"Sino ang tunay na ama ni Dianne?" Mula sa lupa ay nag-angat ng paningin sa akin si Dayana. Namumula ang mga mata niya at namumutla ang kaniyang mukha. "D-Dylan, a-ano bang tanong iyan? I-ikaw—" "Don't fucking lie to me!" I clenched my fists and cursed under my breath. Nagdidilim ang paningin ko sa sobrang galit. "I'll ask you again, Dayana. I want you to tell me the fucking truth!" "Dylan, please. Nakakahiya, huwag dito sa labas ng hospital. Maraming nakakakita—" "Saan mo gusto!" Napapitlag siya sa gulat nang magtaas ako ng boses. Mariin siyang pumikit. "Magsabi ka ng totoo, damn it! Ako ba o hindi ang tunay na ama ni Dianne!" "Ikaw! Ikaw ang ama niya!" Nilapitan ko siya at mahigpit na hinawakan sa braso. "Bakit hindi kami magkadugo?" "I don't know! B-baka nagkamali lang ang mga doctor!" She shook her head and tried to loose free from my grip. "Puwedeng mangyari iyon, Dylan! Kahit naman kami, hindi nag-match!" Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "How can you keep doing
"Timothy!"Nakita ko kung paano natigilan si Timothy nang makita niya ako. Mabilis niyang binitiwan ang kamay ni Tanya at bahagyang itinaas ang dalawang kamay."Dylan, it's not what you think—""Hayop ka!" Malakas ko siyang sinuntok sa mukha na naging dahilan nang pagbagsak niya sa lupa.Napatili si Tanya dahil sa ginawa ko. Sinubukan niya akong pigilan pero itinulak ko siya palayo.Lahat ng galit na naipon sa dibdib ko sa nakalipas na apat na taon, bumalik ang lahat ng iyon. I want to kill this bastard! He ruined us!"I'll fucking kill you!" Mabilis ko siyang kinuwelyuhan at paulit-ulit na pinagsusuntok sa mukha.Mabilis na nagtinginan ang mga tao sa paligid. Kahit ang ilan na nasa loob ng coffee shop ay lumabas at sinubukan pa kaming pigilan."Tama na iyan, Dylan! Ano ba!" Mabilis na humarang sa harap ko si Tanya nang magawa akong ilayo nang dalawang lalaki mula kay Timothy."Bitiwan n'yo ako!" Kumawala ako sa pagkakahawak ng mga ito at matalim na tinitigan si Tanya. "Get out of the
HAWAK ang baso ng alak sa isang kamay at ang bote sa kabila, naupo ako sa gilid ng kama at tumitig sa kawalan.Gusto kong magwala habang lumalaklak ng alak. Sa dami ng bagay na tumatakbo sa isipan ko, hindi ko na alam kung anong problema ang uunahin kong intindihin.Isa lang ang malinaw sa akin ngayon, kahit ano pa ang mangyari, hindi ako papayag na muling mawala sa akin si Tanya.Natigilan ako sa pag-iisip nang marahang bumukas ang pinto ng kuwarto. Puno ng pag-ingat na pumasok si Dayana. Madilim sa kuwarto dahil nakapatay ang mga ilaw kaya natigilan pa siya nang makita ako."What are you doing here?""D-Dylan, kukuha lang ako ng mga damit. Sa ospital ako matutulog kasama si Dianne."Nilapag ko sa ibabaw ng sidetable ang bote ng wine at tumayo. "Kunin mo na lahat ng gamit mo dahil makakalayas ka na.""Ano? H-hindi puwede! Dylan, please! Don't do this!"Hindi ko siya pinakinggan. Mabilis akong pumasok sa walk-in closet ng kuwarto at isa-isang inilabas ang mga damit niya mula sa cabine
MATAGAL akong nakatulala habang nakaupo sa mahabang kahoy na upuan sa labas ng hospital. Bumalik si Zian na may dalang dalawang kape sa magkabilang kamay."Anong gagawin ko? Paano pa ako babawi pagkatapos ng mga nagawa ko?"Nagpakawala siya ng hangin. "Hindi ko alam, dude. Pero kung gusto mo talagang bumawi, ngayon mo gawin. Go to your daughter, now."Mula sa hospital ay napatingin ako sa kaniya. Malayo ang tingin niya habang humihigop ng kape.Wala sa sariling tumango ako. He's right. Why the fuck am I still here? I should be there with them! Agad akong tumayo at patakbong pumunta sa kotse ko. Mabilis ko itong pinaharurot pabalik sa mansion."Shit!" Pabigla kong inapakan ang break nang makita ang redlight.Sa lalim ng iniisip ko, nawala na sa pagmamaneho ang konsentrasyon ko. Natigilan at napatingin sa batang babae habang tumatakbo ito sa daan papalapit sa mga magulang niya. I smiled as I noticed how happy the girl was. She was holding a toy in her hand. Bigla ko na naman naalala s
MAHIGIT isang linggo pa lang ang lumilipas mula nang bumaliktad ang mundo ko. During those days, I'm trying very hard to fix my life.Bumabawi ako nang puspusan kay Thalia habang hinihingi rin ang kapatawaran ni Tanya. Naging madali para sa akin ang kunin ang loob ng anak namin. She's been nothing but sweet and forgiving to me, but it's a different story when it comes to Tanya.Araw-araw niya akong iniiwasan. Hindi ko siya makausap nang maayos, ni ang lapitan siya ay hindi ko magawa dahil agad siyang umiiwas.Hindi na rin ako umangal nang ipagpatuloy niya ang pagtatrabaho sa coffee shop ni Timothy. Naging matigas si Tanya at sinabing mahalaga ang rason niya kung bakit siya patuloy na pumapasok doon.Nilapag ko sa mahabang mesa ang medyo nangingitim na itlog, sunog na hotdog, hindi maipintang pancakes, at fried rice na kulay brown. Matagal itong pinagmasdan ni Tanya bago bumaling sa anak namin."Thalia, I'm going to work. Iyong luto ni Yaya Osang ang kainin mo. Behave, okay? Huwag mong
NAUPO ako sa harap ng hapag matapos kaming ipatawag ni Dylan. Sabado ngayon kaya half-day lang ako sa trabaho. Gusto ko sanang ilabas si Thalia para ipasyal, pero naunahan naman kami ni Dylan."Malapit na ang birthday ng mga bata. Pinatawag ko kayo para alamin kung anong plano n'yo." Nakatingin sa akin si Dylan habang sinasabi ang mga iyon."Gusto ko lang makasamang mamasyal ang anak ko," sagot ko sa kaniya.Bahagya siyang lumapit sa akin. "Tanya, nagpaplano sana akong bigyan ng birthday party si Thalia. Gusto ko siyang ipakilala sa lahat.""Ayoko!" mabilis kong tugon na ikinatigil niya. "S-she's not ready yet. And I want her to undergo the operation first."Napabuntonghininga siya dahil sa narinig. Pero nang makapag-isip-isip, nang-uunawang tinanguan niya ako."Why don't we let the girls to decide? Tutal, sila naman ang magbi-birthday," napatingin kami kay Dayana dahil sa sinabi niya."Mommy, gusto ko ng big celebration! And I also want a Frozen theme!"Napatingin si Dayana kay Dylan
Dayana's POVMABILIS kong sinundan si Dylan nang makita itong naglalakad palabas ng pintuan. No way I'd let him leave this mansion! Not today!"Where are you going? Kina Tanya, ano? Huwag kang magsisinungaling!""I don't need to lie. Yes, pupunta ako sa mag-ina ko."Nasaktan ako sa salitang ginamit niya. Mag-ina. Gusto kong matawa habang umiiling. Kami lang ang mag-ina niya! Hindi ang malanding Tanya at sipsip na anak niya!"You can't leave! You can't do that to Dianne! Birthday niya ngayon!""Birthday rin ng anak ko ngayon. Ano pa ba ang ikinagagalit mo? Magpasalamat ka na lang, binigyan ko pa nang malaking selebrasyon ang anak mo.""Anak mo rin si Dianne!" Bigla akong natigilan nang napalakas ang tinig ko.Lumingon ako sa paligid. Mabuti na lang dahil mga katulong lang ang nakarinig.Walang pakialam siyang umalis. Sinubukan ko pa siyang tawagin pero hindi na siya lumingon pa.Buong araw, sa kabila ng enggrandeng celebration, hindi naging masaya si Dianne. Hinahanap niya si Dylan, pe
NAPANGITI ako habang pinagmamasdan sina Dylan at Thalia. Yakap ni Dylan nang mahigpit ang anak namin at parang ayaw na itong pakawalan pa."Dylan, naghihintay ang mga doctor."Lalong humigpit ang yakap niya sa anak ko. "Thalia, promise you'll come back to us, okay?""Yes, papa! I promise! Pinky swear!" Tinaas ni Thalia ang hinliliit nito.Natawa ako nang gawin din iyon ni Dylan bago hinagkan sa noo ang anak namin. Kumaway pa si Thalia bago ito tuluyang pumasok sa loob.Buong buhay ko, maliban noong makita ko sa morgue ang malamig na katawan ni Steffi, ngayon lang na lang uli ako nakaramdam nang ganitong katinding takot.My daughter's heart is failling. Sa halip na heart surgery, we needed to find a heart donor for her to have a heart transplant.Mabuti na lang dahil malawak ang koneksyon ni Dylan. Naging madali para sa kaniya ang maghanap ng heart donor at ihanda ang lahat sa loob lang nang maikling oras."Natatakot ako." Mula sa pinto ng operation room, napatingin ako kay Dylan na ng