"What are you talking about? Stop saying nonsense. Matapos mo akong hiwalayan?"
"Don't flatter yourself. I only want your egg cell."
Natigilan ako sa narinig. "My egg cell? Ano bang pinagsasabi mo?"
Nagbuga siya ng hangin at muling sinandal ang likod sa kinauupuan. Kalmado niyang sinalubong ang mga mata ko.
"Ako ang namamahala sa kompanyang ito, pero ayaw pa rin ibigay sa akin ni Lolo ang full authorization. Sa madaling salita, hindi pa nalilipat sa pangalan ko ang buong kompanya."
"And? Ano naman ang kinalaman ng egg cell ko sa company n'yo?"
"Ayaw ni Lolo ng ibang apo."
Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. "What?"
"Matagal na kitang pinahahanap, pero magaling kang magtago. Alam natin pareho na matalik na magkaibigan ang mga lolo natin. Ayaw niya ng apo mula sa ibang babae. Ang gusto niya, mula sa angkan ng mga Gaviola."
Nakaramdam ako ng matinding inis sa sinabi niya. Mabilis akong tumayo. "At gusto mo akong buntisin dahil apo ako ni Cosme Gaviola?"
"Yes."
"Baliw!"
Gusto kong damputin ang makapal na glass kung saan nakaukit ang pangalan niya at ibato ito sa kaniya. Pero naisip ko, bakit pa ba ako magagalit? Pabor sa akin itong gusto niya, may anak kami.
Kinalma ko ang sarili ko at muling naupo. "Hindi mo na ako kailangan buntisin, may anak na tayo."
"No. Hindi akin ang batang iyan. That child is Timothy's."
Masama ko siyang tiningnan. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. Ganoong klaseng babae ba talaga ang tingin niya sa akin? Sabagay, pinagbintangan niya nga akong pabayang ina. At sa akin niya isinisisi ang pagkamatay ng anak namin.
"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka? Anak mo siya!"
Itinuon niya sa akin ang buong atensyon niya. Nakangisi niya akong tinitigan gamit ang namumungay na mga mata.
"Bakit ngayon lang?"
"Huh? What do you mean?"
"Kung magtatatlong taon na siya, bakit ngayon mo lang sinabi? You said you were pregnant when you left, why didn't you tell me?"
Matagal kaming nagtitigan. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niyang iyon. Bakit nga ba? Bakit hindi ko nagawang sabihin sa kaniya?
Lumapad ang ngiti sa mga labi niya. "Because that child is not mine—"
"Because Dayana's pregnant." Mariin akong lumunok nang maramdaman ang bikig sa lalamunan ko.
Mabilis na nag-init ang gilid ng mga mata ko nang maalala ang araw kung kailan kami naghiwalay.
"I asked you, didn't I? Tinanong kita kung magiging masaya kapag umalis ako," mapait akong ngumiti, "and you said yes."
Lumamlam ang mga mata niya nang makita ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Mabilis ko itong pinunasan at umiwas ng tingin.
"Paano ko sasabihin sa iyo na buntis ako, kung wala ka nang ibang gusto kundi ang makita akong umalis? You want me gone, because you were having a baby with my friend. How can I stay?"
Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya tanda ng kaniyang paglunok. Bakit pa ba ako nagda-drama? It's all over between us.
"I'm here because your child needs you. Gusto ka niyang makilala."
Muli kong nakuha ang atensiyon niya sa sinabi ko. Hindi ako aalis hangga't hindi niya natatanggap si Thalia.
"May sakit siya sa puso... katulad mo. Kailangan niyang maoperahan."
Nagpakawala siya ng hangin. Nakita kong natahimik siya at ilang sandaling nag-isip.
"Hindi porke may sakit siya sa puso, anak ko na siya."
"Then let's have a DNA test. Siguro naman, kapag napatanuyan sa iyong kadugo mo siya, maniniwala ka na."
Marahan siyang umiling habang mataman na nakatingin sa akin. "It would take a week or two to get the result. I want your answer, now."
"My answer?"
Muling sumeryoso ang mukha niya. "I need a son from you."
***
"Oh, kumusta? Nagkausap na ba kayo?"
Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Wena nang makapasok ako ng apartment.
"Where's Thalia?" Hinanap ng mga mata ko ang anak ko.
"Ayon, nakatulog na sa paghihintay. Gusto mong gisingin ko?"
Umiling ako sa kaniya bago pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kitchen at uminom ng tubig. Sinabi ko na rin kay Wena ang naging usapan namin ni Dylan.
"E, anong sagot mo?"
"Sabi ko, pag-iisipan ko."
"Diyos ko naman! Bakit pag-iisipan mo pa? Ang ganda na pala ng inaalok sa iyo ng gago!"
Hinarap ko siya, panay akong iling. "I can't do it, Wena. Magsisiping kami para makagawa ng baby? That's absurd!"
"Anong absurd doon? Bakit paano ba ginagawa ang baby?"
"Wena, naman!" Inis akong bumalik sa sala at naupo sa sofa. "Maliban sa ayaw niyang tanggapin si Thalia bilang anak, gusto niyang may mangyari sa amin para magkaanak kami ng lalaki! He's married! At ano? Pagkatapos kong umanak, ano? Kukunin niya sa akin ang anak? No way!"
Dali siyang naupo sa tabi ko. "Malay mo naman, magkabalikan pa kayo!"
Nalukot ang mukha ko sa mga sinabi niya. "Okay ka lang? Anong tingin mo sa akin? Mang-aagaw? Isa pa, ayokong maging kabit!"
"E, iyo naman si Dylan! Inagaw lang ng plastic na Dayana na iyon! Hay, ewan ko ba sa babaeng iyon! Tatahi-tahimik, nasa loob naman pala ang kulo!"
Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Tumayo siya at nakakrus ang mga kamay sa dibdib nang pumuwesto sa bungad ng pintuan.
"Walang utang na loob! E, halos wala na silang makain ng mga kapatid niya noong umiiyak siyang humingi ng tulong sa iyo! Binigyan mo na ng trabaho sa kompanya ni Dylan, inahas pa ang asawa mo!"
Napapikit ako nang dahil sa narinig. "Ayaw ko nang maalala pa ang mga nangyari noon, Wena. Hindi na iyon ang problema ko ngayon."
"Tanggapin mo!" Nakapamaywang siyang bumalik sa harap ko.
"Pero, Wena—"
"It's a win-win situation, Tanya! Mapapagamot mo na si Thalia, makikilala pa niya ang tatay niya!"
"Pero ayaw ko nga sa hinihiling na kapalit ni Dylan! Hindi naman ako inahing baboy na paaanakin at saka kukuhanan ng anak! Hindi ko kaya iyon!"
"Oh, e anong gagawin mo? May pera ba tayo para sa pampaopera ni Thalia?"
Natahimik ako sa narinig. "Wala."
"Oh, iyon naman pala! Give and take lang iyan, Tanya."
"E, puro na lang ako bigay, wala naman akong nakukuha na kapalit maliban sa sama ng loob."
Naupo siya sa ibabaw ng coffee table sa harap ko saka mataman akong pinagmasdan. "Give and take, sister. Bigyan mo ng junior iyang ex-husband mo, at kunin mo ang pera niya para kay Thalia. Ibinigay mo siya noon kay Dayana, ngayon, kunin mo ulit."
Natigilan ako sa mga narinig. Ibang klase talagang mag-isip itong babaeng ito. Kaya siguro hanggang ngayon, wala pa rin jowa.
Buong araw akong hindi mapakali habang nag-iisip sa dapat kong gagawin. Wala na akong pakialam kina Dayana at Dylan, ang gusto ko lang, maoperahan si Thalia. Pero magagawa ko bang sumiping sa dati kong asawa para sa pera niya?
Paano kapag nabuntis na ako nanganak? Makakaya ko ba talagang ipamigay sa kanila ang anak ko? Makalipas ang mahabang oras, pagdating ng hapon ay bumalik ako sa company ni Dylan.
"Sir, bumalik na po si Ma'am Tanya," saad ng secretary niya sa intercom.
"Let her in."
Kabado akong pumasok sa office. Alam kong hindi tama itong gusto niyang mangyari, pero walang tama o mali kapag buhag na ng anak ko ang nakasalalay. Nakahanda na akong gawin ito.
"I've been waiting for you."
Napalunok ako nang makapasok sa opisina niya. Nakatayo siya sa unahan ng kaniyang table at nakapamulsa.
Tumango ako. "Pumapayag na ako, pero sa isang kapalit."
Humakbang siya palapit sa akin. "What is it?"
"Kapag napatunayan nating anak mo nga si—"
"Oo na, ipapagamot ko siya. Of course, I would do that."
"At hihingi ka ng tawad sa akin."
"Paano kung hindi ako ang ama?"
"Talong mo lang ang nakapasok sa pechay ko! Imposibleng hindi ikaw ang ama!"
Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, nang makabawi ay mahina siyang tumikhim. "Paano nga kung hindi?"
Puno ng pagnanasang tinitigan niya ako sa mukha. Umangat pa ang kamay niya at marahan akong hinaplos sa pisngi.
"Papayag ka bang maging akin... habang-buhay?"
"Sinusuwerte ka!" Malakas kong tinabig palayo ang kamay niya.Kung wala lang sakit si Thalia, hindi ako magpapakababa nang ganito para sa pera niya. Pero may problema sa puso ang anak ko, at malaking halaga ang kailangan namin."Huwag ka nang magpakipot. Alam ko naman kung ano talaga ang kailangan mo.""Ano?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa tono ng pananalita niya."Money." Lalo niyang inilapit ang katawan niya. "Maybe you're just using your daughter as an excuse to get close to me."Pakiramdam ko, umakyat sa ulo ang dugo ko dahil sa mga narinig."Ang kapal talaga ng mukha mo! Tama nga ang kasabihan, balutin mo man ng ginto ang katawan mo, aalingasaw pa rin ang baho ng totoo mong ugali!" Malakas ko siyang itinulak bago lumabas ng opisina niya.Pagkasakay ko ng taxi, hindi pa ito umaandar ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Wena."Tanya, ano ka ba? Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo!"Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ang pag-aalala sa boses niya. "Naka-silent ang phone ko,
TINAPON ni Dylan ang hinubad niyang blazer suit sa sahig. Napalunok naman ako nang tuluyan kong mahubad ang suot kong bra.Parang nakikipaghabulan sa mga kabayo ang puso ko. Stay calm, Tanya! This is just sex. Isang sex lang kapalit ng malaking pera para kay Thalia.Napangiti siya nang tuluyan kong mahubad ang panty ko. I stood in front of him naked. Halos manginig ako nang manuot ang lamig sa hubad kong katawan.Puno ng pagnanasang pinagmasdan niya ang malulusog kong dibdib. Halos matunaw ako sa paraan ng pagtitig niya. Puno ng pagnanasa. Mainit at malagkit. Nakakapaso."You look so beautiful." Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.Kulang na lang ay mapapikit ako habang dinadama ang init ng palad niya. I missed the warmth of his hand on my body. Iyong mga haplos niya na nag-iiwan ng paso sa tuwing lumalapat sa hubad kong katawan.Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Hanggang sa lumapat ang mga labi niya sa labi ko. He kissed me gently on the lips, and I eventually closed
KANINA pa tanong nang tanong sa akin si Thalia kung saan kami pupunta. Lulan kami ng sasakyan at nasa kalagitnaan na ng byahe. Nanatili naman akong tahimik at panay lang ang ngiti sa kaniya."Nandito na po tayo, Ma'am Tanya!" makalipas ang mahabang minuto, sa wakas ay sabi ni Manong Hulyo.Napatingin ako sa rear-view mirror kung saan nakatingin si Manong Hulyo na siyang sumundo sa amin sa apartment.Mabilis siyang umibis ng sasakyan para pagbuksan kami ni Thalia. Sa paglabas ko, saktong bumukas ang gate ng mansion at iniluwa si Dayana. Natigilan siya nang magtama ang mga mata namin.Mukhang totoo ngang alam na niya ang nangyayari sa amin ni Dylan. Hindi man lang siya nagulat nang makita ako. Blanko ang mukha niya habang nakatingin sa akin.Hindi ko tuloy mapigilang hindi maisip ang nakaraan. Ganitong-ganito rin ang eksena noong umalis ako ng mansion."Wow! Look, mama! A school bus!" Niyugyog ni Thalia ang kamay kong nakahawak sa kaniya at itinuro ang yellow bus na huminto sa harap ng k
"Dinner is ready!"Napatingin ako sa masiglang mukha ni Dayana nang tuluyan kaming makababa ng hagdan ni Thalia.Napatingin ako sa anak ko. "Sigurado ka bang ayaw mong sa kuwarto kumain?"Nakangiti siyang tumango sa akin. Sa totoo lang ay hinihiling kong umiling siya. Mas gugustuhin ko kasing sa silid maghapunan kaysa ang makasama sina Dylan at Dayana sa iisang hapag.Pumasok na kami sa loob ng dining room. Puno ng pagkain ang mahabang lamesa na akala mo'y may sampung bisita silang pakakainin."Sit down, please. Masanay na kayo, Tanya. Ganito talaga ako kung maghanda ng pagkain para sa mag-ama ko. Parang laging fiesta." Mahinang natawa si Dayana bago tinulungan ang anak na makaupo.Nakangiti siya sa akin, pero kapansin-pansin pa rin ang pagkadisgusto niya sa presensya namin ni Thalia. Hindi maitatago nang pagngiti at pagtawa niya ang tunay niyang nararamdaman.I can't blame her though. Her husband is playing fire with me who happens to be his ex-wife. Kahit sino naman yata, magagalit.
MATAGAL kaming nagkatitigan matapos ng mga sinabi ni Dylan. Now he is looking at me with gentleness in his eyes.Hindi ko maintindihan. Bakit ba minsan, parang gustong-gusto niya ako. Pero minsan naman, parang wala lang ako sa kaniya? Para bang bagay lang ako o gamit na walang halaga.Bumuntong-hininga ako bago nag-iwas ng paningin. "Nandito ako para kay Thalia. So, please... stop it."Matagal niya akong pinagmasdan. Nakita ko kung paano tumalim ang malamlam niyang mga mata."Yeah, I get it. You're a loyal bitch to that Timothy!""What—ohh! Dylan!" Muli akong napaungol nang bigla niyang hinagod ang kahabaan ko.Gusto ko sana siyang pigilan, pero kakaibang kiliti ang naramdaman ko nang bumaba ang mukha niya sa pagitan ng mga hita ko at hinalikan ang mga labi ng pagkababae ko.Tuluyan niyang hinubad ang mga suot niyang damit. "On your knees, now."Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Ilang segundo kaming nagkatitigan. "Are you sure this is okay with Dayana?""You are here now, right? D
ILANG magkakasunod na katok sa pinto ang pumukaw sa atensiyon ko. Katatapos ko lang maligo at tanging pink na tuwalya lang ang tumatakip sa basa ko pang katawan."Ikaw na naman?" Katakot-takot na irap ang ibinigay ko kay Dylan. Lalo na nang makita ko kung paano siya natigilan nang makita ang ayos ko."Good morning to you, too.""Walang good sa umaga ko. What do you want?" mataray kong tanong sa kaniya."I just want you to know that I'll be busy today and tomorrow.""And?""Sa makalawa natin gawin ang DNA test."Nagbuga ako ng mula sa ilong. "Sure."Isasara ko na sana ang pinto, pero mabilis niyang hinarang ang kamay niya. "Umagang-umaga, mainit agad ang ulo mo.""Ano bang pakialam mo? Umalis ka na nga—"Malakas akong napasinghap nang bigla niya akong hinila sa batok. Ngayon ay ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa."Stop being a bitch, Tanya. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako."Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba, pero hindi ako nagpasindak sa kaniy
"Ang kapal ng mukha niya!" Naiiling na nagpabalik-balik ng lakad si Wena sa harap ko.Nandito kami ngayon sa kaniyang bahay sa Antipolo. Kasama ko si Thalia na kasalukuyang naglalaro habang nanonood ng palabas sa TV."After what she did to you? May kapal pa siya ng mukhang humingi ng ganoong pabor? Bitch!"Nagbuga ako ng hangin habang nakaupo sa sofa. Lumapit siya sa akin at nakapamaywang na tiningnan ako."Ikaw, babae ka, huwag na huwag kang magpapaapi sa ipokrita na iyon, ah? Malaman-laman ko lang talaga na inaapi niya kayo, susugod ako roon!""Hindi naman talaga ako magpapaapi sa kaniya, pero hindi rin ako maghahamon ng away. Ayaw ko ng gulo.""Ang dapat sa bruhang iyon, inaaway! Sinasabunutan! Nang magising naman sa katotohanan na kabit lang siya na nang-agaw ng asawa ng iba!"Tumayo ako at hinila si Wena sa may kusina. Naririnig kasi ni Thalia ang pag-uusap namin."Tama ba itong ginagawa ko?""Ano na naman iyan? Nagi-guilty ka na naman? Diyos ko, ha? Si Dayana nga, hindi naman na
"Tanya?" I closed the door behind me and went straight to the kitchen.Wala siya.Inangat ko ang mga dala ko. Two paperbags. Ang isa ay naglalaman ng laruan para sa anak naming si Steffi, and the other one is for her.Before I went to work this morning, we argued because of Timothy. I've been accussing her of cheating on me with him. I just can't help it. Everytime I see them together, kinakain ako ng galit.I wanna punch Timothy in the face. Alam na niyang pag-aari ko na si Tanya, but that bastard keeps on tailing her.Marahan akong umakyat sa itaas at dumiretso sa kuwarto namin. I noticed the door to our room, it was slightly open.Lumapit ako at sumilip sa loob. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang nangyayari. "You piece of shit!"Tuluyan kong binuksan ang pintuan. Naabutan kong nagsusuot ng pantalon si Timothy, habang si Tanya... nakahiga siya sa kama namin. Hubo't hubad."Babe, wake up!" Mabilis na nilapitan ni Timothy ang asawa ko at marahan itong tinapik sa pisngi."Get
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin