NAPANGITI ako habang pinagmamasdan sina Dylan at Thalia. Yakap ni Dylan nang mahigpit ang anak namin at parang ayaw na itong pakawalan pa."Dylan, naghihintay ang mga doctor."Lalong humigpit ang yakap niya sa anak ko. "Thalia, promise you'll come back to us, okay?""Yes, papa! I promise! Pinky swear!" Tinaas ni Thalia ang hinliliit nito.Natawa ako nang gawin din iyon ni Dylan bago hinagkan sa noo ang anak namin. Kumaway pa si Thalia bago ito tuluyang pumasok sa loob.Buong buhay ko, maliban noong makita ko sa morgue ang malamig na katawan ni Steffi, ngayon lang na lang uli ako nakaramdam nang ganitong katinding takot.My daughter's heart is failling. Sa halip na heart surgery, we needed to find a heart donor for her to have a heart transplant.Mabuti na lang dahil malawak ang koneksyon ni Dylan. Naging madali para sa kaniya ang maghanap ng heart donor at ihanda ang lahat sa loob lang nang maikling oras."Natatakot ako." Mula sa pinto ng operation room, napatingin ako kay Dylan na ng
Dylan's POVKANINA pa ako pabalik-balik ng lakad sa harap ng hospital habang naghihintay ng tawag mula kay Janice. Half an hour ago, I ordered her to call someone from our IT team.Pinatawag ko ang pinakamagaling na hacker na nagtatrabaho sa amin. Sa ngayon ay hina-hack na nito ang lahat ng CCTV camera sa paligid ng hospital para matunton kung saan naroon si Tanya."Fuck!" malakas akong napamura nang maisip kung saan dadalhin ni Tanya ang anak namin.Hindi pa maayos ang lagay ni Thalia. Kahit sabihing malakas na ito, puwedeng magkaroon ng complications kaya kailangan siyang mabantayan!Mabilis kong sinagot ang tawag nang mag-ring ang phone ko. "Janice, where is she?""10 minutes ago, they headed to the bus terminal near the market."Agad akong sumakay ng kotse at pinaharurot ito palayo. I'm cursing non-stop while inside the car."Dammit! Why are you doing this to me, Tanya?"Halos masiraan ako ng ulo noon kakahanap sa kaniya. I even lied to her about grandpa's will just to tied her wi
Dylan's POV HINDI AKO nag-aksaya ng oras. Agad akong bumiyahe papunta sa address na ibinigay sa akin ni Janice. Natagalan ako pero pagdating ko roon, nandoon na at naghihintay sa gilid ng daan ang grupo ng mga lalaking binayaran namin."Sir Dylan."Nakipagkamay ako sa lider ng grupo. "James, where are they?""Sa dulo ng isla, may maliit na bahay roon. Nandoon sila ngayon."Napangiti ako nang tanguan siya. Nagmadali ako sa pagpunta sa dulo ng isla. Nang marating ko ito, napansin ko ang may kaliitan na bahay na yari sa pinagtagpi-tagping mga kahoy.Hindi pa ako nakakalapit, biglang lumabas si Tanya mula sa nakabukas na pinto. Natigilan siya nang makita ako at nabitiwan ang hawak."Dylan? Anong ginagawa mo rito? Paano mo ako nahanap?"Pagod akong nagbuga ng hangin habang nakatingin sa kaniya. Akmang lalapitan ko siya pero bigla siyang umatras. Nang matigilan ako ay kumaripas siya ng takbo palayo."Tanya!"Damn it! Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit niya ito ginagawa? Pakiramdam ko ay
ILANG beses akong bumuntonghininga habang naghahanda ng makakain. Kasalukuyan ko ring kausap si Wena sa cellphone."You got to be kidding me! You let him do you but you refused to take him back? Tanya, ano ba talagang tumatakbo sa isip mo?"Napabuga uli ako ng hangin matapos ng mga sinabi niya. Katatapos ko lang magkuwento tungkol sa nangyari sa amin ni Dylan. At wala na siyang tigil sa kakatalak sa akin."Hindi ko rin alam. Siguro nga, nababaliw na ako.""Mabuti't alam mo! Sinong babae ba naman ang nasa tamang katinuan na tatakas-takas sa asawa, tapos nung nahanap, bibigay rin pala pero magmamatigas pa rin?"Tinigil ko ang pagtitimpla ng kape at naupo sa harap ng lamesa. Nakatanaw ako sa nakabukas na pintuan kung saan malayang nakikita ang kalmadong karagatan."Mahal mo pa rin ba si Dylan?"Bumuntonghininga na naman ako at wala sa sariling tumango. "Hindi naman nawala iyon.""E, bakit ba kasi ayaw mong balikan iyong tao? Tinago mo pa ang anak n'yo! Bilyonaryo iyon! Kahit anong tago a
UMIWAS ako ng paningin nang makitang sinusundan pa rin ako ng mapanuring mga mata ng mga taong dumalo sa libing ni Mrs. Brown. Ngayon ay nasa sala na kami at nakaupo pero aligaga pa rin ako."Are you okay?" Nilapitan ako ni Dylan at maagap na hinawakan ang kamay ko.Pinagmasdan ko ang namumutla niyang mukha, may mga maliliit siyang sugat. Siguro galing sa mga basag na salamin ng sasakyan. I heard it was a car crash. Nabunggo siya ng malaking truck at tumilapon pa ang kotse niya."Ikaw? A-ayos ka na?" Nahihiya ako sa kaniya. Dahil sa eksena kanina at dahil sa nangyaring pagkakaaksidente niya.Nakangiti siyang tumango. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko matapos akong hagkan sa noo."I love you so much, mahal." Ngumiti ako sa narinig. "I love you, too."Naiinis kong pinahid ang mga luhang tumakas mula sa mga mata ko. Sa halip na lumayo ako kay Dylan, heto't nakapag-confessed pa ako nang wala sa oras. Nakakainis naman kasi itong maling akala na ito! Nakakahiya!"Janice told me it was
"Ikaw ang mang-aagaw!" mabilis kong tugon na ikinabangis lalo ng mukha niya. Bruha! Tinawanan niya ako. "Masaya na kami, Tanya! Pero simula nang dumating ka, nagkandaletse-letse na naman ang lahat! Mang-aagaw ka!" "Dayana, tumigil ka na! Nag-usap na tayo. Kung ayaw mong makulong, aalis ka ng pamamahay ko nang maayos!" Napatingin ako kay Dylan sa mga sinabi niya. Makulong? Sa salang ano? May hindi ba ako nalalaman? "I refuse to obey! Wala akong ginagawang kasalanan para makulong! Kung mayroon man dapat na mabulok sa kulungan dito, kayo iyon! Ipapakulong ko kayo sa salang adultery!" Napailing ako habang si Dylan naman ay napangiti. "Wala kang makakaso sa amin. Walang bisa ang kasal natin." Natigilan si Dayana sa narinig. Tatanga-tanga kasi. Nakalimutan na yata niyang peke ang paring nagkasal sa kanila ni Dylan. "Hindi ako aalis, Dylan! Sabihin na nating walang bisa ang kasal natin, pero sa mata ng Diyos, mag-asawa pa rin tayo! May karapatan ako sa iyo!" "Kung sa mata na rin lang
TULUYANG bumagsak ang mga tuhod ko pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Timothy. Mabilis akong dinaluhan ni Dylan at mahigpit na niyakap."S-si Steffi... A-ang anak natin... "Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko nang maalala ang hitsura ng malamig na katawan ng aking anak sa morgue. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng anak ko at pagkasira ng pamilya namin.Naniwala ako kay Dylan na kasalanan ko ang nangyari kay Steffi. Ako ang may dahilan ng pagkamatay niya... all this time, I've been blaming no one but myself, pero hindi."Hayop ka! Pinatay mo ang anak ko!" Mabilis akong tumayo at sinugod si Dayana, pero bago ko pa man siya malapitan ay mahigpit na akong niyakap ni Dylan mula sa likod para mapigilan. "Pinatay mo siya! Pinatay mo si Steffi!""No! It was an accident! I swear, it's an accident!" Umiling siya sa akin, puno ng takot ang mga mata niya."All these years, binabangungot pa rin ako sa nangyari sa anak ko! I blamed myself, pero ikaw... ikaw pala ang pumatay sa anak
PARANG nag-slow-motion ang paligid ko nang biglang humarang sa harap ko si Timothy para saluhin ang bala. Bumagsak siya sa sahig hawak ang kaliwang braso niya."Timothy! Oh, God! I'm sorry!" sumigaw si Dayana, mabilis nitong dinaluhan si Timothy.Nagsimulang lumabo ang paligid ko nang makita ang namumutlang mukha ni Dylan habang nakatingin sa akin. Agad na nangilid ang luha sa pisngi niya. Doon bumaba ang paningin ko sa sarili ko.Ang balang dapat ay sasaluhin ni Timothy, daplis lang ang tama sa kaniya at tumagos pa rin sa akin."Tanya? No... Tanya!"Ang natatakot na boses ni Dylan ang huli kong naaalala bago ako nawalan ng malay.***Nagising ako sa marahan na paghaplos ng isang palad sa buhok ko. Hindi pa man ako nagmumulat, nahulaan ko na agad kung sino ito.My love, Dylan.Suot niya ang pabangong gustong-gusto kong ginagamit niya noong kasal pa kami. Lalaking-lalaki at hindi masyadong masakit sa ilong."Mahal? Thank, God, you're awake!"Bumungad sa akin ang naluluha niyang mukha.