Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Beast

PARA akong sinampal ng reyalidad ng marinig ko ang pinong-pinong lintanya na iyon. Para akong umahon sa pagkaka-lunod kaya nanumbalik ang moral sa isip ko pagkatapos ng malalim na halikan naming iyon.

Naitulak ko ang dibdib ni Mr. Tyson Clyde Kratts nang buong lakas sa sobrang pagkagulat ko. Tinitigan ko ang madilim niyang mukha ng naliliyo.

"N-Nababaliw ka na ba?! A-Anong... pakasalan kita?!" Nanginginig kong sigaw sa kanya.

Nag-tiim ang bagang niya sa naging reaksyon pero sa ipinapakita niya ngayon, para bang inaasahan niya na ito ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya.

Kampanteng-kampante lang siyang nakatayo sa harap ko na tila isang modelo ng tanyag na clothing brand. Kahit arugante at suplado tingnan ang kabuunan niya, hindi ko mabasa ngayon sa kanya ang pagiging aligaga, na siyang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya!

Pagp-papakasal? Papakasalan ko siya?! Ha! Nababaliw na nga talaga siya! Ano bang tingin niya sa pagpapakasal? Laro-laro lang na puwede niyang pagtambayan kapag naiinip siya? — Gagawin niya lang kapag gusto niya? At magyaya na lang siya riyan ng kung sino-sinong babaeng maging asawa niya?

Sa naisip. Agad nag-alab ang galit sa buong sistema ko. Tinulak ko ulit ang dibdib niya ng buong puwersa para magkaroon pa kami ng mas malawak na pagitan.

"Hindi ako gano'ng babae Mr. Kratts! Baliw ka!" Sigaw ko ulit at tinitigan ang kanina lang na maraming sinasabi niyang mga mata. Na ngayon, bumalik sa pagiging madilim ay malamig ulit.

Tinitigan pa ako ni Mr. Tyson Clyde Kratts nang ilang sandali bago siya bumuntong hininga at ibaling ulit sa akin ang mukha niya. Pero sa pagkakataong iyon, seryosong seryoso na siya.

Napalunok ako ng mariin.

"Marry me and I will give you what you want," simple niyang sambit gamit ang baritono niyang boses. Tila, hindi narinig ang pagp-protesta ko kanina-kanin lang, na mas lalo kong ikinainis! Dahil para bang, ang dali-dali lang ng hinihiling niya!

Pinilit kong iginuhit ang isang sarkastikong ngisi sa labi ko kahit sobra-sobra na ang pagkainis ko sa damuhong kaharap ko.

"Ayo'ko. Hindi ako papayag," madiin. At buong-buo ng tapang kong anas dahilan para maging blangko ang tingin niya sa akin.

Nginisian niya ako gamit ang madilim na paraan bago malalaki ang hakbang na lumapit sa akin. Nang makalapit, walang pasaglit niyang dinaklot ang panga ko na halos ikanginig ng buong sistema ko sa takot.

Tiningala ko siya ng nanggagalaiti.

"Hayop ka Mr. Kratts! Pakawalan mo 'ko!" buong pagkatao kong singhal na mas lalo lang ikinalawak ng madilim niyang ngisi.

Pinagmasdan niya muna ang kabuuan ng mukha ko na parang demonyo na pinag-aaralan kung sa paanong paraan niya kakainin ang biktima niya.

Nagpumiglas ako nang nagpumiglas para makawala sa madiin niyang pagkakapit sa panga ko, pero wala. Walang nangyari. Mas lalo lang niyang dinidiin ang kapit.

Tinagilid niya ang ulo niya bago niya ito nilapit sa akin. Umingos ang labi niya at tinitigan ako ng napapantastikuhan.

"You're really testing my patients, huh? Let's see..." tungo-tungo niya pa. Tinitigan niya ako ng mariin bago bumuntong hininga at pabalikwas akong pinakawalan.

Mabilis na tumulo ang isang patak ng luha sa pisnge ko dahil sa matinding galit at takot sa kanya.

Gusto ko siyang saktan ngayon. Sampalin. Para makaganti man lang sa ginawa niya sa akin pero sa ginawa niya, at sa pinakita niyang madilim na reaksyon. Baka kapag ginawa ko iyon, mas masaktan lang ako kaya kahit nanginginig na sa galit ang kamay ko. Pinipigilan ko itong lumapat sa makinis niyang pisnge.

Matagal bago siya magsalita. Pumeywang muna siya at tinitigan ako ng seryoso at nakakatunaw.

"I give you three days to think. Marry me or suffer—" hindi pa siya gaano nakakapagsalita. Tumunog na ang cellphone niya sa bulsa ng slacks niya.

Pareho kaming napatingin doon. Mas nauna lang bumalik ang tingin ko sa mukha niya kesa sa kanya.

Naiirita siyang umungol bago umirap sa ere.

"Fuck!" madiin ngunit mahina lang, bago niya kinuha ang cellphone at pinatay.

Sunod no'n, binalik niya ang madilim at malamig na mukha sa akin at pinagpatuloy ang sinasabi.

"As I've said. You only have three-days to think about my offer. That's the longest I can control my temper. And if that day, you still have the same answer as today," binigyan niya ako ng nakakakilabot ngunit guwapong ngisi bago unti-unting lumapit ulit sa akin.

Tumigil siya sa paglalakad ng gahibla na lang ang layo ng mga ilong namin sa isa't-isa at halos pangilabutan ang buo kong katawan sa dinugtong niya.

"Your poor mother and three brothers will suffer the consequences. Also, your dear colleagues. If... you know what I mean. Ms. K..."

Ang mga iniwan ni Mr. Tyson Clyde Kratts na iyon ang siyang dahilan kung bakit na-estatwa na lang ang buo kong katawan sa madilim na storage room.

Tiklop na tiklop ang dila ko at tila pati iyon, naramdaman kung gaano nakakapangilabot ang kahahantungan ko kapag mangyaring, hindi niya magustuhan ang maririnig na sagot sa akin pagkatapos ng tatlong araw na binigay niya sa aking palugit.

"Oh, K-Keisha, may pinuntahan ka? Kanina pa kita hinihintay dito. Sabi mo, mauuna ka sa amin mag-bihis. Wala ka naman pagkarating namin, nauna na tuloy sila Krisha," usisa ni Shaina ng lutang akong makapasok ng locker room.

Gulat pa nga akong makita siya, dahil akala ko, kanina pa sila nakauwing lahat sa tagal kong nakatulala lang sa storage room ng walang pasabi akong iniwan ng damuho doon.

Hindi ko agad nasagot si Shaina sa sobrang daming iniisip. Nangunot agad ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan.

"May nangyari na naman ba Keisha?" mapagduda niyang tanong ng mapansin siguro na balisa at wala ako sa hulog.

Napalunok ako ng mariin at awtomatikong umiling.

"W-Wala naman..." tipid kong sabi bago mabilis na dumeretso sa locker ko at nagbihis ng suot ko kaninang plain white-shirt at pants para maka-uwi na.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng t-shirt ko nang pigilan iyon ni Shaina. Gulat akong napatingin sa nagi-imbestiga niyang mukha.

"Umamin ka 'te, may nangyari na naman ba?" may pagka-pinal sa boses niya.

Napalunok ako ng mariin ulit. "W-Wala nga Shaina..."

"Sigurado ka?"

H-Hindi Shaina. Nagsisinungaling ako. May nangyari. Nakaharap kona na naman ulit ang malupit at walang awang dimuhong iyon. Gusto kong magsumbong sa 'yo pero alam kong kapag ginawa ko, may gagawin ka na puwede mong ikapahamak kaya...

"O-Oo Shaina, 'wag kang mag-aalala. Ayos lang talaga. May tumawag lang na kakilala kanina kaya hindi ako naka-diretso rito," pilit kong hindi ipinahalata ang kaba sa boses ko sa kaibigan at ginantihan pa siya ng pilit na ngiti.

Tinitigan niya muna ako ng matagal bago unti-unting kumurba ang isang tipid na ngiti sa kanyang labi. "O sige, mabuti naman," anas niya pa bago lumayo sa akin.

Pagkatapos ko magbihis. Sabay na kami lumabas ni Shaina. Ramdam ko ang pananahimik niya sa tabi ko at madalas, nahuhuli ko ang pasimple niyang tingin. Nag-iintay na may mapunang mali sa akin.

"Dito na ako Shaina, bye," tipid kong paalam.

Bumuntong hininga siya bago umiling at nginitian ako ng tipid. "Sige 'te, kila Gerald ulit ako matutulog. Ingat ka! Kita na lang ulit tayo mamaya!"

"Uhm..." tipid kong tungo sa kanya bago siya kawayan pabalik.

Pinanood ko siyang maglakad at mawala sa paningin ko bago ko pinihit ang daan patungo sa terminal ng jeep kung saan ako palagi sumasakay.

Katulad ng naka-ugalian, hindi ako nahirapan sumakay dahil hindi naman punuan tuwing umaga dahil unti lang ang mga pasahero. Mga katulad ko lang din kasing night-shifts ang pasok ang kadalasan kong nakakasabay.

At dahil nga gano'n, sa byahe, tahimik ang buong jeep. Tanging ingay lang ng kundoktor at ingay ng syudad ang maririnig mo kaya hindi ko na naman naiwasan balik-tanawin ang nangyari kaninang engkwentro sa pagitan namin ni Mr. Tyson Clyde Kratts.

Baliw ba talaga ang taong 'yon o talagang may sapak lang siya? Bakit niya naman kasi yayain ang isang katulad kong stripper, magpakasal sa kanya, na kakakilala niya pa lang magi-isang buwan pa lang? Ganoon na ba talaga siya ka-desperado at ako pa ang napili niyang pakasalan sa dami ng babaeng puwede niyang pag-piliin?

O... 'di kaya, ako talaga ang pinili niyang yayain mag-pakasal kasi may kailangan siya sa akin?

Sa naisip kong iyon. Gusto kong humagalpak sa tawa. Kung hindi nga lang ang gulo-gulo at ang bigat ng mga nangyayari sa akin ngayon, dahil sa lalaking iyon, baka nagawa ko na talaga tumawa ng malakas!

Dahil ano naman ang kailangan ng isang kagubod ng yamang kagaya niya sa isang tulad kong hukluban? Pera? Meron siya. Gabundok pa.

Bukod doon, wala na akong maisip na iba pang bagay na puwede niyang makuha sa akin para pakasalan ako. Dahil lahat ng sagisag ng impluwensiya nasa kanya na;

Karangyaan, kapangyarihan, kasikatan— Lahat. Nasa kanya na. Pati na rin ang itsura. At kung tutuusin, sa hawak niyang mga iyon, hindi niya na kailangan maghanap ng papakasalan dahil kusa na ang mga babaeng lalapit sa kanya para maging kabiyak niya.

Nakaramdam ako ng inis sa isiping iyon. Napakunot ang noo ko saglit pero agad ko ring isinantabi ng may maisip ulit akong rason kung bakit ako ang napili niya.

H-Hindi kaya... may gusto sa akin si Mr. Tyson Clyde Kratts?

Agad umakyat ang matinding init galing sa kaibuturan ko papunta sa pisnge ko ng tuluyan ko iyong matanong sa sarili ko iyon.

Argh! Keisha! Bangag ka ba?! Bakit mo naman iniisip ngayon na may gusto sa 'yo ang lalaking 'yon? Sa tingin mo ba ang mga kalibre ng lalaking kagaya niya papatol sa isang katulad mo? Nag-iisip ka pa ba ng matino?!

Isa lang ang puwedeng rason kung bakit. Mukha mang imposible dahil wala naman talaga siyang mahihita sa aking kahit na ano, pero mas paniniwalaan ko na iyon k-kesa naman... dito sa panghuling naisip ko! — may pakay siya sa akin. May rason kung bakit niya ito ginagawa at kailangan, malaman ko agad iyon.

Sa buong byahe pauwi sa amin. Iyon lang ang inatupag ko pagtuunan ng atensyon at oras. Ang pag-iisip kung ano ba talaga ang pakay ni Mr. Tyson Clyde Kratts sa akin, at kung bakit sa dinami-dami ng babae, ako pa ang napili niya alukin ng ganoong bagay.

"Ma, nakauwi na po ako," bati ko agad pag-pasok ko pa lang sa bahay. Walang sumalubong kaya naisip ko agad na baka tulog pa sila.

Hinubad ko gamit paa ang sapatos ko bago pasalampak na binababa ang quilted bag ko sa maliit naming sofa at agad tinungo ang kahoy naming lamesa para tignan kung ano ang mga nakatakip na ulam doon para sa akin.

Nang makitang kinakain ko naman ang ulam nila kagabi. Sinandok ko na ang tirang kanin sa rice-cooker at kumain na.

Hinugasan ko rin pagkatapos ang pinagkainan ko. Hindi ko na hinintay si Mama magising at iniwan ko na lang ang budget ngayong araw sa taas ng TV namin at agad nang umakyat sa kuwarto ko.

Pagkatapos ko maligo at nagpapatuyo na ng buhok. Doon lang rumehistro sa akin ang iniwang babala sa akin ni Mr. Tyson Clyde Kratts kanina.

Binanggit niya do'n si Mama at sina Draco, Jaycee, Freisher. I-Ibig sabihin... alam niya rin ang tungkol sa pamilya ko at hindi lang ang tunay kong pagkatao.

"P-Pero paano?" nangingilabot kong tanong sa sarili bago umupo sa gilid ng maliit kong kama at mas lalong nilalaliman ang pag-iisip ng sagot.

Pina-imbestigahan niya ako kaya niya nalaman ang tunay kong katauhan. Iyon ang sigurado ko kung paano niya ako nakilala ng buo bukod sa pagkakakilala sa akin ng maraming tao. At siguro, pati kasuluk-sulukan ng buhay ko, inalam niya rin, at hindi iyon imposible sa hawak niyang kapangyarihan at koneksyon sa mga palad niya...

Napalunok ako ng mariin sa takot ng maalala ko rin ang banta niyang... magdu-dusa ang pamilya ko pati na rin ang mga katrabaho ko sa Zeus Club kung magm-matigas ako.

Hindi ko alam sa ngayon kung ano ang kaya niyang gawin. A-At sa pag-uusap pa lang namin kanina. Ayaw ko ng alamin at subukan pa sukatin iyon dahil may kakaiba akong pakiramdam na kapag tinangka kong pigtasin ang natitira niyang pasensya sa akin, mas lalo lang lalaki ang gulo.

Nalamukos ko ang dalawang kamao ko sa sobrang galit at matinding awa para sa sarili ko dahil parang wala akong ibang puwedeng pagpiliang sagot para maisalba ang sarili ko sa gulong ito.

Ano ba talagang kailangan ng isang kagaya niyang lalaki sa akin? Ano ba talaga ang gusto mo makuha? Ano bang gusto mo patunayan sa pagpapahirap sa buhay ko noong araw na dumating ka sa buhay ko Mr. Kratts?

Bakit kaya mong gawing miserable ang buhay ko, mapilit mo lang ang gusto mo? Mapapayag mo lang ako? Bakit sobrang sama-sama mo....

Sa sobrang galit at halo-halong emosyong nararamdaman. Hindi ko na naiwasang hindi umiyak sa sobrang kalungkutan at paghihinagpis.

"Halimaw ka Mr. Kratts, halimaw ka..." hagulgol ko sa galit bago takpan ang mukha at mas umiyak ng mas malakas sa maliit kong kuwarto.

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status