Kabanata 27Secretary"MS. KEISHA sigurado ka ba? Sasama ka sa akin mamalengke?" kinakabahan anas ni Alfred. Nang iniwan na namin ang gawain sa garden para makapag-handa na sa pagpunta sa palengke para bumili ng mga stocks at rekados sa lulutuin namin mamaya para sa damuho. Simple kong tinunguan ang binata. "Oo Alfred, sigurado ako. 'wag ka mag-alala. Namamalengke din naman ako," anas ko na hindi nakapagpa-alis sa pag-aalala ni Alfred sa akin. Kalaunan, bumuntong hininga na lang siya saka tipid na tumungo. "Huwag ka mag-alala, ako bahala kay Tyson kapag nalaman niya 'to," pagbibigay ko pa sa binata ng kapanatagan. Na ikina-iling na lang niya. Wala na kaming sinayang na oras pagkatapos niyon. Lumabas na agad kami sa mansyon. Magk-kotse pa sana kami pero sabi ko kay Alfred, huwag na dahil palengke ang pupuntahan namin at mas maganda kung mag-commute na lang. "Pero Ms. Keisha, malayo pa ang labasan dito. Malayong lakaran pa 'yon," giit sa akin ng lalaki. Na hindi ko na lang binigyan
Kabanata 28New Job"IN MY company Keisha. Be my secretary."Napatulala ako kay Tyson ng lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. Siya naman, nakatitig lang sa akin ng seryoso.Nagpakawala na lang siya ng malakas na buntong hininga ng walang marinig sa aking kahit anong kumento tungkol doon sa sinabi niya pagkaraan ng ilang minuto. "I give you three-days to think about my offer," kusang nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi niya. Para kasing narinig ko na sa kanya ito noon-"After that, you decide whether you'll take it or not. It's up to you," baling niya ulit sa akin ng kanyang purong itim na mga mata na sumisigaw ng awtoridad at kapangyarihang taglay ng mga ito. Napa-iwas na lang ako ng tingin kay Tyson at napalunok ng mariin. S-Secretary? Magiging secretary niya ako sa opisina niya? Puwede ba iyon, e, alam ko, may secretary na siyang lalaki 'di ba? Bakit niya pa ako kinukuha? Hindi kaya- napabaling ulit ang mukha ko sa mukha ng damuhong kumakain na ulit ng tahimik ngayo
Kabanata 29Dominant"D-DALAWANG milyon?! Dalawang milyon ang sahod ko?" kulang na lang lumabas ang litid ko sa sigaw kong iyon sa opisina ni Tyson. Kinabukasan matapos kong sumama sa kanya para mapirmahan ko na ang kontrata sa trabaho. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko at napatitig sa prente lang naka-upong guwapong lalaki sa swivel chair niya. Nagtiim bagang ako. "Niloloko mo ba ako Tyson?!" pagalit kong anas. Hindi naman trabaho ang in-offer niya sa akin! Kahibangan na ito! Dahil sino namang secretary ang may sahod na dalawang milyon? Wala! Ako pa lang kapag tinanggap ko ito na- hinding hindi mangyayari dahil hindi ako papayag sa ganito.Ayaw ko. Hindi patas ito!Hindi ako sinagot ni Tyson. Tinitigan niya lang ako ng napapantastikuhan. Tinaliman ko ang titig ko sa kanya. At doon, napabuntong hininga na siya at napa-ayos ng upo sa swivel chair niya. "Look Keisha..." panimula niya. Humalukipkip ako sa harapan niya at bagot siyang binabaan ng tingin. "That salary can save you from o
Kabanata 30ReunitedNANG araw ding iyon. Pinirmahan ko ang kontratang nagpapatunay na simula bukas, opisyal na akong sekretarya ng isa sa pinaka successful businessman sa Pilipinas. Tyson Clyde Kratts. Pinirmahan ko ang kontratang nilatag ni Tyson sa akin kanina. Ang kontratang nagsasabing, dalawang milyon ang sahod ko kada kinsenas. Dahil sabi niya, ipapa-iba niya na lang ang laman noon sa kanyang abogado kaya iyon na lang ang pirmahan ko.Pumayag naman ako dahil sa isip isip ko, kahit minsan tuso ang damuho mag-laro. May isang salita naman siya bilang lalaki. At iyon ang pinanghahawakan ko ng pirmahan ko ang kontrata.Nag-yaya ako uuwi na pagkatapos niyon. Pero si Tyson. Hindi pumayag. Dahil gusto niya, sabay na lang kami umuwi sa mansyon mamaya. Hindi na lang naman ako nag-protesta o tumutol doon dahil kahit ako... gusto ko rin muna mag-stay sa opisina niya para malaman kung ano ba ang magiging trabaho ko bilang sekretarya niya simula bukas. Pero... hindi ko na natuloy ang plano
Kabanata 31Officemate "K-KEISHA? Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang untag ng lalaking nasa harapan ko. Na aaminin kong, mas lalong gumawapo sa mga nagdaang taong huli ko siyang nakita! Lumawak din lalo ang ngiti ko sa aking pulang labi saka mabilis na tumungo-tungo sa kanya. Kumislap ang kanyang mga mata sa tuwa at kalaunan. Hindi na napigilan ni Zeiv lumapit sa akin at yakapin ako.Tuwang tuwa ko naman siyang niyakap pabalik at napa-halakhak pa ng talagang kinailangan ko pang tumingkayad ma-lebelan ko lang ang lalaki. "Grabe ka Zeiv! Ang laki ng tinangkad mo! Mas matangkad ka na nga sa akin noon. Ngayon, mas tumangkad ka pa lalo!" pabiro kong asik. Na baritonong ikinahalakhak niya. Bumitaw siya sa yakapin namin at tinitigan ulit ako gamit ang kulay chokolate niyang mga mata. Na dati pa lang, ang sarap sarap ng titigan dahil sumisigaw ang mga iyon ng kabaitan ng nagmamay-ari. "Tss! Ikaw nga d'yan, mas lalo kang gumanda! O ano? Kamusta na ang buhay buhay? May boyfriend n
Kabanata 32Doubt"HERE'S the full files I needed to review. Summarize all of it and I need you to pass it to me today too," bagsak ni Tyson sa lamesa niya ng ga-bundok na mga papeles na halos tangkaran na ng ulo niya sa sobrang dami. Kararating ko lang ngayon sa opisina niya dahil pinatawag niya nga ako. At pagkapunta na pagkapunta ko pa lang sa harapan ng table niya. Iyon agad ang pinang-bungad niya sa akin.Napa-kurap kurap pa ako at saka lumunok. "L-Lahat talaga ng mga papeles na ito ang t-trabaho ko ngayong araw Tyson?" kahit hindi ko gustuhin lumabas na para bang nagr-reklamo ako sa damuho, dahil boss ko siya, wala na akong nagawa ng kusang lumabas iyon sa bibig ko. Ang dami kasi talaga! A-At mukhang imposible ang pinapagawa niya. Hindi ko kaya itong tapusin ngayong araw sa isang upuan lang!Tumaas ang isang kilay ng damuho sa akin. "Do you have a problem with that Ms. Keisha?" tanong niya pa na para bang nangangasar. Tumiim ang bagang ko roon. Dahil parang alam ko na ang gina
Kabanata 33GirlHINDI talaga ako nakapagsalita o naka-imik man lang sa tanong ni Mr. Reyes sa sobrang gulat ko. Nakatitig lang ako sa kanya sa buong oras na iyon. Tumawa na lang siya at umiling. "Sorry Ms. Keisha, nagulat ata kita sa tanong ko. Hindi ko dapat iyon tinatanong sa 'yo dahil personal na bagay iyon. Pero... nak-curious lang talaga ako. Ikaw lang kasi ang babaeng dinala dito sa kompanya ni Mr. Kratts bukod kay Ms. -""Keisha!" hindi na natapos ni Mr. Reyes ang gusto niyang sabihin sa akin ng may pamilyar na boses ng lalaki ang tumawag mula sa likuran namin.Hindi ko iyon nagawang mabalingan dahil parang cctv lang nakatutok ang mata ko kay Mr. Reyes. Maiging naghihintay kung sino ang tinutukoy niyang unang babae maliban sa akin na dinadala dito ni Tyson. Dahil meron sa loob loob kong sumisigaw na dapat ko siyang makilala dahil siya ang bubuo sa palaisipang dati pa bumabagabag sa sarili ko. Kaso nga lang, hindi ko na nagawa pang tanungin si Mr. Reyes na ituloy ang sinasabi
Kabanata 34JelousyHINDI na umalis sa isip ko ang babaeng tinutukoy ni Mr. Reyes na dinadala ni Tyson dito sa opisina niya pati na rin ang babae sa litratong nakita ko noong naglilinis ako sa library. Malakas kasi talaga ang pakiramdam ko na ang tinutukoy talaga ni Mr. Reyes pati ang babae sa litratong nakita ko ay iisa lang sa buhay ni Tyson. At kapag naiisip ko iyon. Parang may malaking kamay na pumipiga sa puso ko. Ang lalamunin ko rin ay tila parang may malaking tipak ng bato sa kalagitnaan dahil nahihirapan ako lumunok sa hindi ko alam na dahilan. Huminga ako ng malalim saka umiling. Bumalik na lang ako sa naudlot kong trabaho. Hindi ko na ni-reply-yan pa ang text sa akin ni Tyson dahil ang saya at kilig na naramdaman ko kanina sa mensahe niya ay unti unting nilamon ng kakaibang pait na kumakalat na ngayon sa buong sistema ko dahil sa babaeng konektado sa buhay niya. Natapos ang lunch break at nagsibalikan na ulit ang mga tao sa HR. Minuto rin silang nag-kuwentuhan bago tuluy