BINUKSAN ko ang salaming pinto ng dining room at pumasok sa loob kasama si Thalia. Naroon na sina Dylan at Dayana pati ang anak nilang si Dianne."Nandito na tayong lahat! Let's eat dinner?" masiglang tanong ni Dayana sa amin.Ngumiti ako nang hindi abot sa mga mata. Kumuha ako ng pagkain para kay Thalia bago naglagay sa sarili kong plato. Buong oras, ramdam ko ang mga titig ni Dylan sa akin, pero pilit ko itong hindi pinapansin."Honey, alam mo ba? Honor student na naman itong Dianne natin! Manang-mana talaga sa iyo! Isang achiever!"Napatingin ako kay Dylan at nahuli siyang nakatingin sa akin bago bumaling sa mag-ina niya."Wow! Really? Is that true, sweety?""Yes, daddy! Ako ang first sa klase namin!""Very good! I should get you a prize, then? What do you want?"Lumaki agad ang ngiti sa mga labi ni Dianne. "I want to go to Disney!""Is that all, sweetie?" Mahinang tumawa si Dayana nang balingan nito ang anak. "Almost every summer vacation, nandoon tayo sa Disneyland. Wala ka bang
NAKAUPO kaming lahat sa harap ng hapagkainan at abalang nag-aagahan. Kasalukuyan kong inaasikaso si Thalia nang maramdaman ang isang bagay na gumagapang sa paa ko.Napatingin ako agad kay Dylan. Patay-malisya siyang kumakain, pero pasimpleng titingin sa akin at ngingiti."Gago," bulong ko sa sarili ko bago muling ibinalik kay Thalia ang atensiyon ko.Napasinghap ako at muling napatingin kay Dylan nang umangat ang paa niya sa pagitan ng mga hita ko."Mama, are you okay?" nabaling kay Thalia ang paningin ko sa tanong niyang iyon."Y-yeah, baby. I'm okay." Sinubuan ko siya ng scrambled egg.Napansin kong nakatingin sa akin si Dayana, maya-maya ay sumulyap naman ito kay Dylan na mataman na nakatitig sa akin.Naiinis ako sa kakaibang pagtitig ni Dylan. Mariin, malapot, at parang tumatagos hanggang sa aking kaluluwa.Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Marahas siyang naglabas-masok sa lagusan ko habang nakagapos ang mga kamay ko. Hindi niya ako tinigilan, habang tumatagal ay lalong bumi
MABILIS na kinarga ni Tanya ang anak niya matapos nitong lumabas ng laboratory. Nasa isang hospital kami kung saan head doctor ang kaibigan ko. Isa ito at ang ospital na pinagtatrabahuhan niya ang pinakamagaling sa Pilipinas. Dito namin isinagawa ang DNA testing."She looks exactly like you, " komento ni Zian nang mawala sa paningin namin sina Tanya at Thalia."Don't be deceived. We maybe have a resemblance, but that child is not mine.""What makes you think that?""Because I know, Zian." Nagbuga ako ng hangin bago umiling. "I need the result in one week. May heart problem ang bata. Kailangan niyang maoperahan agad.""May problema rin siya sa puso?""That's what Tanya said. Pero malay ko ba kung kasinungalingan din iyon?""Dylan, why don't you listen to her first? Kilala mo si Tanya. Hindi niya magagawang magsinungaling sa iyo.""I saw them, Zian! May nangyari sa kanila ni Timothy—in my own house! In our own fucking bedroom! Namatay si Steffi dahil inuna niyang magpakasasa sa kama kas
Dayana's POV"Kung hindi lang natin kailangan ang babaeng iyon, palalayasin ko na siya! Ngayon din mismo!"Pabalik-balik akong naglakad sa harap ni Dylan. Nakaupo siya sa dulo ng kama at walang imik.Natigilan ako nang mapansin na malalim ang iniisip niya. "What is it?"Hindi niya ako pinansin.Naupo ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. "Do we really have to do this? Baka puwedeng pakiusapan na lang natin ang lolo mo."Sa sinabi kong iyon ay nakuha ko ang atensiyon niya. Salubong ang mga kilay niya nang balingan ako ng paningin."Look what she did to us, Dylan! Matapos ko siyang pakisamahan nang maayos, tinanggap ko siya at ang anak niya sa pamamahay natin! Pero ito pa ang igaganti niya? Pagsasalitaan niya tayo nang masama?""Enough."Mabilis akong natigilan nang sumeryoso ang mukha ni Dylan. Naiinis na bumaling ako sa malayo."Fine!" Huminga ako nang malalim.I won't let Tanya affect us. Alam kong gumagawa lang ng palabas ang babaeng iyon para makaganti sa amin ni Dylan. Galit
NAKATUON ang buong atensiyon ko kay Thalia, pero ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Dylan habang abala ang lahat sa pag-aalmusal."Hon, gusto mo bang kumain mamaya sa labas?"Napatingin ako kay Dayana dahil sa sinabi niya. Naabutan ko pa siyang nakatingin sa akin bago mabilis na binaling kay Dylan ang atensiyon."Why?" Nabahiran ng pagtataka ang mukha ni Dylan. Ibinaba nito ang tasa ng kape at bumaling sa asawa."Ah, wala lang. Matagal na kasi tayong hindi nagdi-dinner sa labas. Baka lang gusto mo."Ibinalik ni Dylan ang atensiyon sa kinakain, pero natigilan ako nang maramdaman ang isang paa niya, hinihimas na ngayon ang binti ko.Hindi ko talaga alam kung paano nagagawa ng lalaking ito ang makipag-usap sa asawa niya habang nakikipaglandian sa akin sa ilalim ng mesa. Siguro dahil ugali na niya talaga ito!"Maybe some other time? Medyo busy ako sa work ngayon."Halatang nadismaya si Dayana sa nakuha nitong sagot. Hindi ako ipokrita kaya aaminin kong natuwa ako sa nangyayari. She dese
"Anong sinabi mo? Sinaktan ni Dayana ang inaanak ko!"Marahas akong nagbuga ng hangin habang lulan ng pampasaherong sasakyan. Kausap ko si Wena sa cellphone."Oo! Kinurot niya ang anak ko at kung ano-ano pa ang sinabi niya!""Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan! Anong cream ba ang pinapahid sa mukha ng malanding iyan at ganiyan na lang siya kakapal? Semento?"Inis akong nailing. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa sobrang galit sa ginawa ni Dayana. Hindi na siya nakuntento sa pagsira sa pamilya ko, sasaktan pa niya ngayon si Thalia!"So, what's your plan? Don't tell me, mananahimik ka lang sa tabi?""No, Wena. Ibang usapan na kapag nadamay si Thalia! I can put up with everything, pero ang makitang nahihirapan ang anak ko? Hindi!"Nang huminto ang jeep na sinasakyan ko, pagkatapos magbayad ay mabilis akong bumaba. Nagmamadali ang mga hakbang ko papunta sa building ng opisina ni Dylan."Hello, Ma'am Tanya—ma'am? Saan po kayo papunta? S-sandali po!"Hindi ko pin
Dayana's POV"Sino ba kasi ang naghahanap sa akin, Nay Linda?"Natigilan ako sa paglalakad nang sa pagbukas ko ng gate, sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Wena."W-Wena? Hey, sis! Long time no see—"Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong sinampal nang malakas. Gulat na napatingin ako sa kaniya."What was that for!""Para iyon kay Thalia! Anong karapatan mong saktan ang bata? Wala ka talagang kuwenta!"Matagal akong natigilan sa mga narinig. "Para kay Thalia? Pupunta ka sa bahay ko—uninvited, slapping me in the face, at sasabihin mong para kay Thalia?""Oo!""Bakit? Ano ka ba niya!""Ninang lang naman niya ako! Pangalawang ina ng batang sinaktan mo!""For God's sake, I didn't hurt her! I just grabbed her in the arms! Bastos kasi iyong batang iyon—"Napadaing ako at mabilis na humawak sa pisngi nang muli na naman niya akong sampalin. Kitang-kita ko ang paniningkit ng mga mata niya. Her face is fuming in red, as if she wanted to hurt me even more."Naiintindihan ko
"Mama, gusto ko rin ng donut." Malungkot na nakatingala sa akin si Thalia habang nakaupo ito sa dulo ng kama.Agad kong naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Napatingin ako kay Osang, malungkot din at naaawa ang mga mata nito habang nakatingin sa amin."I'll buy you a donut, baby. Kapag nagkatrabaho ulit si Mama, bibilhan kita ng isang box ng donut!"Umaliwalas agad ang mukha niya sa narinig. "Really, mama? Bibilhan mo talaga ako ng donut?""Oo naman, anak! Anong flavor ba ang gusto mo?""Iyong chocolate na may maraming nuts!"Malapad akong ngumiti bago siya niyakap nang mahigpit. "Ang sarap naman no'n! Parang gusto ko na rin kumain ng donut!"Hindi na kami bumaba para mag-dinner pagkatapos no'n. Lumabas lang ako sandali ng mansion at bumili ng makakain. Sa loob na kami ng kuwarto nag-dinner."Ma'am Tanya, bakit hindi kayo bumaba para kumain? Magagalit si Sir nyan.""Ayoko. Baka isipin ni Dayana, hindi kami makakakain kung wala sila. Tawagin pa kaming palamunin."Alas-dyes na ng gabi no