Share

Hiding the Billionaire's Daughter
Hiding the Billionaire's Daughter
Author: Miranda Monterusso

Prologue

"Sign the divorce papers, Tanya," malamig ang boses na utos niya.

"You want to divorce me? B-but why, Dylan?" I looked at him in the eyes, desperately searching for even the slightest bit of love he had for me.

"This is not working, Tanya. Let's end this."

Hiindi ko napigilan ang sarili ko na umiling. "But I'm trying hard, Dylan."

"Hindi na ako masaya... " mapait akong napangiti nang marinig ang sinabi niya.

"Bakit? Ako rin naman, ah? I'm miserable! But I chose to stay because I don't want to leave you!"

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Anong nangyari sa amin?

"Tanya, huwag na natin pahirapan ang isa't isa—"

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita. Agad kong inagaw ang divorce papers at ballpen sa kamay niya. "Kapag pinirmahan ko ba ito, magiging masaya ka ba?"

Hinintay ko siyang makasagot sa tanong ko. Kahit masakit, gagawin ko ang gusto niya. Pipirmahan ko ang divorce papers namin. But I just want him to be honest for the last time. Ngayon lang... kahit ngayon lang.

"Yes."

Mapait akong ngumiti. Gusto kong magmakaawa sa kaniya para bawiin ang sinabi niya, pero parang may sariling isip ang mga kamay ko. Kusa nilang pinirmahan ang divorce papers namin ni Dylan... tinapos ng isang pirma lang ang tatlong taong masayang pagsasama.

"Bago ako tuluyang umalis, can you please be honest with me?"

Nagbuga siya ng hangin at tinanguan ako. "About what?"

"Minahal mo ba talaga ako?"

Matagal siyang nanatiling tahimik habang nakatayo lang at nakatingin sa akin. Kahit ang mga mata niya, ibang-iba na rin kung tumingin.

Umaasa ako na kahit papaano, sasabihin niyang oo. Na kahit kasinungalingan lang, gagawin niya, pero hindi niya ginawa.

"I never really loved you. I only married you because you were pregnant, but now that Steffi's gone, wala nang rason para magsama pa tayo."

"Hindi ako naniniwala." Parang tubig mula sa nakabukas na gripo ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. "Masaya tayo noon. Kahit distant ka sa akin, I felt it, Dylan. You were happy."

"Yeah, when Steffi was still alive. Noong mga panahong kasama pa natin siya, pero ngayon? After what you did to our daughter?"

"It was an accident!" Mariin akong umiling. Ayaw kong maghiwalay kaming ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ng anak namin. "Sinong ina ang gugustuhing mawalan ng anak?"

"Ikaw! Dahil kung ayaw mong mawala si Steffi, hindi mo siya pababayaan!"

Gusto kong mamatay dahil sa mga salitang binitiwan niya. Napakasakit mawalan ng anak, at ngayon, hihiwalayan ako ng asawa ko dahil sa isang pagkakamaling hindi ko sinasadya.

Naluluha kong inabot sa kaniya ang divorce papers namin. "Kung puwede lang, ipagpapalit ko ang buhay ko para sa baby ko. That's how much I love her, pero hindi puwede. At ito na lang ang magagawa ko."

Mula sa mukha ko, bumaba ang paningin niya sa divorce papers na hawak ko. Tinanggap niya ito bago bumalik sa kaniyang desk chair.

Naluluha akong tumitig sa kaniya. Masakit, sobrang sakit, pero wala na akong magagawa pa. "Tapos na tayo... now, you are free."

Lumabas ako ng private library ng bahay at sandaling nag-impake. Sa paglabas ko ng gate, tumigil sa mismong harap ko ang isa sa mga mamahaling sasakyan ni Dylan.

Umibis mula sa driver's seat si Manong Hulyo at pinagbuksan ang taong lulan ng kotse. Si Dayana, ang matalik kong kaibigan na ngayon ay fiancée na ni Dylan.

"Tanya." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Malungkot niya akong nginitian. "Please, understand, hindi namin ito sinasadya."

Mula sa maamo niyang mukha, bumaba ang paningin ko sa tiyan niya. Mapait akong ngumiti. "Alagaan mo si Dylan."

Marahan siyang tumango sa akin. "Huwag kang mag-alala, magiging masaya kami."

Tuluyan na siyang pumasok sa gate. Malungkot kong tinanaw ang pagsarado ng malaki at mataas na gate sa harap ko.

Ilang buwan na ang lumipas mula nang mawala ang anak namin ni Dylan. Simula noon, nagbago na siya. Hanggang sa madiskubre ko ang tungkol sa affair nila ni Dayana.

"I'm sorry, hindi kita mabibigyan nang kompletong pamilya... anak." Bumaba ang paningin ko sa sarili kong tiyan.

Comments (12)
goodnovel comment avatar
8514anysia
juntis whoaaaa
goodnovel comment avatar
Lhea Kim
taguan nang anak
goodnovel comment avatar
Aicah Ara
naks prologue palang kuhang kuha na niya luha ko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status