"Sir? Sir Dylan? Hey, Dylan! Are you listening?"Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang ilang ulit na pitikin ni Janice ang mga daliri niya sa harap ko."Are you back to reality, sir? Dumating na si Mr. Juan. He's waiting for you in the meeting room."Nagbuga ako ng hangin nang marinig iyon. "Ah, yeah. Sige, I'm coming."Mahinang natawa si Janice habang nakatingin sa akin. "Told you, balikan mo na.""What?""Sir, ilang araw ka nang tulala. Wala ka sa sarili at mukha ka pang zombie na naagawan ng pagkain.""Ano bang pinagsasabi mo?" Tumayo ako at diretsong naglakad papunta sa pinto."Si Tanya, sir.""Ano?" Napatigil ako bigla sa paglalakad nang banggitin niya ang pangalang iyon."Balikan mo na si Tanya, sir. Before it's too late.""It is too late, Janice. Kinasusuklaman na niya ako.""No, it's not yet. Basta alam mo kung paano babawi sa kaniya. There's still a chance na mapatawad ka pa niya.""At paano ako babawi sa kaniya? How do I do that? Hindi siya katulad ng ibang babae. Hindi
ILANG beses akong umirap matapos akong kulitin ni Dylan tungkol sa trabaho ko. Kahahatid lang namin kay Thalia sa private school kung saan nag-aaral din si Dianne."Good luck, baby! Babalikan kita after my work, okay?"Nakangiting tumango sa akin si Thalia. Humalik pa siya sa pisngi ko bago bumaling kay Dylan at kumaway rito."Papasok na ako, papa."Mula sa akin ay nabaling sa anak ko ang paningin ni Dylan. Nakita ko siyang pilit na ngumiti."Please, take care of her and my daughter," sabi pa niya sa teacher ng mga bata.Nakangiti namang tumango ni Mrs. Saturno. "Don't worry about your kids, Mr. Aragon. They are in good hands."Tinanaw ko mula sa labas ng classroom si Thalia. Nakita kong lumapit siya kay Dianne at nakangiting kinausap ito, pero pag-irap lang ang itinugon nito sa anak ko. Maldita talaga."Pasensya ka na kay Dianne, hindi siya sanay na may ibang bata sa bahay."Gusto kong umirap sa mga narinig mula kay Dylan. Hindi sanay na may ibang bata? Ayaw na lang kasi aminin na de
"Papa! Ang saya!"Napatingin ako kay Thalia nang makababa siya ng ride na sinakyan niya. Nasa isang mall kami at namamasyal. Naisip kong dalhin dito ang bata para mag-enjoy naman."Baby, tama na sa kaka-ride, okay? Ang dami mo nang rides na nasakyan. Baka mapagod ka." Kinarga ni Tanya si Thalia at dinala ito sa pinakamalapit na bench. Nilagyan nito ng morning towel ang likod ng bata."But mama, I want to ride that helicopter!""Baby, baka sumuka ka na niyan. Enough na, okay?"I had a big smile on the face when I went to them. Tinapik ko sa balikat si Tanya at tinanguan. "Hayaan mo na. Ngayon lang naman.""No, Dylan. Pagod na siya. Tingnan mo, pawis na pawis na ang likod ng anak ko.""Thalia, last ride mo na ang helicopter, huh?"Natigilan si Tanya sa paglalagay ng pulbo sa likod ng bata dahil sa sinabi ko. Nagliwanag naman agad ang mukha ng anak niya sabay yakap sa akin."Yes, papa!"Matapos namin pasakayin sa helicopter ride si Thalia, agad akong hinila ni Tanya sa isang tabi."Ano b
HINDI mawala ang ngiti sa mga labi ko habang inaalala ang mga nangyari noong gabing hindi kami umuwi ni Tanya.Ibang-iba siya noong gabing iyon. She was wild and tempting. Para akong inaakit ng paraiso patungo sa makasalanang lugar ng impyerno.But I was more than happy to serve her—to please her. Kahit magpakalunod pa ako sa kumukulong kumunoy ng pagkakasala, nakahanda akong gawin uli. Makasama lang siya at muling madama ang init ng halik at mga haplos niya."Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Naglipana na ang drugs. Tingnan mo naman, hon! May nahuli na namang drug lord ang mga pulis."Napatingin ako sa malaking flat-screen TV kung saan nagbabalita ang isang kilalang news anchor. Nakatuon doon ang mga mata ko pero ang isip ko, nakay Tanya pa rin. "At may pinaghihinalaan pa silang drug dealer—isang pari! Can you believe it, hon? A priest? Na dapat sana, alagad ng Diyos, pero isa palang alagad ng kasamaan! My God!""Good morning!"Natigilan kami ni Dayana nang pumasok si Tanya
Dayana's POV"What are we going to do now? That bastard is a fraud! Nakakahiya kapag nalaman ito ng ibang tao!"Tiningnan ko si Dylan habang nakaupo ito sa dulo ng kama. Nakatingin na siya sa akin nang may pagtataka sa mukha."Bakit ka mahihiya sa kanila? Hindi natin kasalanan ito, Dayana.""Hindi mo naiintindihan!" Inis ko siyang nilapitan. "Kukutyain na naman ako ng mga kaibigan mo! Nang mga kakilala n'yo ni Tanya! Sasabihin nilang dapat lang sa akin ito dahil ako ang sumira sa pagsasama n'yo!"Nailing siya dahil sa mga sinabi ko. "That's not true.""Palibhasa, wala kang alam tungkol sa mga sinasabi nila sa akin! The way they look at me, and how they gossip behind my back! Pati ang lolo mo, may nasasabi tungkol sa akin!""Will you calm down, Dayana? Hindi makakatulong ang pagh-hysterical mo.""No! Hindi ako kakalma! Ginawa ko naman ang lahat, Dylan! I did everything to be worthy of you and your love! Naging mabuting asawa ako! Naging mabuting ina! Binago ko ang sarili ko para maging
Dylan's POVNADATNAN namin ni Dayana ang adviser at principal ng school ni Dianne sa labas ng emergency room. Halos kapusin ako ng hangin nang makita ang ilang mantsa ng dugo sa mga kasuotan nila."Nasaan ang anak ko? Anong nangyari sa kaniya? Bakit n'yo siya pinabayaan!"Sinubukan kong hawakan sa mga braso si Dayana upang pakalmahin ito. Pero patuloy siya sa pagluha habang panay sisi sa dalawang guro."Ma'am, tumakbo palabas ng eskwelahan ang anak n'yo. We tried to go after her, but we were too late.""Then this is your fault! Nagbabayad kami nang malaking halaga sa inyo, hindi para pabayaan n'yo lang ang anak namin!""Mrs. Aragon, I'm so sorry pero hindi namin ito ginusto. Walang may gusto sa nangyari.""Kapag may nangyaring masama kay Dianne, I will sue you! Ipapasara ko ang school ninyo!"Mariin akong napapikit sa mga narinig. Niyakap ko si Dayana at inilayo sa dalawang guro.Mahinahon ko silang hinarap habang umiiyak si Dayana sa isang sulok. "Please, tell us about what really ha
"Sino ang tunay na ama ni Dianne?" Mula sa lupa ay nag-angat ng paningin sa akin si Dayana. Namumula ang mga mata niya at namumutla ang kaniyang mukha. "D-Dylan, a-ano bang tanong iyan? I-ikaw—" "Don't fucking lie to me!" I clenched my fists and cursed under my breath. Nagdidilim ang paningin ko sa sobrang galit. "I'll ask you again, Dayana. I want you to tell me the fucking truth!" "Dylan, please. Nakakahiya, huwag dito sa labas ng hospital. Maraming nakakakita—" "Saan mo gusto!" Napapitlag siya sa gulat nang magtaas ako ng boses. Mariin siyang pumikit. "Magsabi ka ng totoo, damn it! Ako ba o hindi ang tunay na ama ni Dianne!" "Ikaw! Ikaw ang ama niya!" Nilapitan ko siya at mahigpit na hinawakan sa braso. "Bakit hindi kami magkadugo?" "I don't know! B-baka nagkamali lang ang mga doctor!" She shook her head and tried to loose free from my grip. "Puwedeng mangyari iyon, Dylan! Kahit naman kami, hindi nag-match!" Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "How can you keep doing
"Timothy!"Nakita ko kung paano natigilan si Timothy nang makita niya ako. Mabilis niyang binitiwan ang kamay ni Tanya at bahagyang itinaas ang dalawang kamay."Dylan, it's not what you think—""Hayop ka!" Malakas ko siyang sinuntok sa mukha na naging dahilan nang pagbagsak niya sa lupa.Napatili si Tanya dahil sa ginawa ko. Sinubukan niya akong pigilan pero itinulak ko siya palayo.Lahat ng galit na naipon sa dibdib ko sa nakalipas na apat na taon, bumalik ang lahat ng iyon. I want to kill this bastard! He ruined us!"I'll fucking kill you!" Mabilis ko siyang kinuwelyuhan at paulit-ulit na pinagsusuntok sa mukha.Mabilis na nagtinginan ang mga tao sa paligid. Kahit ang ilan na nasa loob ng coffee shop ay lumabas at sinubukan pa kaming pigilan."Tama na iyan, Dylan! Ano ba!" Mabilis na humarang sa harap ko si Tanya nang magawa akong ilayo nang dalawang lalaki mula kay Timothy."Bitiwan n'yo ako!" Kumawala ako sa pagkakahawak ng mga ito at matalim na tinitigan si Tanya. "Get out of the