Share

Kabanata 6

last update Huling Na-update: 2022-07-09 23:21:49

Kabanata 6

Answer

NANG gabing iyon. Kahit puno ang utak ko ng maraming isipin. Uswal lang akong pumasok sa Zeus Club katulad ng parati kong ginagawa para wala silang mapuna sa aking kakaiba.

Lalo na si Shaina. 

Alam ko kasing may pagdududa pa rin siya sa sagot ko sa kanya kaninang umaga bago kami mag-hiwalay ng landas kaya mas dapat hindi ako magpahalata para hindi niya ako magisa. 

Problema ko 'to, at alam kong may problema rin siyang kinakaharap sa pamilya niya kaya hanggang sa makakaya kong sarilinin at hindi ibahagi sa kaisa-isa kong kaibigan. Gagawin ko. 'Wag lang maging dagdag alalahanin sa kanya. 

Nginitian ako ng tipid ni Shaina ng paglabas ko ng dressing room ko, saktong papunta na siya sa backstage. 

"Oh, 'te, kamusta naman ang araw mo?" Masiya ngunit may halong asar niyang pangbungad na lagi niya namang lintanya.

Pabiro ko siyang inirapan bago isara ang pintuan ng dressing room. "As usual, hindi maganda," sakay ko sa biro niya. Natawa siya ng pagak. 

Nahawa na rin ako kaya, natawa ako ng mahina lang sa paglalakad namin. Umiling pa ako dahil kapag kasama ko talaga ang babaeng 'to, parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko dahil nakakahawa ang pagiging positibo niya sa lahat ng bagay. 

"Sira ulo ka talaga! Oh basta, ipakita mo 'yang malaki mong dibdib at puwetan sa mga customers mamaya para marami ulit tayong makuhang tips, ah!" asar niya bago paluin ang pang-upo ko. 

Pinag-singkitan ko siya ng mata sa ginawa niya at inirapan siya. Tumawa lang naman ang bruha kaya napa-iling na lang ulit ako. 

Masaya nga kasama, nakakainis rin naman minsan. 

"Oh, girls, maraming mga customers na bigatin ngayon na nonood. Gamitin niyo iyang mga alindog niyo at naglalakihang niyong pakwan para tapunan kayo ng mga libo sa mukha! Asset niyo 'yang mga 'yan! Gamitin niyo ng maige, nakukuha niyo?" Sabad ni Mommy Gai ng makapamanhik na kaming lahat dito sa backstage. 

Agad namin siyang sinagot ng malakas.

Kasunod no'n, pumanhik na rin ang mga kasamahan ko papunta sa stage. At paglabas na paglabas pa lang nilang apat, dumagundong na ang buong paligid.

Susunod na rin sana ako sa kanila ng tawagin ako ni Mommy Gai sa mababang boses. "Keisha..."

Nilingon ko siya at pinag-taasan ng dalawang kilay. "Po?"

Huminga muna siya ng malalim bago unti-unting lumapit sa akin. Inabot niya sunod sa akin ang maskara ko. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko napansin na wala pa pala akong suot-suot na maskara. 

Inabot ko iyon at agad na sinuot at tinali. 

"Salamat Mommy Gai," ani ko. 

Tinitigan niya ako ng mariin sandali bago gumuhit ang tipid na ngiti sa kanyang pulang-pulang mga labi. 

"You're welcome. Ikaw ang inaasahan ko. Galingan mo. Ubusin mo ang mga pera ng mayayamang 'yan," nangi-impluwensya niyang sabad. Na nagbigay sa akin ng kakaibang saya sa pakiramdam. 

Mabilis ko siyang tinunguan. Hindi ko na siya sinagot pa at mabilis nang lumabas sa madilim na backstage.

At pagkalapat na pagkalapat pa lang mga paa ko sa stage, at pagtama sa akin ng nakakasilaw na pabago-bagong ilaw ng Club. 

Mas lalong nagwala at nagsigawan ang dagat ng mga tao. Kinawayan ko sila ng tipid bago pumunta sa gitna para pumwesto. 

"Ms. K! Ms. K! Ms. K! Ms. K!" sigaw ng madla na mas lalong nagpangiti sa akin. 

Marami pang tumawag at humiling ng atensyon ko. Pero ni isa sa mga iyon, hindi ko na binigyan ng pansin. Nag-seryoso na ako para makapag-handa sa sasayawin namin ngayong gabi. 

At hindi rin nagtagal, nagsimula nang tumunog ang nanunuya at nakakaakit na musika kaya nagsimula na rin kaming lima sabayan iyon gamit ang katawan namin. 

May mga nag-hagis na agad ng pera sa kanto-kanto ng stage. At nasundan pa iyon ng nasundan katagalan. 

Mabilis kong pinalipad ang tingin ko sa VVIP floor para tignan saglit kung nandoon ang taong kanina pa bumabagabag sa magulo ko na ngang isipan. 

Malakas akong napa-buntong hininga sa isip-isip ko dahil miske ang dominante niyang anino sa taas, hindi ko nakita. Magandang bagay iyon dahil mas lalo akong makakapag-isip ng mabuti. 

Buti naman at kahit ngayon lang, hindi siya nagpakita sa akin. P-Pero... bakit kaya wala siya ngayong gabi? Busy? May meeting? 

Argh! Keisha! Bakit mo pa ba iniisip ang ginagawa ng damuhong iyon?! Ano naman sa 'yo kung anong ginagawa niya ngayon?! 

Sa naisip. Muntik na akong matapilok ng umabante ako sa stage. Buti na lang, agad kong nabawi ang balanse ko at hindi rin gaano napansin ng mga manonood. Maliban na lang kay Shaina, na ang sama agad ng tingin sa akin at para bang sa tingin niya. Tinatanong niya ako ng, "anyare 'te?"

Inirapan ko na lang siya at mas nag-pokus na lang sa pagsasayaw. Pinilit ko rin ang sarili ko huwag muna isipin si Mr. Tyson Clyde Kratts kahit ngayon lang. Nagawa ko naman at natapos ang gabing iyon ng masaya dahil malaki laki rin ang kinita namin ng gabing iyon, dahil katulad nga ng sinabi ni Mommy Gai kanina, maraming bigating tao. 

Karamihan sa kanila, mga tanyag na artista at negosyante kaya sobrang dami naming tips na nahita ngayong gabi. 

Tuwang tuwang pumalakpak si Mommy Gai ng mapag-parte parte niya na ang kinita ng Club at ang sahod namin.

"Naku! Sana araw-araw ganito talaga para naman araw-araw rin akong masaya! Ang gagaling niyo kanina girls! Kulang na lang, mag-laway lahat ng mga lalaki sa inyo! Kabog!" Nagsusumigaw niyang papuri.

Humagikhik ang apat. Ngumuso ako habang pinapanood sila. 

"Naku mi! Hindi naman kami ang pinaglalawayan ng mga 'yon! Ang balakang at mga malalaking ponkan ni Ate Keisha ang pinagnanasahan ng mga 'yon! Hindi iyong amin na halatang silicon lang kaya lumaki!" patuyang anas ni Crystal at dinuro pa talaga ako!

Mas lalo lang naman silang nagtawan na lima. At ako, napa-iling na lang. Hindi kayang sakyan ang mga bibig ng kasamahan. 

"Sa true dai! Naku! Hula ko, tumakas pa ang iba doon sa mga misis nila para mapanood 'tong si Keisha ngayon gabi! Tss! Ulol na ulol lang mga pri?! Aso yarn?" Dagdag pa ng leader nila sa kabalastugan na si Shaina. 

Mas lalong tumulis ang nguso ko.

Natatawang hinampas naman siya ni Mommy Gai bago bumanat ng kanya.

"Hoy mga 'nak! Huwag kayong ganiyan! Ang mga ulol na sinasabihan niyo ay siyang dahilan kung bakit may nauuwi tayo sa mga pamilya natin gabi-gabing datong! Kaya s'ya, sige na at tama na ang asaran, aabutan na naman kayo ng araw dito sa kaka-chismisan! Magsi-uwi na kayo!" pangangaral ni Mommy Gai.

Sumunod naman sa utos niya ang apat at nauna pang naglakad papunta sa locker room para makapag-palit na ng pormal na damit at maka-uwi na. 

Nag-kuwentuhan pa silang apat saglit at nagtawanan ng makarating sa locker room. Nakikinig lang ako sa kanila at minsan rin nakiki-tawa kapag may nakakatawa silang biro. 

"Ate Keisha! Ate Shaina! Uwi na kami, ah! See you mamaya!" kinikilig na sabad ni Krisha ng mauna na silang makapag-bihis na tatlo. 

"Uhm, mag-iingat kayo," simpleng tungo ko sa kanila. 

Hinalikan pa ako sa pisnge ni Leah at Crystal bago tuluyan silang tatlo umalis.

"Oy, 'te, hindi na kita maiintay ngayon huh? May lakad kasi kami ni Gerald mamaya, e, kailangan ko na agad umuwi para makatulog man lang ng ilang oras," nakangusong harap sa akin ni Shaina. Natawa ako ng tipid.

"Gaga, ok lang. Saan ba kayo pupunta ng boyfriend mo, huh?" mapanukso kong tanong. Namula ang dalawang pisnge niya at agad napa-iwas ng tingin. 

Napa-irap na lang ako sa ere sa pagka-irita, dahil basang-basa ko talaga sa mukha niya ngayon na kinikilig siya! Tss! 

"A-Ahm, ano, ipapakilala na kasi niya ako mamaya sa mga magulang at kapatid niya. K-Kaya... kailangan ko talaga umuwi agad para makatulog at hindi maging mukhang bangkay 'te! Sa harap ng mga futures-in-laws ko!"

Ang tinutukoy niyang Gerald ay ang long-time boyfriend niya. Kilala ko iyon, dahil dito sa Zeus Club niya unang nakilala iyon. Mabait siya Gerald. May itsura, matangkad, at sabihin ko nang, mayaman rin. 

Niligawan niya si Shaina ng anim na buwan. Ganoon katagal, dahil may hinuha kaming dalawa noong una, na baka trip-trip lang siya ni Gerald dahil nga sa laki ng antas ng buhay na meron kami at ang isang tulad niyang laki sa gintong kitsura ang pinang-kakain. 

Pero kalaunan, nang tuluyan na naming makumpirma na tunay at buo ang pagmamahal ni Gerald sa kanya. Sinagot niya na rin ito. At kalaunan, nang maging sila, tumira rin si Shaina sa tinutuluyan nitong condo malapit lang din dito sa BGC dahil may issue sa pamilya si Shaina at buti na lang, nandyan si Gerald sa tabi niya para suportahan at tanggapin siya sa kung sino at ano pa siya. 

"Hoy, 'te! Galaw! Natulala ka na d'yan!" natatawang tapik ng kaibigan sa balikat ko. Napakurap-kurap ako bago siya pagtaasan ng dalawang kilay. Inirapan niya ako.

"Sabi ko 'te, una na ako! 'Bye'!" ulit niya sa sinabi niya. Napalunok ako ng mariin. 

"A-Ahh... o sige, ingat..." iyon na lang ang nasabi ko dahil sa lalim ng napuntahan ng espirito ko. 

At ilang minuto lang. Mag-isa na lang ako sa tahimik na locker room. Binilisan ko na lang ang pagbibihis. At nang matapos na, pumanhik na ako pauwi. 

Sa daan, naisip ko ulit sila Shaina at Gerald. Napangiti ako ng maalala ko ang ibinalita sa akin ng babaeng 'yon na, ipapakilala na siya nung lalaki sa pamilya niya. 

At para sa akin, at alam kong para rin kay Shaina, malaking pribilehiyo na ang bagay na iyon na iharap ka ng lalaki sa mga magulang niya. Dahil nagpapatunay iyon para sa mga katulad namin na totoo ang pagmamahal nung tao sa 'yo.

Sa katulad kasi naming may mga ganitong trabaho, stripping, bibihira ka na lang makakakita ng lalaking totoong magmamahal sa 'yo. Dahil kadalasan, ang mga lalaking lumalapit at nagpapakita ng interest sa amin. Karamihan sa kanila, katawan lang namin ang habol...

Nawala ang saya ko sa mukha ng maisip ko iyon. Mariin ko ring nailamukos ang dalawang kamay ko at napakagat ng labi. Nang mahinuha... 

Hindi kaya katawan ko lang ang habol ni Mr. Tyson Clyde Kratts sa akin kaya gusto niya akong pakasalan? — Kasi gusto niya lang akong maangkin? Ewan. 

Hindi ko alam. Maaaring hindi, maaring oo. Pero kaduda-duda pa rin dahil kung iyon lang ang gusto niya sa akin, edi sana pinaka-kuha o pinadukot niya na lang ako para magalaw. Kaya sa utak ko, meron pa. Meron pa siyang rason kung bakit niya ginagawa ito. At ang bagay na iyon, siya lang ang nakakaalam.

Napa-buga na lang ako ng malalim na hininga bago i-iling ang ulo.

Pagka-uwi ko. Tinapos ko ang araw na iyon sa pagtulog. At pagkagising ko naman, pinilit ko munang hindi isipin ang mga bagay-bagay na nagpapagulo sa akin at mas naglaan muna ako ng atensyon sa paligid ko. 

Pumasok ulit ako ng naka-ugalian sa Zeus Club. At katulad ng mga dating gabi ko sa trabahong ito, naging nakakapagod ang araw para sa aming lahat ng tuluyan nang natapos ang performance namin. 

Hindi ko rin nakita si Mr. Tyson Clyde Kratts ngayong araw sa VVIP floor katulad kahapon. Pinilit kong hindi gawing malakay ang bagay na iyon dahil hindi naman lagi dapat nanonood siya sa akin. A-At... bakit parang hinahanap ko pa siya?! Argh! 

"Ma! Naka-uwi na po ako," pagod kong pangbungad ng maka-uwi ng bahay.

Hindi na ako kumain at dumeretso na lang ako sa taas sa kuwarto ko para makapagpahinga na agad. At hindi naman ako nabigo makapagpahinga dahil pagka-bagsak pa lang ng katawan ko sa kama ko, kinain na agad ako ng antok at pagod.

"Ok, girls, katulad ng nakaraan. Marami ulit mga bigtime daddies ngayon sa crowd! So galingan at kabogin niyo talaga para marami kayong kitain! Naiintindihan niyo?!" Nangi-impluwensyang sabi ni Mommy Gai ng nasa backstage na kami ng gabi ng araw na iyon. 

"Yes mi!" malakas naming sagot at sabay-sabay na kaming lumabas ng stage. 

Hindi ko pinag-aksayahan ng panahon ang madla na sumisigaw sa pangalan ko. Sa halip, kusang tumaas ang paningin ko sa VVIP floor at kusa rin akong nakaramdam ng inis sa kaibuturan ko ng makitang, wala pa rin ni anino ni Mr. Tyson Clyde Kratts ang nakita ko doon! 

Nasaan na ba ang lalaking iyon? Ano bang ginagawa niya?! Bakit wala na naman siya dito?! 'Di ba ngayon na yung araw na ginawa niyang palugit sa akin? E bakit hindi ko pa rin siya nakikit—

Nanlaki ang mata ko ng may maisip at kusang nawala ang inis kong iyon sa kanya ng... 

Hindi kaya nakalimutan niya na ang sinabi niyang iyon sa akin?! Ibigsabihin...? Hindi ko siya papakasalan?! 

Parang may panghihinayang akong naramdaman ng maisip ko iyon. Pero agad akong umiling-iling sa isip ko dahil dapat, tuwa ang maradaman ko at hindi iyon dahil mukhang nakalimutan na nga talaga ng damuhong iyon ang banta niya sa akin! 

Tss! Edi mas maganda iyon 'di ba? — Ano bang nangyayari sa akin? 

"Keisha, ayos ka lang?" boses ni Shaina sa likod ko ng mapansin siguro ang pagka-wala ko sa sarili. 

Nilingon ko siya saglit bago tinunguan. "O-Oo..." kahit na ang totoo. Muntik ko ng maiwala sa isip na nasa stage pa pala ako at nasa harap ng maraming tao.

'Di kalaunan, nagsimula na rin kami. Sumayaw ako ng buong puso ko katulad ng parati kong ginagawa. Pero kalaunan, nawawala ako sa hulog kapag napupunta ang mata ko sa VVIP floor at wala pa rin akong nakikitang Mr. Tyson Clyde Kratts na nakatingin sa akin at pinapanood ako! 

Gusto ko nang murahin ang sarili ko sa sitwasyong iyon. Dahil parang kabaligtaran pa ang nararamdaman ko sa nangyayari. Parang naiinis pa ako na hindi ko siya nakikita, imbis na tuwa.

Natapos ko ang gabing iyon ng ayos lang at kunot ang noo. Hindi na rin ako nakipag-kuwentuhan pa kila Shaina sa backstage at agad na akong naglakad papuntang dressing room para makauwi ng natanggap ko na ang sahod ko. 

Pero kusang napatigil ang dalawang paa ko sa paglalakad ng makita ko ang pamilyar na bulto ng lalaking kanina pa nagbibigay ibang pakiramdam sa kaloob-looban ko. 

Nang maitas ko ang tingin ko sa mukha ni Mr. Kratts ay kusang nanlaki ang mata ko na para bang luluwa dahil nakita ko ulit ang parating galit niyang mukha ngunit sumisigaw pa rin ng kaperpektuhan. 

Prente siyang nakasandal sa pader. Nakatitig ng mariin sa akin habang nakahalukipkip at parang kanina pa doon. 

"A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko agad ng kusang tumapak ang mga paa ko palapit sa kanya. 

Inirapan niya ako bago dumeretso ng tayo. At sa ginawa niya, kusa akong napatingala sa kanya dahil ramdam na ramdam ko na ang agwat sa tangkad namin. 

"You really asking that?" sarkastiko ngunit may bahid ng inis niyang saad. 

Napa-iwas ako ng tingin at napalunok ng matanto ang gusto niyang ipahiwatig. Bumilis kusa ang puso ko sa hindi nito normal na lakas at parang bawat segundo, tinatambol iyon. 

"I'm here because of one reason. And I know, you already know what is it," malumanay ngunit may awtoridad sa boses niya. Hindi ako nakapagsalita sa takot. "I give you three-days to think about it. And now, your slip is already broken so I'm here to hear your answer."

Naiyuko ko ang ulo ko at mariing napapikit.

Wala ng ibang paraan... hindi niya nakalimutan Keisha... binigyan ka lang niya ng tatlong araw para makapag-isip... wala ka pa ring takas. Kailangan mo nang sumagot. 

Malalim na suminghal si Mr. Kratts bago ulit magsalita. 

"You know if you refused your family and your dear friends will suffer the consequences, righ—"

"Pumapayag na ako." 

Hindi niya na natapos ang sinasabi niya ng matapang kong tinaas ang mukha ko sa kanya at sabihin ng madiin ang bagay na iyon. 

Huling huli ko ang paglaki ng dalawang mata niya, at mukhang ang isang iyon, hindi niya inaasahan mula sa akin. 

Kung sa bagay, kung may alternatibo namang paraan para takasan ang banta niya. Iyon na lang sana ang ginawa ko. Pero wala. Wala akong takas sa mga kamay niya. Kahit anong gawin ko, makukuha at makukuha niya pa rin ako at baka kapag nanlaban ako. Sa huli, may madamay pa na isa sa mga kaibigan o pamilya ko kaya mas ayos na ito.

"W-What did you say??" wala sa sarili niyang anas habang nakatitig pa rin sa mukha ko ng gulantang. 

Huminga ako ng malalim. "Oo, pumapayag na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa 'yo at maging asawa mo."

Itutuloy... 

Kaugnay na kabanata

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 7

    Kabanata 7Mr & Mrs Kratts"Oo, pumapayag na ako. Pumapayag na akong magpakasal at maging asawa mo."Nag-pintig ang dalawang tainga ni Mr. Kratts ng marinig niya iyon mula sa akin. Samantalang ang puso ko, parang hinahabol na ng isang libong kabayo sa kaloob-looban ko dahil sa sobrang bilis ng pag-tibok nito. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya ng hindi ako makarinig agad nang sagot. Matamang nakatulala lang siya sa akin kanina pa at naiilang na ako sa mga tingin niya. "C-Can you say it again?" anya. Hindi makapaniwala. Bumuntong hininga ako bago seryosong balikan siya ng tingin. "Oo Mr. Kratts, pumapayag na ako sa alok mo. Wala naman akong ibang pagpipilian 'di ba?" sarkastiko ko pang sabi. Siya naman ang umiwas ng tingin at lumunok. Marahas niyang niluwagan ang necktie sa leeg bago bumaling ulit sa akin ng malamig. "G-Good." maikli niyang sabi. At sa isang iglap, nagbalik muli sa katauhan niya ang malamig at supladong Mr. Kratts na kinagagalitan ko ng malaki. Magsasalita na sana

    Huling Na-update : 2022-07-11
  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 8

    Kabanata 8Live in"CONGRATULATIONS, Mr and Mrs. Cratts." Marami pang sinabi sa aming dalawa ng Damuho si Mr. Hades pero ang panghuling sinabi niya lang na iyon ang pumasok sa tainga ko. Literal talaga kasing lumutang ang isip ko matapos ako halikan ni Mr. Kratts na seryoso lang nakikinig kanina sa sinasabi ni Mr. Hades, na para bang wala siyang ginawang kahindik-hindik sa harap mismo ng ibang tao!Mas lalong nangamatis ang pisnge ko ng maalala ko ulit iyon. Nasa kotse na ulit kami ni Mr. Kratts. Tinatahak ang pabalik ng Zeus Club. Buti na lang, nakatagilid ako sa kanya, kaharap ang salamin ng sasakyan, kaya hindi niya kita kung gaano na nagh-hurumintado ang mukha ko ngayon. Kanina pa rin kami tahimik na dalawa. Ako, walang lakas kausapin siya pagkatapos niya ako halikan sa harap ng ibang tao. Habang siya, ewan ko. Hindi ko alam ang rason ng pananahimik niya.Kanina pa siya parang may malalim na iniisip. Pansin ko iyon ng pababa na kami ng parking lot. Ipinagkibit ko lang dahil bak

    Huling Na-update : 2022-07-12
  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 9

    Kabanata 9Sugar DaddyNANG makapag-palit na ako ng damit sa locker room. Sumakay na agad ako ng jeep pauwi ng lutang. Iniisip ko pa rin kasi kung paano su-solusyunan ang gulong pinasok. Sumasakit na ang ulo ko sa kanina pang pag-iisip ng magandang plano. Pero wala talaga. Wala akong maisip na alternatibong paraan para matakasan ang Damuhong iyon. May kontrata akong pinirmahan. At naiinis pa rin ako sa sarili ko hanggang ngayon dahil ang tanga ko lang talaga para pirmahan iyon ng hindi man lang binabasa ng maiige ang mga nakasulat!Kung wala lang ako sa jeep ngayon. Baka sinabunutan ko na ang sarili ko hanggang sa makalbo ako sa sobrang prustrasyon. "Naka-uwi na po ako," walang buhay kong bati pagkapasok ko pa lang ng bahay. Hindi na ako pumuntang kusina, pakiramdam ko, sa dami ng nangyari ngayong araw. Nawalan na ako ng ganang kumain kahit nakakaramdam naman ako ng gutom. Umakyat na lang ako sa kuwarto ko. Tinigil ko muna ang pag-iisip ng solusyon para naman pati ang utak ko makap

    Huling Na-update : 2022-07-14
  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 10

    Kabanata 10Quarrel PAGKATAPOS niya ako sigawan. Hindi ko na siya sinagot pa. Pinilig ko na lang ang ulo ko paharap sa salamin para maitago ang pagh-hurumintadong dalawang pisnge ko dahil sa sinabi niya!Nagm-mukhang sugar daddy ko siya?! Seryoso ba siya, e, ang bata-bata niya pa naman para maging gano'n ko! Saka... dapat nga mas matuwa pa siya na hindi ko ipinagkakalat na asawa ko ang isang katulad niya e!Napabuntong hininga ako at napa-iling ng tamaan na naman ng insikyuradidad. Wala ng nagsalita sa amin pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nag-pokus na lang ako sa panonood sa bintana ng mga nalalagpasan naming naglalakihang mga establisyemento. Minsan, patago kong binabalikan ng tingin ang gawi ni Mr. Kratts na busy sa pagd-drive. Kapag nahuhuli niya ang tingin ko, binaba-sangutan niya ako at iniirapan. Galit pa rin at parang batang nagm-maktol. Hindi ko na lang iyon pinansin at hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa buong byahe namin."We're here," ang mahinang boses na iyon

    Huling Na-update : 2022-07-16
  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 11

    Kabanata 11Set upPAGKATAPOS ko maghugas. Umalis na agad ako sa kusina at tinungo kung nasaan ang grand staircase. Tulala at malalim ang iniisip dahil doon sa sinabi ni Mr. Kratt- Tyson. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang taong hindi mo naman literal na kilala, na pinakasalan mo pa kahapon lang, sasabihin sa mukha mong isang kuwarto na lang kayo ng tutulugan simula ngayon 'di ba?! Napa-iling ako sa naisip. Mas lalong lumutang ang utak ko at ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng matinding nerbyos. Buti na lang, malaki talaga itong mansyon ni Tyson kaya nagagawa kong mag-isip ng kung ano-ano papunta sa pangalawang palapag. Pero nang nasa grand staircase na ako, na red carpeted pa, mas lalong lumala ang nararamdaman kong nerbyos at kaba sa dibdib ko. Bawat pag-apak ko paitaas. Pakiramdam ko, kawawala na ang puso ko sa dibdib ko at ito na ang kusang tatakbo paalis sa mansyon na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako matakot sa magiging set-up namin s

    Huling Na-update : 2022-07-18
  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 12

    Kabanata 12SomethingMADALI kong tinapos ang pagkaing hinanda sa akin ni Tyson. Mal-late na talaga kasi ako at kung makatingin pa siya sa akin. Sobrang talim. Akala mo, kakainin ako ng buhay.Nilunok ko ang huling pagkain sa bunganga ko bago siya taasan ng tingin, "A-Ah, mauuna ako-""No. I'll drive you," mariin niyang ani. Lumunok ako ng mariin saka umiling."H-Hindi na, kaya ko naman mag-abang ng taxi sa labas."Mas lalong dumilim ang mukha niya. "This is an exclusive subdivision, Keisha. Walang nag-gagalang taxi rito. Sa labas pa ng gate ng subdivision-""Edi do'n na lang ako maga-abang. Lalakarin ko na lang simula dito-""Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" pikang-pikang asik niya na. Na ikinaigting ng panga ko! Dahil siya nga itong mas matigas ang ulo sa amin! Sabing kaya ko na, e! "E bakit rin ba kasi ang kulit mo?! Sabing kaya ko na 'di ba?!" Buwelta ko pabalik na malakas niyang ikinasinghap. "Alam mo ba ang daan palabas dito??" pagalit niyang pag-iiba ng usapan. Natameme ako roo

    Huling Na-update : 2022-07-19
  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 13

    Kabanata 13AvoidNATAPOS ang gabing iyon katulad ng mga nagdaang gabi na marami kaming nakulimbat mula sa madla. Isama pang peek days ngayon. Marami talagang customers kaya masasabi kong sulit lahat ng pagod sa mahabang gabing ito. Tulad nang nakaugalian, hindi muna kami umalis sa backstage at nag-kuwentuhan at nag-asaran muna. Siyempre, sa asaran, nangunguna si Shaina sa pangb-badtrip kay Mommy Gai pati sa akin. Sumawsaw pa yung tatlo kaya nakasimangot na naman ako sa buong senaryong iyon.Pinauwi rin naman na kami ni Mommy Gai kalaunan. Hindi na siya badtrip sa akin katulad kanina dahil siyempre, may hawak ng pera. Napa-irap na lang ako sa isiping iyon bago tumungo papuntang locker room para makapag-palit at umuwi na. Hindi ako puwedeng magtagal dahil alam ko, naghihintay na si Tyson sa parking lot. Baka ma-bwiset na naman iyon kapag nag-tagal ako. "Mga 'te! Una na kami, ha! Ingat kayo sa byahe! Mamaya na lang ulit!" katulad ng nakasanayan, nauna sa aming mag-paalam ang tatlo.

    Huling Na-update : 2022-07-21
  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 14

    Kabanata 14Make upHINDI ako dumeretso papasok ng Zeus Club. Ayaw kong pumasok ng umiiyak at bahain ni Shaina at ng iba pa ng tanong kung bakit. Tinakbo ko ang daan papunta sa makipot na eskinita ng Club kung nasaan ang malaking tapunan ng basura. Doon ako humagulgol sa iyak kasama ang mga pusang umuungol kasabay ng paghihinagpis ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ganito na lang ako maka-iyak sa pagtatalo naming iyon ni Tyson sa kotse niya. Lagi naman kaming nag-tatalo simula ng mag-sama kaming dalawa. Walang araw na hindi. Minsan rin, napag-tataasan niya ako ng boses kapag tutol ako sa prinsipyo at paniniwala niya. Pero hindi naman ako umiyak sa mga pagtatalo naming iyon katulad ngayon. Sobrang pinipiga ang puso ko ng sigawan niya ako kanina gamit ang galit na galit niyang boses. Hindi ko ugali ang magpatalo sa argumento, pero ang isang iyon, hindi ko kayang labanan. May limitasyon rin ang tapang ko bilang isang babae. Bilang lang ang kaya kong sikmurain. Hindi lahat. Pero a

    Huling Na-update : 2022-07-22

Pinakabagong kabanata

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Wakas

    The last chapter of ICTBO :)Warning: Mej SPG. Mej lang! Kabanata 50WakasNAPATULALA ako sa seryosong mukha ni Tyson ng pumintig sa dalawa kong tainga ang sinabi niya. Tumigil rin ako sa pag-hinga ng ilang segundo sa gulat. D-Dahil... paano niya nalamang buntis ako? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong pinagsabihan. Miske sila Shaina, Zeiv, at Mommy Gai walang alam. K-Kaya—"So it's really true, huh? That you are pregnant with my child," hakbang niya palapit ulit sa akin. "P-Paano mo nalaman?" Sa tanong kong iyon. Sumilay ang pilyong ngisi sa pulang labi ni Tyson. Sa huli ko na lang din nalaman na sa tanong ko pa lang iyon, parang umamin na rin ako na totoo nga ang paratang niyang buntis ako! Keisha! Ano bang ginagawa mo!Nang tuluyan na akong mapasandal sa pader katabi ng pintuan ng bahay. Pinunta ni Tyson sa magkabilaang gilid ko ang dalawa niyang braso para makulong ako. Nilapit niya rin ang kanyang guwapong mukha sa mukha ko at seryoso ulit ako tinitigan. "Kailan pa?" Ma

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 49

    Hi! Thank you for reaching here. I just want to let you know before you start reading this, that, this is the second to the last chapter of ICTBO :)Kabanata 49 He KnowGUSTO ko mang itulak si Tyson palayo sa akin gamit ang nanginginig kong dalawang kamay. Hindi ko magawa. Wala na akong natitirang lakas at tatag ng loob sa katawan ko na natitira para saktan ang lalaking nakaluhod sa harapan ko ngayon na nagmamaka-awa pakinggan ko ang paliwanag niya. Tanga na kung tanga. P-Pero kahit ano talagang sabi ko sa sarili ko na 'wag nang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Tyson at itaboy na lang siya ng tuluyan- ayaw ng puso ko gawin iyon. Lumalamang na naman ang boses ng puso ko kesa sa boses ng utak ko sa sistema ko. At nang mag-simula na nga magsalita si Tyson, wala na nga akong nagawa pa kung hindi makinig na lang sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pag-hagulgol. "M-Me and Ezra are not really engaged ok? Fuck that news! And to clarify things straight he is not my fiancé! H

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 48

    Kabanata 48DogKUSANG lumingon ang ulo ko sa likuran ko kung saan nang-galing ang pamilyar na pamilyar na baritono at malalim na boses na iyon. At sa unang daplis pa lang ng mata ko sa pigura ng lalaking mataman nakatayo at nakatanaw sa akin mula sa di-kalayuan. Dinaga na ang puso ko at natulala sa mukha niyang, marami na ring pinagbago sa loob rin ng ilang araw matapos ko siyang iwan. "T-Tyson...? P-Paano... a-anong ginagawa mo dito?" turan ko gamit ang hindi makapaniwalang boses. Naka-ilang lunok rin ako bago ko matapos iyon. Mas lalong dumilim ang wala pa ring kakupas kupas na guwapong mukha ng lalaki sa tanong ko. Para bang sa tanong kong iyon, may natanggap siyang malaking insult mula sa akin.Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang sa kauna unahan ulit na pagkakataon, nagka-salubong ulit kami ng purong itim niyang mga mata ng tingin. Na ang sinisigaw na mga emosyon, pangungulila at matinding galit. Sumabog ulit sa mukha ko ang ilang hibla ng aking buhok ng umihip ulit ng mal

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 47

    Kabanata 47SunsetHINDI ko na namalayan ang pag-takbo ng buong oras sa byahe himpapawid dahil buong oras, tulog ako. Nagigising lang paminsan minsan kapag umaalog ang eroplano. "Thank you po Ma'am," pasasalamat ng crew sa akin ng ako na ang baba ng nakarating na kami sa destinasyon. Sa Palawan. Tinunguan ko lang ng tipid ang magandang babae bago tuluyang bumaba. At paglabas na paglabas ko pa lang sa entrada ng eroplano, napahinto agad ang dalawang paa ako dahil sinalubong agad ako ng isang malakas at malamig na hangin ng bagong lugar. Nilipad ang aking nakalugay na mahabang buhok. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kapaligiran at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng kalangitan dito sa Palawan kapag pasikat pa lang ang haring araw. Pinaghalong light blue at light orange. Kamangha-mangha. "Manong, dito po tayo sa," sambit ko ng address na binigay sa akin ni Mommy Gai kung saan nakatirik ang kanyang rest house ng makasakay na ako ng taxi at makalabas ng airport. Ngini

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 46

    Kabanata 46Future"SIGURADO ka na ba talaga dito Keisha?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang matinding pag-aalala sa boses ni Zeiv. Na ngayon ay katabi ko sa bench ng airport. Tinawagan ko kasi ang lalaki kanina dahil sabi ni Shaina, gawin ko. Dahil may kotse ang lalaki at iyon ang magandang gamitin namin pang-hatid sa akin dito sa airport dahil mahirap na mag-commute at baka mamukahaan pa ako ng mga tao.Kalat na kalat na rin kasi talaga ang ginawang pagt-televised sa akin ni Tyson sa buong bansa. At siguro, mga walang tv na lang sa bahay nila ang hindi nakaka-alam ng balita na kung sino man ang makakadala sa akin kay Tyson Clyde Kratts ay mag-uuwi ng isa at kalahating bilyong pisong pabuya bilang gantimpala. Napalakas ang pagbuntong hininga ko ng maalala ko na naman iyon."Oo Zeiv, sigurado na ako sa desisyon kong ito. Wala na rin akong magagawa pa dahil sa ginawa ni Tyson. Kailangan kong magpaka-layo layo dahil baka dumugin ako ng mga tao pag-nakilala nila ako at baka mamaya, ma

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 45

    Kabanata 45Palawan"KEISHA! Jusko! Saan ka ba nang-galing?! Kanina ka pa namin hinihintay dito! Nag-aalala kami sa 'yo!" Pagalit na bungad agad sa akin ni Shaina ng maka-uwi ako ng apartment na tinutuluyan namin. Nilibot ko ang tingin sa apat na sulok ng paupahang bahay para tingnan kung sino ang mga taong nandito. Hindi na ako nagulat ng makita silang apat na kumpleto.Mas nagulat pa nga ako ng makita ko ang pinaghalong pag-aalala at takot sa mga mukha nila. Para bang... may hindi inaasahang nangyari sa Zeus Club na siya ring sagot kung bakit ganito na lang sila mag-aalala sa katawang lupa kong hindi nila inabutan pagka-uwi nila. Malakas na tumibok ang puso ko ng may maisip na posibilidad. Winaglit ko nga lang ang naiisip na ideya dahil baka iba naman ang totoong nangyari sa iniisip ko. Tatanungin ko na sana si Shaina para makumpirma kung may nangyari ba sa Zeus Club. Pero hindi ko na iyon tuluyang nagawa ng kusa nang pumutak ang nanginginig niyang mga labi. Nagp-panik siyang na

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 44

    Kabanata 44Advice"B-BUNTIS ako?" tanong ko sa sarili ko habang naka luhod pa rin sa tiles ng cr. Mas lalong nanlamig ang buo kong katawan sa naisip at ang kamay ko, nag-umpisa ng manginig habang ang puso ko ay malakas ang bawat pagtibok. Napatulala na lang ako sa kawalan dahil sa naisip at wala talaga akong alam sa susunod na gagawin kung totoo nga ang iniisip kong buntis ako. Napakapit na lang ako sa tiyan ko at kinapa ko kahit imposible kung totoo nga ba ang hinala kong may buhay na roong nabuo dahil sa ilang beses naming pagt-talik ni Tyson na walang ginagamit na kahit anong proteksyon. Ngayon ko lang din na realized iyon. Na sa bawat pag-angkin ni Tyson sa akin. Hindi siya nags-suot ng proteksyon. Hindi rin ako umiinom ng pills para hindi mabuntis. K-Kaya... malaki talaga ang posibilidad na ang konklusyon ko sa mga pagbabago sa akin, kung bakit ako mabilis mapagod, naging emosyonal, at naging pihikan sa pagkain ay dahil totoo ngang buntis ako. At ang isipin pa lang na magkak

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 43

    Kabanata 43HideTAHIMIK pa rin sila pagkatapos ko ma-kuwento ang istorya ko ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit sa buong pagk-kuwento ko kanina, walang umiimik miske isa sa kanila. Maging si Shaina, na inaasahan ko magiging bayolente ang mga reaksyon dahil kilala ko siyang ganoon. Wala. Tahimik rin at pinatapos muna ang kuwento ko bago pumikit ng mariin at hinilot ang sintido. Maging si Zeiv na katabi ko, napapikit rin ng mariin at tila nalatag ko sa kanya ang pinakamahirap na problema na narinig niya. Napayuko na lang ako. Kahit gustuhin ko nang umiyak ulit, ayaw na akong pahintulutan ng mugtong mugto kong dalawang mata. Siguro maging ito, napapagod rin katulad ng puso kong kanina pa huminto sa pagtibok para kay Tyson. Napataas ulit ang tingin ko kay Shaina ng malakas siyang bumuntong hininga. Tumingin siya sa akin ng mariin. "Kinompronta mo ba ang hayop na lalaking 'yon matapos mo siyang mahuli kahalikan ang totoong babae niya kanina?"Mabilis akong umiling dahil hindi ko kay

  • I Caught The Billionaire's Obsession   Kabanata 42

    Kabanata 42Hide "K-KEISHA!" Nag-aalalang karipas ng lakad papunta sa akin ni Shaina ng ma-park na ni Zeiv ang sasakyan niya sa binigay kong address kung saan nakatira ngayon ang matalik kong kaibigan. Sa apartment noong tatlong dalaga.Nakababa na ako ng sasakyan ni Zeiv ng kumaripas ng tungo sa akin ang kaibigan. Tinawagan ko kasi siya kanina dahil siya na lang ang natitira kong alas na puwede kong mapag-tuluyan. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang rason kung bakit gusto ko muna makitira sa kanila pero nang marinig niya akong umiiyak sa kabilang linya kanina- pinagmadali niya agad ako pumunta at ibinigay niya agad sa akin ang address nila. "S-Shaina..." ugong ko ng pangalan ng kaibigan ng nasa harap ko na siya. Paulit ulit niya akong kinilatis. Hinawakan niya pa ang dalawang balikat ko at alalang-alala tinitigan. "B-Bakit Keisha? Huh? May nangyari ba? Ano? Sabihin mo? Inano ka ni Tyson? Nag-away ba kayo? Sinaktan ka ba niya?" sunod sunod niyang bultahe ng tanong. At para bang, kapag

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status