"Anong sinabi mo? Sinaktan ni Dayana ang inaanak ko!"Marahas akong nagbuga ng hangin habang lulan ng pampasaherong sasakyan. Kausap ko si Wena sa cellphone."Oo! Kinurot niya ang anak ko at kung ano-ano pa ang sinabi niya!""Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan! Anong cream ba ang pinapahid sa mukha ng malanding iyan at ganiyan na lang siya kakapal? Semento?"Inis akong nailing. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa sobrang galit sa ginawa ni Dayana. Hindi na siya nakuntento sa pagsira sa pamilya ko, sasaktan pa niya ngayon si Thalia!"So, what's your plan? Don't tell me, mananahimik ka lang sa tabi?""No, Wena. Ibang usapan na kapag nadamay si Thalia! I can put up with everything, pero ang makitang nahihirapan ang anak ko? Hindi!"Nang huminto ang jeep na sinasakyan ko, pagkatapos magbayad ay mabilis akong bumaba. Nagmamadali ang mga hakbang ko papunta sa building ng opisina ni Dylan."Hello, Ma'am Tanya—ma'am? Saan po kayo papunta? S-sandali po!"Hindi ko pin
Dayana's POV"Sino ba kasi ang naghahanap sa akin, Nay Linda?"Natigilan ako sa paglalakad nang sa pagbukas ko ng gate, sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Wena."W-Wena? Hey, sis! Long time no see—"Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong sinampal nang malakas. Gulat na napatingin ako sa kaniya."What was that for!""Para iyon kay Thalia! Anong karapatan mong saktan ang bata? Wala ka talagang kuwenta!"Matagal akong natigilan sa mga narinig. "Para kay Thalia? Pupunta ka sa bahay ko—uninvited, slapping me in the face, at sasabihin mong para kay Thalia?""Oo!""Bakit? Ano ka ba niya!""Ninang lang naman niya ako! Pangalawang ina ng batang sinaktan mo!""For God's sake, I didn't hurt her! I just grabbed her in the arms! Bastos kasi iyong batang iyon—"Napadaing ako at mabilis na humawak sa pisngi nang muli na naman niya akong sampalin. Kitang-kita ko ang paniningkit ng mga mata niya. Her face is fuming in red, as if she wanted to hurt me even more."Naiintindihan ko
"Mama, gusto ko rin ng donut." Malungkot na nakatingala sa akin si Thalia habang nakaupo ito sa dulo ng kama.Agad kong naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Napatingin ako kay Osang, malungkot din at naaawa ang mga mata nito habang nakatingin sa amin."I'll buy you a donut, baby. Kapag nagkatrabaho ulit si Mama, bibilhan kita ng isang box ng donut!"Umaliwalas agad ang mukha niya sa narinig. "Really, mama? Bibilhan mo talaga ako ng donut?""Oo naman, anak! Anong flavor ba ang gusto mo?""Iyong chocolate na may maraming nuts!"Malapad akong ngumiti bago siya niyakap nang mahigpit. "Ang sarap naman no'n! Parang gusto ko na rin kumain ng donut!"Hindi na kami bumaba para mag-dinner pagkatapos no'n. Lumabas lang ako sandali ng mansion at bumili ng makakain. Sa loob na kami ng kuwarto nag-dinner."Ma'am Tanya, bakit hindi kayo bumaba para kumain? Magagalit si Sir nyan.""Ayoko. Baka isipin ni Dayana, hindi kami makakakain kung wala sila. Tawagin pa kaming palamunin."Alas-dyes na ng gabi no
"Tanya, wait!"Hindi ko binigyan ng pansin si Timothy at mabilis na umalis sa harap niya. Nagmamadali akong pumara ng taxi nang makalabas ng purple cafe, pero kung minamalas ka nga naman, walang ni isang taxi sa paligid!"Kainis!" Nagdesisyon akong pumunta na lang sa pinakamalapit na sakayan ng jeep."Tanya, please! Let's talk!""I don't want to talk to you, ever!""Tanya, naman! Ang tagal kitang hinanap! I wanted to say sorry! Pakinggan mo naman ako!"Tuluyan niya akong hinawakan sa braso para pigilan, pero sa sobrang inis ko ay pinaghahampas ko sa siya gamit ang slingbag ko."Ayaw kong makausap ka! You ruined my life, Timothy! You ruined me!""And I'm sorry! Please!"Hindi ko napigilan ang sarili ko na maluha. Mas lalong napuno ng guilt at pagsisisi ang mga mata niya nang makita akong lumuluha. Nakakainis! Hindi ko mapigilan ang inis at galit ko kaya naiyak pa ako!"There's nothing to talk about! I can't ever forgive you!"Tinalikuran ko siya pero malakas niyang sinigaw ang pangalan
"Papayag ka bang manatili sa tabi ko... kahit makapanganak ka na?"Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "As what? As your mistress? No fucking way, Dylan Aragon!"Malakas ko siyang itinulak sa dibdib. Agad kong isinara ang pinto ng kuwarto at ni-lock ito.Malakas ang kabog ng dibdib nang tumalikod ako at sumandal sa pinto ng kuwarto. Nawawala na si Dylan sa sarili niya kung iniisip niyang papayag akong maging kabit niya habang-buhay! Akala ba niya, ginusto ko ito? Ang bumukaka sa harap niya sa tuwing nangangati siya?I loved him with all my heart and he chose to break me. Silang dalawa ni Dayana, trinaydor nila ako. At ngayon, naghihirap ang anak ko nang dahil sa kanila.Kapag nakuha ko na ang kailangan ko, gaganti ako sa kanilang dalawa!***Matapos makapag-ayos sa harap ng salamin, mabilis kong hinalikan sa pisngi ang natutulog na si Thalia."Ang aga n'yong aalis, ma'am! Nakahanap na kayo ng trabaho?"Nilingon ko si Osang nang dahil sa kaniyang tanong. "Hindi pa nga,
"Sir? Sir Dylan? Hey, Dylan! Are you listening?"Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang ilang ulit na pitikin ni Janice ang mga daliri niya sa harap ko."Are you back to reality, sir? Dumating na si Mr. Juan. He's waiting for you in the meeting room."Nagbuga ako ng hangin nang marinig iyon. "Ah, yeah. Sige, I'm coming."Mahinang natawa si Janice habang nakatingin sa akin. "Told you, balikan mo na.""What?""Sir, ilang araw ka nang tulala. Wala ka sa sarili at mukha ka pang zombie na naagawan ng pagkain.""Ano bang pinagsasabi mo?" Tumayo ako at diretsong naglakad papunta sa pinto."Si Tanya, sir.""Ano?" Napatigil ako bigla sa paglalakad nang banggitin niya ang pangalang iyon."Balikan mo na si Tanya, sir. Before it's too late.""It is too late, Janice. Kinasusuklaman na niya ako.""No, it's not yet. Basta alam mo kung paano babawi sa kaniya. There's still a chance na mapatawad ka pa niya.""At paano ako babawi sa kaniya? How do I do that? Hindi siya katulad ng ibang babae. Hindi
ILANG beses akong umirap matapos akong kulitin ni Dylan tungkol sa trabaho ko. Kahahatid lang namin kay Thalia sa private school kung saan nag-aaral din si Dianne."Good luck, baby! Babalikan kita after my work, okay?"Nakangiting tumango sa akin si Thalia. Humalik pa siya sa pisngi ko bago bumaling kay Dylan at kumaway rito."Papasok na ako, papa."Mula sa akin ay nabaling sa anak ko ang paningin ni Dylan. Nakita ko siyang pilit na ngumiti."Please, take care of her and my daughter," sabi pa niya sa teacher ng mga bata.Nakangiti namang tumango ni Mrs. Saturno. "Don't worry about your kids, Mr. Aragon. They are in good hands."Tinanaw ko mula sa labas ng classroom si Thalia. Nakita kong lumapit siya kay Dianne at nakangiting kinausap ito, pero pag-irap lang ang itinugon nito sa anak ko. Maldita talaga."Pasensya ka na kay Dianne, hindi siya sanay na may ibang bata sa bahay."Gusto kong umirap sa mga narinig mula kay Dylan. Hindi sanay na may ibang bata? Ayaw na lang kasi aminin na de
"Papa! Ang saya!"Napatingin ako kay Thalia nang makababa siya ng ride na sinakyan niya. Nasa isang mall kami at namamasyal. Naisip kong dalhin dito ang bata para mag-enjoy naman."Baby, tama na sa kaka-ride, okay? Ang dami mo nang rides na nasakyan. Baka mapagod ka." Kinarga ni Tanya si Thalia at dinala ito sa pinakamalapit na bench. Nilagyan nito ng morning towel ang likod ng bata."But mama, I want to ride that helicopter!""Baby, baka sumuka ka na niyan. Enough na, okay?"I had a big smile on the face when I went to them. Tinapik ko sa balikat si Tanya at tinanguan. "Hayaan mo na. Ngayon lang naman.""No, Dylan. Pagod na siya. Tingnan mo, pawis na pawis na ang likod ng anak ko.""Thalia, last ride mo na ang helicopter, huh?"Natigilan si Tanya sa paglalagay ng pulbo sa likod ng bata dahil sa sinabi ko. Nagliwanag naman agad ang mukha ng anak niya sabay yakap sa akin."Yes, papa!"Matapos namin pasakayin sa helicopter ride si Thalia, agad akong hinila ni Tanya sa isang tabi."Ano b