NAKATUON ang buong atensiyon ko kay Thalia, pero ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Dylan habang abala ang lahat sa pag-aalmusal."Hon, gusto mo bang kumain mamaya sa labas?"Napatingin ako kay Dayana dahil sa sinabi niya. Naabutan ko pa siyang nakatingin sa akin bago mabilis na binaling kay Dylan ang atensiyon."Why?" Nabahiran ng pagtataka ang mukha ni Dylan. Ibinaba nito ang tasa ng kape at bumaling sa asawa."Ah, wala lang. Matagal na kasi tayong hindi nagdi-dinner sa labas. Baka lang gusto mo."Ibinalik ni Dylan ang atensiyon sa kinakain, pero natigilan ako nang maramdaman ang isang paa niya, hinihimas na ngayon ang binti ko.Hindi ko talaga alam kung paano nagagawa ng lalaking ito ang makipag-usap sa asawa niya habang nakikipaglandian sa akin sa ilalim ng mesa. Siguro dahil ugali na niya talaga ito!"Maybe some other time? Medyo busy ako sa work ngayon."Halatang nadismaya si Dayana sa nakuha nitong sagot. Hindi ako ipokrita kaya aaminin kong natuwa ako sa nangyayari. She dese
"Anong sinabi mo? Sinaktan ni Dayana ang inaanak ko!"Marahas akong nagbuga ng hangin habang lulan ng pampasaherong sasakyan. Kausap ko si Wena sa cellphone."Oo! Kinurot niya ang anak ko at kung ano-ano pa ang sinabi niya!""Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan! Anong cream ba ang pinapahid sa mukha ng malanding iyan at ganiyan na lang siya kakapal? Semento?"Inis akong nailing. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa sobrang galit sa ginawa ni Dayana. Hindi na siya nakuntento sa pagsira sa pamilya ko, sasaktan pa niya ngayon si Thalia!"So, what's your plan? Don't tell me, mananahimik ka lang sa tabi?""No, Wena. Ibang usapan na kapag nadamay si Thalia! I can put up with everything, pero ang makitang nahihirapan ang anak ko? Hindi!"Nang huminto ang jeep na sinasakyan ko, pagkatapos magbayad ay mabilis akong bumaba. Nagmamadali ang mga hakbang ko papunta sa building ng opisina ni Dylan."Hello, Ma'am Tanya—ma'am? Saan po kayo papunta? S-sandali po!"Hindi ko pin
Dayana's POV"Sino ba kasi ang naghahanap sa akin, Nay Linda?"Natigilan ako sa paglalakad nang sa pagbukas ko ng gate, sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Wena."W-Wena? Hey, sis! Long time no see—"Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong sinampal nang malakas. Gulat na napatingin ako sa kaniya."What was that for!""Para iyon kay Thalia! Anong karapatan mong saktan ang bata? Wala ka talagang kuwenta!"Matagal akong natigilan sa mga narinig. "Para kay Thalia? Pupunta ka sa bahay ko—uninvited, slapping me in the face, at sasabihin mong para kay Thalia?""Oo!""Bakit? Ano ka ba niya!""Ninang lang naman niya ako! Pangalawang ina ng batang sinaktan mo!""For God's sake, I didn't hurt her! I just grabbed her in the arms! Bastos kasi iyong batang iyon—"Napadaing ako at mabilis na humawak sa pisngi nang muli na naman niya akong sampalin. Kitang-kita ko ang paniningkit ng mga mata niya. Her face is fuming in red, as if she wanted to hurt me even more."Naiintindihan ko
"Mama, gusto ko rin ng donut." Malungkot na nakatingala sa akin si Thalia habang nakaupo ito sa dulo ng kama.Agad kong naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Napatingin ako kay Osang, malungkot din at naaawa ang mga mata nito habang nakatingin sa amin."I'll buy you a donut, baby. Kapag nagkatrabaho ulit si Mama, bibilhan kita ng isang box ng donut!"Umaliwalas agad ang mukha niya sa narinig. "Really, mama? Bibilhan mo talaga ako ng donut?""Oo naman, anak! Anong flavor ba ang gusto mo?""Iyong chocolate na may maraming nuts!"Malapad akong ngumiti bago siya niyakap nang mahigpit. "Ang sarap naman no'n! Parang gusto ko na rin kumain ng donut!"Hindi na kami bumaba para mag-dinner pagkatapos no'n. Lumabas lang ako sandali ng mansion at bumili ng makakain. Sa loob na kami ng kuwarto nag-dinner."Ma'am Tanya, bakit hindi kayo bumaba para kumain? Magagalit si Sir nyan.""Ayoko. Baka isipin ni Dayana, hindi kami makakakain kung wala sila. Tawagin pa kaming palamunin."Alas-dyes na ng gabi no
"Tanya, wait!"Hindi ko binigyan ng pansin si Timothy at mabilis na umalis sa harap niya. Nagmamadali akong pumara ng taxi nang makalabas ng purple cafe, pero kung minamalas ka nga naman, walang ni isang taxi sa paligid!"Kainis!" Nagdesisyon akong pumunta na lang sa pinakamalapit na sakayan ng jeep."Tanya, please! Let's talk!""I don't want to talk to you, ever!""Tanya, naman! Ang tagal kitang hinanap! I wanted to say sorry! Pakinggan mo naman ako!"Tuluyan niya akong hinawakan sa braso para pigilan, pero sa sobrang inis ko ay pinaghahampas ko sa siya gamit ang slingbag ko."Ayaw kong makausap ka! You ruined my life, Timothy! You ruined me!""And I'm sorry! Please!"Hindi ko napigilan ang sarili ko na maluha. Mas lalong napuno ng guilt at pagsisisi ang mga mata niya nang makita akong lumuluha. Nakakainis! Hindi ko mapigilan ang inis at galit ko kaya naiyak pa ako!"There's nothing to talk about! I can't ever forgive you!"Tinalikuran ko siya pero malakas niyang sinigaw ang pangalan
"Papayag ka bang manatili sa tabi ko... kahit makapanganak ka na?"Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "As what? As your mistress? No fucking way, Dylan Aragon!"Malakas ko siyang itinulak sa dibdib. Agad kong isinara ang pinto ng kuwarto at ni-lock ito.Malakas ang kabog ng dibdib nang tumalikod ako at sumandal sa pinto ng kuwarto. Nawawala na si Dylan sa sarili niya kung iniisip niyang papayag akong maging kabit niya habang-buhay! Akala ba niya, ginusto ko ito? Ang bumukaka sa harap niya sa tuwing nangangati siya?I loved him with all my heart and he chose to break me. Silang dalawa ni Dayana, trinaydor nila ako. At ngayon, naghihirap ang anak ko nang dahil sa kanila.Kapag nakuha ko na ang kailangan ko, gaganti ako sa kanilang dalawa!***Matapos makapag-ayos sa harap ng salamin, mabilis kong hinalikan sa pisngi ang natutulog na si Thalia."Ang aga n'yong aalis, ma'am! Nakahanap na kayo ng trabaho?"Nilingon ko si Osang nang dahil sa kaniyang tanong. "Hindi pa nga,
"Sir? Sir Dylan? Hey, Dylan! Are you listening?"Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang ilang ulit na pitikin ni Janice ang mga daliri niya sa harap ko."Are you back to reality, sir? Dumating na si Mr. Juan. He's waiting for you in the meeting room."Nagbuga ako ng hangin nang marinig iyon. "Ah, yeah. Sige, I'm coming."Mahinang natawa si Janice habang nakatingin sa akin. "Told you, balikan mo na.""What?""Sir, ilang araw ka nang tulala. Wala ka sa sarili at mukha ka pang zombie na naagawan ng pagkain.""Ano bang pinagsasabi mo?" Tumayo ako at diretsong naglakad papunta sa pinto."Si Tanya, sir.""Ano?" Napatigil ako bigla sa paglalakad nang banggitin niya ang pangalang iyon."Balikan mo na si Tanya, sir. Before it's too late.""It is too late, Janice. Kinasusuklaman na niya ako.""No, it's not yet. Basta alam mo kung paano babawi sa kaniya. There's still a chance na mapatawad ka pa niya.""At paano ako babawi sa kaniya? How do I do that? Hindi siya katulad ng ibang babae. Hindi
ILANG beses akong umirap matapos akong kulitin ni Dylan tungkol sa trabaho ko. Kahahatid lang namin kay Thalia sa private school kung saan nag-aaral din si Dianne."Good luck, baby! Babalikan kita after my work, okay?"Nakangiting tumango sa akin si Thalia. Humalik pa siya sa pisngi ko bago bumaling kay Dylan at kumaway rito."Papasok na ako, papa."Mula sa akin ay nabaling sa anak ko ang paningin ni Dylan. Nakita ko siyang pilit na ngumiti."Please, take care of her and my daughter," sabi pa niya sa teacher ng mga bata.Nakangiti namang tumango ni Mrs. Saturno. "Don't worry about your kids, Mr. Aragon. They are in good hands."Tinanaw ko mula sa labas ng classroom si Thalia. Nakita kong lumapit siya kay Dianne at nakangiting kinausap ito, pero pag-irap lang ang itinugon nito sa anak ko. Maldita talaga."Pasensya ka na kay Dianne, hindi siya sanay na may ibang bata sa bahay."Gusto kong umirap sa mga narinig mula kay Dylan. Hindi sanay na may ibang bata? Ayaw na lang kasi aminin na de
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin