Kabanata 22Downfall"B-BAKIT mo 'ko pinakasalan Tyson?"Hinawi ko ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko para matitigan ko ng seryoso ang mukha ng lalaking hindi man lang nagbago ang seryoso at namumungay na ekspresyon sa tanong kong iyon. Hindi niya ako sinagot. Tinitigan niya lang ako na para bang inaaral niya ang kabuuan ng mukha ko. Kinunutan ko siya ng noo. Bumuntong hininga siya bago binuka ang bibig. "Why are you asking that?""Dahil kailangan ko ng sagot Tyson. Bakit mo 'ko pinakasalan. Anong motibo mo," mariin ko agad na balik. Nagdilim na ang mukha niya sa pagka-desperada ko.Mabilis niyang pinatay ang maliit na pagitan sa aming dalawa gamit ang mahahaba niyang biyas. Bibaan niya ako ng tingin at mariin na tinitigan. "What's gotten into you? Why are you being like this?" aniya sa mababang boses. Na malakas kong kina-buntong hininga dahil hindi niya nakukuha ang punto ko! Gusto ko lang naman malaman kung bakit niya ako pinakasalan! Anong rason niya! Pilit kong pinakalma
Kabanata 23Resign"H-HUH? Magr-resign ka na beh? Seryoso?!" bulyaw sa mukha ko ni Shaina nang ma-kuwento ko rito ang planong matagal kong pinag-isipin simula ng gabing iyon na niloko siya ni Gerald. Ilang linggo na rin ang nakakaraan.Bumuntong hininga ako at tumungo. "Oo, e.""Hala bakit?! Saka... alam na ba ni Mommy Gai ang tungkol rito?"Hindi ko agad nasagot ang tanong na iyon sa akin ni Shaina. Bigla ko naalala ang reaksyon ni Mommy Gai ng sabihin ko sa kanya ang plano kong ito. Hindi siya galit. Hindi siya malungkot. At mas lalong hindi siya masaya. Dismiyado siya. Ewan ko kung bakit pero ng sabihin ko sa kanya na magr-resign na ako kinagabihan ng masinsinan ko siyang kausapin. Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ako ng tipid at nilayasan na. Napabuntong hininga ako at napa-upo sa bakal na bench dito sa locker room. Tumayo si Shaina sa harapan ko ng naka-pameywang at naghihintay ng sagot sa akin. Uwian na namin at kami na namang dalawang ang naiwan dito katulad ng dati.
Kabanata 24Housewife NANG makauwi kami ng umagang iyon sa mansyon. Hindi matanggal tanggal ang malaking ngiti sa mukha ni Tyson. Hawak niya pa ang isang kamay ko habang nagd-drive. Kaya minsan, napapa-irap na lang ako sa ere at napapangisi rin dahil bakas na bakas talaga sa mukha ng damuho na masaya siya sa naging desisyon ko mag-retiro sa Zeus Club."So... what's your plan now?" pagbubukas ni Tyson ng usapan habang kumakain kami ng agahan ng araw na iyon. Binigyan ko siya ng tingin habang ngumunguya at kunwari pa'y nag-isip ng isasagot. "Hmm... dito lang siguro ako pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng panibagong trabaho?" Pabalang kong sagot.Nagsalubong agad ang dalawa niyang makapal na kilay at saka nagsalita. "You mean you will find another job again?" klaro niya at ang kaninang masaya niyang mukha ay nanumbalik na naman sa pagiging ma-asim. Tipid ko siyang tinunguan bago ibaba ulit ang tingin sa pagkain ko.Iyon ang nabuo kong plano kasama ng ideya kong pagreretiro
Kabanata 25Housewife"B-BAKLA po ako..." pag-amin ni Alfred sa katotohanan na kanina ko pa napansin. Nandito na kami ngayon sa living room. Dito ko siya mas piniling kausapin para mas maging malinaw ang lahat. Umiwas siya ng tingin sa akin at napalunok. Habang ako naman, nakatulala lang sa inosente niyang mukha na kinakain na ngayon ng kapulahan. Mas lalo ko siyang tinitigan. Kung sasamuhin, hindi mo mahahalata sa kanyang gano'n siya. Guwapong bata kasi at tipid ang mga kilos kaya sa, unang tingin, aakalain mo na mahiyain lang. Iyon naman pala—Bumuntong hininga ako para matanggal ang kung ano mang iniisip ko. Lumapit ako lalo sa kanya. Napa-agik siya sa gulat sa ginawa ko pero kahit gano'n, nalapitan at nakapitan ko pa rin ang isang balikat niya. Nginitian ko siya ng malaki para ipakita sa kanyang wala akong disgustong nararamdaman sa pag-amin niya. Sa makatuwid, proud pa nga ako at grateful dahil mas pinili niya ang umamin sa akin. Sanay na rin naman ako makasalamuha ng mga gaya
Kabanata 26Secretary "TYSON, ayaw ko na nga sumama sa 'yo sa kompanya mo! Bakit mo ba ako pinipilit!" giit ko dito sa kuwarto namin ng punto ko kinabukasan ng umaga.Ginising niya pa talaga kasi ako para lang pilitin na sumama ulit sa kanya sa opisina niya. Wala naman akong gagawin doon! Tss! Kumunot ang noo niya. "Wala ka namang gagawin dito sa mansyon, a? Bakit ayaw mo sumama?"Sa tanong niyang iyon. Gusto ko ng humandusay sa kinatatayuan ko. Jusko! Exactly! Sinabi niya na. Wala akong gagawin dito at ganoon din naman sa kompanya niya kaya bakit niya ako pinipilit i-sama?! "Wala rin naman akong gagawin sa kompanya mo, a? Anong sa tingin mo ang gagawin ko do'n? Tutunganga lang buong oras habang nagt-trabaho ka?" Pamaang kong buwelta. Napasimangot ang damuho. Inirapan ko siya sa inis bago padabog na naglakad pabalik sa gilid ng kama para makatulog ulit. Sobrang antok ko pa! Ang aga-aga niya akong ginising. E anong oras na kami natapos kagabi sa kusina dahil puro kami kuwentuhan. T
Kabanata 27Secretary"MS. KEISHA sigurado ka ba? Sasama ka sa akin mamalengke?" kinakabahan anas ni Alfred. Nang iniwan na namin ang gawain sa garden para makapag-handa na sa pagpunta sa palengke para bumili ng mga stocks at rekados sa lulutuin namin mamaya para sa damuho. Simple kong tinunguan ang binata. "Oo Alfred, sigurado ako. 'wag ka mag-alala. Namamalengke din naman ako," anas ko na hindi nakapagpa-alis sa pag-aalala ni Alfred sa akin. Kalaunan, bumuntong hininga na lang siya saka tipid na tumungo. "Huwag ka mag-alala, ako bahala kay Tyson kapag nalaman niya 'to," pagbibigay ko pa sa binata ng kapanatagan. Na ikina-iling na lang niya. Wala na kaming sinayang na oras pagkatapos niyon. Lumabas na agad kami sa mansyon. Magk-kotse pa sana kami pero sabi ko kay Alfred, huwag na dahil palengke ang pupuntahan namin at mas maganda kung mag-commute na lang. "Pero Ms. Keisha, malayo pa ang labasan dito. Malayong lakaran pa 'yon," giit sa akin ng lalaki. Na hindi ko na lang binigyan
Kabanata 28New Job"IN MY company Keisha. Be my secretary."Napatulala ako kay Tyson ng lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. Siya naman, nakatitig lang sa akin ng seryoso.Nagpakawala na lang siya ng malakas na buntong hininga ng walang marinig sa aking kahit anong kumento tungkol doon sa sinabi niya pagkaraan ng ilang minuto. "I give you three-days to think about my offer," kusang nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi niya. Para kasing narinig ko na sa kanya ito noon-"After that, you decide whether you'll take it or not. It's up to you," baling niya ulit sa akin ng kanyang purong itim na mga mata na sumisigaw ng awtoridad at kapangyarihang taglay ng mga ito. Napa-iwas na lang ako ng tingin kay Tyson at napalunok ng mariin. S-Secretary? Magiging secretary niya ako sa opisina niya? Puwede ba iyon, e, alam ko, may secretary na siyang lalaki 'di ba? Bakit niya pa ako kinukuha? Hindi kaya- napabaling ulit ang mukha ko sa mukha ng damuhong kumakain na ulit ng tahimik ngayo
Kabanata 29Dominant"D-DALAWANG milyon?! Dalawang milyon ang sahod ko?" kulang na lang lumabas ang litid ko sa sigaw kong iyon sa opisina ni Tyson. Kinabukasan matapos kong sumama sa kanya para mapirmahan ko na ang kontrata sa trabaho. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko at napatitig sa prente lang naka-upong guwapong lalaki sa swivel chair niya. Nagtiim bagang ako. "Niloloko mo ba ako Tyson?!" pagalit kong anas. Hindi naman trabaho ang in-offer niya sa akin! Kahibangan na ito! Dahil sino namang secretary ang may sahod na dalawang milyon? Wala! Ako pa lang kapag tinanggap ko ito na- hinding hindi mangyayari dahil hindi ako papayag sa ganito.Ayaw ko. Hindi patas ito!Hindi ako sinagot ni Tyson. Tinitigan niya lang ako ng napapantastikuhan. Tinaliman ko ang titig ko sa kanya. At doon, napabuntong hininga na siya at napa-ayos ng upo sa swivel chair niya. "Look Keisha..." panimula niya. Humalukipkip ako sa harapan niya at bagot siyang binabaan ng tingin. "That salary can save you from o