Kabanata 24Housewife NANG makauwi kami ng umagang iyon sa mansyon. Hindi matanggal tanggal ang malaking ngiti sa mukha ni Tyson. Hawak niya pa ang isang kamay ko habang nagd-drive. Kaya minsan, napapa-irap na lang ako sa ere at napapangisi rin dahil bakas na bakas talaga sa mukha ng damuho na masaya siya sa naging desisyon ko mag-retiro sa Zeus Club."So... what's your plan now?" pagbubukas ni Tyson ng usapan habang kumakain kami ng agahan ng araw na iyon. Binigyan ko siya ng tingin habang ngumunguya at kunwari pa'y nag-isip ng isasagot. "Hmm... dito lang siguro ako pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng panibagong trabaho?" Pabalang kong sagot.Nagsalubong agad ang dalawa niyang makapal na kilay at saka nagsalita. "You mean you will find another job again?" klaro niya at ang kaninang masaya niyang mukha ay nanumbalik na naman sa pagiging ma-asim. Tipid ko siyang tinunguan bago ibaba ulit ang tingin sa pagkain ko.Iyon ang nabuo kong plano kasama ng ideya kong pagreretiro
Kabanata 25Housewife"B-BAKLA po ako..." pag-amin ni Alfred sa katotohanan na kanina ko pa napansin. Nandito na kami ngayon sa living room. Dito ko siya mas piniling kausapin para mas maging malinaw ang lahat. Umiwas siya ng tingin sa akin at napalunok. Habang ako naman, nakatulala lang sa inosente niyang mukha na kinakain na ngayon ng kapulahan. Mas lalo ko siyang tinitigan. Kung sasamuhin, hindi mo mahahalata sa kanyang gano'n siya. Guwapong bata kasi at tipid ang mga kilos kaya sa, unang tingin, aakalain mo na mahiyain lang. Iyon naman pala—Bumuntong hininga ako para matanggal ang kung ano mang iniisip ko. Lumapit ako lalo sa kanya. Napa-agik siya sa gulat sa ginawa ko pero kahit gano'n, nalapitan at nakapitan ko pa rin ang isang balikat niya. Nginitian ko siya ng malaki para ipakita sa kanyang wala akong disgustong nararamdaman sa pag-amin niya. Sa makatuwid, proud pa nga ako at grateful dahil mas pinili niya ang umamin sa akin. Sanay na rin naman ako makasalamuha ng mga gaya
Kabanata 26Secretary "TYSON, ayaw ko na nga sumama sa 'yo sa kompanya mo! Bakit mo ba ako pinipilit!" giit ko dito sa kuwarto namin ng punto ko kinabukasan ng umaga.Ginising niya pa talaga kasi ako para lang pilitin na sumama ulit sa kanya sa opisina niya. Wala naman akong gagawin doon! Tss! Kumunot ang noo niya. "Wala ka namang gagawin dito sa mansyon, a? Bakit ayaw mo sumama?"Sa tanong niyang iyon. Gusto ko ng humandusay sa kinatatayuan ko. Jusko! Exactly! Sinabi niya na. Wala akong gagawin dito at ganoon din naman sa kompanya niya kaya bakit niya ako pinipilit i-sama?! "Wala rin naman akong gagawin sa kompanya mo, a? Anong sa tingin mo ang gagawin ko do'n? Tutunganga lang buong oras habang nagt-trabaho ka?" Pamaang kong buwelta. Napasimangot ang damuho. Inirapan ko siya sa inis bago padabog na naglakad pabalik sa gilid ng kama para makatulog ulit. Sobrang antok ko pa! Ang aga-aga niya akong ginising. E anong oras na kami natapos kagabi sa kusina dahil puro kami kuwentuhan. T
Kabanata 27Secretary"MS. KEISHA sigurado ka ba? Sasama ka sa akin mamalengke?" kinakabahan anas ni Alfred. Nang iniwan na namin ang gawain sa garden para makapag-handa na sa pagpunta sa palengke para bumili ng mga stocks at rekados sa lulutuin namin mamaya para sa damuho. Simple kong tinunguan ang binata. "Oo Alfred, sigurado ako. 'wag ka mag-alala. Namamalengke din naman ako," anas ko na hindi nakapagpa-alis sa pag-aalala ni Alfred sa akin. Kalaunan, bumuntong hininga na lang siya saka tipid na tumungo. "Huwag ka mag-alala, ako bahala kay Tyson kapag nalaman niya 'to," pagbibigay ko pa sa binata ng kapanatagan. Na ikina-iling na lang niya. Wala na kaming sinayang na oras pagkatapos niyon. Lumabas na agad kami sa mansyon. Magk-kotse pa sana kami pero sabi ko kay Alfred, huwag na dahil palengke ang pupuntahan namin at mas maganda kung mag-commute na lang. "Pero Ms. Keisha, malayo pa ang labasan dito. Malayong lakaran pa 'yon," giit sa akin ng lalaki. Na hindi ko na lang binigyan
Kabanata 28New Job"IN MY company Keisha. Be my secretary."Napatulala ako kay Tyson ng lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. Siya naman, nakatitig lang sa akin ng seryoso.Nagpakawala na lang siya ng malakas na buntong hininga ng walang marinig sa aking kahit anong kumento tungkol doon sa sinabi niya pagkaraan ng ilang minuto. "I give you three-days to think about my offer," kusang nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi niya. Para kasing narinig ko na sa kanya ito noon-"After that, you decide whether you'll take it or not. It's up to you," baling niya ulit sa akin ng kanyang purong itim na mga mata na sumisigaw ng awtoridad at kapangyarihang taglay ng mga ito. Napa-iwas na lang ako ng tingin kay Tyson at napalunok ng mariin. S-Secretary? Magiging secretary niya ako sa opisina niya? Puwede ba iyon, e, alam ko, may secretary na siyang lalaki 'di ba? Bakit niya pa ako kinukuha? Hindi kaya- napabaling ulit ang mukha ko sa mukha ng damuhong kumakain na ulit ng tahimik ngayo
Kabanata 29Dominant"D-DALAWANG milyon?! Dalawang milyon ang sahod ko?" kulang na lang lumabas ang litid ko sa sigaw kong iyon sa opisina ni Tyson. Kinabukasan matapos kong sumama sa kanya para mapirmahan ko na ang kontrata sa trabaho. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko at napatitig sa prente lang naka-upong guwapong lalaki sa swivel chair niya. Nagtiim bagang ako. "Niloloko mo ba ako Tyson?!" pagalit kong anas. Hindi naman trabaho ang in-offer niya sa akin! Kahibangan na ito! Dahil sino namang secretary ang may sahod na dalawang milyon? Wala! Ako pa lang kapag tinanggap ko ito na- hinding hindi mangyayari dahil hindi ako papayag sa ganito.Ayaw ko. Hindi patas ito!Hindi ako sinagot ni Tyson. Tinitigan niya lang ako ng napapantastikuhan. Tinaliman ko ang titig ko sa kanya. At doon, napabuntong hininga na siya at napa-ayos ng upo sa swivel chair niya. "Look Keisha..." panimula niya. Humalukipkip ako sa harapan niya at bagot siyang binabaan ng tingin. "That salary can save you from o
Kabanata 30ReunitedNANG araw ding iyon. Pinirmahan ko ang kontratang nagpapatunay na simula bukas, opisyal na akong sekretarya ng isa sa pinaka successful businessman sa Pilipinas. Tyson Clyde Kratts. Pinirmahan ko ang kontratang nilatag ni Tyson sa akin kanina. Ang kontratang nagsasabing, dalawang milyon ang sahod ko kada kinsenas. Dahil sabi niya, ipapa-iba niya na lang ang laman noon sa kanyang abogado kaya iyon na lang ang pirmahan ko.Pumayag naman ako dahil sa isip isip ko, kahit minsan tuso ang damuho mag-laro. May isang salita naman siya bilang lalaki. At iyon ang pinanghahawakan ko ng pirmahan ko ang kontrata.Nag-yaya ako uuwi na pagkatapos niyon. Pero si Tyson. Hindi pumayag. Dahil gusto niya, sabay na lang kami umuwi sa mansyon mamaya. Hindi na lang naman ako nag-protesta o tumutol doon dahil kahit ako... gusto ko rin muna mag-stay sa opisina niya para malaman kung ano ba ang magiging trabaho ko bilang sekretarya niya simula bukas. Pero... hindi ko na natuloy ang plano
Kabanata 31Officemate "K-KEISHA? Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang untag ng lalaking nasa harapan ko. Na aaminin kong, mas lalong gumawapo sa mga nagdaang taong huli ko siyang nakita! Lumawak din lalo ang ngiti ko sa aking pulang labi saka mabilis na tumungo-tungo sa kanya. Kumislap ang kanyang mga mata sa tuwa at kalaunan. Hindi na napigilan ni Zeiv lumapit sa akin at yakapin ako.Tuwang tuwa ko naman siyang niyakap pabalik at napa-halakhak pa ng talagang kinailangan ko pang tumingkayad ma-lebelan ko lang ang lalaki. "Grabe ka Zeiv! Ang laki ng tinangkad mo! Mas matangkad ka na nga sa akin noon. Ngayon, mas tumangkad ka pa lalo!" pabiro kong asik. Na baritonong ikinahalakhak niya. Bumitaw siya sa yakapin namin at tinitigan ulit ako gamit ang kulay chokolate niyang mga mata. Na dati pa lang, ang sarap sarap ng titigan dahil sumisigaw ang mga iyon ng kabaitan ng nagmamay-ari. "Tss! Ikaw nga d'yan, mas lalo kang gumanda! O ano? Kamusta na ang buhay buhay? May boyfriend n