Kabanata 7
Mr & Mrs Kratts"Oo, pumapayag na ako. Pumapayag na akong magpakasal at maging asawa mo."Nag-pintig ang dalawang tainga ni Mr. Kratts ng marinig niya iyon mula sa akin. Samantalang ang puso ko, parang hinahabol na ng isang libong kabayo sa kaloob-looban ko dahil sa sobrang bilis ng pag-tibok nito. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya ng hindi ako makarinig agad nang sagot. Matamang nakatulala lang siya sa akin kanina pa at naiilang na ako sa mga tingin niya. "C-Can you say it again?" anya. Hindi makapaniwala. Bumuntong hininga ako bago seryosong balikan siya ng tingin. "Oo Mr. Kratts, pumapayag na ako sa alok mo. Wala naman akong ibang pagpipilian 'di ba?" sarkastiko ko pang sabi. Siya naman ang umiwas ng tingin at lumunok. Marahas niyang niluwagan ang necktie sa leeg bago bumaling ulit sa akin ng malamig. "G-Good." maikli niyang sabi. At sa isang iglap, nagbalik muli sa katauhan niya ang malamig at supladong Mr. Kratts na kinagagalitan ko ng malaki. Magsasalita na sana ako kaso-"W-Woi! Saan tayo pupunta!" Malakas kong sigaw ng bigla na lang hulihin ng damuhong 'to ang palapulsuhan ko at agad akong hinatak palabas ng Zeus Club. Bumulusok ang matinding kaba sa sistema ko dahil baka kung saan niya ako dalhin, at ang mas masama pa, baka may gawin siya sa aking kakaiba! "M-Mr. Kratts ano ba! Saglit! S-Saan ba tayo pupunta?!" Galit at may halong pagkataranta ko ng sigaw ng tuluyan na kaming makalabas ng Club ng damuhong 'to!Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa palapulsuhan ko ng tangkain kong bawiin iyon. Napa-d***g ako sa riin ng kapit niya at halos kumbulsyunin na ako sa sobrang nerbyos ng biglang sumalpak sa isip ko ang mga puwedeng masasamang gawin ng lalaking ito sa akin kapag nadala niya ako sa lugar na gusto niya!"M-Mr. Kratts! B-Bitawan mo 'ko! Ahh! Tulong! Tulungan niyo 'ko!" histerikal ko ng sigaw ng makapunta na kami sa walang katao-taong parking lot. Nakalapit na rin kami sa isang mamahaling kotse na siguro, pagmamay-ari niya. Kunot noo at naririndi niya akong binalingan ng tingin, tila, siya pa ang galit ngayon sa sitwasyon na ako dapat ang mas nakakaramdam no'n!Talagang... kakaiba talaga ang sapak ng lalaking ito sa utak! "Get in the fucking car, Keisha," may awtoridad niyang sambit gamit ang baritono niyang boses bago isang kamay na buksan ang pintuan ng sasakyan. Ipipilit niya sana akong isakay sa loob kaso mabilis kong ginawang hamba ang isang kamay ko sa kotse niya para hindi niya tuluyang magawa ang gusto niya."Ayaw ko! Hindi ako sasama sa 'yo!" Galit ko ring asik at sa puntong iyon. Nilabanan ko ang nakakatakot niyang mga titig sa akin kahit sa loob-loob ko, nanginginig na ako sa takot. Mas lalong dumilim ang mukha niya. At ang makapal niyang kilay, nagdikit na. Huminga siya ng malalim bago ulit ako kunot noong tinitigan. "Get in Keisha, 'wag mong sagarin ang pasensya ko."Kusang nalaglag ang panga ko sa narinig mula sa Damuhong ito. Tuluyan ng nawala ang natitirang takot at kaduwagan sa sistema ko para sa kanya. Taas noo ko siyang hinarap at sinigawan. "Hindi ako sasama hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung saan mo 'ko dadalhin!"Sa ginawa ko. Tuluyan ko na ring napigtas ang pasensya niya. Binitiwan niya ang palapulsuhan kong hindi ko na maramdaman at alam kong pulang-pula na rin iyon dahil sa diin ng pagkakapit niya. Napapikit siya ng mariin at napa-hilamos ng mukha. Niluwagan niya ulit ang suot-suot niyang necktie at dahil doon. Kahit hindi ko man sinasadyang idako ang paningin ko sa litaw ng balat ng maskulado niyang dibdib. Kusa akong napatitig doon at wala sa sariling napalunok ng mariin. Iritado siyang pumeywang sa harap ko bago ako madilim na titigan. "Can you please stop fucking shouting at my face woman?!"Wala ako sa sariling napatingala sa mukha niyang may namumuong sama ng panahon. Hindi ko siya nasagot dahil kusa ulit bumaba ang tingin ko sa dibdib niyang nasisilip ko na pataas sa depinado niyang collar-bone pataas sa leeg niyang bakat na bakat ang matulis niyang adams apple. Kinurap kurap ko ang mata ko para matigil ito sa pagtanaw sa tanawing pag-aari ng lalaking kaharap ko. Dahil baka mamaya, kung ano-ano ang iniisip ng damuhong ito sa kaibuturan ng isip niya sa ginagawa ko! E-E... tinititigan ko lang naman! Argh! Keisha! Ano bang rason 'yon?! Natitimang ka na ba?! Kunwaring galit ko ulit tinaas ang tingin ko sa mukha niyang mas lalong nangunot habang nakatitig sa akin na tila isa akong mahirap na unsolved puzzle sa kanya. M-Malamang. Huling-huli niya ang paninitig ko sa dibdib niya! Kainis! "E... saan mo ba kasi ako dadalhin?! P-Para hindi na ako sumisigaw?!" sagot ko rin sa wakas. Na nagpabalik kay Mr. Kratts sa matinong wisyo. Umiling siya bago malakas na bumuntong hininga at hinilamos ang mukha.Napapantastikuhan ko naman siyang pinanood gawin iyon. At kahit sobrang laki ng galit ko sa lalaking ito dahil sa pinagagawa niya sa buhay ko, hindi ko pa rin maipagkakaila na mas lalo siyang guma-guwapo kapag mas lalo siyang nagagalit. "We are going to get married ok?!" Badtrip niyang sigaw. Na hindi ko agad nakuha dahil sa iniisip. Pero nang tuluyang pumasok sa tainga ko ang panghuli niyang sinabi--tigalgal ko siyang tinitigan na bagsak ang panga!"A-Ano?!" Sigaw ko na naman na ikinapikit niya na naman ng mariin!"Will you freaking stop shouting Keisha Valentine?!" Sigaw niya pabalik at naglabasan na talaga ang ugat sa leeg niya sa sobrang iritasyon. Napalunok ako ng mariin at kusang tumiklop."A-Ano kasi 'yong sinabi mo..." mahina ko na lang na anas sa takot.Napapikit ako ng mariin sa isip-isip ko dahil kanina, akala ko, kaya ko na siyang harapin ng taas noo sa taas noo pero maling-mali pala ako dahil kahit mas gumagawapo siya kapag mas nagagalit. Mas nakakatakot rin naman siya maging. Suminghap siya bago ako irapan. Napanguso na lang ako. "You heard it right," malamig niyang paninimula. "We are going to get married today whether you like it or not," puno ng pinalidad at kapangyarihan ang boses niyang iyon kaya wala na lang akong ibang nagawa kung hindi titigan ang mukha niyang madilim lang nakatuon sa akin. At sa pangalawang pagkakataon, bumuhos na naman ang matinding lungkot at awa ko para sa sarili ko. Dahil ang kaisa-isa kong pangarap sa buhay ko, kasunod ng pangarap ko na sana makapag-tapos ako ng pag-aaral — Ang pagpapakasal sa taong mahal ko. Mukhang hindi ko na rin magagawa dahil kukunin na rin pati iyon ng lalaking kaharap ko na halatang-halata sa malamig niya pa lang na mga mata na, ang pagpapakasal, isang walang kuwentang bagay lang sa kanya. Gusto ko mang maiyak, hindi ko magawa. Ayaw ng matapang na ako sa sistema ko umiyak ako sa harap ng damuhong ito dahil ayaw nun ipakita sa kanya na isa ang pagpapakasal sa pinaka-pinapahalagahan ko bilang isang babae. Umiwas ako ng tingin at palihim na malalim na huminga para makontrol ang mga emosyon ko."Get in," tipid na sambit ni Mr. Kratts. Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya.Pero ngayon, malamig ko na siyang tinitigan bago tumungo at kusa nang pumasok sa luksuryong sasakyan niya.Sinarado niya agad ang pintuan ko bago takbo-lakad siyang umikot papunta sa driver seat. Pinainit niya agad ang makina pagpasok. Bumaling siya sa gawi ko. Pinasadahan ko rin siya ng tingin at pinag-taasan ng kilay."Y-Your seatbelt," sabay iwas niya ng tingin.Bumuntong hininga ako bago kunin ang seatbelt ko at kinalag ito sa may bewang ko. Wala namang sinayang na oras si Mr. Kratts at agad nang minani-obra ang sinasakyan namin.Tahimik lang ako sa buong byahe habang pinagmamasdan sa bintanang katabi ko ang mga naglalakihang establisyementong nalalagpasan namin.Hinuha ko, alasingko-y-medya pa lang ng umaga dahil madilim pa talaga at hindi pa gaano ka-traffic. Mabilis rin magpatakbo si Mr. Kratts kaya hindi rin ganoon katagalan ang naging byahe namin at nakarating na rin kami sa isang Law Firm. Ako na ang unang bumaba sa sasakyan niya ng maiparada niya na ito sa parking lot. Mabilis rin naman siyang sumunod at taka ko siyang pinagmasdan ng lumapit siya sa akin dahil nakakunot na naman ang noo niya at dikit na dikit na naman ang makapal niyang kilay. Para bang, may ginawa na naman akong masama na ikinaiirita niya. "A-Ano na naman?" pilit kong pinatapang ang boses ko ng nasa harapan ko na siya. Pinagulong niya lang ang dalawang mata niya sa ere bago hagurin ng tingin ang buong katawan ko. Napamulahan agad ako ng pisnge ng mapagtantong, hindi pala ako nakapag-palit ng matinong damit ko dahil bago pa ako makapunta sa locker room kanina, nakasalubong ko na sa hallway ang damuhong nasa harap ko ngayon at wala man lang pasubling hinatak ako paalis! Nakaramdam ako ng matinding hiya kay Mr. Kratts ng magtagal ang tingin niya sa katawan ko. Napatungo na lang ako. "Tss," iritado niyang singhal bago ako talikuran. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya para sa sarili ko dahil baka iiwan niya na ako rito ng nakaganito lang. Susunod na sana ako sa kanya para hindi maiwan ng bigla kong marinig ang pagbukas ulit ng pintuan ng kotse niya. Kusang tumaas ang mukha ko sa gawi ni Mr. Kratts at hindi ko naiwasan hindi magulat ng makita siyang may inaabot sa back-seat niya na kung ano.At nang makuha niya na ang bagay na gusto niyang kuhanin, sinarado niya ang pinto at doon ko lang tuluyang nakita kung ano ang inaabot niya. S-Suit? Susuutin niya siguro para mas maging pormal pa siya tignan? Malama—Hindi ko na natapos ang iniisip ko ng mabilis ulit lumapit sa akin ang bugnuting damuho at walang pasubling sinuot sa balikat ko patalikod ang suit niya. Gulat na gulat akong napatingala sa kanya. Hindi ko talaga kasi inaasahan ang gagawin niyang iyon dahil akala ko talaga— wala siyang pakialam sa akin. "Tss, let's go," suplado niyang sabad sa pagkatulala ko sa kanya bago ako talikuran at nauna nang lumakad papunta sa elevator.Aligaga naman akong sumunod sa likuran niya habang nakatulala pa rin sa hangin dahil sa ginawa niya. Kusa akong napakapit ng mariin sa tela ng suit niya ng nasa elevator na kaming dalawa. Totoo bang ipinahiram niya sa akin ang suit niya dahil sa suot kong halos kulang na lang mag-hubad ako para ipakita ang katawan ko? O-Oh... panaginip lang 'to? Hindi kaya panaginip lang talaga lahat ng 'to? Dahil sa pagkakakilala ko sa katulad niyang lalaki... hinding hindi niya gagawin ang ganoong bagay dahil wala siyang puso.Datapwat, Keisha. Totoo ito. Hindi ka nananaginip. Totoong ginawa niya sa 'yo iyon. Matagal akong napatitig sa malapad na likod ni Mr. Kratts dahil hindi ko talaga maunawaan kung bakit bigla na lang siya nagpakita ng malasakit sa akin. Hindi rin naman nag-tagal iyon ng huminto na rin ang elevator sa pinaka-r***k ng building. Sumunod ako sa paglabas niya. At pagkalabas pa lang namin, pumasok agad kami sa pinaka-malaking opisina sa floor na iyon kung saan ko naabutan ang isang lalaking kasing katawan lang ni Mr. Tyson na nag-aayos ng mga papel.May salamin sa mata, naka suot ng white long sleeves na nakatiklop hanggang siko kaya kita ang tattoo niya sa isang braso. Guwapo rin ito kahit mukhang masungit at sa istraktura ng katawan. Halatang agresibo din ito mag-gym. Tinigil niya ang pag-aayos sa mga papel na nasa table niya bago kami angatan ng tingin ng kasama kong nasa unahan ko. Saglit niya lang pinagmasdan si Mr. Kratts bago pumasada ang chokolate niyang mga mata sa mukha ko. Matagal niya ako tinitigan bago unti-unting ibinaba ang tingin sa katawan ko.Nakaramdam ako ng pagka-ilang doon at uusod na sana ako sa likod ni Mr. Kratts para matakpan niya ako ng sa gulat ko, siya na ang kusang pumunta sa harap ko para maharangan ako. "Do you want to be blind a judge for the rest of your life Hades? I'm willing to do that," sabi ni Mr. Tyson Clyde Kratts doon sa lalaki na narinig ko lang tumawa ng pagak. "What did I do bruh?" nagmamaang maangan pa siya. "Tss, fuck off already and let's get this done once and for all," Iritadong iling na lang niya bago lumapit sa gawi noong lalaki. Sumunod ako sa kanya at nang magkatinginan ulit kami ni Mr. Hades, kumurba na naman ang isang pilyong ngisi sa pula niyang labi. "You're really beautiful up-close, damn it," mapanuksong sabad niya ng nasa harap niya na ako. Nagkagat labi pa siya kaya napa-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko! "Hades!" Iritado na talagang sigaw ni Mr. Kratts. Humalakhak siya. "Ok, ok! Chill man, ok? Hindi na. Hindi na. Suko na ako. Aayos na ako," Pasa-ere niya pa ng dalawang kamay.Hindi na siya sinagot ni Mr. Kratts at tinitigan lang siya ng madilim. Tumawa ulit siya bago umiling-umiling bago kuhanin ang nakahandang mga papeles sa gilid ng table niya. "Here Ty and Ms. Keisha, fill up this contract so we can all call this a day. Damn, puyat na puyat ako kaka-antay sa inyo kanina pa. Akala ko, gin-host mo na ako Ty, e," lapag niya ng dalawang papeles sa harap namin ni Mr. Kratts bago umiling-iling. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa at napakunot ang noo. Naguguluhan. Dahil sa parang inaasta nila, kilalang-kilala nila ang isa't-isa. "We are bestfriends if you are wondering," kausap sa akin ni Mr. Hades kaya napabaling ako sa kanya. "No we are not, we just know each others," pagk-klaro naman ni Mr. Kratts habang mabilis na pinipirmahan ang kontratang nasa harapan niya. Umungol na lang si Hades sa iritasyon at napa-irap sa ere. "Yeah right Mr. Tyson Clyde Kratts, whatever you say."Hindi ko na lang muna pinagtuunan ng pansin ang relasyon ng dalawa sa isa't-isa dahil halata namang may koneksyon sila. Ang ginawa ko na lang, pinirmahan ko na lang din ang nasa harap kong kontrata kahit mayroon pa rin sa aking tumututol sa pinapasok kong ito."Ok, le' me check," ani Mr. Hades bago kunin sa harapan namin ang mga papel ng pareho na naming mapirmahan iyon ni Mr. Kratts. Kunot noo siya habang nililipat ang bawat pahina ng papel. At nang makasigurado siyang lahat ng kailangan pirmahan ay napirmahan na, tumu-tungo siya bago kami harapin. "Ok now, Ms. Keisha Valentine and Mr. Tyson Clyde Kratts. By the authority vested upon me by the law, I, Hades Jhin Crook, now here by proclaiming this two contract you both signed in as a evidence of both parties approval and consent to announce you both, Husband and wife. Mr. Tyson Clyde Kratts," ngumising aso muna si Mr. Hades sa kaibigan bago ituloy ang sinasabi."You can now kiss your wife," dugtong niya.Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. Mabilis nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawang may sapak na lalaking ito bago napalunok ng mariin! Dahil buong akala ko, pipirma lang ako ng kontrata, iyon na. Ayos na. At hindi kasama ang bagay… "W-Wait lang, hindi ata kasama 'to sa—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng mabilis na hulihin ni Mr. Kratts ang batok ko at buong puwersa niyang pinagsalpok ang mga labi namin sa isa't-isa. Nanigas ang buong katawan ko sa sobrang gulat.Salubong ang kilay niyang naka-pikit ng mariin habang ako sa kabilang dako, mulat na mulat.Sakto pang kasabay ng pagsikat ng araw ang paghahalikan namin ni Mr. Kratts kaya sumisinag sa mukha naming dalawa ang liwanag galing sa bintana ng opisinang kinalalagyan namin. Itutuloy...Kabanata 8Live in"CONGRATULATIONS, Mr and Mrs. Cratts." Marami pang sinabi sa aming dalawa ng Damuho si Mr. Hades pero ang panghuling sinabi niya lang na iyon ang pumasok sa tainga ko. Literal talaga kasing lumutang ang isip ko matapos ako halikan ni Mr. Kratts na seryoso lang nakikinig kanina sa sinasabi ni Mr. Hades, na para bang wala siyang ginawang kahindik-hindik sa harap mismo ng ibang tao!Mas lalong nangamatis ang pisnge ko ng maalala ko ulit iyon. Nasa kotse na ulit kami ni Mr. Kratts. Tinatahak ang pabalik ng Zeus Club. Buti na lang, nakatagilid ako sa kanya, kaharap ang salamin ng sasakyan, kaya hindi niya kita kung gaano na nagh-hurumintado ang mukha ko ngayon. Kanina pa rin kami tahimik na dalawa. Ako, walang lakas kausapin siya pagkatapos niya ako halikan sa harap ng ibang tao. Habang siya, ewan ko. Hindi ko alam ang rason ng pananahimik niya.Kanina pa siya parang may malalim na iniisip. Pansin ko iyon ng pababa na kami ng parking lot. Ipinagkibit ko lang dahil bak
Kabanata 9Sugar DaddyNANG makapag-palit na ako ng damit sa locker room. Sumakay na agad ako ng jeep pauwi ng lutang. Iniisip ko pa rin kasi kung paano su-solusyunan ang gulong pinasok. Sumasakit na ang ulo ko sa kanina pang pag-iisip ng magandang plano. Pero wala talaga. Wala akong maisip na alternatibong paraan para matakasan ang Damuhong iyon. May kontrata akong pinirmahan. At naiinis pa rin ako sa sarili ko hanggang ngayon dahil ang tanga ko lang talaga para pirmahan iyon ng hindi man lang binabasa ng maiige ang mga nakasulat!Kung wala lang ako sa jeep ngayon. Baka sinabunutan ko na ang sarili ko hanggang sa makalbo ako sa sobrang prustrasyon. "Naka-uwi na po ako," walang buhay kong bati pagkapasok ko pa lang ng bahay. Hindi na ako pumuntang kusina, pakiramdam ko, sa dami ng nangyari ngayong araw. Nawalan na ako ng ganang kumain kahit nakakaramdam naman ako ng gutom. Umakyat na lang ako sa kuwarto ko. Tinigil ko muna ang pag-iisip ng solusyon para naman pati ang utak ko makap
Kabanata 10Quarrel PAGKATAPOS niya ako sigawan. Hindi ko na siya sinagot pa. Pinilig ko na lang ang ulo ko paharap sa salamin para maitago ang pagh-hurumintadong dalawang pisnge ko dahil sa sinabi niya!Nagm-mukhang sugar daddy ko siya?! Seryoso ba siya, e, ang bata-bata niya pa naman para maging gano'n ko! Saka... dapat nga mas matuwa pa siya na hindi ko ipinagkakalat na asawa ko ang isang katulad niya e!Napabuntong hininga ako at napa-iling ng tamaan na naman ng insikyuradidad. Wala ng nagsalita sa amin pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nag-pokus na lang ako sa panonood sa bintana ng mga nalalagpasan naming naglalakihang mga establisyemento. Minsan, patago kong binabalikan ng tingin ang gawi ni Mr. Kratts na busy sa pagd-drive. Kapag nahuhuli niya ang tingin ko, binaba-sangutan niya ako at iniirapan. Galit pa rin at parang batang nagm-maktol. Hindi ko na lang iyon pinansin at hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa buong byahe namin."We're here," ang mahinang boses na iyon
Kabanata 11Set upPAGKATAPOS ko maghugas. Umalis na agad ako sa kusina at tinungo kung nasaan ang grand staircase. Tulala at malalim ang iniisip dahil doon sa sinabi ni Mr. Kratt- Tyson. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang taong hindi mo naman literal na kilala, na pinakasalan mo pa kahapon lang, sasabihin sa mukha mong isang kuwarto na lang kayo ng tutulugan simula ngayon 'di ba?! Napa-iling ako sa naisip. Mas lalong lumutang ang utak ko at ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng matinding nerbyos. Buti na lang, malaki talaga itong mansyon ni Tyson kaya nagagawa kong mag-isip ng kung ano-ano papunta sa pangalawang palapag. Pero nang nasa grand staircase na ako, na red carpeted pa, mas lalong lumala ang nararamdaman kong nerbyos at kaba sa dibdib ko. Bawat pag-apak ko paitaas. Pakiramdam ko, kawawala na ang puso ko sa dibdib ko at ito na ang kusang tatakbo paalis sa mansyon na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako matakot sa magiging set-up namin s
Kabanata 12SomethingMADALI kong tinapos ang pagkaing hinanda sa akin ni Tyson. Mal-late na talaga kasi ako at kung makatingin pa siya sa akin. Sobrang talim. Akala mo, kakainin ako ng buhay.Nilunok ko ang huling pagkain sa bunganga ko bago siya taasan ng tingin, "A-Ah, mauuna ako-""No. I'll drive you," mariin niyang ani. Lumunok ako ng mariin saka umiling."H-Hindi na, kaya ko naman mag-abang ng taxi sa labas."Mas lalong dumilim ang mukha niya. "This is an exclusive subdivision, Keisha. Walang nag-gagalang taxi rito. Sa labas pa ng gate ng subdivision-""Edi do'n na lang ako maga-abang. Lalakarin ko na lang simula dito-""Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" pikang-pikang asik niya na. Na ikinaigting ng panga ko! Dahil siya nga itong mas matigas ang ulo sa amin! Sabing kaya ko na, e! "E bakit rin ba kasi ang kulit mo?! Sabing kaya ko na 'di ba?!" Buwelta ko pabalik na malakas niyang ikinasinghap. "Alam mo ba ang daan palabas dito??" pagalit niyang pag-iiba ng usapan. Natameme ako roo
Kabanata 13AvoidNATAPOS ang gabing iyon katulad ng mga nagdaang gabi na marami kaming nakulimbat mula sa madla. Isama pang peek days ngayon. Marami talagang customers kaya masasabi kong sulit lahat ng pagod sa mahabang gabing ito. Tulad nang nakaugalian, hindi muna kami umalis sa backstage at nag-kuwentuhan at nag-asaran muna. Siyempre, sa asaran, nangunguna si Shaina sa pangb-badtrip kay Mommy Gai pati sa akin. Sumawsaw pa yung tatlo kaya nakasimangot na naman ako sa buong senaryong iyon.Pinauwi rin naman na kami ni Mommy Gai kalaunan. Hindi na siya badtrip sa akin katulad kanina dahil siyempre, may hawak ng pera. Napa-irap na lang ako sa isiping iyon bago tumungo papuntang locker room para makapag-palit at umuwi na. Hindi ako puwedeng magtagal dahil alam ko, naghihintay na si Tyson sa parking lot. Baka ma-bwiset na naman iyon kapag nag-tagal ako. "Mga 'te! Una na kami, ha! Ingat kayo sa byahe! Mamaya na lang ulit!" katulad ng nakasanayan, nauna sa aming mag-paalam ang tatlo.
Kabanata 14Make upHINDI ako dumeretso papasok ng Zeus Club. Ayaw kong pumasok ng umiiyak at bahain ni Shaina at ng iba pa ng tanong kung bakit. Tinakbo ko ang daan papunta sa makipot na eskinita ng Club kung nasaan ang malaking tapunan ng basura. Doon ako humagulgol sa iyak kasama ang mga pusang umuungol kasabay ng paghihinagpis ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ganito na lang ako maka-iyak sa pagtatalo naming iyon ni Tyson sa kotse niya. Lagi naman kaming nag-tatalo simula ng mag-sama kaming dalawa. Walang araw na hindi. Minsan rin, napag-tataasan niya ako ng boses kapag tutol ako sa prinsipyo at paniniwala niya. Pero hindi naman ako umiyak sa mga pagtatalo naming iyon katulad ngayon. Sobrang pinipiga ang puso ko ng sigawan niya ako kanina gamit ang galit na galit niyang boses. Hindi ko ugali ang magpatalo sa argumento, pero ang isang iyon, hindi ko kayang labanan. May limitasyon rin ang tapang ko bilang isang babae. Bilang lang ang kaya kong sikmurain. Hindi lahat. Pero a
Kabanata 15Make-up (2)"ANO yung sinasabi ng kaibigan mo kanina? Ano yung isusubo mo?" mariing interoga sa akin ni Tyson habang nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi ng mansyon. Salubong na salubong ang makapal na kilay at naka-busangot na naman ang guwapong mukha. Umiwas ako ng tingin at lumunok ng mariin sa hiya. "W-Wala 'yon. Huwag mo na isipin," deretso kong ani. Hindi ipinahalata sa boses ko ang sobra kong kahihiyan sa kanya! Dahil narinig niya ang ganoong bagay na pinag-uusapan namin ng bwiset na Shaina na 'yon! "I want to know. Ano yung isusubo mo?" seryosong anas ni Tyson kaya napabaling ako sa gawi niya sa driver seat sa inis. Ang kulit! "Wala nga! Bakit ba ang kulit mo?!" singhal ko na sa kanya. Bumaling siya sa akin. Bumabagbyo na sa dilim ang ekpresyon ng mukha. Inirapan ko naman siya pabalik sa inis bago humalukipkip at tumingin sa mga nadadaanan na lang namin. Nakakainis kasi! Bakit kailangan niya ako tanungin ng ganoon! Anong isusubo ko?! Seryoso ba siya? W-Wala! Wa