Share

Kabanata 5

Kabanata 5

Settle

BUONG umaga akong umiyak ng araw na iyon. Hinihinaan ko lang ang bawat hikbi ko dahil baka marinig nila Mama at mga kapatid ko sa ibaba kung sakaling gising na rin sila. 

Nakatulog na lang ako sa pagod. At pagkagising ko naman, alasais-y-medya na nang gabi kaya dagli akong bumangon sa maliit kong kama at kinuha ang tuwalya ko pang-ligo.

Mabigat man ang katawan at kahit gustong-gusto kong hindi pumasok ngayon sa trabaho. Bawal. Ako ang inaasahan ng pamilya ko at ang isang gabi sa Zeus Club ay makakatulong na ng malaki sa pag-iipon ko para sa nalalapit na pasukan ng mga kapatid ko.

Napa-buntong hininga na lang ako at napa-iling. 

"Ma, bakit hindi niyo naman ako ginising?" Pangbungad na tanong ko kay Mama ng makababa at naabutan ko siyang mahinang tumatawa sa pinapanood. 

Napa-simangot ako ng tumawa muna ulit siya bago sagutin ang tanong ko. 

"Ah, e... hindi ka magising e. Naka-ilang katok na 'ko sa kuwarto mo kanina, hindi ka naman sumasagot. Kako, baka pagod ka kaya hinayaan na lang kita."

"Tss... alam niyo naman pong may pasok ako e," pagsusuplada ko bago dumako papunta sa hapag para makakain na ng hapunan. 

Pinatay ni Mama ang TV at sumunod sa gawi ko. Inagaw niya ang hawak-hawak kong plato at siya na ang nag-sandok ng ulam at kanin para sa akin. 

"Kaya nga, alam kong may pasok ka, pero hindi ka magising e. Nag-aalala ako na baka sobrang pagod ka. Ayaw ko naman putulin ang tulog mo dahil alam ko, kusa ka namang magigising kapag nagutom ka na," malumanay niyang saad bago ilapag sa harapan ko ang platong may laman ng pagkain. 

Tinunguan ko na lang si Mama at hindi na nagdutong pa ng kahit ano. Nagsimula na rin akong kumain at hinayaan ko ang titig niya sumunod sa bawat galaw ko. 

Suminghap si Mama. Tinaas ko bahagya ang tingin ko sa kanya habang ngumunguya. Nakangiti na siya sa akin ng malapad. Nanungot ang noo ko at tuluyan ko nang nabigay lahat ng atensyon ko sa Ina ko. 

Umupo siya sa katabing kahoy na upuan. Lumapit pa lalo sa akin bago parang bulateng nangingiti. 

"Anak, alam mo, yung Anak ni Ate Lordes mo d'yan sa kabilang kanto? Yung bunso niyang seaman? Nakauwi na!" Masayang masaya niyang tugon habang kumikislap ang dalawang matang nakatingin sa akin. 

Mas lalo akong napabusangot dahil parang may tancha-tancha na ako sa isip ko kung saan ang usapang 'to patungo. Hindi ko lang ipinahalata kay Mama na nakukutuban ko na ang pasimpleng galawan niya. 

Pasimple lang akong uminom ng tubig at nilunok ang kinakain ko sabay balik ko ng tingin sa kanya. 

"Oh, ano naman po?" Walang interes kong tugon. 

Kusang ngumuwi ang labi ni Mama doon pero hindi talaga siya nagpatinag at talagang tinuloy ang pangb-bugaw niya! 

"Ito naman si Keisha! Hindi ka ba interesado doon kay Emerson?! Napaka guwapong bata no'n! Single rin katulad mo! May maganda pang trabaho at malaki ang sahod! Oh! Saan ka pa?!" Pinanlakihan niya pa ako ng dalawang mata sa huling sinabi.

Nag-tiim bagang ako. 

Napa-irap ako sa ere bago siya pagsingkitan ng mata. "Binubugaw mo ba ako Ma?!" naiirita kong sigaw sa nababasa kong ginagawa niya ngayon. 

Napa-iwas siya ng tingin at halata sa Ina ko ngayon na totoo ang pinaparatang ko sa kanya! Huling-huli!

Nalaglag pa rin ang panga ko sa iritasyon at gulat kahit alam ko naman na ang ginagawa niya.

"Ma naman! Bakit ba sa tuwing kakausapin mo 'ko, hindi mawawala sa diskusyon natin ang pag-aasawa at ang mga lalaki?! Gustong gusto mo na ba talaga akong magka-sariling pamilya?!"

Napalunok si Mama ng sariling laway at halata sa kanya ngayon ang pagka-tensyonado dahil sa pagsabog ng inis ko.

Bumuga siya ng malalim na hininga. "Anak, hindi naman sa gano'n. Ang inaalala ko lang kasi ay yung mga gusto mo rin," mahina ngunit may laman niyang sabi. 

Nangunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo Ma? Anong gusto ko rin?"

Bumuga ulit siya ng malalim na hininga bago itaas ang tingin sa dalawa kong mata. Natigilan ako saglit sa paghinga ng maramdaman ko sa tingin niya ang senseridad at pag-aalala. 

"Keisha, anak, kaya ko lang naman sinasabi 'to sa 'yo ay para malaman mong hindi mo kailangan ibigay lahat ng oras at atensyon mo sa pagt-trabaho para lang mabuhay kami ng mga kapatid mo. Ipinaparamdam ko sa 'yo, sa pamamagitan ng ginagawa 'kong 'to, na p'wede mo rin gawin ang mga gusto mo sa buhay. Kasama na do'n ang pagkakaroon ng boyfriend."

"Nag-aalala lang ako, na baka dahil sa pagp-pursige mong maitaguyod kami ng mga kapatid mo. Sa huli, malimutan mo na ang sarili mo."

Malakas akong bumuntong hininga at napapikit ng mariin. Kinapitan ko rin ang kamay ni Mama-ng nasa braso ko na pala nakaka-kapit bago titigan muli ang puno ng pag-aalala niyang mukha.

"Ma, kung iyon lang ang inaalala niyo. Kalimutan niyo na. 'Wag niyo na isipin dahil itong ginagawa ko sa pamilya natin, itong pagt-trabaho ko para sa inyo para maitaguyod ko kayo sa araw-araw. Ito ang gusto ko ngayon gawin. Wala pa sa isip ko ang mga lalaking 'yan. Prayoridad ko kayo. Kaya paki-usap lang Ma. Tigilan mo na ako sa bugaw-bugaw na 'yan," seryoso kong batid habang nakatingin ng deretso sa mata niya. 

Ilang segundo rin kaming nagpalitan ng tingin bago siya na ang kusang sumuko. Umiling na lang siya at bumuntong hininga. 

"O sige 'nak, hindi na kita kukulitin. Titigil na rin ako sa pagr-reto sa mga lalaking anak ng mga kumare ko lapitan at ligawan ka-"

"Mama naman! Bakit mo naman ako binubugaw sa mga 'yon! Nakakahiya!" pagp-protesta ko na parang bata! Dahil ngayon ko lang din nalaman ang mga bagay na iyon! Sobrang nakakahiya! Ano ba naman 'tong si Mama! 

Natawa siya bahagya sa reaksyon ko, "Aba e, kahit naman hindi kita i-reto, ang mga lalaki naman dito sa barangay natin ang nagk-kusang lumapit sa 'kin para ireto ko sila sa 'yo."

Mas lalo akong napasimangot. 

"Kahit na Ma! Hindi mo dapat ginagawa 'yon," may pinalidad sa boses ko nang sinabi ko iyon kaya natahimik si Mama. 

Napa-iling na lang ako sa pagkabugnot sa naging usapan namin. Pinagpatuloy ko ang naudlot kong paglamon at ng malapit ko nang maubos ang nasa pinggan kong kanin. Nagsalita ulit siya. 

"Kaya nga hindi ko na uulitin. Saka naniniwala naman ako na ang mismong lalaking hinahanap mo ang kusang darating sa 'yo, e," 

Sa sinabi niyang iyon. Natigilan ako at hindi ka-agad nakapag-salita dahil ang pumasok bigla na lalaki sa utak ko ay walang iba kung hindi si Mr. Tyson Clyde Kratts!

Bigla-bigla na lang akong napamulahan ng dalawang pisnge. Buti na lang, bago mangyari 'yon, umalis na si Mama sa harap ko at pumunta na sa lababo namin para maghugas ng mga pinagkainan. 

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala na sa isip ko ang mukha ng damuhong iyon. 

Tss! Bakit nga ba si Mr. Tyson Clyde Kratts ang naisip ko ng sabihin ni Mama ang mga linya niyang iyon? Sira-ulo ba ako? Hindi siya ang lalaki para sa akin, dahil kung siya, hindi niya sa akin gagawin ang pagpapahirap na 'to.

"T-Teka... e bakit ko naman kasi ngayon iniisip na siya ang para sa akin?!"

"H-Huh? Sinong para sa 'yo anak?"

Kusang nanlaki ang dalawang singkit kong mga mata ng itanong iyon ni Mama. Sa kanya napabaling ang mukha kong paniguradong namumutla na ngayon, dahil sa pagkaka-akala na sa isip ko lang nasabi iyon. 

Kusang gumuhit ang may motibong ngisi sa labi ni Mama bago ipagpatuloy ang paghuhugas 

"Ikaw Keisha, ha. Kaya pala ayaw mong binubugaw ka kasi may natitipuhan ka ng ibang lalaki, ha." patuya niyang sabad. Na mas lalo lang nagpakamatis ng dalawa kong pisnge!

Badtrip! 

"T-Tss... wala 'yon Ma! Mali lang kayo ng narinig!" Pagtatanggi ko bago pilit na tinuon ang atensyon sa pagkain para maka-alis na ako sa upuang ito dahil alam kong hindi titigil si Mama asarin ako sa narinig niya! 

Binilisan ko ang pag-nguya at pag-subo ko. At sa loob loob ko, binubugbog ko ang sarili ko sa sisisi kung bakit bigla ko na lang naisigaw iyon sa hindi malamang dahilan! 

"Keisha, ipakilala mo agad kami ng mga kapatid mo doon sa lalaking iniisip mo kanina kapag naging kayo na, huh? Lagot ka sa 'kin kapag hindi namin nakilala iyon. Naku!" pangangasar pa rin ni Mama ng mai-abot ko sa kanya sa lababo ang plato ko. 

Pinanlisikan ko na lang siya ng mata. Hindi na ako sumagot dahil sa hiya pa ring narinig niya ang nakakahiyang bagay na dapat sa isip ko lang nabubuhay. 

Sa pagligo, Napatulala na lang ako sa ulo ng shower na binabagsakan ako ng tubig dahil naisip ko na naman ang sitwasyong binigay sa akin ni Mr. Tyson Clyde Kratts ng rumehistro na naman siya kanina sa utak ko dahil sa pag-uusap namin ni Mama kanina. 

Nakatulong sa akin ang pag-iyak at paglabas ko ng galit ko sa lalaking iyon kaninang umaga para maisip kong mabuti ngayon ang mga bagay-bagay na puwedeng maapektuhan ng gagawin kong pagpapasya. 

Idagdag pang nakakatulong rin sa akin maging-panatag ang malamig na tubig na bumabagsak at gumagapang sa hubad kong katawan para mas lalo kong pag-isipin ang naiisip kong isang paraan na lang para wala ng madamay pa.

.

Bumuntong hininga ako bago ibaba ang tingin sa palad ko na sa gitna noon, may naiipong tubig galing sa shower pero hindi gaanong lumalalim dahil nahuhulog din ang mga iyon sa tiles ng CR. 

Ngayon pa lang, meron na akong sagot. Pero pag-iisipan ko pa rin ng maiige ang sagot kong ito sa dibdib ko hanggang sa dumating ang araw ng ginawa niyang palugit para sa akin dahil baka meron pa akong alternatibong paraan na makita sa susunod na dalawang araw. 

"Ma! Pasok na po ako! Pauwiin niyo na po yung tatlo, ha! Gabi na!"

"Sige 'nak! Mag-ingat sa byahe, ah!"

Itutuloy... 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status