Share

Chapter 5

"Sinusuwerte ka!" Malakas kong tinabig palayo ang kamay niya.

Kung wala lang sakit si Thalia, hindi ako magpapakababa nang ganito para sa pera niya. Pero may problema sa puso ang anak ko, at malaking halaga ang kailangan namin.

"Huwag ka nang magpakipot. Alam ko naman kung ano talaga ang kailangan mo."

"Ano?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa tono ng pananalita niya.

"Money." Lalo niyang inilapit ang katawan niya. "Maybe you're just using your daughter as an excuse to get close to me."

Pakiramdam ko, umakyat sa ulo ang dugo ko dahil sa mga narinig.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Tama nga ang kasabihan, balutin mo man ng ginto ang katawan mo, aalingasaw pa rin ang baho ng totoo mong ugali!" Malakas ko siyang itinulak bago lumabas ng opisina niya.

Pagkasakay ko ng taxi, hindi pa ito umaandar ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Wena.

"Tanya, ano ka ba? Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo!"

Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ang pag-aalala sa boses niya. "Naka-silent ang phone ko, e. Bakit, Wena? M-may nangyari ba?"

"Pumunta ka na dito sa ospital! Ngayon na!"

"What? W-why? What happened?"

Bago pa niya ako nasagot, napasinghap ako sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng taxi.

"Get out, now." Mataman akong tinitigan nang matatalim na mga mata ni Dylan.

Hindi ako nakasagot, lalo pa't nagsasalita sa kabilang linya si Wena. Para akong nawala sa sarili dahil sa sobrang pag-aalala.

Kinuha ni Dylan ang kamay ko at sapilitan akong pinalabas mula sa taxi bago ito pinaalis.

"Wena, saang ospital iyan? Anong nangyari sa anak ko!" Hindi ko napigilan ang maluha dahil sa labis na pag-aalala.

Natigilan naman si Dylan sa narinig. Ang kaninang matigas niyang mukha, napalitan ng pag-aalala.

"Kailangan ko ng masasakyan! I need to get there, now!"

Humigpit ang hawak ni Dylan sa kamay ko bago sumenyas sa isang lalaki na nakasunod sa kaniya. Ilan sandali pa, tumigil sa tabi namin ang isang itim na sasakyan.

"Saang hospital?" tanong niya habang nasa biyahe na kami.

Mariin akong lumunok at pilit na pinakalma ang sarili. "San Sebastian Memorial Hospital."

"Tanya, kumalma ka."

"No! Ang sabi ng doctor, kapag inatake ulit ang anak ko, baka hindi na niya kayanin! I can't lose my baby! Siya na lang ang mayroon ako!" Tuluyan umagos ang mga luha sa pisngi ko.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsulyap sa akin ni Dylan. Wala na akong pakialam kahit makita pa niya ako sa ganitong kaawa-awang sitwasyon. Si Thalia lang ang mahalaga sa akin ngayon!

Nang makarating kami sa hospital, nakita ko si Wena sa labas ng isang public room. Agad ko siyang nilapitan.

"Where's my baby? What happened to her?"

"Nahirapan siyang huminga kanina pagkatapos mong umalis. E, nag-panic agad ako kaya dinala ko na siya rito."

Pumasok ako sa loob ng kuwarto, naabutan kong kinakausap ng isang doctor ang anak ko.

"Thalia?" Nakaupo siya sa isang hospital bed at nakangiting nakikipag-usap sa doctor.

"Mama!"

"Anak!" Mahigpit ko siyang niyakap. Puno ng pag-aalalang dinama ko ang init ng katawan niya.

"Mama, mahigpit! I can't breathe!"

"I'm sorry, baby. Nag-alala kasi ako." Kumalas ako sa yakap namin at pinahid ang mga luha ko. "How are you?"

"Mama, I'm fine. Si Ninang kasi, nag-worry agad."

Napatingin ako sa doctor na nasa tabi lang namin. Tinanguan ako nito. "Kinapos lang siya ng hangin. Siguro, dahil sa pagod. But she's okay now."

"Salamat, doc!"

Muli kong niyakap nang mahigpit ang anak ko. God, I was so worried. Akala ko, tatalon na mula sa loob ng dibdib ko ang aking puso. Hindi ko makakayang mawala siya sa akin.

Maya-maya lang ay narinig ko ang pagsinghap ni Thalia nang malakas. "Mama, look, oh! That's the guy from the mall!"

Natigilan ako nang marinig ang sinabi niyang iyon. Naalala kong kasama ko nga pala si Dylan.

Marahan at kabado kong nilingon si Dylan. Nakatayo lang siya sa tabi ni Wena habang titig na titig kay Thalia.

"Hello! Do you remember me?" Masayang kinayawan ng anak ko si Dylan.

Mula kay Thalia ay napatingin siya sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng mukha. Nakalimutan kong nagkakilala na nga pala sila.

Lumapit sa amin si Dylan. Titig na titig siya sa mukha ng anak ko. "Thalia?"

"Ako nga! Ang galing! You still remember me. Did you come here with my mama? Do you know each other?"

Puno ng pagtatakang tiningnan ako ni Dylan. Kulang na lang ay tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko. Hindi ko napaghandaan ito kaya hindi ko alam ang gagawin.

Dinala ako ni Dylan sa labas ng pampublikong silid. "Did you plan this?"

"Plan what? Ano na naman bang pinagsasabi mo?"

"Ang pagkikita namin sa mall, plinano mo ba?"

Inis akong umiling. "I can't believe this. Okay ka pa ba? Uminom ka nga ng kape para kabahan ka naman!"

"So, you mean, it's a just a coincidence? Nagkita kami ng anak mo sa mall, isa lang iyon malaking pagkakataon?"

"Oo! Dahil sabi mo nga, matagal mo na akong pinapahanap pero hindi mo naman ako nakikita! You wanna know why? Because I don't have any plans of meeting you again! Kung hindi lang dahil kailangan ng anak ko, isusumpa kita!"

Tinalikuran ko na siya at mabilis na bumalik sa tabi ni Thalia. Hindi ko na siya kinausap pa pagkatapos no'n hanggang sa magpaalam na siya kay Wena. Hindi man lang nag-abalang kausapin ulit ang anak ko.

Kinausap naman ako ng doctor na tumingin kanina kay Thalia. Sinabi niya sa akin ang mga bagay na alam ko na. My daughter's life is in danger. Habang tumatagal na hindi siya naooperahan, lalong nanganganib ang buhay niya.

Hinatid ko lang pauwi si Thalia at iniwan siya sa pangangalaga ni Wena. Hindi na ako bumaba ng taxi. Diretso akong nagpahatid sa opisina ni Dylan.

"You're here again. Let me guess, kailangan mo na ng pera?" Nginitian niya ako bago binaba sa ibabaw ng kaniyang office desk ang dala niyang briefcase.

Kinandado ko ang pinto sa likuran ko at mariin na lumunok. Kahit nakita na niya nang personal si Thalia, hindi pa rin nagbabago ang isip niya. Wala ba siyang naramdaman na lukso ng dugo?

Marahan akong tumango bago lumapit sa kaniya. Nginisian niya ako sa nakuhang sagot mula sa akin.

"I must say, marami kaming pagkakapareho ng anak mo. You did a good job."

"Good job?" Makikipagtalo pa sana ako, pero minabuti kong hindi na ituloy. "I'm here to do what you want."

"What I want?"

I started undressing my clothes. Natigilan siya at mabilis na bumaba ang paningin sa katawan ko. Ngayon ay underwear ko na lang ang natitirang saplot na suot ko.

Marahan niyang kinagat ang ibabang labi niya. "Pauwi na sana ako, but how can I say no?" Agad niyang hinubad ang suot niyang suit blazer.

Mga Comments (289)
goodnovel comment avatar
Loreza Joan Batin
next chapter
goodnovel comment avatar
JOBELL DE LA CUADRA
Paid stories na talaga tayo🥲
goodnovel comment avatar
Rocil Ebias Mabutas
full story pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status