretary "TYSON, ayaw ko na nga sumama sa 'yo sa kompanya mo! Bakit mo ba ako pinipilit!" giit ko dito sa kuwarto namin ng punto ko kinabukasan ng umaga.Ginising niya pa talaga kasi ako para lang pilitin na sumama ulit sa kanya sa opisina niya. Wala naman akong gagawin doon! Tss! Kumunot ang noo niya. "Wala ka namang gagawin dito sa mansyon, a? Bakit ayaw mo sumama?"Sa tanong niyang iyon. Gusto ko ng humandusay sa kinatatayuan ko. Jusko! Exactly! Sinabi niya na. Wala akong gagawin dito at ganoon din naman sa kompanya niya kaya bakit niya ako pinipilit i-sama?! "Wala rin naman akong gagawin sa kompanya mo, a? Anong sa tingin mo ang gagawin ko do'n? Tutunganga lang buong oras habang nagt-trabaho ka?" Pamaang kong buwelta. Napasimangot ang damuho. Inirapan ko siya sa inis bago padabog na naglakad pabalik sa gilid ng kama para makatulog ulit. Sobrang antok ko pa! Ang aga-aga niya akong ginising. E anong oras na kami natapos kagabi sa kusina dahil puro kami kuwentuhan. T